KINAHAPUNAN nang araw ring iyon kasama ang mga magulang ni Enzo ay tumulak sila pauwi ng San Lorenzo. At para hindi mabigla ang mga magulang niya ay minabuti niyang tawagan muna ang mga ito para sabihing pauwi siya at may kasama na gusto niyang ipakilala sa mga ito. Habang byahe ay panay ang dasal niya na sana maging magaan ang lahat at maunawaan siya ng mga magulang niya. Masaya ang mukhang sinalubong siya nina Danila at Vina. Pero mabilis na nagbago ang ihip ng hangin nang ipagtapat na niya sa mga ito ang totoo. Nahati sa dalawa ang puso niya nang makita niyang umiyak mismo sa kanyang harapan si Danilo. Hindi nagtagal ay pumasok rin ito sa kwarto at hindi na sila kinausap pa. Habang ang kaniyang ina, alam niyang masama man ang loob sa kanya ay pilit siyang kinausap maging ang