03

2903 Words
Chapter 03 Gallema Hidalgo's POV Binawi ng hari ang utos. Binigyan na din ako ng permiso na maglabas pasok sa palasyo ng unang prinsipe. "I-Ikaw na naman," ani ng unang prinsesa nang buksan ko anv pinto ng kwarto niya at silipin siya. "Hehe, hi brother Gaiden. Goodmorning," nakangiti na bati ko. Hindi ito nag-react at hindi niya din ako sinigawan katulad 'nong mga unang pagpunta ko dito na sinisigawan niya ako para umalis. Umismid lang ito nang nginitian ko ito kaya napasimangot ako. Lumapit ako sa kama pero hindi ko tinangka sumampa baka kasi maitulak ulit ako. "Brother Gaiden, wala na bang masakit sa iyo?" tanong ko bago pinasadahan ng tingin ang prinsipe. "Ano ba talagang kailangan mo at nandito ka? Gusto mo din ba mamatay?" Napatigil ako matapos niya ako tingnan ng masama. Imbis umiwas, tinitigan ko din siya pabalik. "Ayoko pa mamatay. Hindi mo naman ako papatayin brother Gaiden diba?" Nakita ko ang pagbabago ng expression nito sa lumipas na ilang segundo. Ngumiti ako at nilagay ang dalawang kamay ko sa likod. "Mahina ako ngayon. Sayang lang sa kapangyarihan kung papatayin kita ngayon." Napanguso ako matapos marinig iyon. Casual lang kasi niya iyon sinabi at hindi banta. Lumapit ako sa kama at sinubukan umakyat. Nang makasampa ako nakangiting hinarap ko si Brother Gaiden. Kuhang kuha nito ang mukha ng hari pati ang expression. "Kapag gumaling kana siguradong magiging kasing gwapo mo din ang hari. May pretty eyes ka din like me." Nagpa-cute ako. Umismid lang ito, medyo nakahinga ako nang maluwang ng hindi niya ako tinulak kahit ilang distansya na lang ang lapit namin na dalawa kahit mukhang nairita ito sa akin. Wa-epek talaga ang charm ko sa tyrant na ito. Umiling-iling ako. Hindi dapat ako sumuko. "Kapag nahawa ka ng sumpa— mamatay ka," ani ni ng prinsipe na kinatingin ko. Nag-aalala ba siya sa akin? Ngumiti ako at natutuwang tiningnan ang prinsipe. "Araw-araw ako nandito brother Gaiden ngunit wala naman nangyayari sa akin. Look i'm pretty pa din naman." Hinawakan ko ang dalawang pisngi ko at hinabol ang tingin ni brother Gaiden. Napahagikhik ako ng bahagya niyang itulak mukha ko palayo. Mahina lang iyon sapat lang para itulak ang mukha ko. "Wala ka bang ginagawa sa palasyo mo at nandito ka?" tanong ng prinsipe. Sa unang pagkakataon kinausap ako ni brother Gaiden kaya agad ko iyon sinagot. "Pareho lang naman tayo walang ginagawa brother Gaiden. Gusto ko nandito kasi may nakakausap ako," sagot ko bago umupo ng maayos. "Paano kung ayaw kita kausap?" balik tanong ng unang prinsipe na kinasimangot ko. "Eg 'di makinig ka na lang sa akin," ani ko bago umayos ng upo at ngumiti. Naging maganda naman ang mga lumipas na araw. 'Ganon pa din naman ang routine ko. Madalas sa kama na lang din ako ni brother Gaiden natutulog at hindi nagrereklamo si brother Gaiden. Tapos kapag gabi inaalagaan ko din si brother Gaiden kapag inaatake ito ng sakit. Hanggang sa unti-unti na nga din iyon nawala. Mas maaaga sa inaasahan. "Brother Gaiden!" Kumaway ako kay brother Gaiden matapos ko siya makita sa labas ng palasyo ko. Konti na lang ang marka na nasa mukha nito. Hindi na din gaano visible kaya mas naging kamukha ito ng hari. "Anong ginagawa mo dito brother Gaiden?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Umiwas ng tingin si brother Gaiden kaya hinabol ko ang tingin niya at ngumiti. "Dinadalaw mo ako? Tara pasok ka! Laro tayo, " excited na sambit ko bago hinawakan ang kamay ni brother Gaiden. "Prinsesa, hindi maganda na hinihila-hila mo ang unang prinsipe." Napatigil ako ng hawakan ako ng isa sa mga gwardya. Hanggang sa tumalsik ito sa gate na kinatigil ko. Napaangat ako ng tingin kay brother Gaiden na siyang naghagis sa kawal. Masama ang tingin nito sa kawal na minsan ko na din nakita sa expression ng hari. "Isa ka lang sa tagapaglingkod ng palasyo. Wala kang karapatan hawakan ang prinsesa." Bakas ang takot sa mukha ng kawal matapos maglabas ng asul na aura si brother Gaiden. "Brother, huwag ka ng magalit. Hindi naman masakit." Hinila-hila ko ang suot ni brother Gaiden na kinatingin nito sa akin. Maya-maya nawala na ang aura nito at hinawakan ako. "Walang susunod sa akin sa loob. Hindi ko kayo kailangan," may pagbabanta na sambit ng prinsipe. Napangiti ako ng sabay kami na naglakad papasok ng palasyo. Kumaway ako kina Sir Bernard na nagulat matapos makita ang kasama ko. "Jane! Timpla mo kami ng tea ni brother Gaiden," utos ko kay Jane na nakasunod pala sa akin kanina pa. Ngumiti si Jane at yumuko. Tiningnan ko si brother Gaiden na kasalukuyang nakatingin kay Jane at Sir Bernard. "Masusunod mahal na prinsesa," sagot ni Jane na may ngiti sa labi bago humakbang palabas ng garden matapos magbigay galang. "Ang mga tagapaglingkod mo. Sila lang ba ang nandito?" tanong ng prinsipe. "Yes, why brother Gaiden?" tanong ko bago salubungin ang tingin ni brother Gaiden habang naglalakad. "Kaunti lang sila. Bakit hindi ka humingi ng madami pang tagapaglingkod." "Hindi ko kailangan ng madami brother Gaiden. Sapat na sina Jane." "Isa kang prinsesa." "Mas kailangan niyo ang mga tagapaglingkod dahil balang araw kayo ang magiging haligi ng palasyo. Kailangan niyo sila para sumuporta din sa inyo." Dinala ko si brother Gaiden sa favorite spot ko sa hardin. Pinaupo siya sa isa sa mga upuan na nandoon at umupo sa harapan niya. Tinitigan ako ni brother Gaiden kaya nagtataka ko siyang tinitigan pabalik. "Minsan na din nasabi ni Maestro na kaming mga prinsipe ang magiging haligi ng bawat bahagi ng palasyo at emperyo." "Ngunit ang hari kailangan ng reyna para umagapay. Kaya naniniwala ako na ang suporta ng libo-libong tagapaglingkod dito wala pa na kayang ibigay ng prinsesa na katulad mo." Napangiti ako matapos marinig iyon kay brother Gaiden. "Kailangan din ng prinsipe ng prinsesa at naniniwala ako na mas may silbi ka kaysa sa kanila." Napahagikhik ako dahil sa sinabi ni brother Gaiden. "Gusto mo na ako brother Gaiden?" pang-aasar ko. Napalitan ng pagkadisgusto ang mukha niya pero hindi umapila. After niya maka-recover. Nabalitaan ko na hindi maganda ang naging pakikitungo niya sa mga tagapaglingkod kahit sa reyna. Hindi ko siya masisisi doon kasi iniwan nila ang unang prinsipe at walang nagtangka na tumulong sa kanya 'nong mga panahon na nahihirapan siya. Maya-maya dumating na si Jane at nilapag ang tea at mga dessert sa lamesa. "Salamat Jane!" natutuwa na sambit ko kay Jane. Ngumiti si Jane at yumuko bilang paggalang. Nang makaalis ang tagapaglingkod nagsimula na ako ulit mag-kwento. Kahit ako lang ang nagsasalita at wala naman silbi lahat ng sinasabi ko nakikita kong kahit konti hindi nagpakita ng pagkadisgusto ang prinsipe. Hindi din ito nagrereklamo at nakikinig lang. — "Pinatatawag ako ng hari?" nagtataka na tanong ko kay Sir Bernard matapos ako nito sunduin sa palasyo ko. Kaya pala maaga pa lang ginising na ako nina Kate para maghanda at magbihis. "Hindi namin alam kung bakit ka pinatatawag pero ito ang unang pagkakataon na may inimbitahan ang hari sa palasyo niya," ani ni Sir Bernard na parang iniisip kung anong dahilan bakit ako pinatawag. Alanganin na tumawa ako. Bigla akong kinabahan dahil hindi pa din ako sanay sa presensya ng hari. Natatakot din ako magkamali dahil hindi katulad 'nong unang buhay ko may proteksyon ako kung sakaling uminit ang ulo sa akin ng amang hari. "Napakaganda mo talaga prinsesa," puri ni Kate na kinangiti ko ng malapad. "Salamat Kate!" Gumuhit ang ngiti sa labi ko matapos makita ang sarili ko sa malaking salamin. Personal na ginawa ni Jane ang suot na blue dress ko na may ilang blue gem. Bumagay iyon sa kulay asul ko na buhok. Nilagyan niya din ng ribbon ang buhok ko kaya mas naging mas cute pa ako. Nang matapos ang pag-aayos ko. Sinundan ako ng mga tagapaglingkod ko at kawal papunta sa palasyo. Madaming tagapaglingkod ang napapatingin sa amin kasama na doon ang isa sa babae ng hari. Nagkasalubong kaming dalawa kaya yumuko ako bilang paggalang. "Pagbati para sa consult Cleopatra." Nag-angat ako ng tingin at ngumiti. Nakita ko naman sa expression ng mga tagapaglingkod ang amazement matapos ko iyon gawin. Tinaasan ako ng kilay ng consult at walang imik na umalis sa harap ko. Dapat siguro ako mag-ingat hindi magandang makasalubong ko pa ang iba pa babae ng hari. Dahil sa hinaharap sila ang magiging dahilan kung bakit unti-unti babagsak ang emperyo lalo na at gagamitin nila ang mga prinsipe na nasa pangangalaga nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa palasyo ng hari. Hindi ko maiwasan ma-amaze matapos tuluyan makapasok sa loob. Walang tao doon maliban sa kanang kamay nito na si Sir Greg na agad ako binati. Yumuko naman ako bilang paggalang at ngumiti. Pinagbuksan niya ako ng pinto at doon nakita ko ang ama ko na nakaupo sa ibabaw ng kama. Mukhang kagigising lang nito kaya agad ko siyang binati matapos ako pumasok. "Magandang umaga mahal kong hari," ani ko na may ngiti sa labi. Napatingin ang hari sa pwesto ko. Hindi umimik ang hari at tinapik ng bahagya ang space sa gilid ng kama niya. Lumapit ako at umakyat sa ibabaw ng kama. Hindi 'man lang ako tinulungan ang taas-taas ng kama. Dahil hindi talaga ako makaangat may mga kamay na pumulupot sa bewang ko at inakyat ako pataas. "Maraming salamat Sir Greg!" bati ko. Nakahinga ako ng maluwang dahil nakaakyat ako ng walanv bukol. Ang taas ng kama at ang mabait kong ama hindi man lang ako tinulungan para tumaas. Napatigil ako ng makaramdam ako ng lamig. Napako ang tingin ko sa hari matapos makita ang unti-unting pagdidilim ng mukha nito. "Sino nag-utos sayo na hawakan mo ang prinsesa?" may pagbabanta na sambit ng hari na kinatigil ko. Yumuko si Sir Greg at parang naghihintay pa ito ng parusa. "Kamahalan, baba na lang ako ulit. Huwag ka na magalit," nagpa-panic na sambit ko. Bababa ako nang sa kamalas-malasan napasigaw ako nang madulas ako. Pero bago pa ako bumagsak sahig may kulay puti na liwanag ang bumalot sa akin at inangat ako. Napakurap ako at kumikinang ang matang sinubukan hawakan iyon. Sobrang warm ng liwanag na iyon. Dahan-dahan 'non ako binaba sa kama at napahagikhik ako dahil doon. Hindi ko alam pero mula ng mabuhay ako ulit kahit sa konting bagay natutuwa na ako. Bigla iyon nawala pero may mga naiwang maliliit na particles kaya inangat ko ang kamay ko para abutin iyon. 3rd Person's POV Hindi alam ng kanang kamay ng hari ang ire-react matapos gamitin ng hari ang kapangyarihan niya. Bukod sa niligtas nito ang prinsesa. Gumawa pa ito ng mga paru-paro gamit ang kapangyarihan at hinayaan iyon laruin ng prinsesa. "Kamahalan! Ang ganda ng kulay ng aura at kapangyarihan niyo," natutuwa na sambit ng prinsesa. Tila naman lumiwanag ang buong palasyo ng hari dahil sa ngiti na iyon ng prinsesa. Sa unang pagkakataon naramdaman niya na parang wala ang presensya ng hari sa paligid dahil sa gaan ng atmosphere. Tiningnan ni Greg ang hari. Wala itong expression pero masasabi niya na mas banayad ang aura ng hari kaysa sa normal at dahil iyon sa prinsesa na hindi nakakaramdam ng takot sa kanya. "Greg, magpadala ka ng tea dito at dessert para sa prinsesa," utos ng hari. Yumuko si Greg at agad sinunod ang sinabi ng hari. Agad nawala ang mga paru-paro kaya napatingin ang prinsesa. Hindi napansin ng prinsesa na nasa garden na pala sila ng palasyo. "Umupo ka na muna. Magpapadala ako ng meryenda dito," kalmadong sambit ng hari. Ngumiti ang prinsesa at umupo sa nakitang lamesa na nandoon. Hindi naman maiwasan ng prinsesa mapamangha matapos makita ang ganda ng hardin at kung gaano ito kalawak. "Kamahalan," ani ng prinsesa na kinatingin ng hari. Hindi na naman maiwasan ng prinsesa matulala dahil sa taglay na kakisigan ng hari. Tumikhim ang prinsesa at ngumiti. "Napansin ko kasi mahal na hari wala kayong tagapaglingkod dito," ani ng prinsesa. Gusto niya may mapag-usapan at mawala ang invisible wall sa pagitan nila ng hari. "Ayoko ng istorbo." Alanganin na tumawa ang prinsesa at sinimulang laruin ang mga daliri habang patingin-tingin sa hari. "Ama, bakit niyo pala ako pinatawag" Nag-iba ang tingin ng hari sa prinsesa matapos iyon narinig. Napatakip ang prinsesa sa bibig. Bahagya din nagulat ang prinsesa sa sinabi niya. Sa isip lang kasi niya tinatawag na ama ang hari. Hindi nagsalita ang hari at umayos ng upo. Ngunit hindi inaasahan ng prinsesa na sasagot ang hari at hindi nito pinansin ang pagtawag niya ng ama. "Nalaman ko ang effort mo sa pagtulong sa unang prinsipe kaya gusto ko itanong kung anong gusto mong pabuya," casual na sambit ng hari. "Pabuya?" ulit ng prinsesa. Napalitan ng pagtatakha ang mukha ng prinsesa matapos iyon marinig. "Yeah, gold? Gem? Alahas,dress, bagong palasyo at madaming tagapaglingkod." "Pipili ako ng isa?" "Ipapadala ko lahat." Napangiwi ang prinsesa at napakamot sa ulo. Ayaw niya tanggihan ang hari pero kung tatanungin kung anong gusto niya. Wala sa mga sinabi ng hari ang kailangan at gusto niya. "Imbis po na iyon. Gusto ko po na ibang bagay ang ibigay niyo sa akin," medyo kabado na sambit ng prinsesa. "Gusto ko ng imperial badge." Napatigil si Greg na kararating pa lang matapos iyon marinig. Ang Imperial badge ay tanging ang mga nakakataas lang ang meron. Apat lang na tao ang meron noon sa palasyo. Si Greg at ang tatlo pang pinuno ng mga kawal. Kapag may Imperial badge ka kahit saang palasyo ng emperyo maari kang pumasok dahil may permiso ka ng kamahalan. Meron noon sina Greg dahil sa sinasanay nila ang mga prinsipe at trabaho nilang magronda sa buong palasyo araw-araw. "Bakit naman iyon ang gusto mo maging pabuya?" tanong ng hari. Hindi niya akalain na iyon ang hihingin ng isang batang prinsesa na katulad ni Gallema. "Mahal na hari katulad po ng sabi ko gusto ko suportahan ang mga prinsipe. Gusto ko sila makilala," sagot ng prinsesa. Gusto niya gamitin ang badge para mapuntahan ang mga prinsipe. "Hindi madali mapalapit sa mga prinsipe. Prinsesa, kahit mabigyan kita ng Imperial badge hindi mo magiging madali ang paglapit mo sa mga prinsipe." "Alam ko iyon mahal na hari ngunit nakapagdesisyon na ako. Gusto ko sila makita at makilala." Tinaas ng hari ang kamay niya kaya mabilis na lumapit si Greg. Yumuko si Greg na kimatingin ng prinsesa. "Simula ngayon si Greg na ang magiging Imperial Knight mo," ani ng hari na kinalaki ng mata ng prinsesa. Nanlaki ang mata ng prinsesa at kahit yata si Greg nagulat. "A-Ama, ngunit si Greg ang pinakamagaling na Knight sa buong emperyo at mas kailangan niyo ng—." "Hindi ko kailangan ng Knight," putol ng hari. Naguluhan ang prinsesa dahil doon. Hindi siya makapaniwala na imbis Imperial badge. Binigyan siya ng hari ng Imperial Knight. Simula nga ng araw na iyon naging Imperial Knight na ng prinsesa si Greg na kinagulat ng lahat ng nasa Emperyo. "Greg, nag-aalala ako kay ama," ani ng prinsesa na kinatingin ni Greg. "Ang ama mo ang pinakamalakas sa buong emperyo mahal na prinsesa," sagot ni Greg na nakasunod lang sa prinsesa. "Ngunit kanang kamay ka niya." "Hindi big deal kung nandoon 'man ako o wala sa tabi ng hari. Walang mangyayari sa hari kahit wala ako sa tabi niya." "Masyadong makapangyarihan ang hari at bihira lang ang ganitong oportunidad. Magtrabaho as a Imperial Knight." "Bakit sa akin?" sunod na tanong ng prinsesa na malungkot pa din. Hindi niya maintindihan ang iniisip ng hari. Tiningnan ni Greg ang prinsesa. Mukhang nagi-guilty pa din ito. Napangiti si Greg dahil sa idea na walang kaalam-alam ang prinsesa sa tunay na motibo ng hari kung bakit siya ginawang Imperial Knight ng prinsesa. — "Pinadala sayo ng hari si Greg?" ulit ng prinsipe at nakatingin sa prinsesa. "Imperial badge lang naman hinihingi ko pero pinadala niya sa akin si Sir Greg," mababa ang boses na sambit ng prinsesa habang nakaupo sa gilid ng kama kung saan nakaupo ang unang prinsipe. "Kontrol ni Greg ang lahat ng kawal sa emperyo. Mapo-protektahan ka din niya sa mga prinsipe kung may hindi gagawing maganda ang iba pa natin kapatid." Napatingin ang prinsesa dahil sa sinabi ni Gaiden. "Nag-aalala sa iyo ang hari kaya pinadala niya si Greg sa iyo at ginawa siyang Imperial Knight. Kailangan mo ng proteksyon at kapangyarihan. Lahat iyon na kay Greg." "Hindi ka din basta magagalaw ng mga babae ng hari kahit ang reyna dahil nandiyan si Greg," ani ni Gaiden bago sumandal sa headboard ng kama. Nanlaki ang mata ng prinsesa matapos iyon marinig galing sa prinsipe. "Kung 'ganon hindi ba dapat maging Imperial knight ng magiging hari si Greg. Mas kailangan niyo ng proteksyon." Napa-pokerface si Gaiden at pinitik ng mahina ang noo ni Gallema dahilan para mapasimangot ang prinsesa. Napahawak ito sa noo at tiningnan ang prinsipe. "Pinahahalagahan ka ng hari kaya sa iyo binigay si Greg at mas kailangan mo siya. May kapangyarihan kami— ikaw wala." "Kung hindi ko nalaman na pinadala sa iyo ng hari si Greg balak ko din sana puntahan ang hari para humiling na bigyan ka ng madaming kawal para bantayan ka," ani ng prinsipe na kinangiti ng prinsesa. Parang may humaplos sa puso ng prinsesa matapos marinig iyon. Nag-aalala na sa kanya ang prinsipe at ang hari. Maganda ng pangitain iyon. Unti-unti niya ng nababago ang hinaharap. 'Nong past life niya walang pakialam ang mga ito sa kanya at ito pa ang mga taong ilang beses pinagtangkaan ang buhay niya ng walang sapat na rason.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD