PART 12

1400 Words

PASADO alas nueve na ang gabi nang marating nila ang San Lorenzo. Apat na oras rin kasi ang byahe mula Maynila hanggang sa bayang iyon na matatagpuan sa norte. At dahil nagpasabi naman na siya simula palang ay naging mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga magulang niya. Nagpahanda pa ang mga ito ng masarap na hapunan para sa kanilang dalawa.           “Bakit hindi ka pa tulog?” nang malabasan niya sa may terrace si Enzo at nakaupo sa mismong pasemano.           Nakangiting tiningnan siya ng binata. “Masarap ang hangin dito” anitong tinapik ang bahagi ng pasemano na bakante at nasa tabi nito.           “Gusto mo ba ng kape?” tanong niya saka tinabihan ang binata.           Umiling si Enzo. “Mas gusto kita” anitong pabulong kaya nag-init ng husto ang mukha niya.           “Sira!”     

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD