02

3166 Words
Chapter 02 Gallema Hidalgo's POV "Ano?! Babalik ka pa doon?" hindi makapaniwala na tanong ni Sir Bernard. Matapos ang nangyari kasing insidente 'nong kumalma ako pinuntahan ko ulit si Sir Bernard. "Prinsesa, mapapahamak ka kung—." "Sir Bernard, kailangan ako ng prinsipe ngayon. Mag-isa siya sa palasyo," putol ko kay Sir Bernard na puno ng pag-aalala ang mukha. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. Nag-aalala ako sa prinsipe lalo na at nakita ko ang kalagayan nito. "Kahit wala ang ina at ama ko. Nandiyan kayo nina Jane para bantayan ako at alagaan kapag may sakit ako. Pero ang prinsipe, wala siyang kasama doon," bulong ko na may mababa na boses. "Prinsesa, haist. Sige." Napaangat ako ng tingin at kumikinang ang matang hinawakan ang kamay ni Sir Bernard. "Talaga, Sir Bernard!" hindi makapaniwala na tanong ko. Pumayag ulit si Sir Bernard. — "Saan kayo pupunta?" Napatigil kami ni Sir Bernard matapos marinig ang boses ni Jane. Dapat sa mga oras na ito tulog na sila. Gosh lagot ako. "Pupunta ba kayo sa palasyo ng prinsipe?" Dahan-dahan kami humarap ni Sir Bernard sa direksyon kung saan namin narinig ang boses ni Jane. Nakapameywangan si Jane at masama ang tingin sa aming dalawa. Huhu lagot ako. Pinagbawalan niya na kasi ako pumunta sa palasyo ng prinsipe dahil sa nangyari pero hindi ako nakinig. Tiningnan ako ni Jane kaya napayuko ako. Ayaw ko naman sila suwayin lalo na at alam ko nag-aalala lang sila sa akin pero hindi ko pwede pabayaan ang unang prinsipe. Ayokong maranasan niya 'yong pakiramdam na kapag nagkakasakit wala sa iyong nag-aalaga at nag-aalala. "Huwag kayong papahuli sa mayordoma. Bernard, ibalik mo ang prinsesa dito bago sumikat ang araw at huwag kayo papahuli sa mga kawal na nandoon." Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Jane, lumuhod siya sa harap ko at pumantay. "Napakabuti ng iyong puso prinsesa. May tiwala ako na hindi ka din magagawang saktan ng prinsipe kapag nakita niya mabuti mong motibo," kalmadong sambit ni Jane na kinaliwanag ng mukha ko. Ngumiti ako at niyakap si Jane. "Salamat Jane!" Natawa si Jane at may kinuha na lalagyan sa bulsa niya. "Dalhin mo ito sa unang prinsipe. Sigurado na magugustuhan niya din ito dahil gustong-gusto ito ng prinsesa," ani ni Jane matapos mag-abot sa akin ng isang lalagyan. Kuminang ang mata ko matapos makita na cookies iyon. "Salamat Jane!" excited na sambit ko. Pinayagan ako ni Jane matapos ako mag-promise na huwag gaanong lalapit sa prinsipe. Nagpaalam na kami kay Jane. Kumaway lang siya at binilinan kami na mag-ingat. Puno ng pag-iingat na dinala ako ni Sir Bernard sa palasyo. Palapit kami sa kwarto nang makarinig ako ng malakas na sigaw at iyak. Napatigil ako sa paglalakad at mabilis na tumakbo dahil sa pag-aalala. "Prinsesa!" tawag ni Sir Bernard. Hindi ko na hinintay si Sir Bernard at binuksan na lang ang pintuan. Halos hindi ako nakagalaw matapos makita ang pag-ubo ni brother Gaiden ng dugo at pagyakap nito sa sariling katawan. "T-Tulong, s-sobrang sakit. P-Patayin niyo na ako. Hindi ko na kaya," umiiyak na sambit ng prinsipe. Napatakip ako ng bibig matapos marinig iyon. Mabilis ako na lumapit at sumampa ng kama. Hinawakan ako ang kamay ni brother Gaiden na kinamulat niya ng mata. Umiiyak siya, puno ng sakit ang expression niya. Pulang-pula din ang mukha niya dahil siguro sa nararamdaman niya na sakit. Hindi ko na din maiwasan umiyak matapos makita na sobrang nasasaktan siya. "Sir Bernard! Kumuha ka ng towel at basin," utos ko. Agad naman tumalima si Sir Bernard at lumabas ng kwarto. Pilit na kumawala si brother Gaiden sa hawak ko pero hindi ko iyon hinayaan at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya. "H-Hindi kita sasaktan. Mawawala din ang sakit. Gagaling ka." "Naririnig mo ako? Gagaling ka." "Aalagaan kita hanggang sa gumaling ka," sunod-sunod na sambit ko habang hawak ng mahigpit ang kamay ng unang prinsipe. "Prinsesa, nandito na ang towel," ani ni Sir Bernard bago binaba ang basin sa gilid ng kama. Binitawan ko ang kamay ni brother Gaiden at kumuha ng towel. Piniga ko iyon sa tubig at pinunasan ang pisngi ng prinsipe. Umiiyak pa din ito sa sakit pero hindi katulad kanina na sumisigaw siya. Wala akong magawa kahit bawasan ang sakit na nararamdaman niya. Sa pagkakataon na ito bigla ko na lang naisip na sana may kapangyarihan pa din ako. Maiibsan ko sana kahit konti ang sakit na nararamdaman ni brother Gaiden. Patuloy lang ang pagpunas ko kay brother Gaiden kahit hindi ko alam kung nakakatulong ba iyon para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. "Prinsesa, sobrang lalim na ng gabi kailangan na natin bumalik ng palasyo," may pag-aalala na sambit ni Sir Bernard. "Sir Bernard, bago magliwanag aalis na tayo. Hayaan mo muna na bantayan ko ang prinsipe," ani ko matapos lingunin si Sir Bernard na may pag-aalala. Ayokong iwan ang unang prinsipe. Sa pagkakataon na ito nawala ang intensyon ko na gamitin ang prinsipe dahil sa nakikita kong kalagayan nito. Hindi ko inaakala na may ganitong karanasan ang unang prinsipe. Tapos 'nong past life galit na galit ako sa lahat dahil sa tingin ko ako ang pinaka-argabyado sa palasyo na ito. Iniyukom ko ang kamao ko. Hindi nagsalita si Sir Bernard at yumuko na lang. Simula ng araw na iyon gabi-gabi na ako pumupunta ng kwarto ng prinsipe para alagaan ang prinsipe kahit lagit itong tulog at walang malay. Kaya pag-umaga tulog na tulog ako at pagod. "Ano bang ginagawa ng prinsesa at lagi kang inaantok?" tanong ng mayordama matapos ako tulungan bumaba sa upuan. "Wala naman nanay Marites. Salamat sa pagkain!" ani ko bago tumakbo palabas ng dining area. Ayoko magsinungaling kaya tatakas na lang ako. Mamayang gabi aalis ulit ako kaya mas mabuting matulog ulit kahit konting oras lang. Tumungo ako ng hardin na nasa loob ng palasyo. Busy sina Jane kaya siguradong walang iistorbo sa akin kung matutulog ako sandali dito. Lumapit ako sa puno na napapalibutan ng bulaklak. Umupo ako sa damuhan at sumandal sa puno para matulog. 