Para ang hirap paniwalaan ng lahat ng ito pero ang koneksyon ko kay Darius ay sobrang lawak at sobrang umiikot sa maliit sa sirkulo.
Imagine that my friends, Sharina, Misha, Cristine, Sandra and Wheng, konektado din pala sa mga kaibigan ni Darius. I really don't know their story kung paano at gaano na sila katagal magkakaibigan nina Darius. Hindi ko na intensyon pang dukalin ang kanilang pinagsamahan alam ko naman na sa tamang oras ay lahat ng iyon ay malalaman ko rin.
Flashback…
After kong umalis ng building ni Darius kung saan siya nagtatrabaho at nag-oopisina ay mabilis na tumungo sa tahimik na lugar kung saan ko kikitain ang kaibigan ko. Halos 30 mins lang ang lumipas narating ko ang lugar dahil nga medyo reckless na driver ako. Well better na dito kami magkita at mag-usap walang marites dito,puro mga nananahimik na for life.
Mabilis akong bumaba sa aking kotse. Alam ko na kanina pa may nakabuntot sa akin and for sure ay tauhan ni Darius ito. But I don't know kung sino—wala din naman akong pakialam.
Sa loob ko lang naman sana ay maganda nga kung si Isko ang sumusunod para naman mamorblema ang babaeng kakatagpuin ko ngayon. Dahil alam kong sesmoso si Isko kaya may bubuntot talagasa akin. Feel ko lang mag jejelling jelling ang baby ko. Sa isang mosileyo ko natagpuan si Wheng na mukhang malalim ang iniisip.
" w******p p***y—cat! " Gulat ko sa babaeng mukhang lutang na lutang at wala pa sa sarili pero dahil sa akin ay nagulantang.
"Put*ng ina ka! Romary naman! 'wag ka ngang ganyan!?" gulat na gulat na sabi ni wheng sabay ingod sa akin habang hawak ang dibdib. Eme din itong babae na ito e wala naman s**o. Attitude yarn, talaga ba?nBruhang to e siya nga ang abala sa buhay ko.
" Hoy! babaeng matimtiman tigilan mo ako sa pa virgin effect mo na gulat na gulat ha! If I know sanay ka sa gulatan. Tsura mo Wheng 'wag ako baka maikant*t este kanta ko kay Isko na alam ko kung nasaan ka!" taas kilay na sabi ko mukhang natauhan ito at mabilis nag-beast mode. Oh diba ako lang talaga ang honest sa amin at lantaran mga ito kunwari mga angel pero kampon din ng Santi.
" Umayos ka Em-Em ah! Tantanan mo ko sa Isko na 'yan. Matagal ng tapos ang sa amin. Wala ng round two kaya utang na loob 'wag na 'wag mong sabihin sa taong iyon na bumalik na ako! " Mukhang bitterella ang kaibigan ko. Well paano ko ba sasabihin na hindi ko na need I-talk kay Isko kasi narito na si Isko.
Hindi pa man ako nagsasalita ng lumitaw na si Isko at ayun habulan ang peg ng dalawa. Habang tuwang tuwa ako sa style nila kunwari ayaw pero pahabol din naman talaga.
" Hoy! Wheng kilala kita oy! baka may baby no. 2 agad ah! Ninang ako ulit," sabay bunghalit ko ng tawa.
" Sorry na uwu, uwu! Wheng later na tayo mag talk muna. Enjoy sa habulan, "bulong ko na ako lang ang nakakarinig. Kabaliw din talaga. Mabilis akong umalis pero may nakita akong lalaki na kausap ang isang puntod.
Dahil talamak na tsismosa ako nilapitan ko. Nang malapit na ako nakilala ko kung sino si Rexor Severillo pala. I have a strange feeling yung parang magaan kaya na kipagchickahan muna ako dito. Nang akmang makikipag-shake hands ay agad akong lumayo. Wala trip ko lang e, para maiba.
" Sorry, strict ang jowa ko. Ayaw niya na may ibang hahawak sa akin lalot gwapo," sabi ko sa lalaki na parang na amaze pa sa akin. Nagkaroon ng ilang usapan kami at nagka-palagayan hanggang biglang lumapit si Isko.
No choice kaya sumama ako rito pero bago yun nagpaalam ako mukhang lito ang lalaki dahil kilala si Isko. Malamang na kilala nga kasi right hand ito ng kaibigan niya. Pero wrong move pala na sumama ako kay Isko dahil ikinulong ako ng loko sa isang condo unit na ito utos daw ni Darius. Maganda at comfy naman pero hindi ako makakapayag na ikulong dito. Kala ba nila mapipigalan ako na umalis dito.Never.. .
End of flashback.
Kasalukuyan ako ngayon na tumatalilis, pero iniisip ko na magpahuli na lang para 'di na ako mahirapan pa na hanapin si Darius. Kailangan malaman ng lalaking iyon na hindi niya ko dapat manduhan at itali na para bang wala akong kapasidad na maniobrahin ang buhay ko. I'm an independent woman.
Hindi ko kailangan ng kagaya ng mga lalaking aariin ka sa paraang gusto nila na halos hindi na makagalaw at makahinga. Hinding hindi ako magpapasakal sa ganun na uri ng relasyon. Habang inaantay sina Isko naupo muna ako nag weak ng mga ito 10 mins. bago pa nila ako nakita. Kung totoo natatakas ako malamang sa malamang malayo na ako dito.
" Ma'am, sumama na kayo sa amin. Malilintikan kami kay Boss D' paghinayaan namin kayong makaalis! " Hingal na hingal na sabi ni Isko. Weak din ito paano nga ba nito mahuhuli si Wheng e ang bagal-bagal kumilos kailangan ata ng training. Bumunghalit ako ng tawa bigla.
" Alam mo Isko, kung aalis ako talaga kanina pa e, malamang hindi niyo na ko nakita ang bagal niyo kasi e, para kayong hindi tauhan ng acting pinuno. Teka nga! Ganito na lang para hindi ako mag-pasaway o gumawa ng gulo, pwede bang dalhin niyo ako sa Boss niyo?" Pakikipag-negosasyon ko sa lalaki. Mukhang nag-iisip kaya nagsalita ako ulit.
" Well, Isko kung ayaw mo naman ay, madali lang naman kayong puslitan. Madali akong kausap ayoko ng maraming rekotitus. Mas lalo lang kayong malalagot kay Darius pag-nawala ako. Mahusay ako sa taguan. So you guys have no choice— but to bring me kung nasaan ang amo niyo. Kung sa impyerno man 'yun o langit. Alam mo kanina pa kating kati ang kamay ko? Gusto niyo sa inyo ko isample?" mahinahon pero puno ng pagbabanta na sabi ko. Ako ito, I get want I want kahit sa anong paraan pa 'yan.
Mukhang nagulat pa si Isko. Ano tanga lang?, hindi na briefing ng amo niya na ganito ako. Napangiwi na ako kasi ilang minuto na lumipas wala pang sagot si Isko kaya tinampal ko na sa dibdib agad naman itong napa-ubo. uubohin talaga siya kung hindi pa siya sasagot mukhang natauhan naman.
" Ma'am, Inform ko lang si Boss na pupuntahan natin—" pinutol ko ang sasabihin ni Isko sa pamamagitan ng kumpas ng kamay.
" No, You won't do that. No need na ipaalam mo pa! I prepared to surprise him. Yung gulat na gulat siya. Itago mo ang telepono mo Isko o dudurugin ko 'yan?!?" puno ng angas na sabi ko. Pero ang totoo hindi lang basta angas iyon totoo 'yon.
" Pero magagalit si Boss." mahinang sabi ni Isko.
" Huwag mo ng intindihin galit ni Darius Isko. Ang intindihin mo yung galit ko pagkumawala, baka itumba ko kayo. Mukha naman na may alam ka kung sino at ano ang kaya ko?" nakataas ang kilay ko habang naglilintaya sa lalaki.
" Ma'am Boss ko 'yun e—" angal ng lalaki na parang wala naman sa katinuan. I knew it si Wheng ang dahilan.
" Ano Isko? Sinong Boss mo? I can help you with Wheng. So inuulit ko, Sino na ang Boss mo?" kung kinakailangan na manuhol ako gagawin ko hindi pwede na hindi ko ito mapaamo. Bigla naman napamulagat si Isko sa sinabi ko kaya napangisi ako. Ngiting tagumpay mga mare.
" Totoo ba 'yan?" tanong ng lalaki na mas ikinalawak ng ngiti ko.
" Totoo 'yun Isko. Hindi ako marunong magbiro lalot kaibigan ko at inaanak ko ang issue. So ano deal or no deal?" dahil boring ito kausap kaya ginaya ko na si kris A.
" Sige payag na ako. Ready na ako ma baril at mamatay. Kung wala naman din si Wheng mabuting mamatay na lang ako! " Nagulat ako sa sinabi ng lalaki. Very good may isa na naman na biktima ang nahibang sa mga oklaret kong mga kaibigan. Napailing na lang ako ganito pala maglaro ang pag-ibig.
Isang oras mula ng umalis kami sa sementeryo. Narating namin ang Lamaz club. So dito ang hide out nila sabagay isa itong high class club at sa pagkakaalam ko si Juancho Allejo ang may ari nito. Nauna si Isko may pinakita siguro ay passess card.
Tama nga ako kasi doon sa taas ng club ang gininda namin, kakaunti pa lang ang tao. Nang malapit na sa pinto inunahan ko na si Isko nakita ko pa na napakamot ito ng ulo pero deadma na lang. Walang babala na marahas kong binuksan ang pinto nakita ko si Rex na nakaub-ob sa sahig mukhang binira ni Darius. Isa pa itong si Darius may ubo din sa utak kaibigan e, gaganyanin.
" DARIUS ICE DEMOSO!?! " buong lakas na tawag ko sa lalaki. Napalingon lahat sa akin maging si Rex binigyan ko pa ng ngiwi imbis na ngiti. Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at niratrat ko na.
" Isko, what's the meaning of—" naputol ang sasabihin ni Darius namg sumabat ako.
" Walang kasalanan si Isko. Ako ang nagpumilit at nakipag-trade sa kanya para makaharap ka. Get's mo? At bakit sinasaktan mo si Friendship Rex? Oh common Darius kala ko inuubo lang utak mo mukhang hindi lang pala basta ubo kasi, level up pala. Mukhang malala na at may pneumonia na pala ata. Gusto mo ba ng ventilator ng makahinga ang utak mo? And ang purpose ko kaya ako nandito ay para tanggalin 'ang Virus sa utak mo ng gumana ng tama!?! " Mataas na ang boses ko kainis kasi utak ubo kasi. Natigilan ang iba at nakatingin lang sa amin. Ang galing ko talaga. I believe sa ganda ko sila natulala hindi dahil sa bibig ko na walang preno.
" Let me speak D'. Hindi ako natutuwa sa mga aso mo na sunod ng sunod sa akin. That means mas hindi ako natutuwa sayo! Oh my bad Isko frenny, di ka kasali doon sangga tayo, Right? Ok balik sa topic, Darius may sarili akong pamamaraan paano ko gusto gumalaw, mabuhay at magsaya. Choice ko kung sino ang kakaibiganin at pakikiharapan, kaya kung ako sayo tantanan mo ko sa pagpapa-sunod mo sa mga tauhan mo. I can handle myself asawa kong tagas. At 'wag na' wag mo na ulit tangkain na ikulong ako dahil pagkinatok ng buryong ang ulo ko sinasabi ko sayo. Marked my word. Uubusin ko ang mga tauhan mo! Klaro na ba mahal kong asawa kong tagas?" Madiin, mahinhin pero mapagbanta ang style ng pagkakasabi ko. Ngunit walang reaksyon si Darius mukhang hindi tinalaban pero ang mga kasama panay ang lunok ng tingnan ko kanya-kanyang iwas kaya naman inilapit ko sa tenga ni Darius ang bibig ko sabay bulong,
" I'm giving you 15 mins. pag hindi ka sumunod sa akin at nainip ako. Pasasabugin ko ang building office mo! Okay ba mahal ko?" mahina at sinadyang lambingan ko ang boses sabay dampi ng halik sa tainga nito.
Bahagyang gumalaw ito kaya nagdiwang ang puso ko. May epekto na pala ako. After ng bulungan portion ay lumabas na ako na may ngiting tagumpay at ang lokong Isko sa akin na bumuntot mukhang ako na ang new Boss ni Isko.
" Sh*t mura ko sa loob ko. This is the first time na mangilabot ako at sa babae pa na iyon. Mamaya ka lang sa akin! " bulong ko sa isip ko ng makita mga kaibigan mukhang mas sila ang nagulat at natakot kaya nagsalita na ako.
" I'm sorry about the interruption. Tayo na Rex and let's talk. I only have 10 mins. so please don't waste my precious time. "sabi ko sa mga ito. 15 mins. naman ang sabi ni Romary pero gusto ko ng turuan ng leksyon ang babae na 'yun.