THE wind seemed to stop blowing, the birds stopped singing, and the world stopped suddenly when Olivia felt Dave's lips on hers. The first kiss. It felt like a flash hit her heart, creating an eruption of feelings within her heart.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin nang halikan siya nga lalaki. Ang kanyang mga kamay ay nanginig at nanigas... Malakas pa rin ang kabog ng kanyang puso... Ang kanyang mga labi ay nanigas. Hindi siya nakatanggi ginawang paghalik sa kanya ni Dave.
"Bakit mo ako hinalikan, Dave?" tanong niya sa kanyang isipan. Nagkulong siya sa kwarto ng mga oras na 'yon.
The memory of his lips on hers, the unexpected warmth, the jolt of surprise that had sent a shiver down her spine, played on a loop in her mind. She could still feel the ghost of his touch, the lingering scent of his cologne, and the way his eyes had held a depth she hadn't noticed before.
Paulit-ulit siyang umiling. Maling-mali ang ginawa nito at mali na binibigyan niya ito ng pagkakataon na bastusin siya. Hindi na siya bata para umiyak na lamang sa isang sulok dahil sa ginagawa nito.
Natigilan si Olivia nang may kumatok sa kanyang pintuan. Bigla siyang kinabahan at baka sinundan siya ni Dave sa kanyang kwarto. Wala sana siyang planong pagbuksan kung sino ang kumakatok pero wala rin naman siyang nagawa dahil hindi tumigil ang pagkatok sa kanyang pinto kung kaya pinagbuksan niya 'yon. Napangiti siya nang makita niya kung sino ang kumakatok. It was Dimitri. Ang lalaking tinatangi ng puso niya.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa lalaki.
"Sorry. Ang dami kong ginagawa pero nakaabot pa naman ako hindi ba?" nakangiting tanong sa kanya ng lalaki. May hawak itong regalo.
"Congratulation, Teacher Olivia," bati pa ni Dimitri sa kanya. Hinayaan niyang yakapin siya nito.
"Thank you. Akala ko hindi ka na darating. Magtatampo na sana ako."
"Pwede ba naman yun?" nakangiting tanong nito sa kanya.
"Kumain ka na?" tanong niya.
"Hindi pa nga at masyadong mahaba ang biyahe."
"Halika, ipaghahanda kita ng pagkain," yaya niya kay Dimitri pagkatapos niyang ilagay sa kanyang mesa ang regalo nito.
Sabay silang bumaba ng hagdan ni Dimitri. Pagbaba nila ng hagdan ay hindi nakaligtas sa kanya ang masamang tingin ni Dave sa kanilang dalawa pero hindi niya ito pinansin, bagkus ay inirapan niya si Dave dahil naiinis pa rin siya sa lalaki sa kapangahasang ginawa nito kanina.
Kahit sinira na ni Dave ang kanyang araw ay binuo naman iyon ni Dimitri, naging napakasaya niya ng gabing 'yon lalo na nang isayaw siya ni Dimitri sa harapan ng kanilang mga kaibigan at tauhan. Pakiramdam niya ay isinasayaw siya ng lalaking kanyang pinakasalan. Humilig siya sa balikat ni Dimitri.
"Siguro naman ay wala ka pang boyfriend no?" tanong sa kanya ni Dimitri kung kaya napangiti siya.
"Wala yan sa priority ko. Gusto ko muna unahin ang career ko at gusto kong magturo sa mga bata," tugon niya. "Pero kung ikaw ang magiging nobyo ko ay okay lang," ani niya sa kanyang isipan na biglang kinilig.
"Pwede ko bang maisayaw ang teacher natin?" tanong ni Dave na bigla na lamang lumapit sa kanila ni Dimitri.
Tiningan niya ng masama si Dave. Kahit kailan ay panira talaga ito sa moment nilang dalawa ni Dimitri.
"Sure!" sagot naman ni Dimitri na inabot ang kamay niya kay Dave.
"May I have this dance?" he asked, his voice low and husky. Pinandilatan niya ng mga mata si Dave. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. He smiled, a warm, inviting smile that always managed to disarm her. Hindi niya alam kung paano nakakangiti ang lalaki gayong inis na inis siya sa ginagawa nito. Olivia hesitated for a moment, a whirlwind of conflicting emotions swirling within her. She wanted to say yes, to lose herself in the music and his presence, but a part of her hesitated. She wasn't sure what this meant. His hand found hers, his fingers intertwining with hers. The warmth of his touch sent a shiver down her spine.
Walang namagitan na pag-uusap sa kanila at sinasayaw lamang siya ni Dave.
As they moved to the rhythm of the music, Olivia found herself melting into his arms. His touch was gentle, reassuring. He led her effortlessly, his movements fluid and graceful. She felt safe, protected, understood. Ngayon niya lang naramdaman ito sa lalaki, sanay kasi siya na kapahamakan ang dala nito sa kanya.
"Do you like him?" tanong ni Dave sa kanya kaya natigilan siya.
"Sino?" kinakabahan niyang tanong.
"Alam ko sino ang tinutukoy ko. Nakikita ko ang kislap ng mga mata mo kapag siya ang kaharap mo. May relasyon na ba kayo?" tanong pa ni Dave sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo parang kapatid ko na si Dimitri," pagtanggi niya. Natatakot siyang gamitin iyon ni Dave laban sa kanya. Kilala niya ito. Kahit anong mangyari hindi siya aamin tungkol sa tunay niyang nararamdaman para sa kapatid nito.
"Pero alam natin pareho na hindi tayo magkakadugo at pwedeng magkagusto ang isa man sa inyo sa isa't isa. Masyado kayong malapit ni Dimitri sa isat-isa."
Nanlamig ang kanyang mga kamay dahil sa tanong ni Dave sa kanya. Mabuti na lamang at hindi nito nakikita ang kanyang mga mata dahil kung nagkataon ay hindi ito maniniwala sa kanyang isasagot.
"Huwag masyadong madumi ang isip mo Dave, kapatid lamang ang turing ko kay Dimitri gaya ng turing ko sayo."
"Pero hindi naman kapatid ang turing mo sa akin kundi isang mortal na kaaway. Wala akong matandaan na tinuring mo akong kapatid Olivia."
"At wala rin akong matandaan na tinuring mo akong kapatid Dave. Kahit minsan ay hindi mo ako natanggap. Baka nakakalimutan mong kanina lamang ay hinalikan mo ako. Kung tinuturing mo akong kapatid ay hindi mo 'yon gagawin," mahina ang boses na wika niya sa lalaki pero sinigurado niyang maririnig nito ng malinaw.
Hindi nakasagot si Dave dahil sa kanyang sinabi bagkus ay niyaya na siya nitong umupo. Hindi niya maintindihan si Dave. Ang hilig nitong makipagtalo pero kapag sinasagot niya ay hindi nito magsasalita.
"Nag-away na naman ba kayo?" tanong ni Dimitri sa kanya.
"Hindi, bakit?" tanong niya.
"Hindi na naman kasi maipinta ang mukha."
"Hindi ka na nasanay diyan sa kapatid mo. Hindi ko na nga alam kung paano ko pa siya pakikitunguhan. Madalas ay ganyan siya sa akin, aasarin niya ako at kapag napikon ay hindi na makikipag-usap."
"Hayaan mo na. Masanay nalang tayo. May sariling mundo talaga yan. Nasanay yata na mga hayop ang kausap," napapailing na wika ni Dimitri kaya natawa na lamang siya.
Kahit minsan ay hindi niya rin nakita na naging malapit ang magkapatid sa isat-isa dahil may sariling mundo si Dave. Mas gusto pa nitong makipag-usap sa iba kesa sa kanila. Simula nang magkaisip ito ay madalas itong nasa labas at kapag naman nasa bahay ay nasa kwarto lamang.
"Baka hanapin mo ako bukas, maaga pa lamang ay babalik na ako ng Maynila dahil may appointment pa ako ng 1pm," wika sa kanya ni Dimitri kung kaya nalungkot siya.
"Kailan ka babalik?" tanong niya.
"Hindi ko alam pero tatawag naman ako kapag uuwi ako."
Ngumiti siya sa sinabi ni Dimitri kahit na ang totoo ay nalulungkot siya. Hindi siya sanay na palagi itong wala sa kanyang tabi kaya nakakapanibago.
"Huwag ka ng malungkot. Sigurado akong magiging abala ka rin naman sa trabaho mo. Isa pa, pwede mo naman akong tawagan."
"Kaso kapag tumatawag naman ako sa office mo ay palaging ang secretary mo lamang ang nakakausap ko."
"Isa lang ang ibig sabihin niyan, ibig sabihin niya ay nasa labas ako but don't worry dahil kapag na-close ko ang deal ko sa mga investors ay magbabakasyon ako ng matagal dito at magkakasama ulit tayo---like before."
"Gusto ko yan!" nakangiti niyang sagot.
Inagaw ni Dimitri ang wine glass na hawak niya.
"Napaparami ka na ng inom."
"Ngayon lang naman!" sagot niyang inagaw ang wine glass niya at tinungga iyon.
Lumalim na ang gabi at halos iilan na lamang ang bisita. Dahil sa kakulitan ni Christy ay pareho silang nalasing. Sa guest room na lamang ito natulog at hindi niya na maihatid pa.