Chapter 08
3rd Person's POV
Maraming gusto makipag-sayaw kay Gallema ngunit wala sa mga ito naglakas ng loob lumapit kung nasaan ang pwesto ng mga Hidalgo.
Kumuha ng cup cake si Gallema. Kinain iyon at hindi maiwasan ni Gallema matuwa dahil napakasarap 'non. Walang naging etiquette teacher si Gallema at tanging pagbati lang ang alam nito.
Marami sa mga maharlika ang nandoon ang kasalukuyang pinagbubulungan ang galaw ng prinsesa sa lamesa. Nainis ang pangalawang prinsipe dahil doon kaya binaba nito ang hawak na kubyertos at ginaya si Gallema na kinatigil ng mga konsorte na nasa mahabang lamesa.
Kumuha din ang unang prinsipe at hindi pinagtuunan ng pansin ang mga tao na nasa paligid.
"Mahal na hari ang prinsesa—"
"Hayaan niyo siya— nakakamay din naman kumain ang dalawang prinsipe diba?" putol ng hari na hindi pinagtuunan ng pansin ang mga konsorte.
"Nakakawalang gana," malamig na sambit ng ilang konsorte at tumayo. Naiwan sa lamesa ang mga prinsipe at hindi pinansin ang mga konsorte.
Napatigil naman si Gallema dahil sa bigat ng atmosphere sa lamesa. Pag-angat niya ng tingin wala na ang mga konsorte. Nagtaka ang prinsesa dahil doon.
"Gallema masarap ito subukan mo," ani ni Gala at inabot ang hawak na peach sa kapatid. Kinuha iyon ni Gallema at natutuwa iyong kinain.
Mas lalong lumakas ang bulungan dahil doon. Hindi sila makapaniwala sa asal ng magandang prinsesa.
Matapos nag piging nagsimula na din ang sayawan. Nanonood lang naman si Gallema hanggang sa may napansin siyang batang babae na kasing edaran niya lang din. Sa blonde nitong buhok at mga berdeng mata— imposibleng hindi niya ito makilala.
Nawalan ng expression ang prinsesa matapos makilala kung sino ito. Anak ito ng duke ng Harlett household.
Tinaguriang pinakamagandang babae sa buong emperyo dahil sa perpekto nitong anyo. Tiningnan ni Gallema si Gaiden— sa past life nila ginamit ng babaeng iyon si Gaiden para mapatay ang buong angkan na tumataliwas sa kagustuhan ng kapatid niyang duke ng mga panahon na iyon.
Pinagkanulo ni Emerald Harlett si Gaiden matapos sabihin ng emperor na maaring mapakasalan ni Emerald ang isa sa mga prinsipe kung sasabihin ni Emerald ang totoo tungkol sa ginawa ni Gaiden sa angkan ng mga Harlett.
Lumingon si Emerald sa direksyon niya at napako ang tingin nito kay Gaiden na nakatingin naman kay Gallema na kasalukuyang nakabusangot at nag-iisip kung paano niya iiwas ang kapatid sa ahas.
Noong mga time na iyon kasi naalala ni Gallema na head over heels si Gaiden kay Emerald— minsan na din muntikan mapatay ni Gaiden si Gallema dahil sa pagtangka ni Gallema gamitin si Emerald para gantihan si Gaiden .
Nagtaraasan ang balahibo ni Gallema matapos maalala iyon. Muntikan na siyang gawing lechon ng kapatid dahil sa mukhang hilaw na pusit na nasa harapan niya.
"Gallema, ayos ka lang ba?" tanong ni Gaiden na kinatingin ni Gallema. Hawak kasi ni Gallema ang dalawang braso at parang nilalamig. Hinubad ni Gaiden ang suot na coat at pinatong sa balikat ng kapatid.
"Hintayin natin ang permiso ng hari at uuwi na tayo," ani ni Gaiden. Ngumiti lang si Gallema at sinabing okay lang siya.
Pumunta sa gitna ang dalawang kapatid ni Gallema sina Garan at Gaara— agad ang mga ito pinalibutan ng mga bisita.
Nanatili naman sa tabi ni Gallema si Gala at Gaiden na parehong ginagwardyahan si Gallema. May lumapit na babae kay Gaiden. Napatigil si Gallema matapos makita si Emerald.
Yumuko ang batang babae at binati ang dalawang prinsipe at prinsesa. Nagpakilala ito kaya kahit ayaw ni Gallema ay napilitan ito batiin si Emerald.
Hindi pinansin ni Gala si Emerald ngunit binati din ito ni Gaiden. Ngumiti si Emerald at nagsimulang makipag-usap kay Gaiden.
Sa natatandaan ni Gallema 18 years old si Gaiden 'nong makilala nito si Emerald sa isang party. Ibig sabihin ang araw na iyon ay iyong time na makikilala ni Gaiden si Emerald at mala-love at the first sight si Gaiden.
Hindi dapat magtagal si Gaiden doon. Hinawakan ni Gallema ang laylayan ng suot na prinsipe na kinatingin ni Gaiden. Tumingala si Gallema.
"Brother Gaiden, I'm tired," reklamo ni Gallema na parang bata. Napatingin si Gala at lumapit kay Gallema.
"May nakita akong balcony malapit dito— gusto mo pumunta?" yaya ni Gala. Napalingon si Gallema na agad lumiwanag ang mukha.
"Makikita ba natin mamaya iyong fire works?" tanong ni Gallema. Bumitaw si Gallema ngunit hinawakan ni Gaiden ang kamay ng kapatid.
"Tara pumunta tayo sa balcony kung gusto mo makita ang fire works," ani ni Gaiden. Kuminang ang mata ni Gallema at hinawakan din si Gala.
"Nice to meet you Lady Harlett— kailangan na namin umalis," ani ni Gaiden. Nagpaalam sina Gallema at tumalikod. Dumilim ang mukha ni Emerald matapos makita iyon.
Tama ang sinabi sa kaniya ng reyna. Masyadong kinagigiliwan ng dalawang prinsipe at hari ang prinsesa. Nakagat ng batang babae ang kuko niya dahil sa idea na wala siyang naging pagkakataon para kausapin ang unang prinsipe.
Lumingon sa kaniya ang unang prinsipe. Sa ginawa na iyon ni Gaiden nagkaroon ng konting pag-asa si Emerald na may pagkakataon pa.
"Brother Gaiden, hindi ka ba naniniwala sa akin?" tanong ni Gallema bago tiningala muli ang kapatid. Ngumisi si Gaiden at hinaplos ang buhok ng kapatid.
"Walang dahilan para hindi ako maniwala sa sinasabi mo," sagot ni Gaiden matapos paunahin na paupuin si Gallema sa sofa na nasa balcony.
Hindi umimik si Gala. Masama ang nararamdaman niya sa babaeng iyon at wala siyang balak sabihin iyon kay Gaiden pero dahil sinabi ni Gallema— wala na siguro dapat pa isipin si Gala tungkol sa babaeng iyon.
Nasa balcony ang tatlo at kasalukuyang nanonood ng fire works na ang mga wizard mismo ang gumawa.
"Anong ginagawa niyong tatlo dito?"
Napatayo ang dalawang prinsipe matapos marinig ang boses ng hari. Lumapit ang hari na kinatingin ni Gallema.
"Ama! Tingnan mo ang ganda ng fire works!" natutuwa na sambit ni Gallema at lumapit sa ama na tiningnan ang langit.
Nasa likuran ng hari ang dalawang prinsipe na nasa bulwagan kanina at ngayon ay nanonood na din ng fire works. Sa unang pagkakataon na-enjoy ni Gallema ang tanawin na iyon lalo na at sabay-sabay nilang napapanood iyon.
Lumapit si Gallema sa railings at natutuwa na tinaas ang kamay. Noong nasa loob siya ng kulungan tuwing may kasiyahan ay lagi niya iyon napapanood.
Lalo na iyong mga pagkakataon na taon-taon pinagdiriwang ng buong emperyo ang pagkamatay ng mga Hidalgo sa idea na ito ang salot sa buong emperyo at mga traydor.
Nilingon niya ang mga kapatid at ama na kasalukuyang mga nakatingin sa langit. Umiba ang expression ni Gallema at tiningnan muli ang langit.
Sa isip ni Gallema— sisiguraduhin niyang hindi iyon mangyayari. Hindi ang kamatayan ng ama at mga kapatid niya ang ipagdiriwang sa mga susunod na taon.
Gamit ang lakas at determinsyon niya. Wawasakin niya ang imperial family at kung hindi 'man siya magtagumpay sisiguraduhin niyang hindi lang sila ang mahuhulog sa impyerno— isasama niya ang buong imperial family.
Kinabukasan,
Nasa pinakaitaas ng bundok si Gallema. Kasalukuyan itong may hawak na kahoy na espada at inaatake si Greg.
Mula ng tumuntong ito ng walong taong gulang. Nag-aral na ito gumamit ng iba't ibang sandata kahit pa naging tutol doon ang hari.
Ilang buwan niya din kinumbinsi ang hari para payagan siya matutong gumamit ng mga sandata sa kabila ng pagiging prinsesa niya.
"Magpahinga muna tayo prinsesa— tumatanda na ako. Pagod na ako," reklamo ni Greg na kahit ang totoo ay ayaw lang ng knight na masyadong abusuhin ni Gallema ang lakas.
Pagod na din Gallema noon kaya pumayag na siya at kumuha na lang ng tubig. Umupo si Greg sa lupa at kinuha din ang sariling inumin.
"Prinsesa, walang lalaki ang gugustuhin humawak sa kamay ng babaeng puro kalyo ang kamay. Isa ka pa din prinse—"
"Sir Greg, ayan ka na naman. Ilang beses ko na sinabi sa inyo ng hari na ayokong ikasal sa kahit na sino," sagot ng prinsesa at inismiran ang knight na parang pangalawa na din niyang ama.
"Hindi magiging kabawasan sa pagiging Hidalgo ko ang mga kalyo na ito. Wala akong pakialam," ani ni Gallema. Nilingon ni Greg ang prinsesa. May mga pagkakataon talaga minsan na hindi naiintindihan ni Greg ang prinsesa.
Sa mga kilos kasi nito at galaw parang may pinaghahandaan ito na hindi alam ni Greg kung imahinasyon niya lang.
—
Mahimbing ang tulog ni Gallema nang biglang bumukas ang glass door. Pumasok doon ang malamig na hangin— nagising si Gallema dahil doon.
Bumangon si Gallema at kinusot ang mga mata. Madilim ang kwarto at tanging bilog na buwan lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto.
Nakita ni Gallema ang glass door sa veranda na bukas at nililipad ng hangin ang kurtina. Binaba ni Gallema ang dalawang paa sa ibaba ng kama at tumayo. Naglakad ang babae palapit sa veranda.
Pagkasara ni Gallema ng glasswall may pumulupot na baging sa katawan niya at tinutok nag matalas na bahagi 'non sa leeg ni Gallema.
"B-Brother Garan," bulong ni Gallema. Napatigil ang lalaki na nasa pinakasulok ng kwarto matapos marinig ang pangalan niya.
"Paano mo ako nakilala?" malamig na tanong ng prinsipe. Pamilyar kay Gallema ang scenario na iyon since pinagtangkaan din siya Garan patayin 'non.
Ang pinagkaiba lang agad lang ginawa ni Gallema na abo ang mga bagay na iyon 'nong past life niya. Ngayong wala siyang kapangyarihan nasasaktan siya at hindi makawala.
Napaatras si Gallema at nabasag ang vase. Napatigil si Garan dahil doon.
"Mahal na prinsesa," ani ni Greg mula sa kabilang pinto. Hinigpitan ni Garan ang baging na kinaingit ni Gallema.
Binuka ni Gallema ang bibig niya at tutusukin ni Garan ang leeg ng prinsesa nang bago maidikit iyon nagsalita si Gallema.
"Ayos lang ako. Nadulas lang ako, Sir Greg," ani ni Gallema. Napatigil si Garan dahil doon.
Walang laban si Garan kung sakali mahuli siya dahil doon. Kung sisigaw si Gallema, mapapatay niya si Gallema ngunit maari din siya mapatay ng hari.
Katulad ng sinabi ng ina ni Garan. Pinapaburan ng hari ang prinsesa at ito ang hadlang sa plano ng kaniyang ina. Kailangan niya patayin si Gallema.
"Master Garan. Walang kapangyarihan ang prinsesa," ani ng hangin sa kaniya. Napatigil si Garan dahil doon.
"Imposible ang sinasabi mo at sabi ni ina makapangyarihan ang prinsesa at kailangan ko siya agad patayin kapag may pagkakataon," asik ni Garan sa spirit na si Ramir.
"Ngunit iyon ang totoo master. Wala siyang kapangyarihan. Isa lang siyang ordinaryong tao," ani ng nature spirit na siyang tagapagbantay ng ikatlong prinsipe. Sinubukan atakihin ni Garan si Gallema ngunit mabilis na pumikit si Gallema.
Hindi iyon naituloy ni Garan dahil iba ang dating ng hangin sa kaniya. Tinanggal niya ang tali at napaupo si Gallema sa sahig.
Pinako ni Gallema ang mga mata sa kabilang bahagi ng kwarto at pinilit na tumayo. Sumama ang mukha ni Garan.
"Umatake ka o sumigaw ka para may rason na ako para patayin ka," malamig na sambit ni Garan. Hindi mabasa ang expression ni Gallema ngunit hindi nito inalis ang tingin sa kapatid.
"Hindi ko magagawa iyon," bulong ni Gallema. Yumuko si Gallema at lumuhod— humingi ng sorry si Gallema.
Ilang taon siya naghintay para dumating ang pagkakataon na makita niya ulit si Garan— humingi ng tawad dito na hindi niya nagawa 'nong past life niya.
Iniyukom ni Gallema ang kamao matapos maalala kung paano ito namatay. Niligtas siya ni Garan 'nong mga panahon na sinugod ang palasyo nila. Malaki ang galit sa kaniya ni Garan— sa lahat ng mga kapatid niya 'nong past life niya si Garan ang pinakamalalang ginawan niya ng masama.
Ang orphanage na sobrang halaga kay Garan. Sinunog niya ang orphanage na iyon kasama ang mga batang nasa loob ng lugar na iyon matapos siya pagtangkaan din ni Garan na patayin without knowing na ginamit lang ito ng konsorte.
Si Garan ang huling tao na naiisip niya na ililigtas siya at mamatay para sa kaniya. Si Garan din ang dahilan kung bakit siya nagising sa katotohanan.
Namatay si Garan habang hawak niya at nag-sorry dahil hindi siya naging mabuting kapatid. Kumunot ang noo ni Garan dahil doon.
"Hindi ako tatawag ng tulong o lalaban. Patayin mo ako kung gusto mo," ani ni Gallema. Wala siyang kahit anong plano ng mga time na iyon dahil si Garan na ang kaharap niya. Alam niya kung gaano ito kabuting tao.
Nakarinig siya ng ingay sa labas ng kwarto. Napatingin doon si Gallema— pagtingin niya ulit sa direksyon ng prinsipe. Wala na doon si Garan.