CHAPTER THREE

1189 Words
After ten years.... NAKALIPAS ang sampung taon ay maraming nagbago sa buhay ni Olivia. Ang batang babae na noon ay puno ng takot at pangungulila ay naging isang matatag at masayahing babae. Ang mga alaala ng madilim na attic at ang mga banta ni Dave ay unti-unting naglaho, ngunit ang mga aral na natutunan niya mula sa mga karanasang iyon ay nanatili sa kanyang puso na hindi niya pwedeng makalimutan. Isa na siya ngayong guro. Samantalang si Dimitri naman ay isang negosyante at ito na ang namamahala sa negosyo ng pamilya nito. Si Dimitri, ay naging malaking bahagi ng kanyang buhay. Naging malapit sila sa isat-isa. Ang dating kalaro niya sa taguan ay isang matalik niya na ng kaibigan pero hindi higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman niya kay Dimitri. Alam niya sa kanyang sarili na may gusto siya sa lalaki. Sa lalaking dapat ay kuya kung ituring niya. Aminado siyang may lihim siyang pag-ibig kay Dimitri. Hindi lang ito basta pagkakaibigan, hindi lang ito parang pagmamahal ng isang kapatid, kundi isang pag-ibig na malalim, puno ng damdamin at tila isang bawal na pagnanasa. This love blossomed in the shadows, strengthened by stolen glances, laughter, and secrets whispered to each other. Sinubukan niyang itaboy ito, kalimutan, at kumbinsihin ang sarili na ito ay isang panandaliang pagkagusto lamang ngunit ang katotohanan ay habang lumilipas ang mga araw ay lalo niyang nararamdaman na mahal niya na si Dimitri. Ayaw niyang matawag na oportunista dahil inampon na nga siya ng mga Castillo ay gusto niya pang maangkin ang anak ng mga ito. Alam niyang mali kaya hanggat maari ay ayaw niyang pansinin ang nararamdaman. "Congratulations," ani ni Dave sa kanya kung kaya napatingin siya rito. Isang beterenaryo ito pero hindi pa nakakapasa. His eyes, the color of deep, stormy skies, held a glint of mischief and a hint of danger, a combination that made him both alluring and intimidating. Gwapo pero tulad ng dati ay hindi hindi mapagkatiwalaan. Mahirap nang makulong ulit sa attic. "Salamat," sagot niya. Simula nang ikulong siya nito ay nilalayuan niya na si Dave. "For you," ani ni Dave sabay abot sa kanya ng bungkos ng roses. Napatingin siya sa bulaklak. "Sa akin?" tanong niya pa. "Hindi ba nakapasa ka sa LET? Kaya kita binibigyan ng bulaklak," sagot pa ng lalaki. Kahit mukhang marungis ito ay gwapo naman. "Wag na at baka mamaya ay may bubuyog pa yan! Wala akong plano magpakagat!" irap niya kay Dave. "Walang bubuyog yan. Bago ka pa makagat ay baka nakagat na ako dahil ako ang may dala niyan." Her mind traveled back to the days when she trusted Dave. "Sa pagkaalala ko "huling nagtiwala ako sayo ay muntikan na akong mamatay nang ikulong mo ako sa attic," paalala niya kay Dave. "Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nakakalimutan yun. Sampung taon na ang nakalipas Olivia." Inirapan niya si Dave. "Himala at kinausap mo ako ngayon? Wala ka na bang makapausap?" tanong niya pa. "May dinner daw mamaya dahil nakapasa ka. Nagpapahanda si Papa para sa buong hasyenda," ani pa ni Dave sa kanya. "Ha? Kailangan pa ba yun? Naka-tarpaulin na nga ang pagmumukha ko sa bayan pati ba naman dito." "Hindi ka na nasanay sa kanila. Alam naman natin na mahal na mahal ka nila hindi ba?" "At nagseselos ka?" sagot niya kay Dave. "Hanggang ngayon ba naman?" "Matagal na panahon na yun at hindi na tayo mga bata. Sampung taon na rin naman na kitang kilala at siguro naman wala kang gagawing masama ano?" "Gagawa ako ng masama?" bulalas niya. "Butas ng ilong mo lumalaki," ani pa ni Dave sa kanya kaya natigilan siya. "Huwag kang masyadong titingala dahil nakikita ko na ang utak mo," pang-aalaska pa nito sa kanya. Hindi na siya bata para tuksuhin nito ng ganun. "Matangos ang ilong ko!" sigaw niya rito. "Malaki naman ang butas," sabat pa ni Dave kaya hinampas niya ito. "Salbahe ka talaga! Isusumbong kita kay Mama!" "Ano ka bata?" tanong pa ni Dave sa kanya. "Weird!" sigaw niyang pinatulan na ang lalaki. Ganito naman sila palagi kapag magkaharap. Laging nag-aaway. "Gwapo naman!" "Yuck!" sagot niyang napaduwal kunwari at sa unang pagkakataon ay ngumiti ito na ng hindi napipilitan. Napatitig tuloy siya kay Dave. "Tao ka pala kapag nakangiti," biro niya. "Anong tingin mo sa akin hayop?" nanlalaki ang mata na tanong ni Dave sa kanya. "Dyablo," sagot niyang tumawa. "Grabe!" bulalas ni Dave sa kanyang sinabi kaya napahagikhik siya. "Huwag masyadong tumawa," ani ni Dave sa kanya kaya natigilan siya. "Bakit?" kunot noo niyang tanong. "Umaabot kasi ang bibig mo sa tenga mo," sagot pa ni Dave sa kanya sabay takbo kaya sa inis ay hinabol niya ito at binato rito ang bulaklak na ibinigay nito. "Bweset!" sigaw niya pa pero pinagtawanan lang siya ng lalaki habang tumatakbo. Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napangiti na lamang siya. "Anak," tawag sa kanya ni Mama Amanda kaya napatingin siya rito. "Hi, Ma!" bati niyang humalik sa pisngi ng ina na nag-alaga at nagpaaral sa kanya. "Nag-aasaran na naman kayo," ani pa nito. "Ewan ko po ba diyan sa anak ninyo, Ma. Hindi nabubuo ang araw na hindi ako ginagalit. Iniiwasan ko na po pero siya naman itong lapit ng lapit. "Congratulations, anak," bati sa kanya ng Mama Amanda. "Salamat po. Kung hindi niyo ako kinupkop, binigyan ng pamilya at pinag-aral ay wala ako ngayon. Lahat po ay utang ko sa inyo." "Your success is also our success, and every step you take inspires us." "Salamat po sa lahat ng suporta at pagmamahal na ibinigay niyo sa akin," wika niya pa. Ang kanyang boses ay nanginginig dahil sa sobrang saya na nadarama. "Dahil sa inyo ay natutunan kong mangarap at ipaglaban ang aking mga pangarap at patuloy na naniwala na kaya ko." Sa gitna ng kanilang masayang kwentuhan, biglang tinawag siya ni Mama Amanda. "Halika rito,Olivia" wika pa ni Mama sa kanya. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa saya. Lumapit siya ritong nagtataka kung ano ang gusto nitong ipakita. Sa kanyang kanang kamay ay may hawak siyang maliit na kahon na nakabalot sa makulay na papel. Nagningning ang kanyang mga mata. "This is for you," she Mama, as she slowly opened the box. She was surprised to see inside—a beautiful piece of jewelry sparkling under the sunlight. "This is my gift for my only daughter. Alam kong matagal mo ng gustong magkaroon ng ganito kaya ito ang pinili kong ibigay," dagdag pa ni Mama sa kanya. Ang kanyang mga mata ay puno ng pagmamahal habang sinasabi yun. "Nais kong ipaalala sa'yo na akong nandito para suportahan ka anuman ang mangyari." Napaluha siya sa sinabi ni Mama Amanda. "Salamat, Ma! Hindi ko inaasahan ito," wika niya. Ang kanyang bose ay nanginginig sa saya. "You will wear this on important occasions," she said, as she handed the necklace to her. Gusto kong malaman mo na kahit saan ka magpunta ay kasa-kasama mo ang pagmamahal namin para sayo." Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang ina ng mahigpit. Wala na siyang mahihiling pa dahil ang pamilya Castillo ang bumuo sa kanyang mga pangarap at mahal na mahal niya ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD