KINAUMAGAHAN ay nagising si Ynah nang wala na si Enzo sa kanyang tabi. Napangiti siya saka kinuha ang puting kumot saka iyong ibinalabal sa katawan niya. Gaya nang una silang magtalik ng asawa niya ay sa kusina niya ito natagpuan at abala sa pagluluto ng agahan. “Oh, gising kana pala” anitong nilapitan siya saka hinalikan. “Bakit ikaw ang nagluluto? Bakit hindi mo ako ginising?” ang tanong agad niya saka naupo sa harapan ng mesa. Nagkibit ng balikat si Enzo saka sinalinan ng kape ang tasa niya. “Ang himbing kasi ng tulog mo” anito. “saka hayaan mo na ako kasi gusto ko naman itong ginagawa ko” pagtutuwid pa nito. Masarap na damdamin ang humaplos sa puso niya dahil sa sinabing iyon ng asawa. “Hayaan mo mamayang lunch ako ang magluluto para sayo” p
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books