3rd Person's POV Agad nakatulog ang munting prinsesa dahil sa magkasamang antok at pagod. Sa himbing ng pagkakatulog ng batang babae. Babagsak ang ulo nito mula sa pagkakasandal sa puno nang may asul na apoy ang biglang dumating at sinalo ang ulo ng batang babae. Dahan-dahan nito binaba ang ulo ng batang babae sa sahig matapos ito palibutan ng asul na kapangyarihan. Lumipad sa pinakamataas na puno ang asul na apoy. Mula doon nag-anyong tao ang asul na liwanag at umupo sa sanga ng puno. Bumaba ang tingin nito sa prinsesa at bahagyang ngumiti. "Unti-unting lumalakas ang kapangyarihan ko dahil sa batang ito," ani ng batang lalaki na may asul na buhok at mata. Tiningnan nito ang sariling kamay at lumingon sa palasyo ng unang prinsipe. "Kapag nabawi ko na ang kapangyarihan ko makakabalik na ako," natutuwa na sambit ng bata. Nag-anyong bolang apoy ulit ang lalaki at inikutan ang prinsesa bago lumipad ulit palayo. — Kinagabihan pumunta ulit ang prinsesa sa palasyo ng unang prinsipe. Agad sila nagtago ng kasamang kawal matapos makita ang madaming kawal at tagapaglingkod sa labas ng kwarto ng prinsipe. "Kuhanin niyo ang prinsipe. Pinaguutos ng reyna na dalhin na siya sa labas ng palasyo," ani ng isa sa mga tagapaglingkod na nasa labas ng pintuan ng kwarto. Nanlaki ang mata ng prinsesa matapos marinig iyon. Nilingon nito si Bernard na bahagyang napakunot ang noo. "Anong ibig sabihin 'non Sir Bernard," nagtataka na sambit ng prinsesa. "Ilalayo ng reyna ang prinsipe sa palasyo. Ang alam ko magkakaroon ulit ng anak ang reyna kaya siguro pumayag na ang reyna na dalhin sa labas ng palasyo ang prinsipe," sagot ni Bernard habang nakatingin sa mga kawal. "Hindi ako papayag. Gagaling na ang prinsipe. Nararamdaman ko gagaling na siya," may inis na sambit ng prinsesa. Para sa mga babae ng hari kapangyarihan ang magkaroon ng anak na lalaki dahil maaring isa sa mga prinsipe ang magmana ng trono ng hari. Ngayon na magkakaroon ulit ng anak ang reyna lalo na sa kalagayan ng prinsipe siguradong iaabandona ng reyna ang anak niya kapag nagkataon. Balewala kung ano pa ito ng hari, mamatay 'man ito o hindi. "Anong gagawin natin prinsesa? Iniisip ng lahat na sumpa ang unang prinsipe sa palasyo," ani ni Bernard bago nilingon ang prinsesa. "Hindi iyon totoo. Ilang beses na natin nahawakan ang prinsipe pero walang nangyari sa atin," sagot ng prinsesa na may pagkadisgusto ang mukha. "Namatay ang katulong na aksidente nahawakan ng prinsipe kamakailan lang." "Paano nangyari iyon?" "Sinisisi nila ang unang prinsipe." Niyukom ng batang prinsesa ang kamao matapos marinig ang sinabi ni Bernard. "Prinsesa!" Hinabol ni Bernard ang prinsesa matapos ito tumakbo patungo sa mga tagapaglingkod ng prinsipe. "Huwag niyo gagalawin ang prinsipe!" Nanlaki ang mata ng mga tagapaglingkod matapos makita ang prinsesa. Napalitan iyon ng pagkadisgusto matapos ito makilala. Lumuhod ang mga ito kasama ang mga kawal. Hawak ang suot ng prinsesa na dress. Taas-noo ito na lumapit sa mga tagapaglingkod. "Hindi niyo gagalawin ang prinsipe," ma-awtoridad na sambit ng prinsesa sa nga nakayukong tagapaglingkod at kawal. "Sumusunod lang kami sa utos mahal na prinsesa. Pinag-utos ng reyna na dalhin sa labas ng palasyo ang prinsipe para mapagamot." "Wala siyang sakit!" may diin na sagot ng prinsesa sa mga tagapaglingkod na nandoon. "Mawalang galang na kamahalan pero sumusunod lang kami sa utos." Nakayukong sambit ng mayordama. "Hindi maari mabali ang salita ng isang reyna." Gumuhit ang galit sa mukha ng prinsesa matapos magkaroon ng meaning ang salitang binitawan ng isa sa mga tagapaglingkod. "Pupuntahan ko ang hari." Nanlaki ang mata ng mga kawal matapos marinig iyon kahit si Bernard napatingin sa prinsesa. Tumalikod ang prinsesa at naglakad palayo. "Malakas yata ang loob ng prinsesa na iyon para harapan niya puntahan ang hari," ani ng isa sa tagapaglingkod. "Hindi niya pa siguro kilala ang hari," makahulugang sambit ng mayordama na may pagkadisgusto ang mukha. "Kawawang prinsesa. Akala naman niya makikinig sa kanya ang hari." Gallema Hidalgo's POV Hindi ko alam kung handa na ba ako o makikinig sa akin ang hari. Hindi ako sigurado pero hindi ko hahayaan mapaalis ang prinsipe. Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Bernard na may pangalawang anak ang reyna. May hindi ba ako nalalaman. Ang alam ko isa lang ang anak ng reyna at iyon ay si brother Gaiden. Ang iba ko pa na kapatid ay nanggaling sa iba't ibang babae ng hari at lahat sila may iisa lang na supling. Isa lang ang anak ng reyna ang alam ko. Kung babae 'yon siguradong mas lalong hindi basta itatapon ng reyna ang unang prinsipe dahil wala siyang panghahawakan sa palasyo. Basta! May anak 'man o wala ang reyna hindi ako papayag na basta na lang nila ipatapon ang prinsipe sa labas ng palasyo. "Mahal na prinsesa. Maghulusdili ka. Hindi maganda ang idea na puntahan mo ngayon ang hari," ani ni Sir Bernard na hanggang ngayon ay pinipigilan pa din ako tumungo sa palasyo ng hari. "Masyado ng malalim ang gabi at—." "Wala na tayong oras Sir Bernard. Balak na nilang ialis sa palasyo ang prinsipe!" putol ko kay Sir Bernard. Gagaling ang prinsipe, unti-unti ng nawawala ang marka kaya alam ko gagaling pa siya. "Nakikita mo, pawala na ang marka niya. Kung ipagpapatuloy natin ang pag-aalaga sa kanya gagaling siya!" "Ngunit anong sasabihin mo sa hari kapag kinuwesyon niya ang pagpunta mo sa palasyo ng prinsipe." Hindi ako nakasagot. Hindi ko din alam pero hindi ako papayag. Masyado ng madami akong nagawa. Wala na akong oras para magplano pa dahil alam ko sa isa sa mga oras na ito maari na nilang ilabas ang prinsipe. Gagaling na ang unang prinsipe. Nararamdaman ko gagaling na siya kaya hindi ako papayag na ilayo nila ang prinsipe sa palasyo lalo na kung iyon ang magiging dahilan para mapoot ng sobra ang prinsipe sa palasyo. — "Anong ginagawa ng unang prinsesa sa palasyo ko sa dis-oras ng gabi," kalmadong sambit ng hari na kinabato ko sa kinatatayuan. Napakagwapo nito ngunit may nakakatakot na aura. Nakaupo ito sa trono at tanging pantulog roba lang ang suot. Napalunok ako. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pakiramdam na ito pero kailangan ko kumalma. Nandito na ako kailangan ko lang lakasan ang loob ko. Bahagya akong huminga ng malalim at yumuko. "Paggalang para sa mahal kong hari." Napatigil ang ilang tagapaglingkod ng hari matapos ako yumuko at salubungin ng ngiti ang hari. Wala itong expression pero mukhang lampasan ang tingin nito dahil sa pakiramdam na parang pati kaluluwa ko binabasa. "Hindi ko kagustuhan na gambalain kayo sa pagpapahinga niyo kamahalan ngunit kailangan ng unang prinsipe ng tulong." "Teka—." Tinaas ng hari ang isa sa kamay niya para siguro pigilan magsalita ang isa sa tagapaglingkod niya. Napalunok ako ng makasalubong ko muli ang tingin ng hari. "Balak ng mahal na reyna na dalhin sa labas ng palasyo ang unang prinsipe," dagdag ko matapos ako tingnan ng hari na parang sinasabi niya na magpatuloy ako sa pagsasalita. "Desisyon iyon ng reyna at anak niya ang bata na iyon. Bakit kailangan mo iyon panghimasukan?" ani ng hari dahilan para mapahawak ako ng mahigpit sa aking kasuotan at sandaling umiwas ng tingin. Isip Gallema, kailangan mong kumalma at mag-isip. Sinalubong ko muli ang mata ng hari bago yumuko. Hinawakan ko ng mahigpit ang dress na suot ko bago ulit nagtaas ng tingin. "Isa din akong Hidalgo mahal na hari. Hindi lang basta anak ng reyna ang prinsipe. Parehong dumadaloy sa katawan namin ang pagiging Hidalgo—sa tingin ko sapat na iyon dahilan para manghimasok ako," sagot ko na puno ng respeto at paggalang. "Lapastangan! Isa ka lang prinsesa na nagmula sa mababang uri ng angkan!" sigaw ng mukhang isa sa mga maestro ng palasyo. Nagdilim ang mukha ng hari na kinatigil ko. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa sinabi ko. Napatakip ako ng bibig pero agad ko din iyon binaba matapos tingnan ng hari ang isa sa mga taong nandoon. "Hindi mo ba narinig ang sinabi ng prinsesa? Isa siyang Hidalgo at alam mo din ang kaparusahan sa panlalait sa isang miyembro ng royal family." Bigla yatang mas tumindi ang lamig dahil sa boses ng hari. Nagsisigaw ang lalaki matapos ito kaladkarin palabas ng apat sa mga kawal. "Ipagpatuloy mo," ani ng hari. Napalunok ako ng salubungin din niya ang tingin ko. Balot na ng takot ang katawan ko pero kailangan ng prinsipe ng tulong kaya kailangan ko maging matapang. Gusto ko din makuha ang simpatya ng hari at sa tingin ko ito na ang unang hakbang. "Aminado akong wala akong kapangyarihan mahal na hari para pumotrekta ng kahit na sino. Bukod sa titulo na prinsesa at Hidalgo wala na akong maipagmamalaki pa." "Wala din ako sa posisyon para baliin ang salita ng reyna kaya nandito ako mahal na hari. Gusto ko humingi ng tulong para hindi mapaalis ng palasyo ang prinsipe." "Wala ka yatang naiintindihan prinsesa. Lalabas ang prinsipe para magpagaling. May malubhang karamdaman ang prinsipe at kailangan niya dalhin sa manggagamot na malayo sa palasyo," ani ng hari na hindi 'man lang nagbago ang expression. Yumuko ako sandali at tumingin muli sa hari. "Alaga lang ang kailangan ng prinsipe mahal na hari. Nawawala na din ang mga marka niya kaya hindi na siya kailangan ilabas ng palasyo." "Hayaan niyo po sana na personal ko alagaan ang unang prinsipe para sa tuluyan niyang paggaling," ani ko. Kailangan ko makuha ang simpatya ng hari lalo na at siya lang ang kaisa-isang tao na makakabali sa salita ng reyna. "Pumupunta ka sa palasyo ng unang prinsipe?" Umayos ng upo ang hari at nakasalubong ang kilay na tiningnan ako. "Laging sinasabi ng prinsipe na mainit kaya pinupunasan ko siya ng tubig tuwing gabi mahal na hari. Gusto ko din na iimporma kayo na hindi nakakahawa ang sakit ng prinsipe." "Ilang buwan ko na iyon ginagawa. Pumupunta ako palagi sa palasyo dahil