09

2149 Words
Chapter 09 3rd Person's POV; Flashback Nagsisigawan ang mga tao sa paligid. Pilit na pinaalis ng kawal si Gallema at sinasabing tumakas. Sumama ang mukha ni Gallema sa idea na kaya niyang lumaban. Gamit ang kapangyarihan niya pinatay niya ang ilang daan na kawal galing sa palasyo. Hanggang sa mapatigil si Gallema nang parang may kapangyarihan na sumasakal sa kaniya at naging rason iyon para manghina siya. Napaluhod si Gallema at may nakita siyang itim na crystal na hawak ng isa sa imperial guard. Lumiliwanag iyon at nakikita niya na iyon ang bumabalot sa katawan niya. May sasaksak sa likod ni Gallema mula sa likod nang bigla itong bumagsak at napatingin si Gallema. Nakita niya ang kapatid na si Garan na agad siya tinulungan tumayo. Hindi makapaniwala si Gallema lalo na at ang alam niya ay nakipagkasundo ang ina ni Garan sa imperial family. Naitulak siya ni Gallema. Kahit nanghihina ay sinamaan niya ng tingin at sinabihan na traydor. "Gallema, umalis ka na dito. Wala na sina kuya— tumakas ka na," ani ni Garan. Nagulat ang mga imperial guards dahil doon. "Mahal na prinsipe! Inutos ng konsorte at ng emperor na patayin lahat ng nasa palasyo na ito," apila ng isa sa mga imperial guards. Tinaas ni Garan ang isang kamay. Nagyelo ang kawal at inatake ito ni Garan dahilan para magkadurog-durog ito. "Garan!" sigaw ni Gallema matapos sumuka ng dugo si Garan. Hindi siya makagalaw. "Mahina ka talaga, Garan. Sasayangin mo ang buhay mo dahil lang sa babaeng iyan?" Napalingon si Gallema at nakita niya ang isa sa mga prinsipe galing sa imperial palace. Nakangisi ito habang nakatingin kay Garan. "Pakawalan niyo ang kapatid namin na babae dito! Nakipagkasundo kayo sa amin ni Gaara!" bulyaw ni Garan. Hindi iyon maintindihan ni Gallema— humagalpak ng tawa ang prinsipe at tiningnan si Gallema. "Kung wala ka lang dugo ng isang Hidalgo maari kitang kuhanin at gawin na isa sa mga babae ko," ani ng prinsipe na kinagitgit ni Gallema. "Huwag mo siya hahawakan!" bulyaw ni Garan. Inatake ni Garan ang prinsipe pero dahil sila lang ang nabiyayaan ng kapangyarihan madaling napatay ni Garan ang prinsipe at ginawang yelo lahat ng kawal. "Master!" sigaw ng espiritu na lumabas sa katawan ni Garan na napaluhod na lang. Agad na lumapit si Gallema matapos makitang itim na bagay ang gumagapang sa katawan ng kapatid. "Gallema, umalis ka na dito. Tumakas ka at huwag ka ng babalik," bulong ni Garan. Bumagsak si Garan at agad siya nasalo ni Gallema na hindi makapaniwala. "A-Anong nangyari? Garan! May tama ka ba! Anong sinasabi mo na wala na ang mga kapatid natin? Nasaan sila?" tanong ni Gallema na hindi makapaniwala. "Pagkatapos ng nangyari sa hari inatake ng una at ikalawang prinsipe ang palasyo. Gamit ang black crystal pinatay nila ang dalawang prinsipe. Sinabit nila ang ulo ng dalawang prinsipe at hari sa itaas ng tore— s*******n naman pinagawa ng kontrata si master at pang-apat na prinsipe ng dalawang konsorte na tanda na hindi nila kakalabanin ang imperial family. Sumira si master doon at pinapatay siya ng lason na iyon," ani ni Ramir ang nature spirit na bantay ni Garan. Hindi makapaniwala si Gallema. "Paano ito nangyari?" End of the flashback Namatay si Garan sa mga kamay ni Gallema at hindi iyon matanggap ni Gallema lalo na ng malaman na wala ng natitira sa mga kapatid. Nang araw na din kasi iyon in some reason noong nahuli siya at dinala sa imperial palace nakita niya din ang ulo ng pang-apat na prinsipe. Bumukas ang pinto— niluwa 'non ang tagapaglingkod na si Jane at nakita niya ang prinsesa na nakaupo sa sahig. "Jane," ani ni Gallema. Umiiyak ang bata kaya agad siya niyakap ni Jane para pakalmahin ito sa pag-aakalang nanaginip ito ng masama. Dumilim ang mukha ni Greg matapos may maramdaman na bakas ng kapangyarihan mula sa kwarto. Lumabas si Greg at binilinan si Bernard na huwag aalis sa tabi ng prinsesa. Sa ibaba ng palasyo ni Gallema. Naiinis si Garan dahil hindi niya nagawang patayin ang prinsesa. Hindi inaakala ni Garan na isang bata ang prinsesa na tinutukoy ng ina at ordinaryong tao. Napaatras si Garan matapos mag-c***k ang lupa at yumanig. Nakita ni Garan si Greg lingid sa kaalaaman ni Garan isa ring spirit si Greg na parte lang ng kapangyarihan ng hari. "Anong—" "Huwag kang magkakamali na ulitin ang pag-atake na ito sa prinsesa mahal na prinsipe dahil kapag naulit ito— wala akong magagawa kung hindi sabihin ang nangyari na ito sa hari," walang emosyon na sambit ni Greg. Dumilim ang mukha ni Garan matapos marinig iyon. Naglaho si Garan matapos iyon. Nakita na lang ni Garan ang sarili sa loob ng kwarto niya. "Anong nangyari Ramir?" tanong ni Garan. Lumabas sa katawan niya ang isang berdeng kapangyarihan at nagsalita iyon. "Nakaramdam ako ng panganib kaya inalis na kita doon. May malakas na bantay ang prinsesa— hindi na tayo pwede muling bumalik doon." "Pero hindi ko pwedeng biguin si ina," malamig na sambit ni Garan. Ayaw niya na muling magalit ang ina at magkasakit ito. Kalaunan sa training ground. Kasalukuyang nagi-sparring si Gaiden at Gala. Inaatake nito ang isa't isa gamit ang kahoy na espada na kasalukuyang binabalutan ng kapangyarihan. Sa likod ng dalawang lalaki ang mga knight nito na kasalukuyan din na mga nanonood. "Brother! May dala akong fruits!" Napatingin ang dalawa at napaayos ng tayo. Binigay ng mga ito ang hawak na sandata sa mga knight at nilapitan ang kapatid. Natawa si Gallema matapos makitang nagtatalo pa ang dalawang prinsipe. "Nalaman namin na hindi ka nakatulog kagabi— ayos ka lang ba?" tanong ni Gaiden sa kapatid na babae. Tumango naman si Gallema. "Hindi lang naging maganda ang panaginip ko pero ayos lang ako. Nakatulog na din naman ako after 2 hours dahil pinainom ako ng gatas ni Jane," ani ni Gallema na tinaas pa ang kamay. Natuwa naman sina Gaiden dahil doon. Umalis na din si Gallema pagkatapos ng 10 minutes na pahinga nina Gaiden. Nagsimula na din mag-practice ang dalawa. "Pinasok ni Garan kagabi ang kwarto ni Gallema," ani ni Gala. Napatigil si Gaiden at nasipa siya ni Gala dahilan para mapaatras si Gaiden na pinagpagan ang sarili na parang wala lang. "Pumunta siya doon ng gabi at mukhang hindi ordinaryong bisita lang ang ginawa niya," malamig na sambit ni Gaiden. Hindi nagsalita si Gala at inikot ang hawak na espadang kahoy. Iyong rabbit na alaga ni Gala nasa loob ng garden ni Gallema. Konektado si Gala sa rabbit at nakita niya doon si Garan. "Bakit hindi natin turuan ng leksyon si Garan? Ano sa tingin mo?" ani ni Gaiden. Inismiran siya ni Gala at nag-cross arm. "Kailan natin gagawin?" tanong ni Gala. Nagkatinginan ang dalawang imperial knight dahil doon. Mukhang may hindi na naman magandang balak ang dalawang prinsipe. Laging nagkokompetensya ang dalawa— hindi nagkakasundo at gusto lagi nagpapatayan pero iba ng usapan pagdating sa prinsesa. In some reason nagkakasundo ang dalawa at naga-act na maamong tupa kapag nasa paligid ang kapatid. — Napahilot sa sentido ang hari matapos may mai-report na dalawang palasyo na naman ang nawasak dahil sa ginawang g**o ng dalawang prinsipe na dumayo sa south palace. "Mahal na hari? Ano ng gagawin natin? Kung magpapatuloy ito baka maalarma ang mga nasa imperial palace dahil sa kakayahan ng tatlong prinsipe," ani ng isa sa mga tagapaglingkod ng hari. Hindi pa gaanong bihisa ang mga prinsipe sa kapangyarihan nila at nag-aalala ang hari na makatunog ang imperial family tungkol sa apat na prinsipe. "Ipatawag ang tatlong prinsipe. Ako na ang bahala sa kanila," malamig na sambit ng hari. Yumuko ang tagapaglingkod tanda ng pagtanggap ng utos. Kalaunan, nagtataka ang prinsesa matapos makitang napakaraming tagapaglingkod sa bulwagan. Lumapit doon si Gallema kasunod sina Greg. Napanganga si Gallema matapos makita ang mga kapatid na nakatali sa mga pillar ng bulwagan. Abot-abot ang kahihiyan ng mga prinsipe doon. Sa hindi kalayuan nakatali din si Garan na masama ang mukha. Nasampal siya ng ina matapos malaman ang nangyari at napahiya ito sa hari. "Bakit naparusahan na naman kayo? Nag-away na naman ba kayo ni brother Gala?" tanong ni Gallema matapos lumapit sa mga kapatid. Mainit doon kaya pinapaypayan sila ng mga tagapaglingkod. Ngumisi si Gala. "Hindi kami nag-away nakipaglaro lang kami. Nagalit yata ang hari dahil may mga palasyo kaming nasira," sagot ni Gala. Nagtaka si Gallema dahil doon. Tiningnan ni Garan si Gallema na kumuha ng puting panyo at pinunasan ang pisngi ng mga kapatid. "Masyadong matigas ang ulo niyo. Paano kung tuluyan magalit si ama at mas mabigat pa na parusa ibigay sa inyo?" Nararamdaman ni Garan ang hangin na nanggagaling sa direksyo ng prinsesa. Napaka-warm 'non. Nanatili lang tahimik doon si Garan. Walang tagapaglingkod ang nanatili sa bulwagan kasama niya sa reason na mainit nga doon. Walang epekto iyon kay Garan dahil sa nature spirt niya ngunit— hinihiling niya na sana nga may taong sasama sa kaniya doon st may mga tapat din siyang tagapaglingkod. "Ikuha niyo ng tubig ang prinsipe. Bilisan niyo," ani ng tagapaglingkod ni Gaiden. Agad kumilos ang ilan pang tagapaglingkod para kumuha ng tubig. Nakayuko lang si Garan ngunit maya-maya may nakita siyang maliit na anino at medyo umaliwalas sa direksyon niya. Pag-angat niya ng tingin. Nakita niya si Gallema na nasa harap niya. "Gusto mo ba ng maiinom? Agad ako magpapakuha para sa iyo." "Hindi ko kailangan— wala lang sa akin ang init na ito," malamig na sambit ni Garan at inismiran si Gallema. Mainit doon— ngunit nandoon si Gallema. Sinamahan niya ang kapatid kahit sinabi ng knight nito na hindi kakayanin ni Gallema ang init doon. "Nandito ang mga kapatid ko. Gusto ko sila samahan— ayos lang naman ako Sir Greg," ani ni Gallema. Pawisan na din ito at maya-maya ang inom ng tubig. Ang bahaging iyon kasi ng palasyo ang may pinakamainit na lugar dahil sa araw. Isama pa na ginawa talaga iyon para maging t*****e area. May mga bahagi sa area na iyon na may salamin at talagang kapag hindi ka mag-ingat masusugatan ka. "Gallema, bumalik ka na sa palasyo mo. Masyado ng mainit dito," ani ni Gaiden. Pinaalis na din kasi nila ang mga tagapaglingkod dahil sa reality na mas dumoble ang init sa area na iyon. "Hindi ko kayo iiwan dito. Kailangan niyo ng tubig," sagot ni Gallema. Si Greg, si Gallema at ang tatlong prinsipe na lang ang nandoon. Sumama ang mukha ni Gala dahil sa hindi marunong makinig ang kapatid nila. Walang kaalam-alam si Gallema na 5 years old pa lang sila ay tini-training na sila sa kahit na anong t*****e at pati na din sa mga lason. Hindi sila mamatay dahil lang sa init. Matigas nag ulo ng kapatid nila kay palihim na kinumpas ni Gaiden ang daliri. Biglang naglaho sina Gallema at Greg. "Anong ginawa mo?" tanong ni Gala bago tiningnan si Gaiden na nanatiling naka-pokerface. "Inalis sila dito. Hindi marunong makinig si Gallema," sagot ni Gaiden. Narinig na lang nila ang boses ng kapatid sa malayo at hinahampas ang harang doon. Natawa na lang si Greg sa ginawa ng mga prinsipe. Masyado kasing matigas ang ulo ni Gallema kaya walang pagpipilian ang mga prinsipe kung hindi ipagpilitan din ang gusto nila. Naiinis na na nag-cross arm si Gallema at masama ang tingin sa mga kapatid niya. Nakatayo lang doon si Gallema nang may mahagip ang mga mata niya sa kabilang bahagi ng bulwagan. Maraming kawal na naglalakad patungo kung saan at may gintong kasuotan. "Imperial family?" ani ni Gallema. Pamilyar kasi sa kaniya ang kasuotan na iyon at sa unahan 'non may nakita siyang matandang lalaki na may pulang kasuotan at may dalang lalagyan. "Mukhang may ipaguutos na naman ang imperial family kaya nagpadalaa na naman sila ng sulat," ani ni Greg. Nilingon siya ni Gallema. "Anong sulat?" tanong ni Gallema. Bahagyang napatigil si Greg at napatingin kay Gallema. Ngumiti si Greg at sinabing hindi naman iyon importante. Naglalaman lang iyon ng bagong utos sa emperor. Sa isip ni Gallema paano hindi naging importante iyon kung galing nag sulat na iyon sa emperor. Nag-isip ng maigi si Gallema kung anong meron sa taon na iyon na maaring maging konektado sa utos ng emperor. Gusto niya malaman. Tiningnan ni Greg si Gallema na hawak ang baba at nakatingin kung saan. Sa isip ni Greg kung hindi lang niya nasaksihan ang paglaki ni Gallema at kung paano ito mag-tantrums kapag hindi nasusunod ang gusto iisipin ni Greg na hindi angkop ang paraan ng pag-iisip nito sa edad nito. Gumagawa kasi mg expression si Gallema na tanging sa hari niya lang nakikita at dahil kapareho ng sa hari ang dumadaloy sa katawan ni Gallema. Nababasa ni Greg ang iniisip ni Gallema. "Gusto ko ng sandwitch tuna ngayon Sir Greg," ani ni Gallema bago tiningnan si Greg na napangiti na lang. "Sasabihan ko din ngayon ang mga tagapaglingkod na igawa ka ng tuna sandwitch, prinsesa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD