“KILALA mo ba siya Ynah?” nasa canteen sila noon ni Nadine at kumakain ng pananghalian nang itanong iyon sa kanya ng kaibigan. Salubong ang mga kilay niyang nilingon ang tinitingnan ng kaibigan. Para lang mapasinghap ng mahina kasabay ang biglang pagtahip ng kaba sa kanyang dibdib. “S-Si Jocelyn” aniyang ibinalik ng pilit ang pansin sa pagkain. “Bakit parang ang sama ng tingin sayo? Anong problema niya?” ang may katarayan ngunit mahinang tanong sa kanya ni Nadind. Nagkibit siya ng balikat saka uminom. Para siyang maiihi na hindi niya maintindihan dahil sa takot na kanyang nararamdaman. “Dahil kay Rocky” pagsasabi niya ng totoo. “A-Ano?” “Yung stalker ko?” nagbuntong hininga muna siya bago muling nagpatuloy. “pinagseselosan niya ako” amin niya. “Pinagseselosan ka? Eh hindi mo nga pina