PART 3

857 Words
“NANGGALING dito kanina si Aling Basyon, kinukuhang muse itong anak mo para sa pasayaw sa isang linggo” ang nanay ni Ynah na si Vina nang gabing magkakaharap sila sa mesa at kumakain ng hapunan.           Tumawa ng mahina ang tatay niyang si Danilo saka sumulyap sa kanya. “Taon-taon naman may imbitasyon itong anak natin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit napaka-mahiyain gayong may ibubuga naman kung ganda lang ang paguusap” tukso ng tatay niya sa kanya.           Napaingos si Ynah doon. “Nakakailang lang kasi tay, iyong lahat nalang ng sponsor doon kahit kasing tanda ninyo eh isasayaw ako?” pangangatwiran niya.           “Ganoon talaga anak” ang nanay naman niya. “alam mo bang sa ganiyang pasayaw kami nagkakilala nitong tatay mo?” si Vina na nakita niyang sumulyap pa ng nakangiti sa kanyang ama.           Nakuha niyon ang atensyon niya. “Nag-sponsor din si tatay sa pasayaw?”           Umiling ang nanay niya. “Isa lang ang tatay mo doon sa mga binatang mahilig mag-over the bakod.”           “Ginawa ko iyon kasi nakita ko ang nanay mo na siyang pinaka-maganda sa lahat ng nakaupong muse doon. Wala akong ticket kaya hindi ako makapasok, ang ginawa ko nag-over the bakod ako. Maisayaw ko lang ang pinaka-magandang babae na nakilala ko” nakita ni Ynah na namula ang mukha ng nanay niya sa sinabing iyon ni Danilo.           “Ang sweet” aniya.           Tumango ang nanay niya. “Kaya pagbigyan mo naman sila anak. Kahit minsan lang, kasi sa susunod na taon nasa Maynila kana para sa pagko-kolehiyo mo” ang nanay niya.           Nagkibit siya ng balikat saka sumubo ng pagkain. “Okay, pero paano kapag may nanligaw sa akin?”           Natawa ang tatay niya doon. “Nasa sayo iyan, basta may tiwala kami sayo alam mo iyon” ang kanyang ama.           IYON ang gabi ng pasayaw sa bayan ng San Lorenzo kung na ginanap sa kabayanan na sakop naman ng baranggay na pinamumunuan ni Kapitan Zeralde. Sa mismong plaza ginawa ang pasayaw. Sa entrance ay agad siyang sinalubong ng dalawang usherette. Ang isa ay sinabitan pa siya ng kwintas na sampaguita saka na siya inihatid sa kanyang uupuan.           Alam niya ang kwento kung bakit magiliw ang mga magulang niya sa bayang iyon. Dahil doon siya nagmula. Hindi naman lingid sa kanya ang katotohanan ng kanyang pagkatao. Hindi iyon inilihim sa kanya nina Alfonso at Lourdes bagaman dala niya ang apelyido ng una dahil inampon siya nito ng legal. Iyon ang dahilan kaya may ideya siya sa itsura ng kanyang tunay na ina na si Grace na namatay naman sa loob ng correctional dahil sa sakit sa baga. Labinlimang taong gulang siya noon.           “Nay, foreigner ba ang tatay ko?” araw iyon ng dalaw nila kay Grace. Ang tunay niyang ina na nakapiit sa correctional dahil sa salang pagpatay.           Tumango ang nanay niya. “Siya ang dahilan kung bakit ako nakakulong, napatay ko kasi siya anak” nakita niyang nangilid ang mga luha ni Grace sa inamin nito.           “Amerikano po ba siya?” tanong ulit ni Enzo.           Sandaling sumulyap si Grace sa Mama at Papa niya bago sumagot. “Oo, masyado ka pang bata anak pero dahil matalino ka alam kong maiintindihan mo ang lahat.”           Tumango siya. “Makikinig ako nay” at noon nga niya napagalamang naging boyfriend ng nanay niya ang Amerikano niyang ama na isang turista. Sa simula ay maayos ang kanilang pagsasama dahil malaya itong nakakadalaw sa pamilya ng nanay niya. Nasa hotel ang dalawa nang ipagtapat ng nanay niyang ipinagbubuntis siya at humingi ng kasal sa takot na itakwil ito ng sarili nitong pamilya. Nagmatigas ang tatay niya kaya ito napatay ng nanay niya sa mismong hotel suit na iyon.           Nang malaman ng mga magulang ni Grace ang tungkol sa kundisyon nito ay hindi nagdalawang isip ang mga ito na palayasin ito. Nang mga panahong iyon ay kasalukuyan narin itong pinaghahanap ng batas kaya minabuti ng kanyang ina na lumayo. Nagtago ito at narating nga ang bayan ng San Lorenzo.           “Dalawang matanda ang kumupkop sa akin noon. Sina Tata Nato at Nana Crising. Isa lang ang anak nila at sa Italy at doon nagtatrabaho. Pero hindi nito alam ang tungkol sa akin. Hindi ko itinago sa dalawang matanda ang lahat at siguro dahil naaawa sila sa akin at nararamdaman nilang hindi naman ako talagang masamang tao tinulungan nila ako. Itinago nila ako sa mga tao, pero wala namang lihim na hindi nabubunyag. May nakakita sa akin na kapitbahay nila. At dahil umabot narin sa munisipyo doon ang tungkol sa paghahanap sa akin ng mga pulis, minabuti kong umalis nalang. Para hindi sila madamay. Noon ko nga nakita ang Mama at Papa mo. Hindi kita iniwan sa kanila kasi alam kong aalis rin sila ng Pilipinas at pupunta ng Italy” kwento ng kanyang ina.           Matagal na katahimikan ang nakiraan bago nagsalita si Enzo. “Gusto ko lang pong malaman ninyo nay na hindi ako galit sa inyo. At kung magkakaroon ako ng chance, gusto kong makilala sina Nana Crising at Tata Nato” sa edad niya alam na ni Enzo kung ano ang gusto niyang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD