UMILING si Ynah saka kagat ang lowerlip nitong nagyuko ng ulo. Nang hindi ito magsalita ay nagpatuloy siya. “Gusto kitang ligawan. Anyway kahit hindi ka pumayag liligawan parin naman kita” amin niya saka tumawa ng mahina. “Pilyo!” ang dalagang bahagyang hinampas ang braso niya. “Alam mo ba noong unang beses kitang nakita sa simbahan I had this strange feeling na hindi ko naramdaman sa kahit kaninong babaeng nagdaan sa buhay ko?” ani Enzo. Nagsalubong ang magagandang kilay ni Ynah. “Ano?” “Yeah, and since napakabata mo pa, inisip ko baka wala lang iyon kahit pa a part of me was saying na akin ka. Pero nagkita ulit tayo, ilang beses pa nga hindi ba? At ngayong dalaga kana talaga, nito ko napatunayang something special na naglalapit sa atin. I’m sur