PART 6

819 Words
NAIILING na ibinaba ni Ynah sa kama ang binabasang libro saka tinungo ang pinto para pagbuksan ang kumakatok doon. Tila nahuhulaan na niya kung sino ito dahil wala naman siyang ibang kasama sa apartment na iyon maliban sa possible ngang kumakatok na ito. . “What?” ang nangingiti niyang bungad sa bestfriend niyang si Nadine.           “Nakalimutan mo na? May gimmick tayo ngayon!” paalala ng kaibigan niya na tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng kanyang silid.           Magkababata sila ni Nadine at parehong nagmula sa bayan ng San Lorenzo. Magkapareho silang graduating na nito sa school year na iyon. Kumukuha siya ng kursong Nursing dahil balak niyang mag-abroad balang araw kapag nagkaroon na siya ng sapat na experience. Habang si Nadine naman ay Accountancy ang course.           Katulad niya, solong anak rin si Nadine. At iyon ang nakikita niyang dahilan kaya magkasundong-magkasundo sila ng dalaga. Dahil mula pagkabata, magkapatid na ang turingan nilang dalawa. Caregiver sa America ang ina ni Nadine, habang ang ama naman nito ang siyang namamahala sa trabahong bukid na pagmamay-ari rin ng mga ito.           Aminado siyang pareho silang lumaki sa magaan na pamumuhay ng matalik niyang kaibigan. Dahil magkatulong namang pinatatakbo ng mga magulang niyang sina Danilo at Vina ang malaking bigasan nila na may kasamang grocery store sa palengke mismo ng San Lorenzo. Isang apartment na may dalawang kwarto at isang banyo ang magkahati nilang inuupahan ni Nadine. Share din sila sa lahat ng bills at gastos sa pagkain.           “Akala ko ba sa susunod na linggo pa iyon? Tinatamad ako at isa pa maganda itong binabasa kong libro, hangga’t maaari ayokong mabitin” paliwanag niya.           “Tsk, ang usapan ay usapan. Ano ka ba, paano ka magkaka-boyfriend niyan kung ganyan ka? Halika na at mamaya lang nandiyan na si Darius” ang tinutukoy ni Nadine ay ang isang buwan narin nitong nobyo.           Napipilitang tumayo si Ynah para maligo. Ilang sandali pa matapos niyang magbihis ay dumating na nga ang kanilang sundo. Habang sa isip niya, mistula siyang chaperone ng dalawang love birds na ito dahil wala siyang date. Doon siya napabuntong hininga saka ikinabit ang seat belt.           “Darating ba siya?” ang narinig niyang tanong ni Nadine sa nobyo nito.           “Oo, darating siya” sagot naman ni Darius na nakita niyang sumulyap pa sa kanya sa pamamagitan ng rear view mirror.           Nagbuka siya ng bibig para magsalita pero napigil iyon dahil naunahan siya ni Nadine. “Para naman hindi ka ma-out of place nag-invite si Darius ng date mo” anitong sinundan pa ang sinabi ng isang maharot na tawa.           Nanlaki ang mga mata ni Ynah sa narinig. “W-What?”           Nakangiti siyang nilingon ni Nadine. “Huwag kang mag-alala, boss iyon ni Darius at kilala niya ng personal” paniniyak pa ni Ynah.           Naiiling niyang isinandal ang likuran sa backseat ng kotse. “Ano pa nga bang magagawa ko?” angal pa niya.           Sa parking space ng isang kilalang bar iginarahe ni Darius ang kotse nito. Pababa na siya nang marinig na may kausap ito sa telepono. “Oh heto na pala siya” ang narinig niyang sinabi ni Darius. Nang mga sandaling iyon ay nakayuko si Ynah at abala sa pagaayos ng kasuotan.           “Hindi naman ako late?” ang narinig niyang boses ng bagong dating na nagpakunot ng kanyang mga noo dahil tila ba hindi iyon ang unang pagkakataong narinig niya iyon.           “Hi!” si Nadine iyon. Noon siya nag-angat ng tingin para lang matigilan nang makilala ang sinasabi ni Nadine na boss ni Darius. Mabilis na nilamon ng matinding kaba ang dibdib ni Ynah kasabay ang agarang panginginig ng kanyang mga tuhod kaya minabuti niyang kumapit sa handle ng pintuan ng kotse para hindi tuluyang mabuwal. “By the way Enzo, si Ynah” simula ni Darius kaya naman mabilis na natuon sa kanya ang atensyon ng bagong dating. Nakita niyang sandaling nagsalubong ang mga kilay ng lalaki habang nakatitig sa kanya. Pagkatapos ay ang unti-unting umaliwalas ang aura ng mukha nito na lalong nagpatingkad sa angkin nitong kagwapuhan. Wala sa loob siyang napaatras nang magsimulang humakbang si Enzo palapit sa kanya. Habang si Ynah nang mga sandaling iyon ay lalong pinanginigan ng mga tuhod, at ilang sandali pa ay tuluyan na ngang bumigay ang mga iyon. “Hey, are you okay?” ang nag-aalalang tanong sa kanya ni Enzo na maagap siyang naalalayan sa pamamagitan ng paghapit nito sa kanyang baywang kaya hindi siya tuluyang nabuwal. Nanginginig ang buong katawan niyang tiningala ang binata para lang mapapikit nang bumalandra sa kanyang mukha ang mabango nitong hininga. “I-I’m sorry” ang tanging nasabi niya saka inalis ang kamay niyang napuna niyang nakakapit sa suot na tshirt ng binata. Nakangiti siyang inalalayan ni Enzo para makatayo. “It’s good to see you, always good to see you” anito sa makahulugang tinig na nagpainit ng husto sa buo niyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD