PAGLUHOD

1286 Words
Tahimik akong nagdarasal habang papalapit sa simbahan gamit ang mga tuhod ko. Ito na ang nakasanay kung gawin sa tuwing nagsisimba ako. Alam kong maraming nakatingin sa akin at nagtataka sa tuwing ginagawa ito. Kung tutuusin ay kulang pa ito. Dahil sa laki ng aking kasalanan. Kung puwede ko lang ibalik ang nakaraan at baguhin ang oras upang maitama ang aking pagkakamali ay ginawa ko na sana. Masakit isipin na ako ang dahilan nang pagkawala nina papa at ate, dahil sa katigasan ng ulo ko. Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na iyon na sabay pumanaw ang dalawang mahal ko sa buhay. Pitong taon na pala ang nakakalipas. Bigla na naman pumatak ang masaganang luha ko sa aking mga mata. Kung puwede ko lang kitilin ang buhay ko. Ngunit ayaw kong madagdagan pa ang mga kasalanan ko. Gusto kong pagdusahan ko ang aking nagawang pagkakamali. Ito lamang ang tanging paraan. Upang maging mapanatag ang loob ko. "Stella, hanggang kailan mo paparusahan ang iyong sarili?" Bigla akong palingon sa tao na tumawag sa akin. At nakita ko si Father Santi. Nababanaag ko sa mukha nito ang pagkahabag sa akin. "Hanggang may natitira pa akong hininga father. Kung tutuusin ay kulang pa ito. Dahil hindi ko na maibabalik ang buhay nila," malungkot na wika ko. Kasabay noon ang pagpatak ng luha ko na agad ko ring pinunasan. Hindi ko kailangan umiyak. At ayaw ko ring kaawaan ako ni father Santi. "Hija, may dahilan ang Diyos kaya nangyari iyon. Alam kong hindi mo rin ginusto ang pagkawala nila. Sapat na ang mahabang panahon na ginawa mong pagpapahirap sa iyong sarili. Stella, ipapaalam ko lang sa 'yo na lahat ng tao ay mamamatay. Nagkataon lang na nauna ang iyong kapatid at ama. Tanging panginoon lang ang nakakalam kung kailan tayo kukuhanin niya," mahabang litanya ni Father Santi. Hindi ako nagsalita sa tinuran ni Father Santi. Muli akong tumingin sa harap ng altar. Para sa akin ay tama lang itong ginagawa ko bilang kaparusahan sa aking kasalanan. Kung sumunod siguro ako kay Ate buhay pa sana sila. Hanggang sa narinig ko ang malalim napagbuntonghininga si Father Santi. Alam kong may nais pa itong sabihin pero pinigilan na lamang nito. Dahil hindi rin naman ako makikinig sa ano mang sasabihin nito. Kaya nagpaalam na rin ako rito upang ipagpatuloy ko ang paglalakad habang nakaluhod. At nang makarating sa harap ng altar ay taimtim akong nagdarasal upang makahingi ng kapatawaran sa nagawa kong kasalanan noon. Pagkatapos kong manalangin ay agad akong tumayo. Para umuwi. Alam kong magagalit na naman sa akin si Mama. Ngunit kailangan kong tanggapin ang masasakit na salita nito sa akin. Inayos ko ang balabal sa aking ulo at tuluyan naglakad. Papalabas ng simbahan. Hindi naglaon ay nakarating ako sa harap ng gate na kung saan kami nakatira. Walang ingay na binuksan ko ang bakal na gate at tuluyang pumasok sa loob. Natanaw ko agad si Mama sa harden at ito'y nagdidilig ng mga halaman. Bigla itong lumingon sa akin. Nakikita ko ang galit sa mukha nito pero hindi ko ininda iyon. Nang tuluyan na akong makalapit dito ay agad kong kinuha ang kamay nito upang magmano, ngunit tinabig lamang nito ang palad ko. "Saan ka galing, Stella?!" galit na tanong nito at halos mabingi ako sa sigaw niya sa akin. Mahinahon pa rin akong sumagot sa tanong ni Mama sa akin. "Nagsimba lang po ako, Ma." "Nagsimba ka?!" bulalas na tanong nito. "Opo, Ma." Madilim ang mukha na tumingin ito sa akin. "Kahit magsimba ka, hindi na mababago na ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak at asawa ko! Kahit gumapang kapa papasok ng simbahan o lumuhan ng dugo ay hindi na mababago iyon. Alam mo bang galit na galit ako sa 'yo, Stella? Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagdurusa ngayon! Sana ikaw na lang ang nalunod sa dagat, Stella. Siguro magiging masaya pa kaming tatlo!" sigaw ni mama sa akin. Nakatingin lamang ako kay Mama at tinatanggap ang masasakit na salita nito. Wala akong makapang galit sa aking puso. Sapagkat totoo ang mga binigkas niya na ako ang dahilan kung bakit nawala sila. Nakita kong tumulo ang luha ng aking ina. Kaya naman agad akong lumapit dito upang aluin sana ito. Ngunit isang malakas na pagtulak ang ipinagkaloob nito sa akin dahilan kaya napaupo sa ko lupa. Malungkot ang mga mata ko habang nakatingin sa lumuluha kong Ina. Masakit sa aking dibdib ang nakikita kong naghihirap ito. Kung puwede ko lang hilingin na buhayin si ate at papa at ako na lang ang ipalit ay ginawa ko na sana. "Maglinis ka sa buong kabahayan dahil ngayon araw darating si Jared!" pagalit na utos sa akin ni Mama bago tuluyang tumalikod. "Pauwi na pala si Kuya Jared..." mahina kong bulong. Kailanman ay hindi ko malilimutan ang galit nito sa akin. Dahil isa rin ito sa mga taong sinisisi ako kung bakit nawala ni Ate Sabel. Ngayon ay babalik na ito. Makakaya ko pa bang harapin ang pagkasuklam nito sa akin? Ang tanging magagawa ko na lamang ay tanggapin ang masasakit na salita nitong bibitawan. Dahil iyon ang nararapat sa tulad kong makasalanan. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid na kung saan kami nakatira. Ito ang tanging kanlungan namin simula nang unti-unti na kaming naghirap. Mula kasi nang mawala si ate at papa ay nawalan na nang gana si Mama na magtrabaho. Hanggang sa tuluyan na nga itong natanggal bilang guro sa school na kung saan ito nagtuturo. Labis akong nahabag sa kalagayan ni Mama ng mga panahong iyon. Halos araw-araw ito naglalasing at nalulong na rin sa sugal. Kaya ang perang naipon ni Papa ay tuluyang nalimas. Hindi ko naman ito masisisi dahil alam kong sobrang masakit dito ang nangyaring pagkawala nina ate at papa. Hanggang isang araw ay biglang sumulpot sa amin bahay si Kuya Jared at kausapin si Mama. Mas nabigla ako nang isama na nga kami ni Kuya sa bahay nito at sinabing doon na kami titira. Gusto lang daw nitong tulungan si Mama, bago umalis papuntang ibang bansa dahil sa negosyo. Nakikita raw kasi nito ang paghihirap ng aking ina. Ito rin ang tumulong kay Mama para makabayad sa utang nito dahil sa pagsusugal. Napag-alam ko rin pati ang bahay at titulo ng lupa namin ay nagamit ni Mama para may pangsugal. Hindi na rin ako pinag-aral ni Mama dahil wala raw akong kwentang anak at kapatid. Kahit ganoon pa man ang trato nito sa akin ay wala akong makapang galit sa aking puso. May lungkot sa aking mukha na pumasok sa loob ng kabahayan upang mag-umpisang maglinis, dahil darating na ang isa pang tao na galit na galit sa akin at halos isumpa ako noong mga panahong iyon. Walang iba kundi si Jared Avila. Hindi naman masyadong madumi sa bahay ni Kuya Jared. Sapagkat araw-araw itong pinalilinis sa akin ni Mama. Nilinis ko rin ang kwarto ni kuya Jared. Nakita ko pa nga ang litrato ni ate Sabel na naroon pa rin. Masaya ang tabas ng mukha ni ate rito habang nakayakap si kuya Jared. "Ate Sabel, sana mapatawad ninyo ako ni papa sa naging kasalanan ko sa 'yo. Ako ang dahilan kung bakit kayo nawala. Kung ako lang ang masusunod dapat ako ang nandiyan ngayon. Masaya sana si Mama ngayon ganoon din si Kuya Jared," kausap ko sa picture ni ate Sabel. Ramdam kong may pumatak na luha sa aking mga mata. Saka hindi na rin ako aasa na muli kaming magkaayos ni Mama. Baka nga magdiwang pa ito oras na ako'y mawala sa kanyang tabi. Ngunit ayaw ko namang iwanan ang aking Ina. Lalo at wala na ring mag-aasikaso rito. Sabihin pang suklam na suklam ito sa akin. Ay labis ko pa ring mahal ang aking Ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD