“ENZO” si Lourdes na nakangiting sumalubong ng yakap at halik sa kanya. “kumusta siya? At kailan namin siya makikilala?” ang dugtong pa ng Mama niya. “I’ll invite her one of these days?” ang magpakita ng interes ang Mama niya sa babaeng pinili niyang seryosohin ay nagdala ng kakaibang init ng tuwa sa kanyang damdamin. “By the way, pwede ko ba kayong makausap ni Papa?” nang pakawalan niya ang ina mula sa pagkakayakap niya rito. “Mukhang seryoso iyan ah? Nasa library ang Papa mo, halika” yakag sa kanya ng ina. “Ano iyon hijo?” si Alfonso na gaya ng dati ay subsob parin ang mukha sa trabaho. Sandali muna niyang pinaglipat-lipat ang paningin sa dalawang taong pinagkakautangan niya ng malaki sa buhay niya bago niya nilinis ang sariling lalamunan saka