Chapter 04
3rd Person's POV
Kasunod si Bernard at Greg malayang nakakapagpabalik-balik ang prinsesa sa palasyo ng unang prinsipe at sa palasyo ng hari.
Naiilang pa din si Gallema sa hari ngunit unti-unti na din ito naging komportble dahil maganda ang pakikisama ng hari sa kaniya.
Kapag walang ginagawa ang hari at nasa tahimik niya itong palasyo lagi niyang iniimbitahan si Gallema na walang dahilan.
"Mahal na hari! Tingnan mo ito! Ang ganda ng bulaklak," natutuwa na sambit ni Gallema habang nakaupo sa lupa at gumawa ng flower crown gamit ang mga bulaklak na nasa hardin ng hari.
"Bibigay ko ito kay brother Gaiden," natutuwa na sambit ni Gallema. Bumunot ulit di Gallema ng mga bulaklak. Tahimik lang naman siya pinanonood ng hari.
Kalaunan sa kabilang bahagi ng palasyo. Nakatayo ang reyna hindi sa kalayuan kasunod ang nasa walong kawal at maraming tagapaglingkod.
Tinitingnan nila ang batang prinsesa na lumapit sa hari at pinakita ang hawak nitong flower crown.
Dumilim ang mukha ng reyna matapos makita ang expression ng hari. Nakumpirma niya na totoo ang mga kumakalat na balita na laging pinatatawag ng hari ang batang prinsesa at pinapupunta ito sa emerald palace kung saan namamahinga ang hari.
Nakaramdam ng sobrang selos ang reyna dahil sa lugar na iyon kahit ang reyna ng palasyo ay hindi maaring pumunta. Tiningnan ng reyna ang batang si Gallema. Lumalaki itong kamukha ng ina nito na namatay kaya mas lalong nanggalaiti ang reyna.
Umismid ito at nagpatuloy sa paglalakad. Natutuwa na binaba ni Gallema ang flower crown na ginawa niya sa lamesa para sa hari.
"Mahal na hari, okay na ang kalagayan ng unang prinsipe. Ang lakas na din niya at mas magaling pa siya kay Sir Bernard!" kwento ni Gallema.
Nagsimula na magkwento si Gallema at nanatiling nakikinig sa kaniya ang hari. In some reason napapangiti na lang si Greg. Hindi kasi nagsasalita ang hari pero interesado ito sa mga kwento ng batang babae.
"Naihagis niya iyong knight na humawak sa akin sa malayo gamit ang power niya ang galing!" natutuwa na sambit ni Gallema. Bahagyang nagbago ang expression ng hari matapos marinig iyon.
Nagpatuloy sa pagkukwento ang batang babae pero maya-maya nagpaalam na ito kasi paggabi na at maghapon na siyang nandoon. Hahanapin siya ng mga maid niya.
Nagbigay galang si Gallema sa ama bago natutuwang umalis doon at iniwan ang isa niyang hawak na flower crown.
"Iyong kamay ng knight na humawak sa prinsesa siguraduhin mong hindi na niya magagamit ang mga kamay na iyon habang buhay," malamig na sambit ng hari kay Greg bago ito umalis para sundan ang prinsesa.
Yumuko ang imperial knight katabi si Bernard at sabay na umalis doon matapos sila tawagin ng prinsesa at kumaway.
"Bye ama!" sigaw ng prinsesa habang nakangiti. Tiningnan siya ng hari.
—
"Brother Gaiden! Nandito ka ba?" tanong ng prinsesa matapos kumatok. Bumukas agad iyon at nakita niya ang kapatid.
Yumuko ang prinsesa tanda ng paggalang at natutuwa na tiningnan ang kapatid.
Pinapasok siya ng unang prinsipe at nag-utos sa mga tagapaglingkod na magdala ng makakain.
"Galing ako sa palasyo ng hari brother Gaiden at kumuha ako ng mga bulaklak! Loom ginawan din kita!" natutuwa na sambit ng batang babae bago tinaas ang flower crown na hawak niya.
