HD_1
“ Target spotted! ” sabay na bigkas pa ng dalawang tao ng makita ang isa’t isa.
Hindi pa nila alam na naghahanapan lang sila matagal na matagal na. At ngayon na nga’y nag krus na ang landas nilang dalawa haba ng panahon.
Paano kaya nila pakikibagayan ang bawat isa? Paano kaya tutuparin ang magkaibang pakay nila at layunin sa bawat isa?
Malaya akong nakatanaw sa lalaking matagal ko ng pinag-aaralan bawat ang kilos. Ilang taon na ba mula ng gawin ko ito? 3 or 5 years na? I’m not so sure kunh kailan ba nagsimula. Basta ang alam ko lang bahagi siya ng nakaraan ko at isa siya sa magdadala sa akin sa taong karugtong ng buhay ko pero isa kinamumuhian ko.
Remus Ignius Jaranilla isa sa pinaka tanyag noon at ngayon ang pangalan sa larangan ng kalakaran ng legal at illegal na negosyo. Sa mga panahon na nagdaan si Remus ay bihira na ngang lumabas ng lungga niya dahil nga naman ang yelo na bato na gumagawa ng lahat para sa kanya. Sino pa nga ba yun? e di walang iba kung hindi si Darius Ice Demoso ang anak anakan ng aking tunay na ama. Sana nga naging ama siya sa akin.
Ako lang naman kaei ang kaisa isang anak ng tanyag na si Remus. But luckily ay babae ako at hindi lalaki, kaya para sa mata ng mga nakapaligid noon sa amin wala akong silbi dahil hindi ko kayang pamunuan ang organization. Ano bang meron ang lalaki? Dahil ba nakapantalon sila? Hindi lahat ng lalaki ay mahusay at hindi lahat ng babae ay mahina iyan ang patutunayan ko sa kanila.
Nabuhay ako na tanging mga tagapag-alaga at taga silbi ng aking ama ang mga na kasama. Mula ng isilang ako ay wala na akong ina na nagisnan. Mayroon man akong ama ngunit kahit kailan hindi ko nadama.
Ang aking ina ni minsan manlang ay hindi na banggit ng aking ama kahit ng mga taga silbi. Ang mas masakit maging larawan nito ay wala akong nakit. Buhay man ang aking ama, ngunit madalang pa sa patak ng ulan sa tag-araw kung ito’y aking makita lalo na ang makasama.
Birthday ko espicial na araw sana masaya dapat ngunit para ata sa aking ama ay pagluluksa. Naidadaos naman ito ng kahit papano ay masaya dahil sa mga kasama sa bahay, miski kasi mga anak ng hardinero namin ay tumatayong bisita ko. Ito ang naging buhay ng batang ako noon, bago naganap ang masakit na pangyayari sa aking buhay na sinundan ng ambush kaya na kalaya ako sa mansion na naging kulungan ko ng halos labing limang taon.
Lumaki ako na si Mama Virgo ang nag-aalaga sa akin. Isa ito sa loyal at pinagkakatiwalaan na tauhan ng aking ama. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na may lihim na pagtangi ito sa aking ama. Naging isang huwaran ito sa akin napaka buti nito akin. Sa bawat sakit at lungkot ko noon ay naroon ito upang aluin ako. Isang hapon ng mabanggit nito na baka daw dumating ang araw na mawala na siya basta lagi ko raw iisipin na mahal na mahal niya ako higit pa sa sarili niya.
Naguguluhan man ako ay yumakap ako ng mahigpit dito at sinabi ang paulit-ulit na katagang “ Wag kang mawawala Mama ko, ” ngunit isang bangungot na pala ang kasunod nito ng gabing umuwi ang aking ama ay nagmamadali akong pumanhik sa silid nito kahit na mahigpit na pinagbabawal iyon sa akin.
Mabilis kong pinihit ang seradura ng silid at doon tumambad sa akin ang babaeng halos walang saplot at naliligo ng sariling dugo. Ang babaeng naging Ina sa mata ko sampung taon na. Si mama Virgo puno ng dugo habang tangan ni Remus ang isang punyal. Nakita ko ang galit sa mata ng aking ama habang hawak ang punyal. At sa puntong iyon nabuo sa isip ko na ang aking ama ang kumuha sa kaisa isang taong na kaya na mahalin ako.
Magmula ng araw na ‘yun naging malayo na ako sa lahat wala na akong hinyaan na makalapit sa akin. mabilis na apat na taon ang lumipas, habang papunta kami sa isang inagurasyon ng samahan ng aking ama, nagulantang kami sa walang habas na pinaulanan ng bala ang aming sa sakyan. Akala ko noon ay susunod na ako sa mga mahal ko na yumao at itong brutal na pangyayari ang magiging katapusan ko. Dahil na rin sa ilang ulit na pakiramdam na parang napunit ang aking balat sa mga tama ng bala. Sa murang edad ko noon ay na wala na ang takot sa akin, lalo na ang humarap kay kamatayan dahil naa briefing ako ng ayos. Bilang kasapi sa angkan ng Jaranilla ang buhay daw namin ay parang switch ng kahit anong bomba na kahit saan pwedeng sumabog na lang.
Kaya hindi na uso sa akin ang salitang takot. Hindi nga kaya? O sadyang nagpapanggap lang ako na tinapos ko na ang takot at masaktan ng emosyonal. Tila nga kaya dinadaya ko lang ang aking sarili.
Ngunit ng magising na ako ay nasa isang malaking silid na ako. Isang babae na ubod ng ganda ang bumungad sa akin. Ngunit naghuhumiyaw ang panganib sa katauhan nito. Kakatwa man ngunit tila wala akong makapang takot o intimidation sa babae. Nakuha ko pa ngang sabayan ang bawat tingin at titig nito sa akin. At ng magpaalam na ito sa akin, nag-iwan ito ng salita na ako daw ang magiging sandata na tatapos sa taong dumurog sa kanya ng pinong-pino.
Manipulation iyan ang common ways ng mga tao sa paligid namin. Nais nila kaming maging human robot, pero hindi ako si Romary Jaranilla kung magiging sunud-sunuran lang ako sa kanila. Oo sumabak kami sa iba't ibang pag-eensayo at advantage na iyon sa part ko dahil magagamit ko iyon sa napipintong laban.
But still I'm Romary at ipinanganak ako bilang tagapagpa-sunod at hinding hindi kailan man yuyukod kahit kanino maging kay Remus man na ama ko. Maaaring bata palang ako noon but I promised to myself that sooner or later no one will dictate what I'm going to do.
Batas ko ang bawat salita na bibigkasin ko. Babaguhin ko ang history na pinaniniwalaan nila. Ako ang magiging bagong mukha ng angkan ng Jaranilla. Wawakasan ko ang lahat ng sakit at tanong na naipon ko mula sa nakaraan.
Natinag lang ako ng makatanggap ng tawag mula sa kaibigan ko. Isa ito sa mga natutunan ko ang kumuha ng kaibigan, na masasandalan at may kakayahan lumaban na magiging isa sa katulong ko upang maisakatuparan ang lahat ng pangarap ko na pagbabago. Sa mundo kung hindi ka pa ganun kalakas humanap ka ng magiging kabatak at dominahan mo sila ng naayun sa pagiging makatao. Para sa akin iyan ang tunay nakahulugan ng pagkakaibigan. Marami mang mag taas ng kilay wala akong pakialam. Napa-sulyap pa ako sa lalaki na kanina lang ay minamatyagan ko. Ngunit wala na ito sa pwesto niya nakalingat na naman ako masyadong mailap si Demoso.
“ Anong kailangan mo?” cold na sabi ko sa kabilang linya.
“ Nakabalik na ako. I need your help sana, ” sabi ng nasa kabilang linya.
“ So! what’s knew? lahat naman kayo kailangan ang power ng beauty ko, ”padedma pa na sagot ko.
“ I’ll call you again kapag umpisa na salamat Em-” pinutol ko agad ito.
“Salamat my ass! Magtutuos tayo kapag-nagharap tayo babae. O sige na babush na panira ka ng diskarte.”sagot ko namang muli sa kaibigan ko.
Nang ibaba ko ang tawag muling sinuyod ko ang paligid ngunit hindi ko na talaga makita ang lalaki. Ilang araw pa ang mabilis na lumipas, naging linggo at buwan naging maayos na ang kaibigan ko na humingi ng tulong sa akin, pero sadya nga atang nakaguhit ata sa palad ko na helper ako dahil laging takbuhan nila ako.
Ang hirap ng maganda ka na nga malupit ka pa sa diskarte kasi ako ng ako ang aasahan nila. Pero kidding aside willing na willing naman akong tumulong sa kanila, nga lang minsan ay nakakainis na din. Naunsyami kasi ang bawat diskarte ko kay Darius. But us of now I really need to do something para maging akin siya or should I say na para may panghawakan na ako sa kanya. I'm very willing to take it in different level. Level up kung level up.
Well! mukhang yuyukod pala ako pero hindi dahil sa pagrespeto kundi para ibiyahe sa langit ang yelo. Ang yelo na ayaw matunaw na parang bato. Pero sisiguraduhin kong isang Romary lang ang magpapalambot sa bawat buto ng isang Demoso. At kung kailangan na daanin sa paspasan at ihamasan— so be it mukhang di naman ako luge kay Darius dahil mukhang Daks.
————
" Boss, Lumitaw na muli siya. Anong plano po? " tanong ng kanang kamay at kaibigan kong si Isko. Kung ang tanong ay anong plano well simple lang hayaan na makalapit ang reyna ng mga Jaranilla.
Main priority ko dapat si Romary at hindi na pwede mag sayang pa ng taon dahil nanganganib na ito at ang pwesto ng angkan niya sa grupo na gustong kunin ang pamumuno. Pero nahahati din ako sa aking pangako.
Noon pa man kapalaran na ng angkan ng mga Demoso ang maging tagapangalaga ng mga Jaranilla. Bata pa lang ako niyakap ko na ang kapalaran na iyon na ang buhay ko ay para sa lang sa nag iisang babae. Mahirap mang paniwalaan pero sa isip ko at puso ko alam kong bata palang ako naukupa na iyon ng babaeng ni minsan ay di ko nasilayan maging sa larawan ay di ko pa nakikita waring pinagdadamot. Ngunit hindi ko mawari dahil kahit ganun minahal ko na agad siya.
" Ano pa nga ba Isko e, 'di i-welcome ang magiging reyna ng kaharian ko, " wala naman kay Isko ang paningin ko kundi sa babaeng may kausap sa cellphone. Itong babae na ito siguro ang babaeng gugunaw ng mundo ko sa mga susunod na araw, buwan o taon na parating sa akin.
Nag-Imbestiga ako sa naging buhay nito ngunit ganun kahirap makakuha ng detalye. Pero isa man akong Demoso hinasa naman ako ng mahusay ng isang Remus kaya walang detalye na makakaligtas sa akin. Napukaw ako muli ng magtanong si isko sa akin.
" Boss bakit po si Lady Romary ang pinili niyo? Sa estado niyo ngayon pwede na kayong mamili at hindi makinig kay Master Remus, " kuryusong tanong ni Isko,para ko naman ng kapatid ito kaya tiwala ako.
" Alam mo bang may kasabihan Isko, na kung gusto ng isang mahusay at ibang klase na level ng babae na magiging kabiyak mo ay dapat handa ka sa komplikasyon o kung gaano ito ka komplikado. Isko kung hindi mo kaya ang ganon maghanap ka ng ordinaryo na babae. Dahil ang mga gaya ni Romary ang babaeng nararapat na ingatan at abatan. Para sa akin si Romary lang ang nababagay sa kagaya ko rin na komplikadong tao. Magiging masalimuot ang buhay pero with her around for sure na masisiguro kong kampante ako at kayang ipagkatiwala ang puso ko sa kanya. Iba siya sa lahat Isko. Gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito, dalawang taon na lang ang palugit ni Remus sa akin kung hindi mawawala sa akin ang lahat maging ang babaeng pangalan palang minahal ko na agad, "buong katotohanan na hayag ko kay Isko. Alam kong nasa akin ang loyalty nito. Hindi ito naniniwala sa pag-ibig parang si Marus.
" Passed talaga ako sa ganyan Boss! "simpleng sagot na lang nito.
" Talaga ba? kahit alam ko kung nasaan ang santa santita mo na si Wheng. Well kung iyan ang desisyon mo. I respect your decision Isko." Mapang-uyam ko na sabi dito kita kong nagitla ang lalaki. Nang tila nakahuma ay inayos ang sarili napailing na lang ako.
" Isko, Alamin mo lahat ng tungkol kay Romary. Kung mahusay man ako mag maniobra sa tingin ko mas mahusay pa ang babaeng iyan. Si Layra ba kamusta na? " naalala ko ang babae bigla ito ang tutulog sa akin mahanap ang aking kapatid.
" Boss hinahanap ka lagi mukhang sarap na sarap sayo este sa alam mo na. " nakangising sagot ni Isko.
" Tuloy lang lahat ng plano, paligayahin pa natin siya. Dahil siya ang susi ng katahimikan ng lahat," muli kong sagot dito habang nakatingin sa babae na sumakay na ng kotse at humarurot agad.
" My Future Badass Wife! "
Yes siya lang ang nakatakda para sa akin. Marami lang dapat ayusin pero sampung taon palang siya markado ko na na isang Demoso ang magmamay-ari da kanya. Mahahanap rin kita Bie, hindi ako titigil hanggang hindi kita nakikita..