Chapter 07
3rd Person's POV
Malungkot ang prinsesa sa mga nakaraan na araw. Pinagbawal kasi ng konsorte na makipagkita si Gallema sa pangalawang prinsipe.
Pwede niyang gamitin ang imperial badge ngunit ano pang magiging dahilan niya para pumunta doon?
"Ayos lang ba ang prinsesa?" tanong ni Jane kay Bernard habang nakatayo sila sa bukana ng garden. Nilapitan nila ang prinsesa.
"Prinsesa gusto mo ba makipaglaro sa amin?" tanong ni Bernard. Lumingon ang prinsesa at agad lumiwanag ang mukha.
"Maglalaro tayo?" excited na tanong ng prinsesa at tumayo agad mula sa pagkakaupo sa gilid ng fountain.
Kasama ang mga tagapaglingkod, si Greg at Bernard naglaro sila ng hide and seek. Ganoon nagpalipas ng araw ang prinsesa— kailangan kasi magpahinga ng unang prinsipe bago mag-training ulit at ayaw niya itong istorbohin.
Habang nakatago ang prinsesa sa matataas na halaman sa loob ng garden. Humahagikhik ang prinsesa dahil sa naririnig niyang pagtawag nina Bernard.
Kalaunan sa likod ng prinsesa. Mula sa hangganan pumasok ang isang itim na ahas— may nakakatakot na aura na nakapalibot sa itim na ahas at palapit iyon sa direksyon ng prinsesa.
Napatigil ang prinsesa matapos may marinig na huni ng ahas. Lumingon ang prinsesa at napaupo ito habang nanginginig na nakatingin sa itim na ahas.
"A-Ahas," bulong ng prinsesa. Sumigaw ng sobrang lakas ang prinsesa at aatake ang ahas nang may tumapak sa leeg ng ahas. Nadurog ang ahas na kinalaki ng mata ng prinsesa.
Pag-angat niya ng tingin— nagulat siya matapos makita si Gala buhat ang isang puting kuneho.
"Prinsesa!" sigaw nina Jane at Bernard. Lumapit ang mga ito at nakita nila sa Gala.
Yumuko ang mga ito bilang respeto sa pangalawang prinsipe. Hindi sila pinansin ng prinsipe at tumalikod.
Tinungo nito ang napakataas ng pader na nasa harapan ng prinsesa.
"B-Brother G-Gala— salamat. Gusto mo makipaglaro sa amin?" tanong ng prinsesa matapos siya itayo ni Greg at gawing abo ang ahas na nasa harapan nila.
Nilingon ni Gala ang kapatid. Sinalubong ng prinsesa ang tingin niya at nagmamakaawa itong nakatingin sa prinsipe.
—
"Brother Gala! Hide ka na!" natutuwa na sambit ng prinsesa habang nakaharap sa malaking puno at nakatakip ng kamay ang dalawang mata.
Mabilis na tumalon si Gala sa itaas ng puno kung saan nakaharap si Gallema. Nagtago ito sa mga dahon na nasa sanga at sumilip sa ibaba.
"Game na," ani ni Gallema bago ginala ang paningin sa loob ng garden at sumilip sa iba't ibang bahagi ng garden.
"Huli ka! Sir Greg!" sigaw ni Gallema matapos makita ang knight sa likod ng puno na natawa lang matapos siya ituro ni Gallema.
Isa-isang hinanap ni Gallema ang mga tagapaglingkod sa loob ng garden. Nakita niya na ang lahat bukod kay Gala.
"Brother Gala! Where are you?" tawag ni Gallema. Sumilip ang batang babae sa ilalim ng lamesa.
Iniisa-isa ang likod ng mga puno at likod ng fountain. Sinubukan din ni Gallema silipin ang batang lalaki sa ilalim ng pond ngunit pinigilan siya ng mga tagapaglingkod.
Tumingin si Greg sa pinakataas ng puno kung saan tumayo si Gallema kanina para takpan ang mata. Nakita niya doon ang batang prinsipe na kinatawa ni Greg.
"Brother Gala!" tawag ni Gallema. Lumapit muli siya sa puno at sumilip sa likod 'non. Bumaba si Gala sa mababang bahagi ng sanga.