Napatigil si Gaiden matapos makita ang mga bulaklak na iyon.
"Saan mo nakuha iyan?" tanong ng unang prinsipe na kinatakha ng batang babae.
"Sa garden ng emerald palace," natutuwa na sambit ni Gallema at binigay iyon sa kapatid. Napasapo si Gaiden sa noo— hindi makapaniwala si Gaiden na hinayaan ng hari na paglaruan ni Gallema ang mga bulaklak sa emerald palace.
Once in a 20 years lang tumubo ang mga bulaklak doon. Kung ibebenta mo ang isang piraso ng bulaklak na iyon sa black market— gamit ang ginto na mapagbebentahan mo ng bulaklak na iyon ay kaya mo ng makapagpatayo ng isang palasyo.
Tiningnan iyon ni Gaiden. Gamit ang kapangyarihan niya binalutan iyon ng mana para hindi malanta. Lumutang iyon sa ere na kinamangha ni Gallema.
Napatigil si Gallema matapos may maalala. Titig na titig siya asul na kapangyarihan ng kapatid. Sa pagkakatanda niya ay 'nong 14 years old si Gaiden after nito gumaling ay kusa din nagising ang kapangyarihan nito.
Hindi iyon kulay asul— pinaghalong asul iyon at pula na nakakatakot talaga kung tingnan at talagang nakakapaso iyon.
"Ang warm tapos ang bango," bulong ni Gallema habang nakaupo sa sofa at nakatitig sa bulaklak na lumulutang.
Tiningnan ni Gaiden si Gallema. Wala na ang liwanag at ngiti nito sa labi habang nakatingin sa asul na kapangyarihan.
"Nalulungkot ka ba kasi wala kang kapangyarihan?" tanong ni Gaiden. Napatingin sa kaniya si Gallema at ngumiti.
Isa iyon malungkot na ngiti na hindi maintindihan ni Gaiden kung saan nanggaling.
"Kuntento na ako sa kung ano ako ngayon, brother Gaiden," sagot ni Gallema. Ilang beses na napatunayan ni Gallema na hindi sapat ang kapangyarihan para mabuhay at maging masaya.
Tiningnan ni Gallema ang maliliit na kamay at ngumiti. Sa magagandang nangyari sa mga dumaan na taon— masasabi ni Gallema na wala siyang pinagsisihan.
Sinakripisyo niya lahat ng kapangyarihan at ang walang hanggang buhay niya para lang bumalik sa nakaraan. Nagkaroon siya ng pagkakataon na mapalapit sa hari at makilala ang brother Gaiden niya bago pa ito maging isang tyrant.
Alam ni Gallema na hindi niya makukuha ang atensyon at pagmamahal niya sa ama at kapatid kung siya pa din iyong dating Gallema.
Kinabukasan,
Kasunod si Greg at Bernard— nagpagala-gala si Gallema sa palasyo. Nasa training area si Gaiden at napagpasyahan niya na puntahan ito doon.
Maraming kawal ang napapatingin sa kaniya at sinusundan siya ng tingin. Ganoon din ang mga tagapaglingkod— matapos mapansin iyon ng prinsesa. Ngumiti ito at kumaway na kinagulat ng lahat.
"Magandang umaga! Sana maganda ang gising niyo," bati ni Gallema. May ibang tagpaglingkod ang napatakip ng bibig matapos marinig iyon.
Napangiti si Greg at Bernard matapos makita iyon. Yumuko ang mga kawal matapos makita sina Gallema.
Nang nasa training area na sila nagulat si Gallema matapos makitang nagkakagulo ang nga kawal doon at may nakita silang pinaghalong blue at violet na kapangyarihan. Kasalukuyang naggigitgitan ang mga iyon sa gitna.
Malinaw na nakikita ni Gallema ang pulang humahalo sa mga kulay na iyon. Nakita ni Gallema ang kapatid na si Gaiden sa gitna— may hawak itong espada na kahoy. Sa harapan nito ang ikalawang prinsipe.
"Mahal na prinsesa," ani ni Greg. Humarang ang dalawang kawal matapos may malakad na hangin ang humampas sa direksyon nila.
Sobrang lakas ng mga iyon at hindi makapaniwala na training iyon.
"Masisira ang training room kapag pinagpatuloy ito ng dalawang prinsipe!" sigaw ng isa sa mga kawal na mukhang hindi sila napansin.
"Sir Greg! Pigilan mo sina brother Gaiden. Nagre-recover pa lang si brother Gaiden," nag-aalala na sambit ni Gallema habang nasa likuran nina Greg.
Napatigil si Gallema matapos makita na bumagsak si Gaiden habang hawak ang dibdib.
"Dapat nanatili ka na lang sa palasyo mo brother Gaiden— hindi ka na dapat bumangon pa," malamig na sambit ng batang lalaki na hindi nalalayo ang edad kay Gaiden.
"Mahal na prinsipe! Tigilan mo iyan!"
Tumalsik ang mga kawal na nagtangka na lumapit sa dalawang prinsipe— iwawasiwas ng prinsipe ang hawak na espada na kahoy na nababalutan nang kapangyarihan ng may tumakbo sa pagitan nila.
"Huwag!" sigaw ni Gallema na hinarang ang katawan niya para hindi tamaan si Gaiden. Nagulat ang dalawang prinsipe— hindi mapigilan ng batang lalaki ang atake ngunit bago pa iyon tumama sa prinsesa— may sumalo 'non na naging dahilan para mawasak ang espada na kahoy.
Sinalo iyon ni Greg na kinagulat ng lahat. Nandoon ang kanang kamay ng hari. Napaupo si Gallema dahil sa panghihina ng tuhod niya.
Akala niya iyon ang pangalawang pagkakataon na mamatay siya muli. Hindi niya akalain na magagawa niya iyon dahil sa affection niya para sa nakakatandang kapatid.
"A-Anong ginagawa mo Gallema!" sigaw ni Gaiden na kinalingon ng prinsesa. Nanghihina at namumutla ito pero bumakas pa din ang galit sa mukha nito.
"Hindi ako mapapatay nang mahinang atake na iyon pero kapag ikaw ang natamaan hindi ka bubuhayin 'non!" bulyaw ng prinsipe na hinablot ang kapatid na babae.
Nagsimulang umiyak si Gallema. Kahit matanda na ang kaluluwa at isip na meron siya. Natatakot pa din siya at naiiyak sa maliliit na bagay.
Lumambot ang expression nang unang prinsipe matapos makita iyon. Binuhat ng unang prinsipe si Gallema at pinatahan ito.
Madilim na tiningnan ni Gaiden ang pangalawang prinsipe na nagulat din sa presensya ng prinsesa.
"Hindi pa tayo tapos Gala. Tatandaan ko ang araw na ito," sobrang lamig na sambit ni Gaiden at naglakad palabas ng training room.
Hindi makapaniwala ang lahat sa nakita nila. Binuhat ng unang prinsipe ang prinsesa sa harap ng lahat. Ni hindi nito inalintana na isa siya sa mga prinsipe at kandidato bilang susunod na hari.
Kalaunan matapos mangyari ang kaguluhan, sinugod ng reyna ang unang prinsipe sa palasyo nito. Galit na galit ito matapos malaman ang kumakalat na balita.
Marahas na binuksan ng reyna ang kwarto at nakita niya na may gumagamot sa mga sugat ng prinsipe.
"Anong nalaman ko na natalo ng ikalawang prinsipe at binuhat ang anak nang hamak na mananayaw na iyon!" bulyaw ng reyna habang nakatingin sa anak.
Nagtaas ng tingin ang unang prinsipe. Sobrang lamig 'non at dilim na kinapako ng reyna sa kinatatayuan.
"Hindi ka ba naturuan ng simpleng etiquette, inang reyna?" malamig na tanong ng prinsipe bago tinaas ang isang kamay. Yumuko ang royal doctor at umatras palayo.
"Bakit kailangan niyo ako pakialam? Bakit hindi na lang kayo manatili sa palasyo niyo katulad ng palagi niyong ginagawa at magpakasaya— huwag mo akong pakialaman, " dagdag ng prinsipe. Nagdilim ang mukha ng reyna.
Pagbubuhatan niya ng kamay ang prinsipe nang may isa sa mga tagapaglingkod ang humarang at ito ang nasampal.
Napadapa ang babaeng iyon sa sahig na kinatigil ni Gaiden.
"Ikaw sino ka para pumagitna!" sigaw ng reyna at hinila ang buhok ng tagapaglingkod.
"P-Patawad mahal na reyna. Ngunit nangako kami sa prinsesa na magiging tapad kami sa prinsipe."
"Hindi niyo siya pwede pagbuhatan ng kamay," umiiyak na sambit ng tagapaglingkod. Lumuhod lahat ng nasa loob at sinasabing umalis na ang reyna.
"Mga kawal! Kaladkarin lahat ng mga tagapaglingkod na ito palabas ng palasyo at parusahan niyo sila!" utos ng reyna. Bago makatapak ang mga kawal sa loob ng kwarto. Naglabas ng sobrang kapangyarihan ang prinsipe na naging dahilan para magkabasag-basag ang mga gamit sa loob.
"Parusahan? Anong kasalanan nila inang reyna? Naging tapat sila sa akin," malamig na sambit ng prinsipe.
"Gaiden! Ako ang iyong ina! Ako ang nagsilang sa iyo! Dapat bang ganiyan ang maging trato mo sa iyong ina," hindi makapaniwala na sambit ng reyna. Hindi siya makapaniwala na magbabago ng ganito ang anak niya sa maikling panahon.
"Pagkatapos niyo ako isilang malinaw na tapos na ang trabaho niyo sa palasyo na ito, mahal na reyna," ani ni Gaiden bago tumayo. Daig pa ng reyna ang nasasaksak matapos siya pukulin ng tingin ng prinsipe katulad ng kung paano siya tingnan ng hari.
"Mawalang galang na mahal na reyna ngunit umalis na kayo sa palasyo ko kung ayaw niyong tuluyan kong makalimutan na kayo ang nagsilang sa akin," ani ng prinsipe. Madilim ang anyong umalis ang reyna kasunod ang mga kawal.
Tiningnan ni Gaiden ang tagasunod— sinabi nitong gamutin ang sugat at iwan siya mag-isa sa kwarto.
Kalmadong sambit ng Gaiden. Yumuko ang mga tagapaglingkod at agad umalis doon. Hindi makapaniwala si Gaiden na maiimpluwensyahan ng kapatid ang mga tagapaglingkod niya.
Iyong tipong kahit ang nga buhay nito ay ibibigay para lang sa kaniya. Biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kanina— napahawak siya sa ulo matapos kumirot na naman iyon.
Hindi siya makapaniwala na sasaluhin ni Gallema ang espada para sa kaniya. Noong una duda siya sa prinsesa. Inisip niya na ginagawa iyon ng prinsesa para maka-survive at gamitin siya para magkaroon ng kapangyarihan sa palasyo katulad ng kaniyang ina.
Nakisakay siya doon dahil kinokonsidera nito na ito ang nagbantay sa kaniya 'nong mga oras na binabalot siya ng sumpa. May utang na loob siya dito at hinayaan niya lang ito
Pero kanina harapang nakita niya na hinarang nito ang espada gamit ang maliit nito na katawan. Malinaw pa sa sinag ng araw na alam ni Gaiden na wala itong kapangyarihan na kahit ano para protektahan ang sarili niya.
Nakita niya din na walang halong arte ang pag-iyak nito kanina dahil sa takot. Ramdam niya din ang panlalamig ni Gallema habang buhat niya ito kanina.
Ibig sabihin tinangka talaga nito protektahan siya. Nagawa pa ni Gallema humingi ng tawad sa kaniya dahil sa pangingialam nito sa laban ng dalawang prinsipe.
"Paano ka napunta sa ganitong pamilya, Gallema."