CHAPTER TWO

1270 Words
Hindi pa rin makapaniwala si Olivia sa bago niyang buhay. Nakatira na siya sa isang mansyon, isang bagay na dati ay tila isang malayong pangarap lamang. Habang nakatayo siya sa harap ng malaking bintana, tinatanaw ang malawak na hardin na puno ng mga bulaklak at matataas na puno, ramdam niya ang halo-halong damdamin sa kanyang puso. Nalulungkot pa rin siya dahil wala na ang kanyang ama. Tumulo ang kanyang luha pero kaagad niya ring pinunasan. Ang bawat sulok ng mansyon ay puno ng yaman at ganda. Nakakamangha. Ang mga dingding ay pinalamutian ng mga obra maestra, at ang sahig ay gawa sa mamahaling kahoy na kumikislap sa liwanag ng araw. Sa gitna ng sala, may isang malaking chandelier na kumikislap na tangingsa TV niya lamang napanood, tila iyon nag-aanyaya sa kanya na yakapin ang bagong buhay na ito. "Tatay," bulong niya. Ang kanyang boses ay nanginginig. "Sobrang namiss na kita.Okay lang na mawala sa akin ang lahat ng ito," patuloy niya. "Ang mansyon, magandang kwarto, masarapa na pagkain---ang lahat. Basta kasama lang kita."Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala ka," wika niya pa. Ang kanyang mga luha ay patuloy na dumadaloy. "Bakit malungkot ka na naman?" ang malambing na tanong ni Dimitri sa kanya. Napakalambing ng kanyang tinig, puno ng pag-alala. "Ginugulat mo naman ako. Alam mo para kang kabute na basta na lamang sumusulpot." "Kabute? Ano yun?" tanong pa ni Dimitri sa kanya. "Wala," sagot niyang ngumiti. "Alam mo 'wag ka ng malungkot," ani ni Dimitri sa kanya. "Maganda ka pa naman. Hindi ba sabi ko sayo kami na ang bago mong pamilya?" Napakunot ang noo ni Olivia. Hindi niya maintindihan kung bakit siya sinusubukan ni Dimitri na patawanin. Ang kanyang puso ay puno ng lungkot at ang kanyang isip ay puno ng mga tanong. "Hindi ko alam kung paano ako magiging masaya. Namimiss ko si Papa," pag-amin niyang suminghot. Gusto niya na naman umiyak. Tumingin si Olivia sa paligid ng malaking sala. Ang kanyang mga mata ay napatingin sa mga larawan ng pamilya ni Dimitri na nakasabit sa dingding. Larawan iyon ng kompleto at masayang pamilya. Nakakainggit. "Magiging parte ka ng pamilyang yan," ani pa ni Dimitri na tinuro ang malaking portrait sa dingding. "Pero hindi ko kayo kilala," sagot niya. "Hindi ko alam kung paano ako magiging bahagi ng pamilya ninyo." "Magiging pamilya ka na namin Olivia. Siguro pag-aralan mo na kaming mahalin dahil parte na kami ng iyong buhay." "Salamat, Dimitri," sagot niya. Ang kanyang boses ay halos hindi marinig. "Walang anuman," sagot ni Dimitri. "Nandito kami para sa iyo." Sa mga sandaling iyon, naramdaman ni Olivia na may pag-asa pa rin sa kanyang buhay. Mayroon siyang mga taong nagmamahal sa kanya at handang suportahan siya sa kanyang paglalakbay sa pagdadalamhati at sa paghahanap ng kanyang bagong pamilya. "Maglaro tayo!" masiglang yaya ni Dimitri sa kanya kaya napangiti siyang tumango. "Sige," sagot niya. Ang kanyang boses ay halos hindi marinig. "Ano ang gusto mong laruin?" "Maglaro tayo ng taguan!" sigaw ni Dimitri. Ang kanyang mga mata ay kumikislap sa tuwa. "Ako ang magtatago, at ikaw ang hahanap sa akin!" "Sige!" magiliw niyang sagot. Tumakbo si Dimitri palayo upang magtago. Ang kanyang mga paa ay naglalaro sa malambot na karpet. Tumawa siya ng malakas, ang kanyang boses ay nag-echo sa malaking sala ng mga Castillo. Tumingin si Olivia sa paligid. Ang kanyang mga mata ay naghahanap kay Dimitri. Nakita niya ang isang maliit na anino sa likod ng isang malaking halaman sa may hagdan. "Nahanap na kita!" sigaw niya. Ang kanyang boses ay puno ng tuwa. Tumawa ng malakas si Dimitri at lumapit sa kanya. "Galing mo!" ani pa nito. "Sige, ikaw naman ang magtago at ako naman ang hahanap sayo." Mabilis siyang tumalima upang magtago kay Dimitri . "Isa, dalawa, tatlo..." sigaw ni Dimitri. Ang kanyang mga mata ay nakapikit kaya nagmamadali siyang magtago. Naghanap siya ng isang lugar--- isang lugar kung saan hindi siya makikita ni Dimitri. "I can see you!" tinig iyon ni Dimitri kaya tahimik siyang nagtago. Ayaw niyang mahuli ng kalaro. Muntikan pa siyang mapasigaw nang makita niya si Dave sa kanyang harapan. Madilim ang mukha nito. Napaatras siya sa takot. "Bakit dito kayo naglalaro sa bahay?" galit na tanong ni Dave sa kanya. Para itong isang leon na nagbabantay sa kanyang teritoryo at handang umatake sa sinumang sumalakay dito. "Niyaya ako ni Dimitri," sagot niya. Napaatras siya. Ang kanyang katawan ay nanginginig sa takot. Hindi niya alam kung bakit galit na galit si Dave. Hindi ba niya alam na naglalaro lang sila ni Dimitri? "Dave," sabi niya, ang kanyang boses ay nanginginig. "Hindi ka dapat nandito. Umalis ka na." "Bakit ako aalis?" tanong ni Dave sa kanya. Magkasalubong ang mga nito "Ito ang aking bahay. At ikaw ay akin." Naramdaman ni Olivia ang isang matinding panginginig sa kanyang katawan. Alam niya na nasa malaking panganib siya sa salbaheng si Dave. "Hindi ako sayo," sagot niya. Ang kanyang boses ay nangatal. "Hindi mo ako pagmamay-ari." "Hindi ba?" tanong ni Dave. Ang kanyang ngiti ay nagiging mas malawak. Nakadama siya ng takot. "Pero ikaw ay nasa aking bahay at sa aking bahay ako ang batas," dagdag pa nito. "Nagbibiro ka ba?" tanong niya. Naramdaman ni Olivia ang kanyang mga kamay ay nagsimulang magpawis. Alam niya na hindi siya makakatakas kay Dave. "Dimitri!" sigaw niya. Ang kanyang boses ay puno ng takot. "Tulungan mo ako!" Ngunit wala siyang narinig na sagot. Si Dimitri ay nawala. "Hindi ka na makakatakas," sabi ni Dave na ngumiti sa kanya. "Bakit ba ganyan ka sa akin? Wala naman akong ginagawa sayo ah?" tanong niya sa batang lalaki. "Dahil ayokong nandito ka sa bahay. Ayokong may ibang tao rito," sagot pa ni Dave sa kanya. Umiyak na siya ng mga oras na yun. "Bakit ka umiiyak? Hindi naman kita sinaktan. Sumama ka sa akin," ani pa ni Dave sa kanya. "Saan?" "Sumunod ka nalang!" Naunang naglakad si Dave kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito kahit pa natatakot. Gwapo rin si Dave pero mas gusto niya si Dimitri dahil mabait. Hinila siya ni Dave sa kamay. Hindi niya alam kung saan siya dinala ni Dave dahil sa laki ng bahay ng mga ito. Tahimik siyang umakyat sa hagdan. Ang kanyang mga paa ay tumatama sa mga lumang kahoy na baitang. Ang amoy ng alikabok at lumang kahoy ay sumalubong sa kanilang dalawa. "Attic ito ng bahay," ani pa ni Dave sa kanya. Sa tuktok ng hagdan, isang maliit na pinto ang naghihintay. Binuksan ito ni Dave, at isang madilim at maalikabok na silid ang sumalubong sa kanila. Isang lugar na puno ng mga lumang gamit, mga nakalimutang laruan at tambakan. "Bumalik na tayo Dave," yaya niya sa lalaki. "Baka hinahanap na ako ni Dimitri." Hinila siya ni Dave papasok sa attic. Ang kanyang mga paa ay tumatama sa mga maalikabok na sahig. Ang mga lumang bagay ay nakakalat sa paligid. Isinandal siya ni Dave sa isang lumang aparador at hinawakan ang kanyang mga kamay. Ang kanyang mga mata ay nakatitig sa kanya. "Dave," ani niya. "Pakawalan mo ako." "Dito ka muna," sagot niya. Ang kanyang boses ay parang may naiisip na naman na kapilyuhan. Nagulat pa siya ng kumaripas ng takbo si Dave at iniwan siya. "Dave!" sigaw niya. Ang kanyang puso ay tumitibok ng mabilis dahil sa takot. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig. Alam niya na nasa malaking panganib siya. "Dave!" palahaw niya. Lumapit siya sa pinto at pinagsisipa iyon. Kailangan niyang makalabas sa attic. Kailangan niyang makaligtas. Hindi pa nakontento si Dave at pinatay pa nito ang pinto. Simula non ay umiwas na siya kay Dave. Alam niyang ipapahamak lamang siya ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD