HD_5

2039 Words
Nawala ako sa mood dahil sa mga iniisip ko about kung sino ang pupuntahan ni Darius at gaano nga ba ito kahalaga para iwan ako. Pero mas nahulog ako sa malalim na pagninilay-nilay dahil sa text message na nareceive ko. Bigla akong naguluhan at nakadama ng samut-saring damdamin at kaguluhan. Nakatanggap naman ako tawag at report mula sa mga tauhan ni Darius na ngayon ay napatunayan kong loyal na sa akin. Aba kabahan sila pag naging kabilaanin sila. Dahil sa tawag din na iyon ay bigla akong nakaramdam ng biglaang pasulak ng dugo ko at tila ba umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko agad. That call is a confirmation, ito rin ang reason kung bakit mas nagbaga ang kakaibang damdamin ko na hindi ko mawari. Confirm rin nga na talaga na babae ang pinuntahan ng gagong Darius na iyon pero realtalk ang chararat ng babae niya. Base on sa picture na sinend sa akin ng mga tauhan ko ay mukha talagang may sa lahing linta, higad, gabe, fungi, an-an at kurikong ang babaeng iyon. Halata ang landi ng babae. Tunay na nakakapangilabot ang ngiti niya habang naka-abrisyete kay Darius. Hindi ko mawari bakit lubos akong naaapektuhan sa mga nakita ko. " Romary it's just part of your plan" Paulit-ulit kong binubulong ito sa aking isipan waring kinukumbinsi ko ang sarili ko para maniwala sa mga bagay na iyon. Na ang lahat ng iyon ay naaayon lang sa plano ko. Plano kung paano ko babalikan ang naiwang buhay ko noon at paano ako makakakuha ng mga detalye about Remus…. Si Remus na aking ama na ni minsan wala akong magandang alaala. Maling mali ang nararamdaman ko na ito. Iyan din ang sigaw ng utak ko. Iyong parte na nasa wisyo pa at alam ang goal na matagal ng nakasa. Tila nga isang tukso pa nga sa akin ang magulong pagpintig ng puso ko. Wala namang talagang ka-sweet-an si Darius sa katawan puro ka nga ata alat at kaantahan ang meron sa lalaking iyon. Wait… Teka nga ka… Baka nga lang in character talaga ako ngayon kaya ganito ako. Isa ito sa mga skills namin e, ang maging bigay todo kaya naming dayain ang lahat at mapaniwala. " Sige Em Em pilitin mo pa ang sarili mo at sa paniniwala na ganyan! Laban ang tukso ganern.. " Hiyaw pa ng isang bahagi ng utak ko. Ewan ko ba kung ilan sila basta marami ata.. " Ah baka nga, in character ako. Dahil jowa ko siya kunwari kaya kunwari nagseselos ako di ako. Ganon nga siguro! " Bubulong bulong nasabi ko pero dahil nahawa ako sa kulto si Sharina sasagot talaga ang utak ko. " In denial Queen lang talaga. Gaga ka baka nga mahal mo na siya. A nong masama ba e diba papabol siya! Nga lang mukhang may babaeng nagpapa-init na sa kanya.. Sa katawang lupa niya… hahahaha!" Ang demonyo kong utak kinakalaban talaga ako para bang nire-realtalk ako. Ilang ulit akong naghanap ng pangontra sa mga akusa at salita ng aking isip. Pero hindi ako makahanap ng sagot tila ba nahuli ako sa isang patibong at walang alam na paraan ng pagtakas. Dapat lang talaga na sikilin ko na agad ang damdamin na ito huwag ng hayaang lumala pa. Panganib nga lang ata at sakit ang dulot ni Darius sa buhay ko. Isang litrato pa ang aking nareceive. And it was Darius and that b***h. They are heavily kissing parang mga patay gutom kung makahalik. " Sh!t ang sakit! " Hindi ko alam bakit bigla kong nasabi iyon pero ang mas matindi ay ng maramdaman ko ang tila pagkapunit ng aking puso para bang pinagtaksilan ako ni Darius. Pero basically naman talaga pinagtaksilan niya ako mag jowa naman kami diba?. Pero baka nga napilitan ang lalaki sa kakulitan ko. Mali niya lang jinowa niya ako kaya may karapatan ako. " Weh! may karapatan ka nga ba? O sadyang nasasaktan ka kasi nga may puwang na siya. May karapatan ka nga ba talaga? diba dapat deadma ka lang kasi nagpapanggap ka lang?" Bakit ba ayaw makisama ng utak ko. Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil para akong timang. Basta ang sigurado ko sa sarili ko ayoko ng damdamin na ito para kay Darius. Alam kong walang pupuntahan na maganda ito dahil sa una palang maling simula na. Tama deadma lang dapat ako sa mga ito pero ang hirap gawin.. " Focus… Focus… FoFocus ROMARY JARANILLA!?" Gigil na paulit-ulit kong sabi sa sarili ko pero parang dinadaya ko ang sarili ko dahil naisip ko na maganda ata kung ang pangalan ko ay maging.. Mrs. Romary Jaranilla Demoso… Nako talaga babalikan ko na lang sina Sharina para naman ang buhay nila ang guguluhin ko. Mabilis ang kilos ko pumara ng taxi kailangan kong umuwi muna at magayos. Ligo lang katapat nito balik na ulit sa dating Em Em. Hindi nila dapat mahalata na may iba akong nadarama o pinagdadaanan. Mabilis lang ang naging biyahe dahil minanduhan ko ang driver na mukhang na aliw pa sa akin. Flashback… " Manong, sa J tower tayo. Alam niyo naman po iyon diba?" Sabi ko pa sa driver. " Ay oo naman Hija sikat iyon na condominium.. Ay teka Hija may booking ka doon? Big-time kapag nagkataon!" sabi ng driver tila ba sanay na sa mga ganong eksena. Booking alam ko 'yun pero di ko akalain na sa J tower may ganon ipapa-check ko yan.. " Hala, Manong marami ka na bang nahatid sa J tower na booking? " sabi ko naman sa driver na focus sa kalsada ang mata. " Ay Oo, kagagandang dalaga din gaya mo pero pinakamaganda ka sa lahat. Sinabihan ko pa nga na 'wag ng tumuloy masisira ang buhay nila. Maga mukhang walang mga eksperyensa pa naman kagaya mo. Nako Anak kung ikaw ay ganun din ay wag ka ng tumuloy bawat tao ay may nakaalaan na tamang kapareha at pag-unlad. Lalo't ganyan kayo kagagandang babae wag niyong ibaba ang sarili niyo dahil lahat kayo ay kagalang galang, kamahal-mahal, nirerespeto at inaalagaan. " Mahabang sabi ni Manong. Pero sa lahat ng iyon iwang salita ang pumukaw sa akin ng tawagin niya akong Anak. I've never experienced that. Yung tawagin na anak na puno ng pagmamalasakit at pagmamahal kahit pa nga ngayon ko lang nakilala. Namasdan ko ito tila mga nasa singkwenta'y syete na ito pero napakasipag pa rin. " Manong pwede kitang tawaging tatay?" tanong ko sa lalaki. " Abay Oo yan din ang tawag sa akin ni Wheng,yung isa sa hinatid ko sa J tower." " Wheng po Tay?," tanong ko pa ulit kay Manong driver. " Ay oo, kilala mo Anak?" sagot naman nito sa akin. " H-hindi po baka kapangalan lang." Ganting sagot ko. " Ah tama marami naman ang may kapangalan.. Medyo traffic ngayon Anak? Nagmamadali ka ba?" Muling tanong nito sa akin habang panay ang sulyap sa mga nasa unahan na sasakyan. " Ay Tay, keri boom boom ko 'yan live it to me sa magandang bagong anak-anakan mo. Mahusay ako sa direksyon.. Mula dito sa ating pwesto may. madaraanan tayong intersection kakaliwa tayo Tay, tapos kaliwa ulit. Kanan naman sa may siklo street tapos diretso na. After noon shoot na Tay. " " Aba parang ang husay mo ah! Ngayon ko lang nalaman ang shortcut na ito. Medyo madilim at kakaunti ang nadaan Anak, 'wag kang giginda dito ng mag isa ha! " Sabi naman ni Manong na mukhang humanga sa akin kahit batid din ang pag-aalala. Mahinang nilalang sila, kung ganun. Sorry naman Tay pasaway ako e, favourite daanan ko itey. " Marami akong maituturo sayo Tay na mga alternative na ruta para di ka maipit sa traffic." Bida bida ko pa alam niyo naman ako bida ang sarap.. Sa buong durasyon ng biyahe ay naging masaya ako at nakalimutan ko ng panandalian ang damdamin ko kay Darius yung mga nakakapagpainis sa akin. End of Flashback… Naging maganda ang usapan namin ni Tatay. Natawa ako sa mga kulitan namin. Nang magpaalam kami sa isa't isa ay binigyan ko pa ito ng tips ayaw pa nga nitong tanggapin sabi ko lang ay isipin niya na bigay iyon ng anak niya. Tila ba obligado akong magsabi ng tapat kay Tatay kaya sinabi ko na ang dahilan bakit ako nagpahatid dito. Na di ako narito para sa booking at nakakatuwa dahil mukhang narelive si Tatay ng sabihin ko iyon para bang anak na anak niya ako. Mabilis akong umakyat sa aking penthouse. Mabilis na naghubad ng mga damit para makaligo agad sayang oras e. Saglit lang akong naligo dahil maraming plano akong naiisip. Una at major plan ko ay bwisitin rin ang mga buhay ng mga kaibigan ko dahil nga bwiset ako kaya dapat ganun din sila. Ang lagay ako lang ang bwisit at inis na inis. Aba! dapat damay damay na ito. Damay damay kami that's what friends are for. Ganun ang magkakaibigan dapat damayan ng sagad. Kapag-broken ang isa broken din dapat ang lahat.. One for all, all for One. Pumuli lang ako ng simpleng black t-shirt at skinny jeans. tinernuhan ko ng isang white sneakers. Kumuha din ako ng black leather jacket. Oh diba parang hired killer lang pero ang twist ay sobrang ganda ko talaga, kung ganito kaganda ang papatay sayo for sure magkukusa ka ng magpatiwakal, Eme lang.. Pakak na pakak ang datingan at pormahan ko kahit pa simpleng mga kasuotan lang. Saglit na tumingin ako sa aking Cp para malaman ang location nila at mukhang tama ako mga pakalat kalat sila ngayon mukhang waiting lang ng ganap. " Kita tayo kay aling Tonyang, Nomnom tayo." Tipa ko sabay send sa Gc. Ang mga gaga parang hagum sa Nomnom isa isang nagreply at on the way na daw agad. Dahil doon mabilis akong bumaba dala ang susi ng aking Ninja bike motor. Ito na lang gagamitin ko para di agaw eksena sa iba. Medyo crowded ang lugar na iyon dahil pang masa talaga at hindi pang TOTSYAL. Kami naman ay mga pinagpala sa ganda at pera pero hindi kami mahilig sa mga halakhakan na pag bebot, yan ang totoo. Ang bet naman namin iyong malapit sa mga simpleng mamamayan. Ayaw namin sa mga sosyalan dahil puro kaartehan at plastikan. Gustong gusto namin doon sa simple pero Rakrakan ang datingan. s**t Love months pa naman pero na hurt ako kaya need magwalwal.. Nang narating ko ang baba, mabilis akong sumampa sa akin black ninja bike. At gaya ng intro nila sa akin ay kaskasera talaga ako kaya nga 15 minutes lang narating ko na ang relocation site. Yes tama kayo relocation nga at tropapits namin ang mga siga dito pero ang nakakatawang twist wala ng nagaganap na riot at maging mga adik dito linis na linis na. blBwiset kasi si Sharina sa mga iyon kaya inubos ng gaga dahil wala daw magiging mabuting bunga sa komunidad. Ilan na din ang simbahan dito at alam niyo na sino ang may kagagawan. Walang iba kundi ang babaeng matimtiman. The only one si Wheng lang naman talaga buti nga sumama pa rin ito kahit may bebe din. Tapos kaya ang mga bata dito bungi na pero laging masaya kagagawan lang naman ni Sandra lagi kasing na mumudmod ng lollipops at candy.. Tsk.. Napaghahalataan ang mahilig magsubo ng lollipop Char… Pagbaba ko isa isang lumapit ang tropa.. " Amo, mukhang may typar's ah?" Bati ni Bado na mukhang tigasin pero sitsit lang ni Dek Dek maihi-ihi na agad sa salawal asawa nga pala ni Bado si Dek Dek isa sa mga pinagkakatiwalaan namin sa mga bigayan ng ayuda dito. " Oo e, On the hauz tayo kaya tawagin na ang madla.. Kaso sa labas kayo. Alam niyo naman ayoko ng maingay. Paano pasok na ako dating gawi ah. Basta walang gulo Bado. " Seryoso kong sabi kilala nila ako ayoko ng gulo, maliban kung ako ang promotor. On the Hauz ibig sabihin babaha ng alak at pagkain hindi lang sa amin pati mga bahay nila may pagkain ganito kami mag saya lahat ng tao sa relocation masayang masaya. Ito ang luho namin sa katawan hindi kami gaya ng iba na bag, shoes, jewelry etc.. Ganito kami magluho at magsaya gustong gusto ko ang crowd at napapalibutan ng mga taong madaling pakisamahan at pasayahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD