“OH, they’re here already Alfonso” ang masayang bungad sa kanila ni Lourdes. “Kumusta po kayo, Maam?” napangiti siya nang mabakas sa tinig ni Ynah ang hiya kaya mabilis niya itong inakbayan saka marahang pinisil ang balikat. Mabait ang ngiting pumunit sa mga labi ng kanyang ina. Inabot nito ang kamay ni Ynah saka hinila palapit rito at niyakap matapos ay dinampian ng simpleng halik sa pisngi. “Tita, you can call me that. Ynah right?” Tiningala muna siya ni Ynah na sinuklian naman niya ng makahulugang ngiti. “Opo, Ynah po ang pangalan ko. Kumusta po kayo Tita Lourdes?” si Ynah sa kanyang ina. “Here is my father, Alfonso. Papa, siya si Ynah” tamang kalalabas naman noon ng kanyang ama na nakangiting sumalubong sa kanila. “How are you hija?” anito. “totoo nga ang kwento sa amin ni Enzo, n