walang taong gumagawa noon para sa unang prinsipe." "Patawarin niyo ako mahal na hari sa kalapastangan ko," sunod-sunod na sambit ko. Actually, natatakot na ako dahil sa ginawang expression ng hari. Yumuko ako habang pinipilit itago ang takot sa expression ko. Wala akong kapangyarihan at kung maisipan niya na lang ako sunugin ng buhay sa kinatatayuan ko— tapos ako. "Ano naman dahilan at ginagawa mo iyon?" "Kinukuha mo ba ang loob ng unang prinsipe dahil sa tingin mo siya ang susunod na hari at mapopoproteksyunan ka ng prinsipe?" Palihim ako napangiwi doon. 'Nong una iyon ang motibo ko pero nakakalimutan ko iyon tuwing nakikita ko na nahihirapan ang prinsipe. Hanggang sa nawala iyon at ang nais ko na lang ay maibsan ang sakit na nararamdaman ng prinsipe. Huminga ako ng malalim bago nag-angat ng tingin at ngumiti. "Mahal kong ama. Kung iyon ang kailangan ko sa unang prinsipe. Sa inyo na ako kakapit dahil kayo ang nasa trono," straight to the point na sagot ko. Totoo iyon kung 'ganon nga kadali makalapit sa hari baka iyon na ang ginawa ko pero alam ko kung gaano kahirap iyon at kadelikado kung hindi pag-iisipan. "Prinsesa," bulong ni Sir Bernard na nasa gilid ko. Mukhang naalarma din si Sir Bernard dahil sa sagot ko. Nakita ko din ang gulat sa mukha ng mga tagapaglingkod matapos ko iyon sabihin. "Isa lang akong simpleng prinsesa mahal na hari. Walang kapangyarihan, wala akong maitutulong sa emperyo sa hinaharap. Madami din sa tagapaglingkod ang nagsasabi na hindi ako magtatagal ng buhay sa palasyo na ito dahil mahina ako." "Makapangyarihan ang hari at mga prinsipe." "Walang katuturan ang titulo ko na pagiging prinsesa— bilang Hidalgo at isa sa anak ng haring Yago." "Gusto ko makatulong sa abot ng makakaya ko. Gusto ko mapatunayan na kahit mahina at wala akong kapangyarihan. Malakas ako, mabubuhay ako dahil isa akong Hidalgo." "Hindi nagpapatalo at may determinasyon." Napakurap ako nang makita kong nagtaas ng gilid ng labi ang mahal na hari matapos ko sabihin ang mga katagang iyon. "Ipatawag mo ang maestro. Bawiin niya ang utos at hayaan ang prinsipe sa kanyang palasyo," ani ng hari matapos ito sumandal muli sa trono. Lumiwanag ang mukha ko matapos marinig iyon. Dahil sa saya napatakbo ako palapit sa hari at yumakap sa mga hita niya. Dahil maliit lang din ako hindi ako nakaabot hanggang bewang ng hari. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko iyon pero sobra ang sayang nararamdaman ko para isipin pa ang magiging reaksyon ng hari. "Maraming salamat mahal na hari. Aalagaan ko ang prinsipe." Hindi nagbago ang expression ng hari pero nawala ang lamig at bigat ng atmosphere na kinagaan ng loob ko. Matapos magbigay galang. Nagpaalam na ako sa hari. Umalis ako sa nagsisiling throne room at natutuwang tumakbo ako palabas kasunod si Sir Bernard na paulit-ulit ako tinatawag. Ang bilis ng t***k ng puso ko at parang gusto ko lumipad sa tuwa dahil 'nong unang buhay ko hindi ko nakita ang expression na iyon ng ama ko. Nagawa ko din makuha ang simpatya nito sa unang pagkakataon at nagkaroon ako ng kakaibang lakas ng loob para sabihin ang gusto kong mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD