06

2139 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Naging saksi ang halimaw sa paglaki ni Gala. Kung paano ito iniwan ng ina sa crib nito at pagtangka sa buhay nito ng ilang tagapaglingkod. Mabuting bata si Gala. Alam ng espiritu ng tagapaglikha na kapag dumating ang araw magagawa nila maging isa ni Gala. Hindi naisip ng halimaw na magiging malaki ang epekto ng nilalaman ng puso ni Gala sa responsibilidad nito bilang prinsipe. Kailangan nito sundin ang nagsilang sa kaniya. s*******n ito nag-training at ginamit ang mga halimaw para mapalakas ang sarili niya. Walang maisip si Gala na paraan masyado itong takot at lahat kinikimkim. Noong tamang oras na para bumalik ng espiritu at alam niya na kaya na ni Gala mag-isa — hindi na ito magawang makapasok sa katawan ni Gala. Napuno na ng galit ang puso ni Gala at lahat ng bagay ay gusto na nito masira. Gusto ng halimaw na sisihin ang sarili sa nangyari. Dapat mas binantayan niya si Gala at inunawa ito— ngunit ano bang alam ng espiritu na katulad niya sa nararamdaman ng isang mortal. Hinawakan ng halimaw ang dibdib at balak nitong s*******n na pumasok sa katawan ni Gala nang makita niya ang batang prinsesa. "Brother Gala! Naririnig mo ba ako?" sigaw ni Gallema. Sa tabi nito si Greg na kahit anong oras ay handang umatake. "Brother Gala gusto mo ba makipaglaro sa akin? Brother Gala," tawag ni Gallema. Hindi na alam ni Gallema kung anong sasabihin niya. Nag-iba ang kulay ng mata ni Gala— bumabalik na iyon sa dati at una niyang nakita si Gallema. Sa tabi nito ang halimaw. "Brother—" "Umalis ka dito! Hindi kita kapatid!" sigaw ni Gala. Naalarma ang mga halimaw at inatake si Gallema. Humarang ang halimaw at si Greg. Napasigaw si Gallema dahil sa naalala nito ang nangyari sa nakaraan. Nagulat sina Greg matapos may puting liwanag ang tumama kina Gala. Tumalsik ang mga ito at tumama sa napakalaking pader. Sa lakas 'non nawasak ang pader at babagsakan si Gala nang may mga kadena na silver ang pumulupot sa paa ni Gala galing sa lupa. Hinila nito si Gala at tinali sa poste. Napalingon sina Greg at nakita nila ang hari. Nakasuot ito ng roba at masama ang tingin sa ikalawang prinsipe. Nagdilim ang mukha ni Gala matapos makita ang hari. Napahiyaw si Gala sa sakit matapos humigpit ang mga kadena na nakapulupot sa katawan niya. "Ama! Huwag!" sigaw ni Gallema matapos makitang nasasaktan si Gala. Lumuwang ng kusa ang kadena ngunit nanatili ito doon. "Greg— ligpitin mo lahat ng kalat dito. Huwag niyo aalisin ang pangalawang prinsipe diyan hangga't hindi ko sinasabi." Aapila si Gallema nang tapikin siya ni Greg para sabihin na huwag magsalita. Nilingon siya ni Gallema. Umiling si Greg. "Kung hindi prinsipe ang ikalawang prinsipe— mas malalang kaparusahan ang matatanggap niya. Marami siyang napatay na tao at aatakihin niya ang isa sa miyembro ng mga Hidalgo," ani ni Greg. Hindi nakapagsalita si Gallema at yumuko. — Dalawang araw ang lumipas— ang halimaw lang ang nanatiling nakabantay sa ikalawang prinsipe. Pinakakain ito ng mga prutas kahit sinasabing ayaw nito kumain. Wala silang nakakain na maayos na pagkain dahil walang nakakaisip na dalhan sila 'non kahit ang ina ng prinsipe. Nakatali pa din ito sa poste at hindi makawala. Mas tumitindi