CHAPTER 2

2088 Words
Dugo.... Dugo sa bed sheet... Sinapo ko ang noo. Pilit kong isinisiksik sa aking ulo na hindi ito nangyari. Na sana lahat panaginip lang pero tangina. Totoo 'to. Sobrang real na real. "Fuck...." I glance at my back. It was the guy from last night. Just like me, he's regretting what 'WE' did. Magkatalikod kami, nakabalot parin ako ng comforter at hubad parin ang aking katawan habang siya ay nakaboxer na. Hindi ko alam gagawin. Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin. Gusto kong umiyak pero may magagawa pa ba ang pag-iyak ko? Nangyari na eh. Nangyari na. Nanatili kaming tahimik, parehas kaming nagulat sa nangyari. Mas lalo pa itong nagpasakit sa ulo dahil sa hang over. Aish! Kung hindi lang ako naglasing edi sana safe pa ang— "This is your fault" "Ha?" I turned my back at the guy from last night and he do the same. Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago siya muling nagsalita. "This is all your fault" mahinahon pero halatang may pag-aakusa sa kanyang boses. Tinaasan ko siya ng kilay. Hala! Bakit parang ako lang ang may kasalanan? "Bakit ako lang? As far as I know we did it!" Tumaas ang boses ko at kinagat ang labi ko para itago ang luhang gustong pumatak sa mata ko. Damn it! Ako na nga itong navirginize siya pa may ganang magsalita ng ganiyan! He frustatedly brush his hair. "Ikaw unang humalik sa akin" "Humalik ka pabalik!" Iniling nito ang ulo at nagtagis ang bagang. Pinili niyang tumalikod na lang ulit kaya gano'n din ang ginawa ko. I wipe some of my escape tears then try to calm down myself. "This is not my only fault. This is a mistake. We are drunk last night. We need attention, we are finding a comfort—" huminga ako ng malalim. "And now I'm not virgin anymore." "And I betrayed my girlfriend" segunda niya. Kinagat ko ang labi ko. "Sorry about that" "No, I'm sorry. Dahil sa akin wala na 'yong..." he cleared his throat. Hinigpitan ko ang kapit ko sa comforter. "Nangyari na. Wala na tayong magagawa." Nabalot ulit kami ng katahimikan bago naming naisipang bumangon at pulutin ang nagkalat naming damit. Nagbihis siya sa labas at ako naman ay sa maliit na cr dito sa VIP room. Paglabas ko ay nakita ko pa rin siyang nasa tapat ng pinto at mukhang hinihintay ako. Pagsarado ko ng pinto ng cr tsaka niya lang naramdaman ang presensya ko. He put his both arms in his waist, facing me. Inipit ko naman ang aking buhok bago lumapit sa kanya. Malapit kami sa pinto. Halatang plano na naming umalis. "About what happened last night--" "Alam ko ang meaning ng one night stand" pagpuputol ko sa kaniyang sasabihin. "What happened last night will remain here.." muli kong pagpapatuloy. Tumango-tango sya at agree siya sa sinabi ko. "Let's keep it--" "Hindi" pagputol ko sa kanyang sasabihin. Hinawakan ko ang noo nang medyo maramdamang nananakit iyon. "Kalimutan natin ang nangyari dito. Isa pa, hindi naman tayo magkakilala" Tinungo ko ang pintuan palabas ng silid at pinihit ang doorknob. I glance at him one last time. "Please lang, sana hindi na tayo magkita ulit. Bye" And that is the end of the conversation. _____ Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Lutang na lutang pa rin ako at ito pa! Sumasakit pa ang ari ko. Ganito pala ang feeling ng first time. Dumagundong ang puso ko nang makita si Auntie Shiela.Ang tita ko na kinupkop ako simula ng maagang namatay ang aking ina dahil sa malubhang sakit. My mom is a single parent. About my dad naman, hindi ko alam kung sino siya at wala na akong balak na makilala siya. Hindi ko naman siya nakasama. Im already at peace at ayoko ng guluhin kung anong mang buhay ang meron siya ngayon. Nakapamewang si Auntie sa may pintuan. Nakaabang sa aking pag-uwi. Shit. Nalintikan ka na nga Fely. Hindi ba dapat at nasa Cafe na ito? Ang dami ko na ngang problema dumagdag pa ito. Inexpect ko na may pingot akong makukuha kay Auntie ngunit nang makalapit na ako sa kanya, imbis na pingot ang sumalubong, sinalubong niya ako ng yakap. "Auntie.." usal ko habang unti-unting namumuo ang tubig sa aking mata. Her warm body weakens my emotion. She tapped my back and whispered something that led my tears to fall. "Pumunta si James dito, nagmamakaawang magkabalikan kayo" Hindi ko na napigilan. Ngumawa na ako sa harap niya. Niyakap ko sya pabalik. Auntie Shiela is not just an Auntie. She's also my bestfriend kaya nang tuluyan na kaming pumasok sa bahay, sinabi ko sa kaniya ang lahat at kahit 'yong katarantaduhan ko na ginawa kagabi sinabi ko din. "Jusko Fely!" Nagpabalik-balik ng lakad si Auntie sa sala. Sapo niya ang noo at mukhang hahigh blood-in sa nalaman. Pinaglalaruan ko ang labi at pasinghot-singhot na lang dahil mukhang nailabas ko na lahat ng luha ko. "Jusko Fely! Alam mo ba ang ginawa mo?" Yumuko ako. Guilty ako eh. "'Yong lalaki? Kilala mo ba siya? Alam mo ba pangalan niya? 'Yong address niya?" Umiling ako. "Jusko! Paktay na nga!" Nagsign of the cross si Auntie bago nakapamewang na tumingin sa akin. "Bakit hindi mo inalam ang pangalan ah?!" "Auntie! One night stand 'yon?! Lasing ako kagab--aw!" Hinigit niya 'yong ilang piraso ng buhok ko. "Sumasagot ka pa? What if mabuntis ka?!" Natigilan ako. Hindi ko naisip ang posibilidad na iyon ah. Pero tingin ko naman hindi mangyayari 'yon. Isang beses lang namang nangyari. "First time lang naman Auntie. Tingin ko hindi naman magbubung--" "Ano ka ba naman Fely? Hindi porket first time hindi magbubunga. Tingnan mo ang ina mo ah? First time nakipagone night stand at pagkatapos ng nine months boom! Hello Fely!" Mas lalo akong natakot. Damn it! Bakit hindi ko nga naisip yun? Paano kung... Napahawak ako sa tiyan ko. Oh no! "Auntie naman wag niyo akong takutin." "I'm not scaring you Fely. I'm just thinking of possibilities!" Nagenglish si Auntie kaya alam kong seryosong-seryoso na siya. Pinili ko na lang na tumahimik. Bumuntong hininga si Auntie bago umupo sa tabihan ko at hinawakan ang mga kamay ko. Akala ko naman icocomfort niya ako ulit pero mukhang nagkamali ako. "By the way, kamusta ang first time?" Pinanlakihan ko ng mata si Auntie. Tinatanong pa ba 'yon? Malamang masarap! ____ "Huwag ka na munang pumunta ng Cafe. Ako na bahala mag-asikaso doon. Sa ngayon, magpahinga ka na muna" ani ni Auntie at binigyan ako ng chicken soup at gamot para sa aking hang over. "Thank you Auntie. The best ka talaga" agad kong kinuha 'yong bowl ng chicken soup. Gutom na rin kasi ako. Tuluyan na ulit akong naiwan sa aking kwarto. Kinuha ko ang cellphone kong patay pa hanggang kahapon. Pagbukas ko tadtad ng miss calls at text ni James. Napatitig ako ng ilang segundo doon. I feel guilty about what happened last night. Hindi ba't parang niloko ko na din si James no'n? Sa ngayon hindi ko na alam kung paano siya haharapin. At hindi ko na sya posibleng balikan pa. Dahil hindi ko na kaya. Kahit ba sabihin na natin na break na kami bago nangyari 'yong SPG pero kahit na! Para ko pa rin siyang niloko. Duh? Wala pang isang buong araw may nakachugchugan ako. Mas nakakastress! Kaya pagkatapos kong ubusin 'yong chicken soup at inumin ang gamot para sa aking hang over, nagtungo ako sa t****k app ko para maghanap ng magagandang dance performance para may mapaglibangan. Sumasayaw ako nang biglang may nagnotif. Chat head ng busy kong bestfriend na nagsisimula ng bumuo ng career sa showbiz. Besfriend kong peymus Cheena: Busy ka ba? Kaagad akong nagtype. Fely: Hindi. Nasa bahay lang ako Chee! Ano na? Musta na ang showbiz? Buti naisipan mong may bestfriend ka pa? Well hindi naman ako nagtatampo. Naiintindihan ko naman kung bakit siya busy. Nibubuild up pa niya ang career niya ngayon. Hindi pa siya masyadong sikat pero lumalabas na siya sa ibang teleserye. Trip ko lang talagang magdrama. Cheena: Sorry naman Fe, you know naman na busy ako diba? I'm still working on my career. Fely: Alam ko naman 'yon. Eto naman ang seryoso hahaha. Fely: So 'yon na nga, bakit mo tinatanong kung busy ako? Fely: Hmmm...hulaan ko, may hihingin kang favor sa akin ano? Cheena: Meron sana..tsaka may sasabihin na din ako sayo. Fely: I'm in! Sige anong oras? Madali naman akong kausap tsaka isa pa miss ko na din naman siya eh! Nacurious tuloy ako sa sasabihin niya. Matapos niyang ichat ang location place at oras ay in-off ko na ang phone ko dahil nagchat na sa akin si James. At finally dinapuan na ako ng antok. ____ I'm just on time when I arrived at the amusement park. "Nasaan ka na?" Tanong ko sa kabilang linya. Ang daming tao dito kaya. "Naandito ako, sa may malapit sa carousel. Nakabaseball cap at mask" "Okay sige sige." Hinanap ko 'yong carousel at shoot! Siya lang naman 'yong nakaface mask! "Chee!" Excited akong pumunta kay Chee nang makita ko siya. "Shh Fe, lower your voice" Bulong nya with matching panlalaki ng mata. Hindi ko kita ang kanyang mukha dahil nakatakip siya ngayon ng mask at baseball cap pero alam kong maganda siya sa suot niyang white off shoulder top, fitted faded maong skirt at white rubber shoes. Ngumuso ako bago niyakap siya ng mahigpit. "I miss you famous kong kaibigan" She chuckled and hugged me back. "Not yet. I'm getting there Fe. I miss you too" I hugged her tightly before pulling away. "By the way, what brings you here? At bakit tayo naandito? Bakit nasa 'PUBLIC' place tayo Chee? Okay lang naman kung sa office ko na lang tayo" Hinila niya ako sa isang vacant bench at umupo kami doon. She held both of my arms before facing me. Bigla tuloy akong kinabahan sa ekspresyon niya. Kinakabahan ata siya dahil todo buntong hininga siya at mahigpit ang kapit sa aking kamay. "Well, Fe....I have a secret to tell you. I'm sorry if I'm keeping it to you but I will tell it now." Tinaasan ko siya ng kilay. Gusto kong magtampo pero alam ko namang may dahilan siya. Duh! Hindi porket kaibigan lahat alam na. You know, respect her privacy too noh. "Go. Tell me--" "I have a boyfriend" Nanlaki ang mata ko. Nako! Kailangan ko talaga magtampo. "Kailan pa?" I can't see her face but I can feel that she's blushing. "2 year--" "Ano? 2 years?! Grabe ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Nakakatampo ka!" "Sorry na. I didn't mean to keep it--" "Why? Pag ako kinukwento ko sayo mga kaharutan ko tapos ikaw hindi--" "He's my secret boyfriend" Agad akong natigilan. "Secret boyfriend? For 2 years?" Bumuntong hininga si Cheena bago nagpatuloy. "Dahil sa career ko bawal ako magboyfriend pero hindi ko naman siya kayang iwan. That's why we keep our relationship secret." She sadly said. Ramdam ko kung gaano kahirap sa kanya ang set up na 'yon. Kita din sa mata niya na malungkot at hirap siya sa sitwasyon niya. Muli ko siyang niyakap. "Aish! Dapat hindi mo itinatago sa akin 'yan. Paano mo 'yan nakaya ng ikaw lang? Mahirap 'yang set up niyo!" "Alam ko. Nahihirapan nga ako eh. Actually nagtatampo siya sa akin. Birthday niya kahapon pero wala ako. Ni-try ko naman umabot pero nagkaroon ng problema sa shooting" "Okay lang 'yan. Bumawi ka na lang sa boyfriend mo" tinapik-tapik ko ang kanyang likod at hindi maiwasang maalala 'yong lalaking naka-one night stand ko kagabi. He's drinking because his girlfriend didn't show up on his birthday. Iniling-iling ko ang ulo. Bakit ko ba naaalala 'yon? "By the way, I'm going to introduce you to my boyfriend!" Mabilis akong kumalas sa yakap ko sa kanya. "Ha? Naandito siya?" Excited siyang tumango. "Yup. He's here with me" Lumingon ako sa paligid. "Nasaa---" I blink twice. Bumilis ang t***k ng aking puso. Nanigas ako sa kinauupuan. Nahirapan akong lumunok. No! Hindi maaari— "Hey baby" a familiar man went to my bestfriend and hug her. "Oh you are already here. Ang tagal mo ata sa banyo" Tuluyan ng umawang ang bibig ko lalo na nang yakapin siya ng kaibigan ko. "I'm sorry. Ang daming pila eh" He was smiling while hugging my bestfriend and I could feel his love towards her but when he unintentionally look up and his eyes met mine, his smile fade as his eyes widen. Hindi ba't kakasabi ko lang kanina na huwag na kami muling magkita? Tanginang tadhana! Mukhang napakaliit nga ng mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD