01
Chapter 1
3rd Person's POV
"Hindi ako makapaniwala na nagsilang ang 4th consort ng isang prinsesa," komento ng isa sa mga tagapaglingkod na nakatayo hindi kalayuan sa crib.
"Ngunit anak siya ng hari. Bakit wala siyang kahit na anong kapangyarihan?" pabulong na sagot ng katabi nito na kasalukuyang nakayuko at tila kabado.
"Siguradong hindi siya magtatagal sa palasyo na ito. Nakakaawang prinsesa," bulong ng mayordama ng palasyo na kasalukuyang nakatingin sa munting prinsesa.
Nagising ang munting prinsesa dahil sa mga ingay. Imbis umiyak ay gumawa ito ng ingay at tumawa na kinatigil ng mga tagapaglingkod na ini-assign para paglingkuran ang prinsesa.
Lumambot ang expression ng mga tagapaglingkod at yumuko bilang paggalang, matapos makita na nakatingin sa kanila ang sanggol.
Gallema Hidalgo's POV
Base sa appearance ko ngayon— siguro nasa isang taong gulang pa lang ako. Hawak ang feeding bottle na pinaiinom sa akin ng isa sa mga tagapaglingkod, tinititigan ko si Jane— isa sa apat na tagapaglingkod na ini-assigned para alagaan ako.
Napa-pokerface na lang ako sa idea na ang palasyo ko ang may pinakaunting tagapaglingkod. May apat na kawal at apat na tagapaglingkod lang meron sa palasyo ko kaya tatlo sa tagapaglingkod ko ang nagrereklamo.
Masyadong malaki ang palasyo at lahat ng trabaho nasa kanila. Hindi katulad ng ibang palasyo na pagmamay-ari ng mga kapatid kong prinsipe.
Ano pa bang aasahan ko? Nag-iisa lang akong prinsesa sa kaharian na ito. Hindi lang dahil pinganak akong babae, pinanganak din ako na walang kapangyarihan kaya siguradong iniisip ng lahat na mamatay din ako lalo na at nasa palasyo ako ng kilalang Tyrant ng Imperyo.
"Alam mo ba prinsesa. Napaka-amo ng mukha mo. Kamukhang-kamukha mo ang pang-apat sa babae ng hari. Siguradong 'pag laki mo lalaki ka din na napaka-ganda," ani ni Jane habang nakatingin sa akin.
Hindi ko alam kung sino ang ina ko at kahit kailan hindi ko pa siya nakikita kahit 'nong past life ko— basta ang alam ko lang namatay siya 'nong pinapanganak ako. Isa daw mananayaw si ina at dinala dito sa palasyo para lang maging babae ng hari.
Maganda daw si ina ayon sa narinig ko, pinapaburan siya ng hari kaya madaming babae ng hari ang galit kay ina lalo na at isa lang hamak na mananayaw si ina.
Dahil sa kasalukuyan pa din akong kumakajn hindi ko magawang ngumiti. Inangat ko na lang ang maliit na kamay ko na kinatawa ng mahina ni Jane.
Sa apat na tagapaglingkod ko si Jane ang nagpakita ng sobrang kabutihan sa akin kahit lagi ko siya pinagmamalupitan at sinasaktan. Hindi siya umalis at hanggang sa huli pinotrektahan niya ako kahit alam niya na may kapangyarihan ako binuwis niya ang buhay niya para sa akin.
Meron lang siyang isang buhay at agad mamatay pero hindi siya nagdalawang isip na saluhin ang apoy ng kamatayan na binato ng isa sa mga kapatid ko matapos ako makagawa ng malaking kasalanan sa pangalawa kong kapatid na prinsipe.
Alam ni Jane na mabubuhay pa din ako kung ako ang tatamaan 'non dahil may proteksyon ako pero sinalo niya iyon sa kabila ng katotohanan na isa lang siyang ordinaryong tagapanglingkod at normal na tao.
'Hindi ka 'man mamatay. H-Habang buhay mong dadalhin ang mga p-pilat. Hindi iyon nababagay sa isang prinsesa.'
Tandang-tanda ko 'non imbis umiyak at magpasalamat. Tinalikuran ko siya at umalis. Walang kwenta sa akin ang buhay ng mga tao 'non sa paligid ko. Kung makaramdam 'man ako ng pagmamahal o hindi. Basta ang alam ko lang puno ng galit at pagkamuhi ang dibdib ko. Malamig pa sa yelo ang puso ko.
"Prinsesa, bakit ka umiiyak?" Nataranta si Jane at inalis ang feeding bottle sa bibig ko.
Gusto ko humingi ng sorry pero hindi ko magawa dahil hindi ko pa din magawa magsalita.
Binuhat ako ni Jane kaya nagawa kong abutin ang pisngi niya kahit mukhang sinampal ko siya dahil sa hindi ko nagawang kontrolin ang muscle ko.
Gumawa ako ng konting ingay na kinatawa ni Jane. Gusto ko maramdaman ni Jane na nagsisisi ako na hindi ko siya naprotektahan ng mga panahon na iyon.
"Nagpapasalamat ka ba dahil binigyan kita ng feeding bottle? Prinsesa, hindi mo na kailangan magpasalamat dahil responsibilidad ko na paglingkuran ang prinsesa— pero gagaan siguro ang loob ko kung ngingiti ka ulit prinsesa." Ngumiti ako at tumawa na naging dahilan para yakapin ako ni Jane na kinahagikhik ko.
"Siguradong lalambot ang puso sa iyo ng hari kapag nakita ka niya ngumiti. Ang ganda-ganda mo." Napatigil ako ng marinig ko iyon.
Tama, kung mapapalambot ko ang puso ng hari at makukuha ko ang loob niya. Magagawa kong baguhin ang hinaharap.
"Lagi ka kasing umiiyak kapag dumadating dito ang hari at nakikita mo siya. Natatakot ka sa kanya." Tinitigan ko si Jane. Umiling ako na kinalaki ng mata ni Jane. Hindi na mauulit iyon dahil siguradong sa pagkakataon na ito hindi na ako iiyak at matatakot.
Bukod sa kamatayan wala ng iba pa ang magbibigay ng takot sa akin.
"Naiintindihan mo ako prinsesa?" hindi makapaniwala na tanong ni Jane.
"Jane! Madami pa tayong lilinisin! Anong ginagawa mo diyan?" Napatayo si Jane matapos marinig ang boses ng mayordoma ng palasyo.
"Pasensya na. Pinakain ko lang sandali ang prinsesa," sagot ni Jane bago ako dahan-dahan ibalik sa crib.
"Nagsasayang ka lang ng oras! Kapag nalaman ng mga prinsipe na may isinilang na prinsesa sa palasyo siguradong hindi nila bubuhayin ang batang iyan," pagalit na sambit ng mayordama at tiningnan ako na parang isang nakakadiring nilalang.
"Mamatay din ang prinsesa at makakabalik na tayo sa palasyo ng hari." Naiyukom ko ang kamao ko matapos marinig iyon. Kung may kapangyarihan pa ako katulad 'nong unang buhay ko. Siguradong ikaw ulit ang unang tao na susunugin ko ng buhay.
Umismid ako at tiningnan si Jane na bahagyang yumuko. Lumambot ang expression ko nang magtama ang mata namin na dalawa.
Tiningnan niya ako na may awa sa mga mata at pag-aalala.
"Kahit ba sa isang sanggol na katulad mo wala silang awa?" bulong ni Jane bago hinawakan ang maliliit kong nga kamay at umiyak.
'Nong unang buhay ko ba ganito din siya? Kung may isip lang din ako at ganito ang affection na pinakikita niya sa akin. Hindi ko sana siya sinaktan at hindi ko siya tinalikuran.
Iniisip ko 'nong bata ako walang may pakialam sa akin. Mag-isa lang ako sa malamig na palasyong ito kasama ang mga katulong na walang ginawa kung hindi paringgan ako ng masasamang salita.
Pero si Jane pagmulat ko ng mata siya ang unang tao na yumakap at humawak sa mga kamay ko.
Ngayon pumasok sa isip ko kung bakit ganito siya kabait sa akin— mas lalo akong nakaramdam ng guilty. Dating tagapaglingkod ng ina ko si Jane, malaki ang utang na loob ni Jane sa ina ko dahil sa lahat ng babae ng hari si ina lang ang naging maganda ang pakikitungo sa kanya.
Si ina din ang nagpasok sa kanya sa palasyo at humiling sa hari na ipagamot ang mga kapatid ni Jane.
Pumikit ako at inangat ang maliliit na kamay ko. Mabubuhay ako— babaguhin ko ang lahat at poprotektahan ang mga taong pinagkakautangan ko ng buhay kahit ang hari at mga kapatid ko.
Lumipas pa ang ilang taon. Tatlong taon gulang na ako, katulad ng sinabi ni Jane— mas nakikita ko na ngayon kung gaano ka-amo ang mukha ko.
Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko habang nakatayo sa harap ng isang malaking salamin. Kung maga-act ako palagi ng cute at kukuhanin ko ang affection ng lahat ng mga taong nasa paligid ko kahit wala akong kapangyarihan mapapasunod ko sila.
"Prinsesa! Tingnan mo! Gumawa ako ng dress para sa iyo. Bagay na bagay sa iyo ang kasuotan na ito. Magmumukha kang anghel," excited na sambit ni Kate na kinalingon ko. May hawak na white dress si Kate na may disenyong mga bulaklak.
"Kate! Oras na ng pagkain ng prinsesa. Mamaya na 'yang dress na 'yan," saway ng matandang mayordama. May pagka-strict ang mukha ng mayordama pero nang tumingin ito sa akin, bahagyang lumambot ang expression ng mayordama at ngumiti.
"Prinsesa, kumain kana. Nakahanda na ang hapagkainan," puno ng paggalang na sambit ng mayordama.
Dahil sa charm ko. Nakuha ko din ang loob ng mayordoma. Hindi na din ito laging nakasimangot katulad ng dati.
Hinawakan ako ng mayordoma kasunod sina Jane na natawa habang sumusunod sa amin habang kausap ang iba pang tagasunod.
Kung sa ibang palasyo iyon. Siguradong tatanggalin sila at mapaparusahan pero hindi sa akin. Hinahayaan ko sila maging malaya dito at maging open sa isa't isa dahil tinuring ko silang mga tunay na pamilya.
"Magandang umaga prinsesa," bati ng mga kawal matapos lumuhod sa harap ko.
"Magandang umaga din Sir Bernard!" masayang bati ko na kinangiti ng mga kawal.
"Narinig niyo iyon. Naalala ng prinsesa ang pangalan ko," natutuwa na sambit ni Sir Bernard matapos tumayo at lingunin ang mga kasunod niya na kawal.
"Prinsesa, ako din anong pangalan ko?" tanong ng isa sa mga kawal bago ituro ang sarili.
"Bumati ka din muna sa akin katulad ng magandang umaga," ani ko habang tumatawa.
Namula ang mga kawal matapos makita ang ngiti ko at sunod-sunod na bumati.
"Ang cute!" parang bata na sambit ng ilan sa mga tagasunod ko.
"Prinsesa, kapag nasa tama ka ng gulang huwag ka basta ngingiti sa mga lalaki." Nagtaka ako sa sinabi ni Sir Nicolai kaya tiningnan ko siya.
"Bakit naman Sir Nicolai?" nagtataka na tanong ko.
"Madaming emperyo ang kukuha sa iyo at s*******n gagawing prinsesa ng palasyo nila para makita ang ngiti mo," sagot ni Sir Bernard na kinagahagikhik ko dahil alam kong biro iyon.
"Masyado kang exagerated Sir Nicolai. Tumabi na nga kayo. Oras na ng pagkain ng prinsesa."
Napahagikhik ako matapos tumabi ang mga kawal habang nagkakamot sa ulo.
"Bye Sir Bernard, Sir Nicolai, Sir Arthur at Sir Enrico!" paalam ko matapos ngumiti. Napatigil sila at maya-maya kumaway na din sa akin.
Hindi ko ini-expect na magiging going smooth lang ang lahat. Nakuha ko na ang loob ng mga tagapaglingkod ko dito sa palasyo.
Ngunit ang sarili kong pamilya hindi pa, dahil kahit isang beses hindi ko pa sila nakikita na dumalaw sa palasyo ko.
Napa-pokerface ako at napalabi. Dapat ba hilingin ko na maisipan nilang tangkain ako patayin para makita ko sila.
—
Matapos ako ipaghanda ng mayordoma ng pagkain. Nagsimula na din akong kumain.
Malungkot kumain na mag-isa. Tiningnan ko ang mahabang lamesa.
Sana magawa ko na kahit isang beses sa buhay na ito maranasan ko makasabay kumain ang hari at mga prinsipe.
Maya-maya umiling ako at hinawakan ng mahigpit ang knife na hawak ko.
Magagawa ko iyon! Palalabasin ko ang soft side nila para sa akin.
Proven ng wala silang mga puso lalo na kapag lumaki na sila at mga nasa wastong gulang na. Sa hinaharap papatayin nila ang mga babae ng hari at sunod nila pagtatangkaan ang hari.
Hindi ko iyon hahayaan. Ngunit paano ko mapipigilan iyon kung wala akong kapangyarihan?
4 years mula ngayon. Makikita ko ang isa sa mga kapatid ko. Si Gaiden Hidalgo. Kung tama ang bilang ko sa edad niya base sa feature niya. 14 years old siya 'non at ngayon 10 years old siya.
Ngunit hindi pwedeng maghintay na lang ako dito sa loob ng palasyo at hintayin na pagtangkaan niya ang buhay ko bago ko siya makita.
"Jane," tawag ko. Lumapit naman agad si Jane. Tiningnan ko si Jane matapos ibaba ang hawak kong knife.
"May kailangan ka ba prinsesa? Ayaw mo ng pagkain?" may pag-aalala na tanong ni Jane. Umiling ako bilang sagot.
"Bigla lang pumasok sa isip ko. May alam ka ba tungkol unang prinsipe?" malayo sa tanong niya na sagot ko.
"Prinsipe Gaiden? Pasensya na mahal na prinsesa pero hindi ko pa nakikita si prinsipe Gaiden kahit minsan. Bakit hindi niyo tanungin ang mga kawal?" suhesyon ni Jana na kinaliwanag ng mukha ko.
"Oo nga! Sina Sir Bernard! Kakain ako ng mabilis para makausap agad sila," excited na sambit ko. Kawal sina Sir Bernard kaya siguradong may alam at nakita ba nila ang unang prinsipe.
"Naku prinsesa, mag dahan-dahan ka baka mabilaukan ka," ani ni Jane na bahagyang nag-panic dahil sa pagmamadali ko.
—
"Prinsipe Gaiden?" ulit ni Sir Bernard na nakaupo sa bench katabi ko. Matapos ko kasi kumain hinanap ko agad si Sir Bernard at nakita ko siya na kasalukuyan na nag-te-training mag-isa.
Kilala ko ang prinsipe sa pangalan at kapangyarihan nito pero hindi ang pagkatao. Gusto ko siya makilala para malaman kung anong gagawin ko.
"Madaming tagapaglingkod at kawal ang hindi nagtatangka lumapit sa kanya. Sinumpa daw ang prinsipe at may nakakahawa na sakit kaya walang lumalapit dito kahit ang reyna," ani ni Sir Bernard na hawak ang baba.
"Sakit?" ulit ko. Sa pagkakatanda ko 'nong past life ko wala akong natatandaan may sakit ang unang prinsipe.
"May itim na mga marka ang bumabalot sa katawan ng unang prinsipe. Meron na siya nito mula ng isilang. Madaming wizard ang nagsasabi na sinumpa ang prinsipe at hindi ito magtatagal— hindi aabot ang prinsipe sa labing walong taong gulang," dagdag ni Sir Bernard.
Gagaling ang prinsipe. Wala siyang kahit na anong marka 'nong minsan niya ako tinangkang patayin.
"Madaming tagapaglingkod ang nagsasabi na lagi daw umiiyak ang prinsipe at humihingi ng tulong tuwing gabi dahil sa sakit," ani pa ni Sir Bernard na kinatingjn ko.
"Nasaan ang reyna, isang manggagamot ang reyna diba?" tanong ko kung tama ako buhay pa ang reyna sa mga panahon na ito.