ang galit ni Gala na kinawalang pag-asa ng halimaw. Kapag nagpatuloy pa iyon baka hindi na kayanin ng katawan niya at bigla na lang siya maglaho. Ayaw niya iwan ang prinsipe. Napatingin ang halimaw sa likod ng nakatayong pader hindi kalayuan sa pwesto nila. Nakita niya ang kawal ng prinsesa hindi sa kalayuan. Nakita niya din ang prinsesa na sumisilip at napatingin doon si Gala. Nagtama ang mata ng dalawang bata kaya alanangin na lumabas si Gallema. Nagdilim ang mukha ni Gala ngunit hindi ito umimik. Binaba ni Gallema ang hawak na lalagyan sa kinatatayuan niya. Natakot si Gallema at tumakbo palayo. Tumayo ang halimaw at tinungo ang dalang lalagyan ng prinsesa. Nakita niya na mga pagkain iyon at maiinom. "Mahal na prinsipe, may pagka—" "Ayokong kumain. Kainin mo kung gusto mo. Lasunin pa ako ng babaeng iyon," sagot ng batang prinsipe na may galit da mukha. Lahat ng tao sa palasyo pare-pareho. Mga makasarili at tanging kapangyarihan lang ang mahalaga sa kanila. Bumuga ng hangin ang halimaw at sinunod ang prinsipe. Siya ang kumain ng laman ng basket at binigyan ang ilang natitirang halimaw at hayop na nandoon. Sugatan lahat ng halimaw na nandoon at mga nanghihina. Nakita iyon ng prinsesa kanina ngunit natatakot siya. "Sir Greg," tawag ni Gallema. Napatingin ang kawal. Malungkot ang mukha ng prinsesa kaya ito nagtataka. "Gusto ko tulungan sina brother Gala ngunit natatakot ako sa mga animals and monster na nasa tabi niya. Siyempre gusto ko din tulungan at gamutin iyong mga kaibigan ni brother Gala ngunit natatakot ako," ani ni Gallema. Hindi masisisi ni Greg ang prinsesa kung natatakot ito. Iniisip ni Greg na iyong nangyari 'nong isang araw ang dahilan kung bakit natatakot ang prinsesa. Wala siyang maisagot dahil bata pa din ito at iba ang sitwasyon ng prinsesa. Napalunok sina Jane at ilang tagapaglingkod matapos sila dalhin ng prinsesa sa wasak na palasyo. Marami doong halimaw at mga hayop na sugatan. Nandoon din ang unang prinsipe na napa-pokerface matapos makita ang kapatid na nagdilim ang mukha matapos sila makita. "Gallema, ilang beses ka na tinangka patayin ng talunan na iyan. Nandito ka pa din para tulungan sila?" ani ng unang prinsipe at tiningnan ang kapatid na bunso na kasalukuyang nakatago sa likuran niya. "Kailangan nila ng tulong," sagot ni Gallema. Tumayo ang mga halimaw kaya napaatras sina Jane. "Mahal na prinsipe, nandito sila para tumulong," ani ng halimaw ta tumayo mula sa pagkakaupo nito sa sahig. "Hindi ko kailangan ng tulong nila!" sigaw ng prinsipe at naglabas ito ng mabigat na aura. "Pero kailangan ng tulong ng lahat ng nandito mahal na prinsipe! Kung nagmamalakasakit ka sa kanila master hahayaan mo tulungan sila ng prinsesa," sagot ng halimaw na kinatingin ng pangalawang prinsipe. "Mahina ka pa mahal na prinsipe at ganoon din ang mga kasama natin dito. Nagmamakaawa ako master Gala. Kailangan natin ng tulong," bulong ng halimaw. Hindi pa nakakapagsalita si Gala tumili si Gallema. "Kyaa!" sigaw ni Gallema at napaupo matapos siya talunan ng isang kuneho. "Gallema!" sigaw ng unang prinsipe at tinulungan si Gallema na takot na takot. Nanginginig si Gallema ngunit inutusan niya ang mga tagapaglingkod niya na gamutin ang mga kaibigan ni Gala. Hindi