(STELLA’s POV) “Stop crying, Stella!” mariing pasaway sa akin ni Jared. Dahil sa takot ko sa galit na boses nito ay dali-dali kong pinahid ang mga luha kong naglalandas sa aking pisngi. Medyo napa-urong din ako dahil nanlilisik ang mga mata ng lalaki. “Ano pang hinihintay mo, Stella? Bumalik ka na sa kwarto mo. Huwag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi, go!” Taranta akong tumalikod, ngunit bigla akong napahinto sa paghakbang nang kuhanin ni Jared mula sa aking mga kamay ang tray na dala-dala ko na may kanapatong na kape. Natuwa naman ako dahil hindi na sayang ang ginawa kong effort. Sapagkat iinomin pa rin pala nito ang kape. Tuloy-tuloy na lamang akong humakbang para pumanhik sa kwarto ko. Pagdating sa gitnang hagdan ay huminto ako sa paglalakad at lumingon para tingnan kung um