“KUMUSTA na ang pakiramdam mo?” si Enzo ang nabungaran niya. Nang magising si Ynah kinagabihan ay nasa loob na siya ng isang magandang silid. Napaiyak siya nang maalala ang lahat ng nangyari. “A-Anong nagyari sa anak natin?” Noon siya hinalikan sa noo ni Enzo. “Tahan na, okay lang siya kaya wala ka ng kailangang alalahanin pa” comfort ng binata sa kanya. Tumango siya. “Akala ko kasi…” “I’m sorry, kung mas maaga sana ako hindi nangyari sayo ang ganito” sa hinimig ng nobyo ay noon niya banayad na hinaplos ang gwapo nitong mukha. “Wala kang kasalanan kaya huwag mong sisihin ang sarili mo” pagtutuwid niya sa maling paniniwala ng binata. “nasaan na siya? Si Jocelyn?” kahit paano sa kabila ng ginawa nito ay hindi niya mapigilan ang hindi makaramdam ng awa sa babae. At sa pahapyaw na paraan