ito nakatingin habang nakayakap sa nakakatanda nitong kapatid. Hindi maintindihan ni Gala kung bakit iyon ginagawa ng prinsesa. Wala itong mapapala sa pagtulong sa kaniya at kumpara sa nakakatandang kapatid at sa susunod na hari wala itong maibibigay sa kaniya. Takot na takot ito pero nanatili ito doon. Inutusan niya din ang ilang kawal na magdala ng makakain ito doon para sa mga nilalang. Naiinis si Gala ngunit para sa mga kaibigan niya kailangan niya kumalma. Wala pa siyang magagawa dahil nakatali siya doon. Sa loob ng dalawang linggo— araw-araw pumupunta doon si Gallema para dalhan ng pagkain ang mga nilalang. Ilang metro pa din ang layo niya sa mga halimaw at mga hayop. Hindi ito lumalapit dahil sa takot. "Bakit parang may kulang? Nasaan iyong kuneho?" tanong ni Gallema. Binilang niya iyong mga kumakain na maliliit na hayop. Ginala ni Gallema ang paningin sa paligid. Napatingin siya sa sira na gate at nagulat siya matapos makita doon ang kuneho at hindi makababa. Matalas na bato ang babagsakan nito kung sakaling mapabitaw ito doon. Tumakbo si Gallema patungo doon. Hindi siya napansin ng mga kawal at tagapaglingkod dahil alerto ang mga ito baka atakihin sila ng mga halimaw. Nakita ni Gala si Gallema na tumatakbo patungo sa gate na hindi kalayuan sa pwesto niya. Kumunot ang noo ni Gala matapos makitang umakyat sa mga bato si Gallema. Nakita niya din iyong rabbit na umiyak. Inalis ni Gallema iyong tali sa paa ng rabbit na nakasabit sa gate. Matapos makatakas ang rabbit tinalunan nito si Gallema na napatili. Sa pag-atras nito nadulas siya at mahuhulog sa maraming matatalas na bato. "Mahal na prinsesa!" sigaw ng tagapaglingkod. Napatakbo si Greg matapos makita iyon ngunit bago pa tumama kung saan si Gallema may bagay na pumalibot sa katawan niya at sa rabbit. Yakap ni Gallema ang rabbit habang nasa ere. Kulay violet ang kapangyarihan at binaba nito si Gallema. Sinundan niya ng tingin ang pinanggalingan 'non at nakita niya si Gala. "Prinsesa!" lumapit si Greg. Napatigil si Gallema matapos may mahawakan na mabalahibo at malambot— napatingin ito sa yakap niya at nakita niya iyong rabbit na nakatingin sa kaniya. "Kyaah!" tili ni Gallema. Naihagis ni Gallema ang rabbit na agad nasalo ni Bernard. Nagtatalon si Gallema habang yakap ang mga hita ni Greg dahil sa takot. Napasapo sa noo ang imperial knight at binuhat ang prinsesa. "Nararamdaman kong malinis ang puso ng prinsesa. Napakabuti niya din na tao," ani ng halimaw. Hindi niya iyon mapagkakaila. Niligtas nito ang rabbit kahit takot ito sa mga ito. Malinaw iyon dahil halos mag-freak out ito matapos makitang may yakap siya na rabbit. Pinagalitan ito ng ilang mga tagapaglingkod na nandoon lalo na ng babaeng nagpalaki sa batang prinsesa. "Anong ginagawa mo doon mahal na prinsesa?" "Niligtas ko iyong rabbit. Jane sorry na," ani ng prinsesa matapos yakapin sa hita ang tagapaglingkod. Nagalit kasi ito sa nangyari. "Mahal na prinsesa— ingatan mo naman sarili mo ayaw namin makita ang ulo namin isa-isa na gumugulong," ani ni Enrico na napasapo sa noo. Muntikan na mahulog ang puso nila matapos makita na mahuhulog ang prinsesa. Napansin ni Gala na konti lang ang tagapaglingkod ng prinsesa kahit ang mga kawal nito ngunit kahit ganoon ay natatanggap ng prinsesa ang mga atensyon at pagmamahal na nais nito. Nakaramdam ng konting inggit ang prinsipe dahil doon. Kahit minsan kasi walang nagtanong sa kaniya kung okay lang siya o tangkain na protektahan siya. Alagaan siya at naging masaya kasama siya. Bumaba ang tingin ni Gala. "Mahal na prinsipe alam mo ba nalaman ko na walang kahit anong kapangyarihan ang prinsesa? Katulad din siya ng mga ordinaryong tao sa palasyo na ito," ani ng halimaw na kinatingin ni Gala. Gumusot ang mukha ng prinsipe. "Imposible ang sinasabi mo— isa siyang prinsesa at anak ng hari. Paano siya mawawalan ng kapangyarihan?" inis na sambit ni Gala. Tiningnan siya ng halimaw. "Hindi mo siguro alam pero kapag nilapitan mo siya malalaman mo na ordinaryong tao lang siya," sagot ng halimaw. Kung iisipin walang dahilan ang espiritu para magsinungaling sa kaniya. Kinabukasan, May dalang carrot si Gallema. Nilapitan nito ang kuneho na niligtas niya at inilahad ang carrot para kainin ng kuneho. Nagtaka ang mga tagapaglingkod doon pero hinayaan lang nila ito. Nanatili naman alerto ang mga kawal sa tabi ni Gallema. Hindi nakatingin si Gallema at nanginginig na inaabot ang carrot. Kinagat iyon ng kuneho— sumilip si Gallema. Namangha si Gallema sa pagkain nito ng carrot. May ilang kuneho na lumapit kaya nabitawan nito ang carrot at napatakbo kay Greg na muntikan ng matumba dahil sa pagbangga sa kaniya ng prinsesa. Tinitingnan lang ng mga halimaw ang batang babae. Natatakot ito ngunit sinusubukan pa din nito mapalapit sa kanila hindi nila iyon maintindihan. "Anong ginagawa ng prinsesa dito?" tanong ng unang konsorte ng palasyo. Pinukol ng malamig na tingin ng konsorte ang prinsesa. Yumuko ang prinsesa at tagapaglingkod matapos makita ang konsorte. "Hinahatidan namin ng makakain ang pangalawang prinsipe," puno ng respeto na sagot ng prinsesa. Napataas ng kilay ang konsorte. "At sino ka para gawin iyon? Isa ka lang hamak na prinsesa at pinakakain mo ng mga basurang iyan ang prinsipe?" tanong ng konsorte. Napayuko ang prinsesa. "Wala ba sa iyo nagtuturo ng tamang etiquette? Pinakakain mo sa ganitong lugar ang prinsipe?" irita na sambit ng konsorte. "Hindi ba dapat magpasalamat ka 1st consort sa prinsesa? Noong mga time na nakalimutan mo na may anak kang pinarusahan ng hari at walang mga tagapaglingkod ang gusto pumunta dito para hatidan ng pagkain ang prinsipe si Gallema ang gumagawa." Napatigil ang konsorte at mabilis na nagdilim ang mukha matapos makita ang unang prinsipe. Napatingin si Gallema— nakita niya si Gaiden. Dumating ang mga kawal ng hari na lima lang sa magagaling na wizard sa buong emperyo. Tinanggal nila ang kadena kaya nakawala na ang ikatlong prinsipe. "Huwag ka dito mangialam mahal na prinsipe. Ito ang paraan ko para magdisiplina sa prinsipe," mababa at may diin na sambit ng konsorte. Hinawakan ni Gallema ang laylayan ng suot ng prinsipe na kinatingin ni Gaiden. Umiling si Gallema at parang sinasabi na huwag ng sumagot. Sumama ng mukha ng prinsipe at yumuko. "Aalis na kami 1st consort," bulong ni Gallema. Yumuko ang lahat bago tumalikod at naglakad paalis. Lumingon so Gallema at tiningnan niya ang ikalawang prinsipe na agad umiwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD