CHAPTER 3

1974 Words
"Fe, this is my boyfriend, Juade Alexander Corpuz" pagpapakilala ni Cheena sa kanyang boyfriend. Juade... Hindi ako makapaniwala. Malalaman ko pala ang pangalan niya. We should be strangers forever right? Napalunok ako at kinuha ang katiting na katinuan sa aking katawan bago nagsalita. "Hi. I'm Fely Almario, her bestfriend" Inilahad ko ang aking kamay pero mukhang katulad ko, tulala rin siya. Surprise! Tiningnan niya lang ang kamay kong nakalutang sa ere kaya minabute ko na lang ibaba iyon at umiwas ng tingin. Shuta! Ang awkward. "Sorry for that Fe, mukhang nagulat si Juade na pinakilala ko siya as boyfriend sa isang kakilala ko. Right baby?" Walang nakuhang reaksyon si Cheena sa boyfriend kaya siniko niya ito kaya nagising ito sa napakalalim na pag-iisip at automatiko na lang itong tumango bago saglit na tumingin ulit sa akin. I awkwardly laugh. "Don't worry your secret will be secret" Tumaas ang kilay ni Juade but at the same time may relief ang kaniyang paghinga. Maybe he give double meaning about "secret". Pero hindi ko talaga ipagkakalat yun. Not now, na bestfriend ko pa ang pinagtaksilan ko. Oh no! I feel guilty! It's like I betray her. Bakit kasi sa dinami-dami ng lalaking magiging jowa ni Chee ay itong lalaki pa? "Okay, let's go now. Let's enjoy this day!" Masayang ani ni Chee at hinawakan ang isa kong pulsuhan at ganun din ang pulsuhan ni Juade at hinila kami. Muling nagtama ang mata naming dalawa at kitang-kita sa aming mga mata ang pagsisisi at konsensya. Napalunok ako at nababalisa sa nangyayari. Taena! Hindi ito ang inisip kong kahihinatnan ng lahat. Ready na ako kalimutan lahat. Bakit ganito pa ang nangyare? Nawalan na ako ng ganang mamasiyal. Cheena decided to eat first. Pumunta kami sa hilera ng food court. Kakatapos lang namin umorder kaya naghahanap na kami ng table. Sa sobrang dami ng tao nahirapan kami humanap buti na lang may natapos ng pamilya sa pagkain. May isang tao naman na agad na naglinis ng table para sa amin. "Bakit tayo naandito? We shouldn't be here. Tingnan mo nahihirapan ka" I look at Juade. Pinapagalitan niya si Cheena dahil nga naandito kami sa public place. Agree din naman ako kay Juade na huwag kami rito. It's too dangerous. Kahit pa sabihin natin na hindi siya ganoong kasikat pero lumalabas na siya sa mga teleserye at pelikula. Nakita ko na rin siyang lumabas sa mga variety shows. "It's okay. Alam ko naman na gusto mo makipagdate sa public place dahil hindi natin iyon nagagawa. Tsaka gusto kong bumawi dahil hindi ako nakarating sa birthday mo diba?" "Still--" "No buts. Dito tayo" Itinukod ko ang siko sa table habang pinagmamasdan si Juade. Siguro napakahirap talaga sa kaniya ang pagiging sikreto ang relasyon. Ayaw ko kaya ng gano'n. Gustong gusto ko pinagsisigawan jowa ko eh. Paano kaya nila natitiis 'yong ganitong set up? Natigil ang pag-iisip ko ng dumating na ang pagkain. Actually, wala akong ganang kumain. Sinong gaganahan kung nalaman mong boyfriend ng bestfriend mo ang naka-one night stand mo diba? Ang lakas naman ng loob ko lumamon na parang walang nangyare. Natigil ang pagtatalo ng dalawa dahil dumating na ang order namin. Burger at coke lang ang binili ko. Hindi naman ako gutom eh. I was about to take a bite on my burger when Cheena ask something. "Oo nga pala Fe, kamusta na kayo ni James?" Tuluyan ko na ngang binaba ang burger ko at nawalan na talaga ng gana kumain. Kailangan ipasok si James? Bwisit! "Wala na kame" mahina kong sambit. "Ha? H-how? Hindi ba't masaya kayo at ang healthy ng relationship nyo?" "Ayan din ang akala ko noon hanggang sa nahuli ko siyang may kasex na babae" Akala ko rin talaga kami na ni James. Ang healthy talaga ang relasyon namin ni James. Hindi kami masiyado nag-aaway. Naiintindihan at nirerespeto naman namin ang isa't isa kaso baboy at malibog pala. Importante ba talaga ang s*x sa relasyon? Sabagay, iba nga ang dulot no'n sa katawan. Gano'n pala talaga iyon. Kaya siguro may naaadik talaga sa gano'n. Halos mag-init ang pisngi ko sa iniisip ko. Shuta naman. Bakit ko nga ba iniisip iyon? Nakakaloko. Naiisip ko 'yong ginawa namin ng boyfriend ni Chee. Ang sama kong kaibigan. "Omygod? He cheated on you!? He's stupid!" Umubo ako bago inayos ang upo. Nanghihina akong tumango at pinigilan lumuha. Oo ang stupid niya. Ano ba naman ito! "Kailan pa?" "Kahapon lang" "Omygod! I'm sorry." Umalis sa pagkakaupo si Cheena. Lumapit siya sa akin para yakapin ako kaya hindi ko na napigilan humagulgol. Oo napahagulgol ako hindi dahil kay James kung hindi sa ginawa ko kahit coincidence lang talaga ang lahat. "Ako ang dapat mag-sorry! I'm sorry!" "Why?" Umiling lang ako bago niyakap siya ng mahigpit at sumubsob sa mukha niya. "Ah basta gago siya shuta." Wala na akong pake kung maraming tao. Ang sakit-sakit na nga sa puso ko tapos may nangyari pang ganito. Wow! Ang daming nangyari para sa isang araw! "I know. He's gago! Kapag nakita ko siya, talagang tatadyakan ko siya sa bayag niya! How dare him!" Cheena throws comforting words that made me a little ease. Binibigyan niya ako ng tissue at tinutulungan akong punasahan ang luha ko kahit kaya ko naman mag-isa. Nang medyo umayos-ayos na ang pakiramdam ko, inalukan niya ako ng ice tea at kaagad ko iyong ininom. "Are you okay now? Sorry again Fe. Ang insensitive ko" "Hindi ah. Sasabihin ko naman talaga sayo 'yong nangyari sa amin eh. Naghahanap lang ako ng timing" Napasilip ako kay Juade. Kumakain siya ng tahimik. Ngayon ko lang narealize na umiyak pala ako sa kaniya kagabi. Siya pala unang nagcomfort sa akin. Mariin akong napapikit nang maalala na naman ang sinabi ko kagabi. Comfort? Comfort ba talaga ang s*x?! "Good thing that I invited you here. I hope this helps" ngumiti si Cheena. Ngumiwi ako. Hindi ito nakatulong Cheena. Nasa harapan ko lang naman ang lalaking naka one night stand ko. Shuta ka! Dapat tinulog ko na lang 'tong pagkabroken ko. "Oo. Sobrang laki ng tulong" sagot ko na lang. Hindi ko alam kung sarcasm ba 'yon pero nagtama mata namin ni Juade nang sabihin ko 'yon. Baka siya nafeel niya kung gaano 'yon kasarcastic. Pinisil naman ni Cheena ang pisngi ko bago muling bumalik sa tabi ni Juade. Inuubos ko na ang ice tea kasi parang nadehydrate talaga ako ng bongga dahil sa dami ng luhang nilabas ko ngayon at sa mga nangyayare na rin. "Hays, nga naman. I just realize now that kahit gaano pala katagal ang relasyon, masisira at masisira parin" Nagthumbs up ako kay Cheena bilang pagsang-ayon. I'm still drinking my ice tea. Totoo naman! Akalain mo 'yon, akala ko si James na ang future ko pero tingnan mo. Nasayang lang ang two years naming relasyon! "Buti na lang itong boyfriend ko, hindi nagchecheat sa aki--" Nasamid ako. Nalunok ko na naman 'yong ice tea kaso parang may pumasok sa ilong ko. "Omygod Fely!" Binigyan muli ako ni Cheena ng tissue at kaagad ko iyong tinanggap ang suminga doon. Sumilip ako kay Juade. Umiwas lang siya ng tingin habang masamasahe ang kaniyang batok Hindi daw pala nachecheat ah! _____ "Aaaaaaaah! WOOOOOOOH!! Gago mo boy! Wag ako!!!" Ang sarap sa feeling! Ang sarap sa feeling na isigaw ang sakit ng nararamdaman mo. The best pala sa amusement park kapag broken. Nakasakay kami ngayon sa pirate ship. Naandon kami sa pinakadulo kaya naman mas exciting. Katabi ko si Cheena. May hawak-hawak siyang selfie stick. Nagvivideo siya habang katabi naman niya si Juade na mahigpit lang ang hawak sa kapitan sa unahan. "Say hi Fe!" Tinutok ni Cheena sa akin ang selfie stick kaya naman kumaway ako with kaunting pawackie face. Tumawa siya bago sumama at nakiwacky face sa akin. "Come on! Octopus naman!" Kabababa lang namin ng pirate ship. Namumutla ng very light si Juade. Tinaasan ko tuloy siya ng kilay. Mahina ka pala boy! "I'm so glad that I made you happy Fe kaso hindi ka pa nahihilo? Nakadalawang magkasunod na extreme rides na tayo" tanong ni Chee sa akin. Juade leaned on her shoulder. He whispered something that make Cheena chuckle lightly. Ngumuso ako bago nameywang. I want more but I think they can't continue anymore so okay. I'll go by myself. "Para sa isang broken na tulad ko, walang hilo-hilo noh. Kaya ko pa. Kailangan kong kayanin para ekonomiya." "Are you sure?" "Yes.Call kita kapag magtatagpo na" Tumango lang si Cheena bago kumaway sa akin. Kumaway din naman ako bago iniwan na sila doon. Excited akong bumili ng ticket para sa Octopus. Matiyaga din akong naghintay dahil sa dami ng nasakay. "Walang forever!" "Walang nagsstay ng matagal" "Magbebreak din kayo!" 'Yan ang mga sinisigaw ko habang pinapaikot ako sa Octopus. Lumalabas ang pagkabitter ko ano? Gano'n pala kapag broken. Ang bitter! Parang gusto ko tuloy kumain ng ampalaya. Tumigil lang ako sa pagsigaw ng tuluyan na akong nawalan ng boses. My voice is exhausted but it's worth it. Nakadalawa pa akong rides bago ako tuluyang nagpasyang tumigil na. Nagutom na din ako kaya bumili ako ng footlong at tubig. Nagpahinga ako sa vacant bench doon. I silently watching the people in the amusement park. May mga magkapamilya, barkada at couples. Meron ding mga tingin ko mga single. Mabuti naman at hindi ako nagiisa. Sa sobrang kagutuman ko ay naubos ko ang isang footlong. Parang na-fully charge ulit ako pero hindi ko na trip sumakay sa rides kaya kinuha ko ang phone ko sa aking sling bag at binuksan iyon. Nag-appear na naman ang maraming message at miss call ni James. Nakalimutan kong bumili ng bagong sim card. Hindi ko iyon binasa at tinawagan na si Cheena. After a few rings she answered the call. "Okay na ako. Nasaan kayo?" "Hey" Napatuwid ako ng upo ng marinig ko ang swabe na boses ni Juade sa linya. "Hey." Tumikhim ako bago idinekwatro ang mga hita. "Nasaan kayo? Tsaka bakit nasa iyo ang cellphone ni Cheena?" "She's in the restroom" pagpapaliwanag nya. "By the way, were here at the food court. Kumakain na ulit kami" Binasa ko ang mga labi. Something is stopping me from hanging up the phone so I added another topic. "How was the date? Nakabawi na ba ang bestfriend ko sayo?" Tumahimik sa kabilang linya. Mukhang hindi niya inasahan na may idadagdag pa ako. Hindi ko pa sya kayang kausapin ngayon ng personal pero tingin ko kailangan naming mag-usap lalo na't mukhang pinaglalapit talaga kami ng tadhana at ito ang chance para mag-usap kami. "Hindi naman ako magtatampo ng matagal sa kanya. At the end of the day, I will understand her." Sumilay ang ngiti sa aking labi. Oh what a nice guy. "So? Na-enjoy mo ba ang date niyo?" "Oo. I just realize that it's been a long time since we dated in public. This is a bit challenging but it made me happy" This feel nice. Kahit kahapon, kahit di kami magkakilala, naging kumportable ako sa kaniya at ngayong magkakilala na kami, mas lalo pang kumportable with awkwardness dahil sa nangyari. "Thank you for loving and supporting my bestfriend. Salamat sa pag-aalaga sa kaniya. Huwag mo 'yang sasaktan kundi malilintikan ka sa akin." "I will" Tumahimik muli ang linya. Kinagat ko ang labi. "Okay. 'Yon lang naman ang concern ko as her bestfriend. I think mabait ka namang tao at alam kong 'di mo lolokohin ang bestfriend ko and what about happened to us.." I cleared my throat again. "It's a mistake. Sana 'di na iyon maging big deal." Muling tumahimik sa kabilang linya. I patienly wait on his respond while watching other people enjoying their day in the amusement park. "I know. Let's forget it and move forward. Kami pa rin ni Cheena. That's it." Tumango tango ako kahit 'di naman niya ako nakikita. "At bestfriend parin ako ni Cheena" "Yes, you're still my girlfriend's bestfriend Fely"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD