PART 5

1466 Words
Three years after… MULA sa pagkakayuko sa binabasa niyang libro ay naiilang na muling sinulyapan ni Ynah ang isang lalaking napansin niyang kanina pa nakatitig sa kanya. Nasa library siya noon at nagpapalipas ng oras. Dalawang oras pa bago ang next subject niya kaya doon siya tumambay. Sanay naman siyang makakita ng ganoon. Pero iba kasi ang nakikita niyang emosyon sa mga mata nito. Iyong tipong hinuhubaran na siya? Kaya hindi na siya nagtaka sa pakiramdam na kinikilabutan siya.           “KILALA mo siya pare?” ang tanong ni Rocky sa kaibigan niyang si Ronald. Gaya niya ay Fine Arts ang kurso nito. Mas kilala si Ronald sa Quindlen University dahil sa pagiging varsity player nito kaya niya naitanong dito ang babae. Basketball ang sport ng kaibigan niya.           Tumango ang kaibigan niya. “Ynah Cabrera, graduating na siya next school year” anitong nakangising sumulyap sa kanya. “maganda hindi ba?” anito pa.           Tumawa siya ng mahina saka wala sa loob na napakagat ng labi. “Hindi lang maganda, mukha ring masarap” aniyang biglang nag-init ang pakiramdam.           “Gago, virgin pa iyan” ang bulong sa kanya ni Ronald saka sinundan ng mahina ring tawa ang sinabi. “balita ko hindi pa yan nagkaka-boyfriend kahit minsan.”           Ang ngisi sa mga labi ni Rocky ay mistulang naka-plaster na nang sa ikalawang pagkakataon ay nilingon nito ang kausap. “Tangina ka pre nag-init akong lalo sa sinabi mo” pagsasabi niya ng totoo sa mahinang tinig.           Naiiling na binuklat ni Enzo ang binder sa harapan nito. “Huwag kang gagawa ng ikapapahamak mo. Kung gusto mo siya ligawan mo at pag sinagot ka noon mo pagsawaan tapos iwan mo” payo pa sa kanya ni Ronald.           “Ano ka, ang ganyan kagandang babae, hinding-hindi ko pagsasawaang papakin kahit kailan” totoo iyon. Kaya gagawa siya ng paraan para maging kaniya si Ynah Cabrera. Dahil kung pera lang naman ang pag-uusapan may ipagyayabang naman siya dahil sunod siya sa luho sa mga magulang niyang parehong nasa America na. Kaya mag-isa siyang nakatira sa sarili niyang condo. Naibenta na kasi ang bahay nila nang umalis pa-America ang parents niya at kinuha ng Kuya niyang Manager sa isang hotel doon. Susunod siya sa America pero kung ganitong babae ang mayroon siya, hindi nalang. Fine Arts ang kurso ni Rocky, sa katunayan ay graduating narin siya sa susunod na taong-aralan. Magiging akin ka, at gagawin ko ang lahat matikman lang kita. Hindi niya maintindihan, simpleng nursing uniform lang ang suot ng babae pero talagang ramdam niya ang matindi at naglalagablab na pagnanasa para rito. Dahilan kaya lalong nagtumindi ang paghahangad niyang malapitan ito kaagad. MABILIS na naalarma si Ynah nang mula sa kinauupuan niya ay nakita niyang tumayo ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya saka humakbang palapit sa kanya. “Hi” anitong naupo sa katapat na silya paharap sa kanya. Mabilis na dumamba ang takot sa dibdib niya nang magtama ang mga paningin nila. Hindi niya maintindihan, gwapo ang lalaki kung tutuusin pero talagang pangamba ang mabilis na namumuo sa dibdib niya. Sinulyapan niya ang lalaki. “H-Hello” aniyang hindi ito nginingitian. “Ang ganda mo alam mo ba? Ako nga pala si Rocky, Rocky Castro” anitong iniabot ang kamay sa kanya. Sa ginawing iyon ng lalaki ay mabilis na bumalik sa gunita niya ang isang eksena na nangyari ilang taon narin ang nakalipas. Agad na nanuot ang kilig sa puso niya kaya siya wala sa loob na napangiti. “Lalo kang gumaganda kapag naka-smile ka” noon siya natigilan saka pinakatitigan ang lalaki. “S-Salamat” aniyang muling niyuko ang binabasang libro at hindi pinansin ang kamay ni Rocky. “I heard Ynah ang name mo? Ynah Cabrera?” anito ulit. Tumango lang siya saka na sinimulang ayusin ang mga gamit nang mapunang mukhang balak pang magtagal ni Rocky doon. “Yeah, it’s Ynah. Anyway I have to go, malapit nang mag-start ang klase ko” aniyang malalaki ang mga hakbang na naglakad palabas ng library. “MAHINA ka, ni hindi mo nahawakan ang kamay” buska sa kanya ni Ronald nang balikan niya ito. Tumawa siya ng mahina. “Ang mga babaeng pakipot at suplada kadalasan sila ang malakas humalinghing sa kama” bulong niya kaya napabungisngis ng tawa ang kasama. “Ang dami mong alam!” Umiling-iling si Rocky. “Ikaw naman walang alam. Gusto mo magpustahan pa tayo? Isang buwan, magiging jowa ko iyan. Isang linggo pagkasagot niya sa’kin maikakama ko yan” aniya. Nakita niya ang challenge na rumehistro sa mukha ni Ronald. “Really? Anong ipupusta mo?” “Fifty thousand” aniya. Nagkibit ng balikat si Ronald. “Walang problema, kapag nanalo ka thirty thousand sakin.” ONE YEAR LATER… “HIJO, kanina ka pa hinihintay ng Papa mo” ang bungad ni Lourdes kay Lorenzo nang abutan niya itong nagbabasa ng magazine sa sala ng malaki nilang bahay.           “Ang ganda talaga ng Mama ko, parang thirty lang” aniyang humahangang hinagod ng tingin ang magandang mukha ng kanyang ina. Well, totoo iyon. Wala sa itsura ni Lourdes na fifty-nine na ito. Siguro dahil narin iyon sa pagiging masayahin at kuntento sa buhay ng kanyang ina. “sana may makita akong babaeng kagaya ninyo. At kapag nagka-ganoon pakakasalan ko na agad siya” ang dugtong pa niyang biro.           Umikot ang mga mata ni Lourdes sa sinabi niya. “Late na, anong nangyari?” ang tanong nito sa kanya.           Nilapitan niya si Lourdes saka hinalikan. “Maraming trabaho sa opisina Ma, bakit anong kailangan ni Papa?” tanong niya saka naupo sa bakanteng bahagi ng sofa na kinauupuan ng kanyang ina.           Nagkibit ng balikat si Lourdes. “Nasa library siya, puntahan mo nalang” pagtataboy nito sa kanya.           Tumango siya. Minabuti niyang sa library na magtuloy. Iniisip niyang baka importante ang sasabihin ng ama. Doon napasukan niya si Alfonso na abala sa maraming papeles na nangangailangan ng pirma nito. Sa edad nitong sixty-five ay malakas parin ito at wala sa itsura nito ang edad.           “Pa” untag niya sa ama saka nakangiting naupo sa harapan ng working table nito. “gabi na, tama na iyan” dugtong pa niya.           Ang Lourdes Transit Incorporated ay bus line na may biyahe sa lahat ng panig ng Luzon ay pagmamay-ari ng kanyang amang si Alfonso noon. Dahil ngayon, kalahati ng share ng kanyang ama ay naisalin na sa kanya ng matanda. Habang ang kalahati ay nakatakda niyang manahin pagsapit ng takdang panahon. Nang maisip ang tunay na kahulugan niyon ay napailing siya. Kung maaari lang kahit hindi na mapasa-kanya ang kalahati manatili lang sa piling niya ang mga magulang niya. Sa ngayon ang Papa parin niya ang nakaupong Presidente ng kanilang kompanya habang siya naman ang Vice President nito.             “Pinatatawag raw ninyo ako sabi ng Mama?” simula niya nang hubarin ng matanda ang suot na salamin sa mata saka itinigil ang ginagawa.           Tumango ang Papa niya saka itinuwid ang pagkakaupo. “Itatanong ko lang kung kailan mo balak mag-asawa?” anitong sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.           Natawa siya sa sinabing iyon ni Alfonso. “Papa naman, girlfriend nga wala, asawa pa kaya?” angal niya.           Amuse siyang pinakatitigan ni Alfonso. “Just kidding” anito.           Hindi naman siya nagtataka, sa edad niyang twenty-seven normal lang ang magtanong ng ganoon ang ama niya. Hindi naman na kasi siya bumabata at dapat lang na sa age niya ay may sarili na siyang pamilya. Pero hindi niya gustong madaliin ang lahat. Dahil ayaw niyang magkamali. Naniniwala kasi siyang ang totoong taong para sa’yo ay kusang dumarating, hindi na kailangan pang hanapin.           Maraming babae, magagandang babae ang nagdaan sa buhay niya. Pero sa kabila ng lahat wala siyang maramdamang kakaiba sa mga ito. At iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ayaw niyang magpatali. Ang kailangan lang niya ay babaeng pupuno sa pangangailangan niya kapag nalulungkot siya at kailangan niya ng kalaro sa kama. Iyon lang, wala ng iba.           “Next month na ang thirty-fifth wedding anniversary namin ng Mama mo” simula ng matanda.           “Oo nga pala, anong plano ninyo nang Mama para masimulan ko na ang pagpapa-asikaso” aniya.           Umiling ang ama niya. “Gusto ko sanang sorpresahin ang Mama mo. Matagal narin kaming hindi nakakalabas ng bansa at iyon ang gusto kong ibigay na regalo sa kanya” anito.           Maaliwalas ang bukas ng mukhang sumagot si Enzo. “Walang problema Papa, ako ang bahala sa kompanya” paniniyak niya.           Nasisiyahang ngumiti si Alfonso. “Salamat anak” anito sa kanya.           “Kahit ano para sa inyo ni Mama” sagot naman niya.           Tumango-tango ang Papa niya. “Anyway magpahinga kana, sabihin mo sa Mama mo na ipatawag ako when dinner is served” anitong isinuot muli ang salamin sa mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD