CHAPTER FOUR

1302 Words
ANG hangin ay puno ng saya at musika habang ang mga bisita ay nagsisidatingan sa malawak na hacienda ng mga Castillo. Ang mga ilaw ay nagniningning. Ang mga mesa ay puno ng masasarap na pagkain at ang mga ngiti ay nagliliwanag sa mukha ng bawat isa. Ito ay isang gabi ng selebrasyon, isang gabi ng pagdiriwang para kay Olivie, na nakapasa sa pagiging guro. Ito ang inaasam niyang tagumpay na gustong makamtan. Ang kanyang mga magulang na parehong nagmula sa mayamang pamilya ng mga Castillo ay nagplano ng isang malaking handaan bilang sorpresa para sa kanya. Lahat ng tauhan sa hacienda ay imbitado ng kanyang mga kinikilalang magulang. The hacienda was ablaze with the colors of flowers, the trees were emitting vibrant lights, and the sounds of music floated through the air. Hindi niya inaasahan ang ganitong uri ng selebrasyon. Niyakap siya ng kanyang mga magulang isang masayang ngiti ang ibinigay sa kanya. "Anak, ipinagmamalaki ka namin," wika sa kanya ni Mama Amanda. "Congratulations anak, Olivia," bati rin sa kanya ni Mama Ariel kaya ngumiti siya ng matamis. "Salamat, Mama, Papa," sagot niyang maluha-luha. "Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan sa lahat ng ito." "Ikaw ang dapat naming pasalamatan dahil sa saya ang ibinigay mo sa pamilyang ito simula nang dumating ka," wika pa sa kanya ni Papa Ariel. Nagpalingalinga siya dahil kanina niya pa hindi nakikita si Dimitri, maging si Dave ay wala rin sa kanyang party. " Nasaan nga po pala si Dimitri? Kaninang umaga ko pa siya hindi nakikita," tanong niya sa kanyang mga magulang. "Mamaya lang ay nandito na 'yon," sagot sa kanya ni Mama Amanda kaya gumanti siya ng ngiti. "Ang mabuti pa ay asikasuhin mo na muna ang mga bisita mo. Inimbitahan na rin namin ang mga kaklase mo, mga guro at kaibigan," dagdag pa ni Mama Amanda. "Natutuwa nga po ako na nakita ko sila ngayon. Sige po, Ma, Pa... Aasikasuhin ko na muna sila," nakangiti niyang paalam sa kanyang mga magulang. "Go ahead, anak," wika ni Papa Ariel sa kanya. Hindi pa rin mapuno ang saya ng kanyang nadarama dahil hindi niya pa rin nakikita si Dimitri. Madalas kasi ay nasa Maynila ito upang asikasuhin ang negosyo ng mga Castillo at si Dave naman ang namamahala sa hacienda. "Napakaswerte mo talaga friend dahil lahat ibinibigay sayo ng mga umampon sa'yo," wika ng kanyang kaibigang si Christy kaya napangiti siya. "Sinabi mo pa!" sagot niyang ngumiti. Kababata niya si Christy. "Hindi ko man hilingin ay ibinibigay nila sa akin kaya nga tumatanaw ako ng malaking utang na loob sa ginagawa nila para sa akin." "At hindi lang 'yon dahil may mga kapatid ka pang ubod ng pogi!" kinikilig na wika Christy. "Ang bibig mo... Baka mamaya may makarinig sa atin at isiping pinagnanasaan ko ang mga kapatid ko," saway niyansa kaibigan. "Maka---sabi ka namang kapatid parang kadugo mo sila. Pwede ka pa rin magkagusto sa kanila dahil hindi mo naman sila tunay na kapatid," hagikgik pa ni Christy. "Ang baboy mo!" irap niyang natatawa sa kapatid. "Hindi ako pwedeng magkagusto sa mga kapatid ko. Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" sagot niya pa. "Kung ganun ay ilakad mo na lang ako kay Dave. Ang gwapo kaya niya!" "Si Dave gwapo?" bulalas niyang wika na napalakas ang boses. Natakpan niya tuloy ang kanyang bibig sa takot na baka may makarinig. "Bulag ka ba? Gwpong-gwapo ka na talaga sa lalaking 'yun na parang hindi naman naliligo?" "Sobra ka naman! Ang hot kaya ni Dave. Kesa kay Dimitri na parang lalamya-lamya." "Ang weird mo. Baduy!" irap niya kay Christy. "Weird ba 'yon? Hindi mo ba alam na mas hot ang dating ni Dave? Malaki ang katawan higit na kay Dimitri, hindi ba? Hindi mo ba napapansin 'yon o baka naman ayaw mo lang pansinin? Ang sarap kaya magpakulong sa mga bisig niya," kinikilig pang wika ni Christy kung kaya kinurot niya ito sa tagiliran. "Ang landi mo!" "Eh di ikaw na itong santa!" sagot pa ni Christy sa kanya na tumawa. Napapailing na lamang siya sa sinasabi ng kaibigan. Ito yata ang bulag dahil mas gwapo naman si Dimitri kaysa kay Dave. Si Dave ay babaero at masama ang ugali hindi tulad ni Dimitri na mabait gwapo at matalino. Take all! Pangarap ng sinumang babae at pangarap niya. Napagod siya sa pag intindi ng kanyang mga bisita kaya minabuti niya muna pumasok sa loob ng bahay upang magtimpla ng kape lalo na at inaantok na siya. Ang masakit ay hindi pa rin dumarating si Dimitri kung kaya nagtatampo na siya sa lalaki. Hindi na nga maipinta ang kanyang mukha dahil kulang ang araw niya kapag hindi niya ito nakasama. "Hinihintay mo si Dimitri? Baka hindi dumating 'yon dahil busy sa trabaho," wika ng isang tinig kung kaya lumingon siya at nakita niya si Dave sa kusina at bagong ligo ito. Nagtataka siya dahil hindi niya naman ito nakita sa pagtitipon sa labas. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Dave bagkus ay kumuha siya ng tasa at nagtimpla ng kape. "Bakit hindi ka lumabas?" tanong niya. "Nasa labas ang mga kaklase natin at ilang kaibigan," wika niya kay Dave. Magkaklase silang dalawa ng lalaki kung kaya iisa lamang ang kanilang mga kaklase noong mga nag-aaral pa sila ng highschool. "Nanganak kasi ang isa sa mga kabayo natin kung kaya kailangan kong bantayan. Naligo na muna ako, alangan naman kasing lumabas ako doon na puno ng dugo ang katawan. Narinig ko pa naman ang sinabi mo sa bestfriend mo na parang hindi ako naliligo," wika ni Dave kung kaya napatingin siya rito. Namula ang kanyang mukha. Hindi niya akalain na narinig ng lalaki ang pag-uusap nilang magkaibigan. "Hindi ka nakasagot dahil totoo?" usig pa ni Dave sa kanya na bahagyang lumapit. Madilim na naman ang mukha nito. Mukha na namang galit. "Dave," pigil niya sa lalaki. Baka kung ano na naman ang iniisip nito. "Nag--bibiruan lang naman kami ni Christy," sagot niyang kinakabahan. Napasiksik siya sa may gilid ng lababo, dead end na kung kaya hindi niya na magawang umatras pa upang umiwas sa lalaki. "Hindi ka naman mukhang nagbibiro kanina. Tumatawa ka pa nga habang sinasabi 'yon." "Hindi na ta--yo mga bata Dave para mapikon ka sa sinabi ko. Hindi naman yun totoo hindi ba? Naliligo ka naman diba?" sagot niya pang naiilang sa lalaki lalo na at malapit na ito sa kanyang mukha. Hindi niya maintindihan kung baka malakas ang kabog ng kanyang dibdib. "Alam mo namang pinaparusahan kita kapag may mga bagay akong hindi nagugustuhan hindi ba?" tanong pa sa kanya ni Dave kung kaya lalo siyang kinabahan. Hindi naman siguro siya nito ikukulong sa attic dahil may mga bisita siya at hindi na sila mga bata. "Sorry na!" ani niyang hindi malaman ang gagawin. Nabigla pa siya nang biglang sakupin ni Dave ang kanyang labi at siniil siya ng mapangahas na halik. Hindi niya magawang makakilos dahil sa ginawa ng lalaki. Mabilis lamang ang halik na 'yon pero naramdaman niya ang dila nito na ipinasok sa kanyang bibig. Nanlaki ang mga matang napatingin na lamang siya kay Dave. Napangisi ito na tila ba tuwa sa kanyang reaksyon. "Your lips are amazing. It's sweet" ani pa ni Dave sa kanya. "Sorry but it's like a spark that ignites a fire within me, a fire that I can't control, a fire that I don't want to control." Ang kabog ng kanyang dibdib ay ganoon na lamang. Nang matauhan ay lumipad ang kamay niya sa pisngi ni Dave. Sapo ni Dave ang mukhang nasaktan. "Hindi na tayo mga bata para paglaruan mo pa rin ako Dave. Ibang usapan na ang ginagawa mo." "Hindi mo ba nagustuhan?" tanong pa sa kanya ni Dave na muling ngumisi. "Bastos!" sigaw niyang nangangatog. Kinabahan siya na baka ulitin ni Dave ang ginawa kung kaya mabilis siyang tumakbo upang makalayo sa lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD