PART 4

769 Words
NAPANGITI si Enzo sa alaalang iyon. Sa isang iglap nangulila siya sa nanay niya. Isang buwan matapos iyon ay madali naman nilang natunton ang bahay ng dalawang matandang kumupkop kay Grace. Nagpakilala siya bilang anak ng babaeng tinulungan ng mga ito. Makalipas ang isang buwan bumalik siya doon at napag-alaman niyang kinuha na ang dalawang matanda ng anak nilang nasa Italy. Kung nasaan ang tunay na pamilya ng kanyang ina ay hindi niya alam. Hindi niya maitatanggi na may hinanakit siya sa mga ito pero ayaw niyang alagaan iyon sa puso niya. At kung sakaling dumating man ang panahong nagtagpo ang mga landas nila. Sana may magandang dahilan siya para maging masaya.           Nasa ganoong pag-iisip siya nang aksidenteng mapadako ang paningin niya sa entrance na siyang pinasukan niya kanina. Noon tamang pumasok ang isang babaeng kulay powdered blue ang suot na evening gown na humapit ng husto sa mahubog nitong pangangatawan. Agad na bumilis ang t***k ng puso ni Enzo at wala sa loob na napatayo.           Ang maganda nitong buhok ay inayos paitaas kaya nahantad ng husto ang maputi at napakakinis nitong likod. Ganoon rin ang mga braso nitong perpekto ang mga hugis dahil sleeveless ang suot nito.           “Ynah” aniya habang sinusundan ang bawat kilos ng dalaga. Ilang sandali pa hindi siya nakatiis, kusang humakbang ang mga paa niya palapit dito.           KUMAKABOG ang dibdib ni Ynah nang tumuloy siya sa entrance ng pasayaw. Iyon kasi ang unang pagkakataong nagpaunlak siya sa paanyayang maging muse kaya hindi niya maiwasan ang kabahan.           Patungo na sana siya sa mesang nakalaan sa kaniya nang mapuna ang isang lalaking naglalakad palapit sa kanya. Natigilan noon si Ynah saka tila kandilang itinulos sa kinatatayuan. Ganoon parin ang reaksyon niya kahit kung tutuusin ay nakatayo na ito sa harapan niya habang malapad ang pagkakangiti.           “It’s good to see you” ang bungad nito sa kanya kaya tila nahimasmasan siyang napakurap-kurap pa.           Huminga siya ng malalim saka nagbuka ng bibig para magsalita. “H-Hi” aniyang pinilit pang ngumiti pagkatapos.           Napigil ang anumang nais sabihin ng lalaki nang biglang nagdilim ang paligid at di nagtagal ay napalitan iyon ng malamlam na disco-lights. “Let’s dance?” ani Lorenzo nang pumailanlang ang isang magandang awitin.           Nanginginig niyang iniabot ang kamay sa lalaki. Hindi niya maintindihan kung para saan ang pakiramdam na iyon. Pero ang totoo sa kabila ng matinding kaba, naramdaman niya ang kapanatagan ng damdamin nang maglapat ang mga palad nila ng binata.           “Finally, akala ko maghihintay pa ako ng matagal na panahon para mahawakan ko ang kamay mo” nasa tinig ng binata ang totoong saya kaya nag-init ang kanyang mukha at nagbaba ng tingin.           Kinabig siya nito palapit rito saka nila magkasabay na sinabayan ang mabagal na awitin. Pero dahil sa hiya ay nanatiling nakayuko lang si Ynah. “Hey, bakit ka nakayuko?” amused ang tinig na tanong sa kanya nito.           Noon niya tiningala ang binata saka magkakasunod na umiling. “W-Wala” ang tanging nasabi niya.           Tumango ang binata saka siya kinabig sa baywang. Napasinghap siya doon. “Ilang taon kana Ynah?” tanong nito.           “L-Lorenzo?”           “Lorenzo Del Carmen. You can call me Enzo” anito.           Ngumiti siya. “Sixteen, Cabrera naman ang surname ko” sagot niya.           Tumango ang binata. “You are very young, pero ang ganda-ganda mo alam mo ba? Gaya nang sinabi ko sayo noon, gusto ulit kitang makita. Kapag dalaga kana dalaga. Hindi kita hahanapin, hindi ako gagawa ng anumang paraan kasi nararamdaman ko pagkakataon ang maglalapit sa ating dalawa” nanuyo ang lalamunan ni Ynah sa narinig. Hindi niya alam kung anong isasagot kaya tumahimik nalang siya. Natapos ang kanta, si Enzo ang naghatid sa kanya sa sarili niyang mesa. Pagkatapos niyon ay hindi na niya ito muli pang nakita.           Napangiti si Ynah. Siya ang hinirang na Face of the Night kaya tuwang-tuwa ang mga magulang niya. Pero hindi iyon ang talagang kumumpleto ng gabi niya. Walang iba kundi si Enzo.           NASA dibdib man ni Enzo ang panghihinayang pero minabuti niyang panlabanan iyon. Tinawagan kasi siya ng Papa niya at sinabing may biglaang meeting na ipinatawag ang board bukas ng umaga kaya minabuti niyang umuwi na pabalik ng Maynila. Iba ang nararamdaman niya para kay Ynah pero dahil napakabata pa nito, mas mainam narin siguro ang umiwas. Hindi na niya tinapos ang program dahil nga sa natanggap niyang tawag kaya matapos niyang ihatid ang dalaga sa mesa nito ay nagpaalam narin siya kay Kapitan Zeralde.           Magkikita pa tayo, alam ko, nararamdaman ko. Kapag dalaga kana talaga, and when that happened, titiyakin kong hindi na kita pakakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD