TAGALOG
"I'm not going to break your relationship with Cheena if that's what you think. You will still her boyfriend and I will still her bestfriend. I can take care of mysel--"
"Are you saying that you want me to be irresponsible man?"
Bumusangot ang mukha nya. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Hindi naman. What I mean is, I can raise the baby all by mysel--"
"Edi sinabi mo na ngang pabayaan ko na lang ang magiging anak natin!" tumaas ang tono ng kanyang pananalita.
"Eh ano gusto mo? Panagutan itong bata?!" Di ko na rin maiwasang tumaas ang boses at piling ko iiyak ako anytime.
"If that's what right then I will!"
Umiling ako. "It can't be. Paano ang bestfriend ko ha?!"
Hindi sya agad nakapagsalita. Malalim ang kanyang paghinga. Ako naman ay tuluyan ng napaiyak.
"Di naman natin kailangan pang palakihin to. Aalagaan ko sarili ang anak ko at ikaw, mananatili ka sa bestfriend ko--"
"Anak NATIN yan Fely. It's not just your child. It's OUR child!"
"Pero isa lang itong pagkakamali Juade at hindi ako papayag na masisira kayo ni Cheena dahil sa akin. Hindi pwede.." patuloy kong pinupunasan ang luha ko pero lintik na yan! Ayaw tumigil.
Natahimik saglit ang buong silid. Tumahimik si Juade at mga hikbi ko lang ang naririnig.
Mga ilang segundong katahimikan, narinig ko ang kanyang sarkistong tawa. "Tingin mo ba doon na lang maaayos ang lahat? Sa pag ako mo ng responsibilidad mo sa bata tingin mo maayos non ang problema?"
Ginulo nya ang buhok nya habang ako naman ay napaiwas ng tingin.
Dahil totoo ang sinabi nya. Hindi nun maayos ang problema.
"Kahit anong gawin natin, nagkamali tayo. Itinago natin pero iba na ngayon. Nagbunga ang pagkakamali na iyon at ang pagkakamali ay mayroong kabayaran..."
"P-pero..." Naramdaman ko na lang na may mainit na palad na dumapo sa aking pisngi. Pinilit nyang iniharap ang aking mukha sa kanya.
"Makinig ka sa akin Fely. Hindi pwede ang iniisip mo."
Wala akong nagawa kung di ang tumingin din sa kanya. Katulad ko, ay kitang kita ko din ang hirap sa kanya, sa sitwasyon namin.
"Hindi ba't parang nananadya ang tadhana? Pinili nating wag na lang makita ang isa't isa ngunit anong nangyari? Nagkita tayo muli at ang malala pa dito bestfriend ka pa ng girlfriend ko. Pinili nating wag sabihin sa kanya ang pagkakamali natin pero tingnan mo? Nagbunga ang ginawa nating pagkakamali." Umiling iling lang ako at umiyak. Di ko matanggap. Di ko matanggap. Ayoko! Ayoko! Pinunasan nya ang luha ko gamit ang kanyang hinalalaki.
"We can't escape this. We need to face the consequences.."
"Edi anong gagawin mo?"
Umiwas sya ng tingin bago lumunok. Tinanggal na din nya ang palad sa aking pisngi. Humugot muna ito ng lakas ng loob bago muling tumingin sa akin.
"I already called my parents and I already inform your Auntie about us" di ko na alam ang irereact. Patuloy akong nanghina hanggang sa narinig ko ang kasunod na sinabi nya. "Mamamanhikan na ang pamilya ko sa inyo Fely. We were getting married as soon as possible"
Naihilamos ko na lang ang mga kamay sa mukha ko.
No...
No way.
Hindi pwede....
"Pero...paano si Cheena? Paano ang bestfriend ko?" pahina ng pahina ang boses ko. Parang sa oras na iyon, di ako humihinga. Di na tumitibok ang puso ko.
Tumalikod na sya sa akin at nagtungo sa pinto pero bago pa nya buksan iyon ay may iniwan pa syang isang salita.
"Wala tayong magagawa Fely. Nagkamali tayo at parte ng pagkakamaling iyon ay ang pagkikipaghiwalay ko kay Cheena at posibilidad na masira ang pagkakaibigan nyo."