"Prinsesa hindi ka nakikinig sa akin kanina. Walang gustong lumapit sa kanya kahit ang kanyang ina. Hindi din tinangka ng reyna na gamutin ang unang prinsipe dahil natatakot ang reyna na malipat sa kanya ang sumpa." Umupo ako sa isa sa mga bench na nasa hardin at tiningnan ang isa sa mga palasyo na malapit sa palasyo ko.
"Ibig sabihin walang nag-aalaga ngayon sa unang prinsipe?" tanong ko. Hindi ko inaakala na pati ang reyna katatakutan ang sarili niyang anak at uunahin ang sarili.
"Walang pumupunta sa palasyo niya. Kung may pumunta 'man ay iyon ay para ipaghanda siya ng pagkain," sagot ni Sir Bernard. Hindi ko maiwasan maawa para sa unang prinsipe.
"Totoo ba na nakakahawa ang sakit ng prinsipe? Sa tingin mo Sir Bernard?" tiningnan ko ang kawal. Hinawakan nito ang baba na parang nag-iisip.
"Sa tingin ko hindi. Kasi may isa sa mga tagapaglingkod ang hindi sinasadyang nahawakan ng unang prinsipe."
"Nag-panic ito pero hindi namatay. Buhay pa naman ngayon at walang sakit," sagot ni Sir Bernard bago nagtataka akong tiningnan.
Ibig sabihin kwentong barbero lang ang sakit na iyon. Nag-cross arm ako at sumimangot.
Napakurap ako ng may pumasok na idea sa isip ko. Walang tao sa palasyo ibig sabihin makakapasok ako doon ng walang problema.
"Sir Bernard, gusto ko puntahan ang prinsipe. Pwede mo ako samahan?" ani ko bago tumayo ng ayos at nagpa-cute.
Kita ko ang pagdadalawang isip ni Sir Bernard. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.
"Please," ani ko na parang nagmamakaawa.
"Prinsesa, haist paano naman ako makakatanggi nito," ani ni Sir Bernard na napakamot sa ulo.
"Sige na nga," sagot ni Sir Bernard na kinaliwanag ng mukha ko.
"Pero kailangan mo mag-ingat. Masyadong mailap ang unang prinsipe. Hindi ako aalis sa tabi mo kahit i-utos mo pa iyon habang nasa palasyo tayo."
"Isa pa din siyang prinsipe at isa siya sa royal family. Makapangyarihan din siya at wala kang proteksyon." Halos wala na ako naintindihan dahil sa bilis ng pagsasalita ni Sir Bernard. Imbis umapila ngumiti ako at tumango.
Bumuga siya ng hangin at lumuhod sa harap ko. Binuhat niya ako at naglakad palabas ng garden.
Kung makukuha ko ang loob ng unang prinsipe. Poprotektahan niya ako, hindi niya na ako tatangkain na patayin at in future hindi siya mamatay sa kamay ng mga kalaban.
'Aja! Gallema. Makukuha mo din ang puso ng isa sa tyrant mong kapatid.'
—
Nang makarating kami sa palasyo. Napatigil ako dahil kahit isang kawal walang nandoon.
Kung tama ako sa bawat palasyo ng prinsipe may 130 na kawal at 200 na tagapaglingkod.
Hinayaan ba ito ng hari na mangyari? Hinayaan niya mag-isa sa palasyong ito ang isa sa pinakamamahal niyang mga prinsipe.
Napa-pokerface ako sa idea na hindi na nakakapagtaka iyon dahil ako ang pinabayaan sa sarili kong palasyo na apat lang ang kawal kahit alam nilang wala akong kapangyarihan at isa akong prinsesa.
Kulang na lang buksan nila ang trangkahan at maglagay ng karatula na pumunta lahat doon ang mga assasin na may galit sa royal family at patayin ako.
Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa tapat ng malaking pintuan. Binaba na ako ni Sir Bernard at sinigurado na walang tao sa paligid.
Huminga ako ng malalim at binuksan iyon. Napatigil ako at bahagyang napaubo dahil sa mga nalanghap kong alikabok.
"Prinsesa!" natataranta na sambit ni Sir Bernard nang mapa-ubo ako.
"Pakitawag si Jane at Kate," utos ko. Hindi ko alam kung stock room ba ito o kwarto sa dami ng kalat.
"Pero prinsesa! Hindi kita pwedeng iwan dito!" Napangiwi ako ng pagtaasan ako ng boses ni Sir Bernard. Mukhang nagulat din siya kaya agad ito napaluhod at humingi ng tawad.
"Linisin mo na lang ang kwarto na ito kung ayaw mo sila tawagin. Hindi ko hahayaan manatili sa ganitong kadumi na kwarto ang kapatid ko," may pag-aalala na sambit ko bago humakbang papasok ng kwarto.
"Pero prinse—."
"That's my order," putol ko kay Sir Bernard.
"Masusunod, mahal na prinsesa." Tumayo si Bernard at naunang pumasok sa loob. Tinakpan ko ang ilong ko at lumapit sa kama.
Madilim ang kwarto at bahagya iyon lumiwanag matapos tanggalin ni Sir Bernard ang kurtina.
Doon nakita ko ang marka na sinasabi ni Sir Bernard. Kalahati sa mukha ng prinsipe meron ng marka.
Pilit akong sumampa sa kama at sinubukan hawakan ang pisngi ng prinsipe ngunit—.
"Anong ginagawa mo?! Sino ka?!" Nanlaki ang mata ko nang hawakan niya ang kamay ko at mapabangon.
"Prinsesa!" Nakita kong hindi nakagalaw si Sir Bernard at hindi nagawang lumapit sa akin. Isa iyon sa kapangyarihan ng unang prinsipe. Ang patigilan ang kahit ano 'man na bagay ang gumagalaw na limang kilometro ang layo mula sa kanya.
Kita ko ang galit sa mukha ng prinsipe at hindi iyon maganda. Kailangan ko makaisip ng paraan para mapakalma siya.
Nangilid ang luha ko at umarteng nasasaktan. Bahagya siyang napatigil at binitawan ang kamay ko.
Effective. Parang gusto ko tuloy magsasayaw dahil sa tuwa hihi.
Ngayon binitawan niya na ang kamay ko doon ko naramdaman ang sakit. Parang gusto ko na tuloy talaga umiyak.
Hinawakan ko ang wrist ko at tiningnan ang prinsipe. Kumunot agad ang noo nito at tiningnan ako ng masama.
"Anong ginagawa mo dito?! Gusto mo din ba ako patayin?" may pagkadisgusto na tanong ng unang prinsipe.
Bahagya kong pinunasan ang pisngi ko at tiningnan ang prinsipe.
"W-Wala akong kapangyarihan p-para gawin iyon," may lungkot na sagot ko bago bahagyang yumuko.
"Narinig ko kasi ang mga usapan sa labas ng palasyo n-na may sakit ka. M-Mag-isa ka dito kaya pinuntahan kita," bulong ko habang pinaglalaruan ang daliri ko.
"Hindi ko kailangan ng awa mo! Lumayas kana dito!" Tinulak niya ako na naging dahilan para mahulog sa kama. Dahil sa bata pa din ang katawan na ito kahit 23 years old na ang existence ko— umiyak ako dahil sa instinct.
Nakagalaw na si Sir Bernard at agad ako dinaluhan. Iyak ako ng iyak at hindi ko iyon mapigilan. Nasaktan ako at the same time nagulat.
"Lumayas kayo dito! Hindi ko kailangan ng awa niyo! Hindi ko kayo kailangan!" Matapos magbigay galang ni Sir Bernard umalis na kami doon. Hindi ko maiwasan na umiyak dahil sa sakit ng braso at ulo ko matapos iyon tumama sa sahig.
Nagkagulo naman agad sina Jane matapos ako makita umiiyak at magkaroon ng sugat. Pinagalitan din nila si Sir Bernard at sinunod ako sermonan matapos ako patahanin.
Parang gusto ko na lang ulit umiyak dahil sa frustration ko. Unang beses pa lang ng pag-try ko na paamuhin ang tinuturing na sacred phoenix ng emperyo nauntog na ako.
Kung hindi pa ako titigil siguradong hindi malayong balian niya ako ng buto sa mga susunod pa na pagkakataon.