Chapter 05
3rd Person's POV
"Mas mabuti ng hindi ka na pinanganak!" ani ni Gala at sa likod nito ang napakaraming halimaw. Galit na galit si Gala habang nakatingin sa batang si Gallema na nasa 13 years old.
Nawasak ang palasyo ni Gallema ng mga araw na iyon dahil sa ginawa nilang paglalaban ni Gallema at Gala. Maraming namatay na kawal at tagapaglingkod ng mga panahon na iyon ngunit wala silang naging pakialam.
Nahila ni Gallema ang hininga at napaupo sa kama. Pawisan ito habang inaalala na sa panaginip niya— halos gutay-gutayin siya ng mga halimaw ni Gala.
Napayakap sa tuhod si Gallema at napatakip ng tenga. Isa iyon sa mga trauma ni Gallema sa mga hayop at halimaw. Kaya kahit anong makita niyang hayop ay pinapatay niya na mas kinagalit ni Gala sa kaniya.
"Hindi ko maalala kung bakit galit na galit 'non sa akin si brother Gala," bulong ni Gallema. Hinawakan niya ng ulo habang inaalala ang mga nangyari.
Kung mas masusolusyunan niya iyon ng mas maaga mas madali niyang makakasundo ang kapatid na si Gala.
—
Akala ni Gallema magiging madali lang ang lahat ngunit nagkamali siya. Mula sa malayo nakita niya ang kapatid na si Gala habang nakaluhod at nagmamakaawa sa ina nito.
Kasalukuyan nilalatigo ng apat na kawal ang batang halimaw na kaibigan ni Gala. Napatigil si Gallema matapos makita ang batang halimaw.
"Spirit," bulong ni Gallema. Naalala niya na ito ang spirit ni Gala.
Pumasok sa isip niya ang ilang mga scenario. Napatay ni Gallema ang human body ng spirit na ito na naging dahilan para magwala si Gala.
Nagkagulo doon matapos atakihin ni Gala ang mga kawal. Inutusan ni Gala na tumakbo ang spirit at magtago.
Agad na sumunod ang halimaw at tumakbo. Nagsisigaw ang reyna at sinabing habulin ang halimaw.
Sinundan ng tingin ni Gallema ang halimaw at napahawak ng mahigpit ang batang babae sa suot nitong dress.
Natatakot siya ngunit hindi niya pwedeng hayaan na maulit ang nangyari dati. Nakita niya patungo ang halimaw sa kaniyang palasyo.
Sinumdan ito ni Gallema at tinawag siya ng mga kawal.
"Sir Greg, pigilan niyo ang mga kawal. Huwag niyo sila hahayaan na pumasok sa palasyo ko," utos ni Gallema matapos harapin ang dalawang kawal. Yumuko ang dalawa.
"Mahal na prinsesa iyong halimaw— anong gagawin namin sa kaniya? Palalabasin ba namim siya?" tanong ni Bernard. Umiling si Gallema at ngumiti.
"Ako na bahala sa kaniya— huwag kayo magpapasok ng kawal sa palasyo ko," sagot ni Gallema bago naglakad ng mabilis at tinungo ang daan papunta sa kaniyang palasyo.
Narinig niya ang sigaw nina Kate mula sa loob ng palasyo. Nakita din ni Gallema na inatake ng mga kawal niya ang halimaw.
"Sir Enrico! Huwag niyo siya saktan!" sigaw ni Gallema na mabilis tumakbo at tinungo ang direksyon ng mga kawal.
Sugatan ang halimaw. Napatingin sa kaniya ang halimaw— tao ang katawan nito at mukha ngunit may buntot ng leon at kakaibang kulang ng mata.
"Mahal na prinsesa may halimaw sa palasyo. Kailangan natin tawagin sina Sir Greg," ani ni Jane na may hawak na bakal na stick.
"Kaibigan siya ni brother Gala. Hindi niyo siya pwede saktan," sagot ng prinsesa. Napatigil ang halimaw matapos marinig iyon.
"Kailangan namin makausap ang prinsesa!"
Narinig ni Gallema ang boses ng mga kawal sa labas. Nanginginig ang halimaw sa takot at tatakbo ito paalis nang tawagin siya ni Gallema.
"Huwag kang lalabas. Hindi sila makakapasok dito. Walang kawal na papasok dito," ani ko na kinatingin ng halimaw.
Bakas sa mukha ng prinsesa ang takot. Umiwas ng tingin nag prinsesa at tiningnan ang mga kawal niya na nandoon.
"Itago niyo siya Jane kahit saan. Iyong hindi makikita ng mga kawal at gamutin niyo na din ang mga sugat niya," ani ng prinsesa. Napatingin sina Jane.
"Ngunit mahal na reyna. Kawal iyon ng ikalawang prinsipe at halimaw—"
"Sinasaktan nila si brother Gala nakita ko. Itago niyo ang nilalang na iyan. Kahit saan," sagot ng prinsesa bago naglakad patungo kung nasaan ang mga kawal ng prinsipe.
"Anong kaguluhan ito?"
Napayuko lahat ng kawal na nasa labas ng palasyon ng prinsesa matapos dumating ang unang prinsipe.
"May nakatakas na halimaw sa palasyo ng ikalawang prinsipe at nakita namin iyon papasok ng palasyo ng prinsesa. Nag-aalala kami na baka anong gawin ng halimaw na iyon sa prinsesa at madaliang pinakukuha ng consort ang halimaw," magalang na sagot ng isa sa mga kawal.
"Mahigpit na binilin ng prinsesa na hindi pwede magpapasok ng kawal sa palasyo," malamig na sagot ni Greg. Hindi makaapila ang mga kawal na nandoon dahil nandoon si Greg.
Hindi alam ng mga kawal ang gagawin dahil nasa harap na nila ang unang prinsipe at ang kanang kamay ng hari.
"Brother Gaiden!" tawag ng prinsesa. Agad na lumapit si Gaiden sa kapatid na nasa bukana ng palasyo.
"Umalis na kayo— narinig niyo ang sinabi ng prinsesa. Hindi kayo pwede pumasok," malamig na utos ni Gaiden. Yumuko ang lahat at uumalis.
Hindi maiwasan ni Gallema na mapahanga matapos umalis ang mga kawal sa utos ni Gaiden.
"Nabalitaan ko ang nangyari— pumasok dito ang alaga ni Gala," bungad ni Gaiden. Napakamot sa pisngi ang prinsesa.
"Pinatago ko siya kina Jane. Nakita ko siyang pinarurusahan ng consort at niligtas siya ni brother Gala," sagot ng prinsesa na kinakunot noo ni Gaiden.
"Muntikan ka na niya mapatay kahapon. Tinutulungan mo pa siya ngayon?" ani ni Gaiden. Inangat ni Gallema ang tingin sa kapatid.
"Kapatid natin siya," sagot ni Gallema. Hindi nakapagsalita si Gaiden dahil doon.
"Kris," tawag ni Gaiden sa pinuno ng mga kawal sa palasyo niya. Agad lumapit iyong Kris at lumuhod.
Tanda ng pagtanggap ng kahit anong utos.
"Samahan niyo sina Greg. Mamaya siguradong babalik ang mga kawal na iyon. Huwag niyo sila papasukin," ani ni Gaiden. Lumiwanag ang mukha ni Gallema matapos marinig iyon at natutuwa na niyakap ang bewang ng kapatid.
"Pumasok na tayo sa loob. Magbihis ka masyadong manipis ang suot mo. Magsisimula na ang taglamig," ani ni Gaiden matapos buhatin ang kapatid na agad kumapit sa leeg ng prinsipe.
Kalaunan sa kusina ng palasyo. Ginamot ni Jane ang sugat ng halimaw. Puno ito ng sugat iyong iba ay mukhang matagal na. Hindi makapaniwala si Jane na sasapitin iyon ng halimaw.
Balita niya sa palasyo ng ikalawang prinsipe ay maraming iba't ibang klase ng halimaw at hayop since ang pagkontrol ng mga ito ang kakayahan ng prinsipe.
Nakakatakot para sa mga tagapaglingkod ang palasyo na iyon since maraming halimaw ang nandoon. Madalas daw sa mga iyon ay nagwawala at walang araw na walang nilalabas na katawan ng mga tagapaglingkod sa palasyo na iyon bunga ng pagiging pabaya ng ikalawang prinsipe.
Pumasok ang unang prinsipe at prinsesa. Agad na nawala ang halimaw at galit na nakasiksik sa pinakasulok ng kwarto.
Humaba ang mga kuko nito at mga pangil.
Natakot si Gallema dahil doon at napakapit sa kapatid. Nagtaas ng kamay si Gaiden para gawing abo ang halimaw ngunit napigilan siya ni Gallema.
"Huwag brother Gaiden," nanginginig na sambit ni Gallema na kinatingin ni Gaiden.
Ramdam niya ang kapangyarihan ng halimaw at dahil ordinaryo na ang siya tao— ramdam niya ang presensya ng halimaw at isama pa ang trauma nito. Naging dahilan iyon para manginig at manlamig si Gallema.
"Ano bang sinasabi mo? Nakikita mo ba ang sarili mo ngayon?" inis na sambit ni Gaiden. Tiningnan ni Gallema ang kapatid.
"Hindi natin siya pwedeng patayin. Kaibigan siya ni brother Gala," bulong ni Gallema. Binaba ni Gaiden ang kamay at inismiran ang bunsong kapatid.
Binaba niya si Gallema at tiningnan ang halimaw na napatingin sa kaniya. Napatago siya sa likod ng mga hita ng kapatid na lalaki.
"Huwag kang matakot. Itatago ka namin— hindi ka masasaktan dito," sagot ni Gallema. Napa-pokerface si Gaiden sa idea na mas mukhang takot ang prinsesa kaysa sa halimaw. Bakit ito pa ang nagko-comfort dito.
"Si master Gala. Tulungan niyo siya nagmamakaawa ako," ani ng halimaw at lumuhod na kinatigil ni Gallema.
"Anong sinasabi mo? Malakas si Gala kaya niya ang sarili niya. Huwag mo kaming idamay sa gusot niyo," banat ni Gaiden. Lahat ay tinuturing na susunod na hari si Gala dahil sa lakas nito.
Suportado ang royal family kay Gala to the point na binigyan nila ng permiso na gamitin ang ilan sa mga kawal nila para manghuli ng mga halimaw para kay Gala.
"Hindi iyon totoo kailangan niya ng tulong. Hindi na kaya ng katawan ko— ilang taon na lang ang itatagal ko kung hindi ako makakabalik sa katawan ng master ko. Kapag nawala ako magiging mag-isa na ulit si master— nagmamakaawa ako tulungan niyo ang master ko," ani ng spirit na kinatigil ni Gallema.
"Ano bang nangyari? Anong nangyayari kay brother Gala at hindi ka makabalik?" tanong ni Gallema. Napatingin si Gaiden.
"Naniniwala ka sa sinasabi ng halimaw na iyan?" tanong ni Gaiden. Naniniwala si Gallema dahil may sarili din spirit si Gaiden at nakita niya iyon 'nong past life niya.
Kung may spirit si Gaiden at ilan niyang kapatid siguraso siyang meron din si Gala at ang pagbabalik na sinasabi ng halimaw ay ang pag-iisa nila ni Gala.
"Ang consort— pinipilit niyang gamitin ni master ang kapangyarihan niya sa mga halimaw. Masyado pang bata si master Gala at hindi ako makabalik sa katawan niya. Ang mga halimaw namamatay sila at nababaliw tuwing sinusubukan sila kontrolin ni master Gala at tuwing nangyayari iyon. Napupuno ng galit ang puso ni master Gala."
"Kapag nagpatuloy iyon mawawala ako at mapuputol na ugnayan naming dalawa," dagdag ng halimaw. Napatigil si Gallema matapos marinig iyon.
Ngayon nasabi iyon ng halimaw. Pumasok sa isip ni Gallema ang ngiti ng dating Gala tuwing nakikipag-usap ang mga ito sa hayop.
Hindi kasangkapan ang tingin ni Gala sa mga hayop at halimaw. Tiningnan ni Gallema ang halimaw.
"Hindi ko alam kung anong maitutulong ko pero gagawin ko lahat para makatulong. Sa ngayon dito ka muna at huwag aalis," ani ni Gallema na kinasama ng mukha ni Gaiden.
Aapila siya nang makita niya ang expression ni Gallema. Walang awa doon o ano— sa halip lungkot at pagsisisi ang nakikita niya na hindi alam ng prinsipe kung saan nanggaling.
Kalaunan sa palasyo ng ikalawang prinsipe. Napaupo ang prinsipe sa ibaba ng kama habang hawak ang dalawang tenga matpos marinig ang iyakan ng mga hayop at halimaw na nasa loob ng kaniyang palasyo.
"Tama na," ani ng batang si Gala na nasa samung taong gulang din.
Tuwing hindi natutuwa ang kaniyang ina at sumusuway siya dito. Sinasaktan niya lahat ng mga kaibigan ng batang prinsipe.
Wala itong magawa kung hindi takpan ang tenga tuwing tinatawag siya ng mga kaibigan na tanging siya lang ang nakakarinig.
"Mahal na prinsipe," ani ng maliit na boses. Nakita niya ang isang puting kuneho. Niyakap ito ni Gala at sa isang iglap— naglaho ang kuneho na kinatigil ni Gala.
Naging abo ang munting kuneho na kinagulat ng prinsipe. Nagkalat ang dugo ng kuneho sa kaniyang kasuotan. Hindi niya mapigilan ang kapangyarihan.
"Arghhh!" sigaw ni Gala. Nag-c***k ang mga pader— nawasak ang lahat ng bagay sa loob ng kwarto at nagwala ang mga halimaw at hayop sa loob ng palasyo.
Hindi mapigilan ni Gala ang nararamdaman. Galit na galit siya sa mga nangyari at sa galit na nararamdaman niya sa unang prinsipe.
Nagkagulo sa loob ng palasyo matapos lumindol ng malakas. Nawasak ang mgs kulungan at nagiba ang palasyo ng ikalawang prinsipe.
—
Biglang lumindol kaya sa kalaliman ng gabi nagising si Gallema. Napababa ito ng kama at napahawak sa bed post matapos muntikan siya matumba.
Lumabas ng kwarto niya si Gallema at nakita niya si Greg doon.
"Prinsesa mas mabuting huwag ka na muna lumabas," ani ni Greg. Napatakip ng tenga si Gallema matapos makarinig ng iyak ng mga halimaw malapit sa palasyo niya.
Nanlaki ang mata ni Greg matapos may makitang bulto.
"Sir Greg! Iyong kaibigan ni brother Gala!" ani ni Gallema. Hinabol ito ni Gallema na kinamura ni Greg. Hinabol niya ang prinsesa.
Hindi maalala ni Gallema na nangyari iyon 'nong past. Wala siyang idea sa nangyayari.
Nakita niya na patungo ang halimaw sa palasyo ng ikalawang prinsipe. Mula sa kalayuan nakita niya ang gumuho na palasyo.
Napapalibutan ng mga halimaw ang ikalawang prinsipe. Sa paligid ng palasyo ng ikalawang prinsipe ang maraming katawan ng mga tagapaglingkod.
Hindi makapaniwala si Greg sa nakikita niya. Agad niya inutusan ang mga kawal ng prinsesa na ipatawag ang hari.
"Master Gala!" sigaw ng halimaw. Wala na sa sarili ang ikalawang prinsipe. Nababalutan ng kulay pulang aura ang kapangyarihan na bumabalot sa prinsipe.
"Mahal na prinsipe kailangan mo kumalma. Nandito na ako mahal na prinsipe," ani ng halimaw. Sa ilang taon na lumipas ang halimaw ang nag-alaga sa prinsipe.
Sinuko niya ang kalahati sa buhay at kapangyarihan niya para mabigyan siya ng katawang lupa. Gusto niya maalagaan si Gala.
"Master Gala."