Nasa parking lot na kami at kasama ko rin si Isko at maging amg iba pa pero itong si Isko ay waring engot nakabantay na mabuti sa akin. Feeling naman mawawala ako! Akala ba ng lalaking ito ay pupuga ako ng basta? Kaloka naman.
Nakatanga lang talaga literal sa akin ang lalaki na waring may gustong gusto itanong, o sabihinbna kung ano, pero sorry siya wala ako sa mood ngayon makipag-talk kaya kung ako sa kanya manahimik na lang siya sa isang tabi at baka abutin ako ng imbyerna.
Nakatingin lang ako sa cp ko pero wala namanng ibang ginawa kundi ang orasan lang talaga si Darius. Dahil nga wala namang makapukaw ng yamot ko sa lalaki at parang tila ba ang tagal ng isang minuto bago lumipas mas dumoble tuloy ang yamot na nararamdaman ko.
Nakakairita din naman talaga dahil lumipas na ang limang minuto at wala pa si Darius. Etching ko lang naman 'yun ng sabi ko naman na 15 mins. ko siya hihintayin, pero ang gusto ko sana kanina awra mismo sumunod siya sa akin agad-agad.
Oo demanding ako! Why? kasi deserve ko naman talaga. Medyo sakit ko na din talaga ang ugali na pagiging impatience. Mabilis akong dapuan ng buryong na minsan ay kaaway ko din na ang sarili ko dahil sa ugali ko na ito.
Damang dama ko na nga ang paunti-unting pag-pitik-pitik ng ugat ko sa sentido medyo nabuburyong na ako dahil sa inip. Mali pala buryong na buryong na ako gusto ko ng sumugod pabalik doon. Malala na itong inis ko kasi tipong gustong-gusto ko ng bumalik sa loob at ako mismo ang kakaladkad kay Darius palabas. I really don't know why talaga! Bakit ba kasi pagdating kay Darius ibang iba ang asal at ugali ko. No!This is far from love. I know.
Inaari ko siguro talaga siya kaya siguro ganito na akong umasta. Saka sa lahat ng ayaw ko pa naman ay mag-antay ng mag antay, ng matagal. Minsan kahit ilang minuto lang matagal na iyon sa akin.
But there's always an exemption at ang malala doon ay mga kaibigan ko sila. Ganun ako. To the point na tino-tolerate ko ang ibang ginagawa nila. Nauunawaan ko sila ng sobra parang mag karugtong na ang bituka namin. But iba talaga kay Darius. Ibang iba sa kanya hindi ko kayang unawain na bakit hindi ako ang inuuna, pinipili at pina-priority niya lagi.
In Darius' case talaga masyadong nagugulo ang bulbol ko este isip ko at damdamin. I really don't have enough patience with him, even sa mga actions niya. KSP talaga ako kung iisipin ng iba! Magaling lang ako magdala ng acting kada eksena talagang in character kung binira. Kapag nga din ang lalaki ang issue gusto ko mabilis ang ganap at responde parang buhay na buhay ang mga ugat ko. Handang handa na pumalag sa lahat.
Binalingan ko ng tingin si Isko at ang iba pa sa labas na parang mga timang na gulat na gulat. Parang mga nakakita ng multo o para bang nakita si kamatayan. Tila mga hihimatayin pa ata. Kanina ay busy din si Isko, lumayo pa nga at may kausap sa cellphone mukhang ayaw ipadinig sa akin kung ano man ang pinag-uusapan. Binaliwala ko na lang iyon at nagsalita na ako para pukawin ang atensyon ng mga lalaki.
"Chill guys! Ako lang ito! Sobrang ganda ko ba talaga at na starstruck kayo sa akin? Kasimple ko lang pero 'wag ka sa ilang kurap niyo pwedeng—pwede kong malaslas ang mga leeg niyo ng hindi niyo na mamalayan," sabi ko sa mga lalaki na mga napalunok at parang mga naaligaga.
Gusto ko sana bumunghalit ng tawa award ang reaksyon nila mga hirap na hirap lumunok.
"Well… Well… Well… Wala tayong magiging problema guys, kung makikinig kayo sa akin at sasang-ayon. Nauunawaan niyo ba? Simple lang ang mechanics ng diskusyon natin!?! " mahinahon na sabi ko sa mga lalaki waring nabunutan ng tinik pero mga di sumagot kaya inulit ko.
"Nauunawaan niyo ba!?! " ulit ko sa mas mataas na boses mukhang mauutot ako nito mamaya kakapigil bumunghalit ng tawa okay pa kung mai-dighay na lang. Ewww,,, pala 'yun utot na nga lang.
"Y-yes M-ma'am," sabay-sabay na sagot nila na bahagyang nauutal pa.
"Award talaga tayo self ang galing nasindak talaga sila." bulong ko sa sarili ko ewan ko ba tuwang tuwa ako pag may mga lalaking napapa-sunod ko o yung naging under kom.
"Good! Kung ganyan ba kayo lagi di walang problema. Walang masasaktan at walang malalaslaan ng leeg. So may tanong ako at gusto ng sagot. Mukha naman nauunawaan niyo at nakakaunawa kayo ng purong tagalog. So here's my question, pasayahin niyo sana ako sa sagot niyo. Sino na ba ang bagong boss niyo?" malambing naman ang pagkakasabi ko—pero ang mga mukha nila parang takot pa rin. Pinapasya nila ako at medyo nababawasan ang inip ko.
"Ma'am—" si isko iyon. Parang gusto pa na tumutol ng mokong na ito.
"Tahimik Isko!?! May kasunduan tayo diba? Ano ayaw mo na ba o gusto mo? Kung ayaw mo okay lang, pero if gusto mo manahimik ka d'yan!?! " puno ng diin na sabi ko na umani ng tango at lunok kay Isko I get it patay na patay ito kay Wheng.
" So ano boys? Uulitin ko ang tanong. Sino ang bagong boss niyo?" Dinaig ko pa talaga ang may maraming katauhan ang bilis mag-palit-palit ng mood at ugali ko natawa na lang ako sa loob-loob ko mamaya baka akalain nila na may kaltok ako sa ulo.
" Ka-yo po! " mahinang sagot ng mga lalaki. Medyo banas na ako. Kaya mabilis akong lumapit sa isa at isang iglap dinis-aramahan ito sabay tutok sa mga lalaki.
"Ako boys talagang kakapirot at maikli lang ang pasensya ko na meron sa katawan ko. Maige pa nga ang tinapay na pasensya ang pangalan pero ako wala yan sa diksyonaryo ko at sa ngayon iyong kakapirot na pasensya parang uspod na uspod na. Kaya kung ako sa inyo pag may tinatanong ako sumagot kayo ng maayos at malakas. Sayang ang mga t**i niyo na hugis mikropono kung ang mga boses niyo daig pa ang hindi nakaka-sipsip ng pukekang… Kabanas na kayo… Uulitin ko pa ba mula umpisa?!?"Pikang pika na tanong ko. Binabanas ako sa mga lalaking ito Eh…
", Nauunawaan niyo ba ako? Wait… Ibahin natin ang diyalekto. Intiendez mga motherfuckrez?" hindi ko alam kung ano na iniisip ng mga ito sa akin. Aba bahala silang mga hinayupak sila baka gusto nilang masampulan.
" Ye—"naputol ang pagsagot ng mga tukmol dahil may malakulog na sumigaw ng pangalan ko. No other than my Asawang kong tagas.
"Romary!" Dumadagundong na boses mula sa boss-abos nila na si Darius.
Mas exciting pa nga ito. Gusto ko na sumagot sila sa harapan ng boss nila kaya kinalabit ko ang gatilyo at pinatama sa paahan ng mga ito. Hindi ko naman aasintahin sila pang gulat pa at to my surprise ay parang choir lang sila na sabay sabay sumagot ng.
"Ikaw Ma'am. Ikaw po ang bagong boss namin." Sobrang bilis na sagot ng mga ito pero natigilan ng pukulin ni Darius ng masamang tingin. Iyong tingin na para kang pinapatay. Well sorry my asawa kong tagas. 1 point for Em-Em.
Ngiting tagumpay ako. Aba! winner ang beauty ko, maya maya lang may kumuha na ng baril sa kamay ko. Hindi ko na ito tinutulan pa alam ko naman na nakuha ko na ang gusto ko. At saka si Darius lang ang may lakas ng loob na lapitan ako at dis-armahan..
Humarap ako sa lalaki na mabagsik ang tingin na pinupukol sa mga tauhan na hindi na rin mawari ang gagawin. Sinulyapan ko naman ang relos nito sa pulsuhan 8 mins. lang pala ang lumipas.
" Not bad! " bulong ko sa isip ko bago muli ko ng hinarap ang lalaki ng tuluyan.
Nakita ko sa mata ni Darius ang ilang mga emosyon hindi ko tukoy kung paghanga ba o pagka-aliw na may kasamang iritasyon. Iritasyon na sure akong hindi para sa kin kundi sa tauhan niya. Aba bakit sa akin siya mai-irita?. Hindi ko siya binibigyan ng permiso.
"Hi! Asawa kong tagas. We're just having a bonding here. Masaya nga e! You know your men are now my servants. Di ba boys?" malambing nasabi ko at tanong.
Hindi naman sumagot ang mga lalaki kaya nagbago ang anyo ko. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko ng mag sagutan na sila mukhang na shock pa kanina." Weak! " buska ko sa isip ko.
" O-po! " sagot nila. Perfect ang galing talaga nila. Ang saya ng pakiramdam ko. another platoons of mens are now under my manipulation…
" Enough. Tara na!.. We need to go. May pag-uusapan pa tayo. Hindi ko gusto ang asal mo!?" sabi ni Darius na may diin na kasama, pero inilingan ko siya na umani ng pagka-kunot ng noo.
" Bakit ako ba gusto ko ang ginawa mo sa akin? So amanos na tayo Darius," Pa asik na sagot ko sa lalaki na hindi kumibo kaya nag salita ako muli.
" And I'm sorry D', I can't go with you. May mga gagawin pa rin ako at mas IMPORTANTE IYON." Pinag-diinan ko ang importante gaya ng ginawa niya sa akin last time.
" And Dear let me clarify to you that— My life, my rules. Kung ayaw mo doon wala akong magagawa. Magalit ka man, pero ingat ka uso pa naman ang heart attack. Ikaw din sayang ka. Hmm, saka hindi pa kita natitikaman kaya mabuhay ka hanggang wala pa tayong ganap." Mahabang sabi ko sa lalaki na mukhang gulat na gulat pa pero mabilis nakahuma. Okay lang at least nawiwindang ko kahit saglit ang yelo.
Tahimik ang lalaki na kamata sa akin. Nakakapagod kumuda tapos yung kausap mo hagya na sumagot.
" Hindi talaga ako pwede ngayon D'. May naka schedule kasi ako na gora kaya it's a big no muna. Sige na uwi ka na asawa ko at lalakad na ako," taboy ko sa lalaki na parang hindi inaasahan ang sinabi ko.
" Romary, Bakit ba lagi ka na lang may lakad? Why don't sumakay ka naman mahal ko. Ayokong mapapagod ka sa paglakad-lakad mo. Use a car baby." Seryosong sabi nito na nagpa-awang sa bibig ko. Dinig ko ang singhap ng iba na bodyguard nito at ngisi ni Isko waring pigil na pigil ang tawa.
" Ano yun? Is he joking? Takte seryoso naman ang mukha." tanong ko sa isip ko pero nagulat na lang ako ng umangat ako sa ere at narinig ko mahinang sabi ng lalaki na,
" Why don't you try to ride me on baby!" paulit-ulit nag-play sa utak ko ang narinig ko. Hindi ko mawari kong kathang-isip lang ba?.
" f**k ito na ba yun? " gilalas na naibulalas ko na turan sa isip ko. Kaso nabura agad ng magsalita si Isko.. Minsan iniisip ko ng ipa-salvage si Isko e, agaw eksena iniisip ko lang Iron kung hindi dahil doon nako matagal ng inuuod si isko.
" Boss, sorry pero kanina ko pa sana sasabihin sayo na— she's waiting for you! kailangan ka daw po niya! " mababang sabi ng lalaki kay Darius.
" She's daw?. May babae si Darius? " nakakapag-init talaga agad ng kokote salimbayan na ang ibat ibang senaryo sa akin.
Magsasalita sana ako ng biglang lumapat ang paa ko sa lupa. Napatingin ako sa lalaki. Tila na hulaan nito ang ibig ko na pakiwari.
" You can go now Romary. Next time tayo mag usap, iiwan ko ang ibang BG sayo. May pupuntahan pa pala ako nakalimutan ko lang. Mahalaga ito. " sabi ng lalaki na nakatitig sa mukha ko. Pero wala akong pakialam doon.
Sa mga salitang mahalaga at she's waiting ako mas nakatuon. Sakit gumanti agad ang hinayupak sa akin pero teka nga. Sino ba yun? maraming beses na tanong ko sa utak ko kaya isinatinig ko na.
Dapat malaman ko kung sino ang sagabal sa akin. Ke babaeng kambing, baboy, manok, ahas o tao pa 'yun humanda sila. Akala ko pa naman this is it pancit na.
" Heaven na nalusaw pa. " kanchaw ng isang bahagi ng utak ko., Pero bago makasibat si Darius nakagawa ako ng tanong para sa lalaki.
" Sinong pupuntahan mo Darius?" malumanay na tanong ko. "Babae mo ba?," Dagdag na tanong ko na waring alam na alam ko ang sagot..
" Babae ko?" imbis sagutin ako ay binalikan lang ako ng tanong. Ngunit naputol na muli ng kinuha ni Isko ang atensyon nito may pinakita. Parang isang kisap lang ng mata naiwan ako kasama ang ibang bodyguards. Umalis na agad without any answer.
" Nako Tang na mo Isko itatago ko talaga si Wheng sayo. Mga sagabal kayo sa akin." Maktol ko pa.
" Tang ina mo Darius! " Sigaw ko na ikina-gulat pa nga ng mga loko lokong bodyguards, pero ng makarecover nagsalita. " Malaman ko lang kung sino siya malilintikan kayo sa akin lahat!?." Gigil pa nasabi ko. Nagsalita ang BG na naiwan.
" Ma'am samahan po namin kayo, sabi ni Boss D, hindi namin kayo pwedeng lubayan," sabi ng lalaking parang bodybuilder champ ang katawan.
" No! Sumunod kayo sa lalaking iyon ngayon mismo."sabi ko sa kanila kita ko ang pag aalangan nila.
" Ma'am malilintikan kami kay Boss—" sabi ng isa na mukhang kwago nag mata. Pero pinutol ko agad.
" Kanina sabi niyo ako ang boss niyo diba? Kaya ako ang masusunod. Sundan niyo sila maliwanag. Pero,,, kaya kayo susunod ay para maging mata ko. Amina cp mo,Hulk! " Sabi ko sabay lahad ng kamay. Ibinigay naman agad ng lalaki at agad kong pina-ring ang cp ko mabilis na sinave ang no. ng lalaki at ang pinangalanan ko ay Hulk. Para naman talaga siyang ganun.
"Get's niyo ba ako? Susunod kayo para maging mata ko. One more thing pakisabi na kaya ko kayo pinabalik ay sagabal kayo sa date ko sa kabit ko. Iyan ang sabihin niyo maliwanag ba?. Don't worry sagot ko kayo. Akong bahala sa inyo. Ako na ang boss niyo. Ayoko ng traydor. Alam ko kung nasaan ang mga jowa niyo at asawa. Iba ako lumaban. Patas ako pagpatas kayo. Pero once na niloko niyo ako buong buhay niyo magiging bangungot at ako ang magbibigay noon.. So, are we clear na mga alagad ng magandang dyosa?"feel na feel ko talaga ang pagiging masamang babae na boss..
Well totoo naman easy lang hanapin ang pamilya nila pero hindi ako ganun kasama ah..
Umalis na ang mga bodyguard at ako heto nagbibilang ng bawat minuto. Inaantay ko ang tawag ng lalaking galit na galit. Later susunod din ako sa lalaki pero syempre lihim iyon. Ngunit lumipas ang 10 minuto walang tawag na narinig bagkus isang mensahe ang pumasok galing sa taong ayaw ko muna sana na makausap dahil magpahanggang ngayon wala aking tiwala sa kanya.
" ( Remember your mission. I'm still waiting for the result. Don't try my patience Em-Em. I'm your Guru. Better to focus on your goal. Hawakan mo ang puso mo baka durugin din ng subject mo ang puso mo, mahirap makabangon pag nagkataon ida yan sa mahirap paghilumin. Don't do stupid things Em-Em. Ingat ka Em, I'm waiting for your report very soon.)" After kong mabasa ang message from that person.Biglang nanariwa ang nakaraan sa akin.
Ang nakaraan na pilit kong tinatakasan pero hindi e, nakakabit na sa akin. Lahat ng sakit, kalungkutan at pagkabigo nakatahi na sa aking laman.
But she's wrong. Oo, siya ang nagturo sa akin but one thing is for sure. Hindi niya ako mapapa-sunod gaya ng iba. I Have my own rules in life, kung kailangan tapusin ko rin siya gagawin ko.
I'm Romary Jaranilla and Jaranilla never kneels down to anyone. Walang Jaranilla na tanga at bobo. At sana lang talaga maisabuhay ko ang mga ito.
Hindi ko hahayaan na ilugmok ako ng ibang tao dahil kahit ubusan ng swerte at buhay kakasa ako. Kung ano man ang malaking galit niya sa angkan ko aalamin ko 'yun at kung banta siya sa pangarap kong buhay, it' s better na ngayon pa lang matapos o mawala na siya sa landas ko at mapakinabagan na agad ng uod sa lupa..
I'm Romary "Em EM" Jaranilla—Pantay at patas lumabas lalo't sabayan at walang halong plastikan. Hindi ko forte ang patago at pailalim lumaban.
I can give all of you a smile, but not the genuine one. Kilala ko kung sino ang totoo sa hindi. Alam ko kung sinong nagmamalinis at kabilaanin. I will definitely help you na hubarin ang mga maskara n'yong mga impokrita. Makatao maaaring ako rin yan pero mas masahol ako sa hayop pagkinati ang mga taong mahal ko.
If you want war I'll give war that you wouldn't wish..