“HINDI ko man maintindihan ang lahat pero gusto kong malaman mong matagal na naming pinagsisisihan ng Lola mo ang nangyari Enzo. Sana mapatawad mo kami sa kinahinatnan ng pagiging makasarili namin” ang umiiyak na paumanhin ni Mang Cardo matapos ipagtapat ni Enzo ang lahat sa matanda. Hindi naman niya kinakitaan ng pagkabigla ang mukha ni Darwin dahil minsan naring nabanggit sa kanya ni Enzo na nagawa na nitong ipagtapat sa nakababatang pinsan ang totoo. Noon tumayo si Enzo saka niyakap ng mahigpit ang matandang lalaki. “Tapos na po iyon Lolo, ang importante nandito na kayo ngayon. Alam kong napatawad narin kayo ni nanay. At gusto ko lang pong malaman ninyong mahal na mahal kayo ng nanay ko. Sa mga susunod na araw isasama ko kayo sa puntod niya” pangako pa ng binata. “Are you happy now