Pagharap ni Gallema. Napatili ang bata at napaupo matapos makita ang nakabaliktad na si Gala.
Kumurap-kurap ang batang babae at biglang tumawa. Napatigil si Gala matapos may maramdaman na kakaibang kiliti sa sistema niya matapos makita ang tawa ng batang babae habang nakaupo sa sahig.
"Baba ka na brother Gala. Sabay tayo kumain," natutuwa na sambit ng batang babae at tinaas ang dalawang kamay para abutin siya.
Mula sa kalayuan nanonood ang espiritu na si Yazen. Nakangiti ito habang nakatitig sa batang prinsipe habang buhat ang kuneho na sadya niyang dinala sa loob ng palasyo ng prinsesa para pumasok doon ang prinsipe.
Napatigil ang espiritu at napatingin sa mga palad. Napatingin din ang kuneho.
"Yazen ang spirit core mo. Nararamdaman ko na," ani ng kuneho. Natawa ang halimaw at tumingin sa dalawang bata.
"Hindi ako nagkamali. Kakaiba ang prinsesa," ani ng halimaw. Umihip ang malamig na hangin— napalingon ang halimaw sa napakataas na pader sa likuran niya.
Mula sa taas 'non may nakita siya kulay asul na bolang apoy. Mula doon nabuo ang isang batang lalaki.
"Nakakatuwa siya diba?" tanong batang espiritu— kumunot ang noo ni Yazen.
"Hindi pa din ba tapos ang pagliliwaliw mo at hindi ka pa bumabalik sa master mo?" tanong ni Yazen. Umismid ang bata at nag-cross arm.
"Hindi ako babalik hangga't hindi ko nakikita ang pagbabago ng master ko. Hindi mo ako katulad," sagot ng batang espiritu. Nag-ayo muli itong bolang apoy at lumipad sa direksyon ng prinsesa.
Masyadong kinagigiliwan ng espiritu ang prinsesa tipong ayaw na nito umalis sa paligid ng prinsesa.
"Kakaiba ang espiritu na iyon sa lahat," komento ng kuneho habang nakatingin sa asul na bolang apoy.
—
Pagbalik ng prinsipe sa palasyo— galit na galit ang konsorte. Nabalitaan niya na palaging umaalis ang prinsipe sa palasyo at tumatakas sa mga pagsasanay nito.
"Brother Gala! Iyong scarf mo nakalimuta—"
Napatigil ang prinsesa matapos makita ang konsorte na nagdilim ang mukha matapos makita ang bagay na yakap ng prinsesa. Susugurin ng konsorte ang prinsesa nang harangan siya ni Gala.
"Tumabi ka diyan!" sigaw ng konsorte. Nasampal nito ang batang prinsipe na kinagulat ng prinsesa.
"Bakit mo sinasaktan si brother Gala!" sigaw ng prinsesa. Agad na tumakbo ang prinsesa palapit kay Gala na natumba.
Hahablutin ng konsorte ang braso ng prinsesa nang humarang si Greg na kinatigil ng konsorte.
"Kailangan mo ipaliwanag ito 1st consort sa harap ng mahal na hari. Bakit mo sinaktan ang prinsipe?" tanong ni Greg. Umayos ng tayo ang konsorte at tiningnan pabalik si Greg.
"Anak ko ang prinsipe— paraan ko iyon para idisiplina siya," sagot ng konsorte. Niyukom ni Gallema ang kamao.
Ang mga nangyari sa kaniya dati— at ang mga nangyari sa mga kapatid niya ngayon. Walang pinagkaiba sa mga naranasan niya.
Tiningnan ni Gallema si Gala. Wala itong reaksyon at mukhang sanay na sanay na ito sa ginagawang parusa ng konsorte.
"Ang anak ko ang isa sa mga susunod na hari at responsibilidad ko na ihanda siya para sa trono. Sir Greg, labas ang palasyo sa paraan ko sa pagdidisiplina sa anak kong prinsipe," dagdag ng konsorte. Sumama ang mukha ng batang babae.
"Tao din ang prinsipe— bata pa din siya. Naiintindihan ko na isa siyang prinsipe ngunit mali na pilitin mo siya gawin ang mga bagay na hindi niya gusto gawin, mahal na konsorte," sagot ni Gallema bago puno ng respeto hinarap ang konsorte na dumilim ang expression.
"Anak ng hari si brother Gala— nanalaytay sa dugo niya ang dugo ng isang hari. Mawalang galang na ngunit wala kayong karapatan na saktan kahit ang dulo ng daliri ng kahit na sinong prinsipe. Nabasa ko iyon sa batas ng mga Hidalgo," buong tapang na sambit ni Gallema na kinatingin ni Gala.
Walang nakasaad sa libro tungkol sa mga prinsesa sa kasaysayan ng mga Hidalgo ngunit malinaw doon na nakasaad ang authority meron ang mga prinsipe ng mga Hidalgo.
Tiningnan ni Gala si Gallema. Hindi makapaniwala ang prinsipe na bukod kay Yazen may iba pang nilalang na maglalakas ng loob ma tumayo sa harapan niya.
Napatakip ng tenga si Gallema nang kinaumagahan bulyawan siya ng kapatid na si Gaiden.
"Ano bang nasa isip mo Gallema! Konsorte ang kinaharap mo! Isa ka lang prinsesa kahit pa isa kang Hidalgo! Wala kang kapangyarihan!" bulyaw ni Gaiden. Hindi nag-react sina Greg at Bernard matapos marinig iyon dahil kahit sila ay nag-aalala sa ginagawang pangingialam ng prinsesa sa mga konsorte.
Kahit pa sa palasyo lumbhang makapangyarihan ang mga prinsipe kaysa sa mga konsorte. Iba ang sitwasyon ni Gallema once na pumagitna ito.
"Gallema, tatlong taon ka pa lang. Wala ka pang alam sa kung anong kasalukuyang sitwasyon sa palasyo na ito. Kapag mas lalo kang napapansin mas lalong nanganganib ang buhay mo— Gallema. Manatili ka na lang dito sa palasyo mo at hintayin iyong araw na makakaalis ka dito."
"Prinsesa ka— kapag dumating ka na sa wastong gulang pwede ka ng umalis dito at hindi ka na masasangkot sa kahit anong g**o," bulong ni Gaiden. Malinaw ang mangyayari in future kay Gaiden.
Darating ang araw na mamimili na ang hari sa mga prinsipe at sa mga panahon na iyon. Imposible na hindi magkaroon ng kaguluhan at alam niyang masisimulan iyon ng mga konsorte.
Hindi lingid sa kaalaman ni Gaiden na isa lamang kasangkapan ang mga prinsipe para sa kapangyarihan na nais ng mga tao sa emperyo.
Yumuko si Gallema habang nakaupo sa sofa na kaharap ng prinsipe. Hawak nito ang laylayan ng suot nitong dress.
"Brother Gaiden, hindi mo ako naiintindihan dahil wala ka sa sitwasyon ko hindi mo nakikita ang mga nakita ko," sagot ni Gallema bago tumayo at tumakbo paaalis.
"Gallema!" tawag ni Gaiden. Hinabol ng mga tagapaglingkod si Gallema. Iyak ng iyak ang batang babae sa katotohanan na tama ang prinsipe. Mas lalo niya lang ginagawang komplikado ang lahat.
Wala siyang kapangyarihan at tanging magagawa niya lang ay ibase ang lahat sa prinsipe at sa hari.
Masyado siyang naging padalos-dalos. Nakarating si Gallema sa hardin. Nagtago ang batang babae sa likod ng puno at umiyak.
"Mahal na prinsesa."
Habol hiningang nilapitan ni Greg ang prinsesa na nakaupo sa lupa at umiiyak. Mukhang nasaktan ito sa mga sinabi ng prinsipe.
"Greg, mali ba ang ginagawa ko? Mali bang gustuhin ko na maging masaya kasama ang nga kapatid ko at ang hari?" tanong ng prinsesa na kinatigil ni Greg.
"Akala ko kapag naging mabait ako, iligtas ko sila at samahan sila— maging mabuting kapatid magiging ayos ang lahat. Mali ako at huli na 'nong na-realize ko na mas pinapalala ko lang ang sitwasyon."
Hindi makapaniwala si Greg na sa mga salitang iyon ni Gaiden naintindihan na lahat ni Gallema. Parang alam niya agad ang tinutukoy ng prinsipe.
Akala ni Gallema magiging maayos na ang lahat— paunti-unti na may magbabago since nagbago na siya at nakikilala niya na ang mga prinsipe.
"As a knight at isa sa bahagi ng palasyo na ito. Hindi ko dapat ito sabihin mahal na prinsesa," ani ni Greg bago humakbang at lumuhod sa harap ng prinsesa.
Napaangat ng tingin ang batang babae. Seryoso siyang tinitigan ng knight.
"Ngunit bilang isang imperial knight na handang ibuwis ang buhay para sa iyo. Sasabihin ko ito— kung gusto mo may maprotektahan, may gusto kang makuha at maka-survive. Gamitin ko ang kahit anong sandata na makukuha mo para itutok sa kalaban mo," bulong ng knight. Ngumiti si Greg.
"Isa ako sa mga sandatang iyon Prinsesa. Hindi mo kailangan umiyak dahil wala kang kapangyarihan o wala kang kakayahan na protektahan ang sarili mo. Maniwala ka sa hindi— marami ang gagawa 'non para sa iyo," ani ni Greg. Pinunasan ni Gallema ang pisngi. Nagbago ang expression ni Gallema matapos marinig iyon.
"Tama hindi ko kailangan ng kapangyarihan. Magpapalakas ako! Gusto ko maging Knight!"
Muntikan na masubsob si Greg matapos marinig iyon. Natawa ng mahina si Greg matapos ma-realize na bata pa din ang prinsesa kahit kakaiba ito mag-isip.
Sa kabilang banda ngumiti lang si Gallema. Naiintindihan niya si Greg at binigyan siya nito ng idea kung paano ito kikilos. Kung saan siya magsisimula. This time magiging maparaan at hindi na magpapadalos-dalos si Gallema.
Walang kahit na anong kapangyarihan si Gallema at ang tangi niya lang mapanghahawakan ay ang mga oportunidad. Tinaas ni Gallema ang mga kamay.
"Umuwi na tayo, Sir Greg," ani ni Gallema matapos maliwanag ang mukhang tinaas ang mga kamay.
"Masusunod mahal na prinsesa," may ngiti na sambit ni Greg bago binuhat ang prinsesa.
Lumipas ang pitong taon.
"Nagbibigay galang ang pang-lima sa maliwanag na bituin na nanggaling sa palasyo ng mga Hidalgo sa silangang emperyo," buong respeto na sambit ni Gallema bago yumuko.
Napuno naman ang bulungan ang bulwagan dahil sa kakaibang ganda ng prinsesa at hindi sila makapaniwala sa existance ng kaisa-isang babae sa angkan ng mga .Hidalgo.
Kahit ang emperor ay bahagya din nagulat. Sinong hindi magugulat kung iyon ang unang pagkakataon na may naitala sa kasaysayan ng emperyo na may babae na nagdadala ng dugo ng mga Hidalgo at pangalan nito.
Ngumiti ang prinsesa. Bahagya namang nawili ang emperor matapos makita ang prinsesa na mabilis na lumapit sa unang prinsipe na dumalo din sa kasiyahan.
Iyon ang unang pagkakataon na dumalo sa ganoon na kasiyahan ang prinsesa matapos nito kulitin ang hari.
Nilingon ng prinsesa ang emperor na kasalukuyang nakangiti habang pinanonood ang mga nagsasayawan at kausap ang ama ni Gallema.
Kung hindi siguro siya bumalik mula sa nakaraan at nakarating siya sa ganoon na pagdiriwang. Iisipin niya na mabuting kaibigan ang emperor— nakikipagtawanan sa hari.
Ngunit tuwing iniisip ni Gallema ang nangyari at kung anong ngiti ang ginawa nito matapos bawian ng buhay ang hari. Hindi maiwasan ni Gallema na magalit.