Juade's POV
"Ano na Alex? Kailan ka ba mag-aasawa?"
Bumutong hininga ako bago ginulo ang buhok ko sa sobrang inis. 'Yan ang laging bungad ng mama ko kapag ka tatawag.
Palagi naman isa lang ang sagot ko.
"I told you she's not ready."
"EDI KAILAN PA ALEX HA?"
Nailayo ko ang cellphone sa aking tainga sa sobrang lakas ng boses niya.
"I don't know" malungkot kong ani.
Nagsisimula pa lang sa career si Cheena. Hindi ko pa siya pwedeng ayain to settle down.
Gustuhin ko mang mag-asawa na, hindi ko rin kayang pigilan siya sa kaniyang pangarap. I'm not that selfish to take it away from her.
"Aish! Wala akong pake Alex. Gusto ko ng magsettle down ka na at gusto ko na ng apo. 30 ka na! Matanda na kami! I can't wait that lon--"
I end the call.
I know it's rude but I just don't want to hear another sermon from her. Pinaliwanag ko na naman kung bakit hindi pa pwede. I always told them that.
Nagsorry ako sa text bago ko pinatay ang aking phone.
Huminga ako ng malalim habang nakatutok ang aking mata sa isang medyo kalakihang frame na may picture namin ni Cheena sa wall sa aking kwarto.
"I'm sorry" mahinang bulong ko.
Aaminin ko sa sarili ko na hindi ko makalimutan ang nangyari noong isang araw. I still feel guilty. I feel like I betray her. I know it's only a mistake but I couldn't remove it from my mind lalo na ngayong bestfriend pala siya ni Cheena.
Ang liit ng mundo ano?
Napakamapaglaro.
Tingin ko tuloy hindi magandang itago iyon. Isa pa, nakakapagod na ding magtago. Secret relationship na nga kami, another secret na naman ang kailangan kong itago.
Bakit ko nga ba 'yon pinatulan? Meron naman akong nakakasalamuhang babae sa bar pero kahit lasing ako hindi ko naman ginawa ang bagay na iyon. Mataas ang respeto at loyalty ko kay Cheena.
Fely Almario....
Huwag sanang habulin tayo ng kasalanan natin.
At sana hindi ko masira ang pagkakaibigan niyo.
'Kalimutan na nga diba Juade? It's a mistake. Wala lang iyon. It's not a big deal' .
Pinilit kong ipasok sa utak ko iyan bago ko naisipang bumangon at pumunta sa mall para bumili ng ingridients para sa aking lulutuing sweet honey garlic chicken wings. Darating kasi mamaya si Cheena dito kaya medyo na-excite ako. Masosolo ko rin siya sa wakas.
Naramdaman ko ang bigat sa dibdib ko sa sinabi ko.
Ganito na lang ba ako lagi? Maghihintay na masolo siya?
Nakangti akong pumasok ng department store at kumuha ng pushing cart. Napag-isipan ko na maggrocery na din tutal paubos na ang stock ko sa condo.
Inuna ko 'yong mga ingridients na kailangan ko sa pagluluto. Pumunta ako sa meat section para bumili ng isang kilong chicken wings bago ako nagproceed sa iba pang kailangan. Isinabay ko na din doon ang paggrgrocery.
Lumabas ako ng store na may bitbit na isang box papunta sa sasakyan ko. Inilagay ko iyon sa likod bago ako pumasok ng kotse at binuhay ang makina. Plano kong mag-stay sa bahay dahil day off ko ngayon.
Pauwi na ako sa bahay nang may mahagip ako pamilyar na babae. Pinabagal ko ang andar ng sasakayan hanggang sa mapagtanto ko kung sino iyon.
Fely...
Balak ko siyang ignorahin kaso may kasama siyang lalaki. Nasa sidewalk sila at parang todo iwas si Fely. Mukhang kinukulit siya ng lalaki at halat iyon sa busangot na mukha niya.
I shouldn't get in their way. I know it's not my business but forcing a girl will never be acceptable.
Kaya naman hindi ko namalayan na pumarada na ako sa gilid at umeksena.
____
Fely's POV...
"Good day ma'am. Welcome to Cafely what is your order ma'am?" Banat na banat ang ngiti ko at sinalubong ang magaganda at naggwagwapuhan kong customer.
Wala sa mood si ate pero mukhang nahawa sa ganda ng mood ko kaya napangiti na lang din.
"One machiatto and chocolate waffles please"
"Dine in or take out?" Nagsimula akong pumindot-pindot. Pina-punch ko ang order niya.
"Take out please"
"Okay ma'am. Anything else?" Wala na daw order si ate kaya naman kaagad kong binigay ang presyo at sukli niya bago ko pinagawa sa isa kong assistant ang kanyang order.
"Sobrang saya ni boss ah?" Ani ni Judith. Aking employee dito sa Cafely.
"Well, nakakatuwang ayos ang business. Pinag-ipunan ko 'to eh"
Nagtrabaho ako bilang isang secretary ng president ng kompanya noon. Ilang years lang ang tinagal ko dahil nag-ipon ako para magtayo ng business.
AT CHARAAN! Introducing my own business which is Cafely.
Maliit pa lang ang shop pero nag-iipon pa ako para sa renovation. Dumadami na din kasi ang customer na pumupunta kaya nakakataba ng puso. Ang saya kahit pagod.
"Sinong hindi gugustuhing pumunta dito ate eh 'yang ngiti mo nakakaganda ng mood. Araw-arawin mo 'yan ah?"
"Ofcourse. Isa yan sa rule natin. Always smile at the customer kahit marami pang problema sa buhay"
"Check na check boss!"
Kaagad kong ibinalandra ang aking ngiti ng marinig ko ang chain na hudyat na may pumasok ngunit kaagad din iyong nawala nang makita ko si Auntie na nagmamadali. Worry is in her eyes while walking towards me.
"Umalis ka muna Fely!" Aniya at pumasok sa counter para hilahin ako palabas.
"Anong nangyayari?" Takang taka kong tanong habang tinatanggal ko ang aking apron at sumbrero.
"Si James! Nakita ko siyang papunta dito. Doon ka sa likod lumabas"
Hindi na niya kailangang ulitin pa. Pangalan pa lang ng ex ko ay kaagad akong umalis pero bumalik saglit dahil nadala ko ang apron at sumbrero bago ako nagmamadaling tumakbo sa likod ng shop.
Malakas ang t***k ng puso ko lalo na't narinig ko ang pamilyar niyang boses na kakapsok lang.
"Auntie nasaan si Fely? We need to talk"
"Wala siya dito" sagot naman ni Auntie.
Naramdaman ko na naman ang bigat sa dibdib ko. Iniiwasan ko talaga si James dahil galit ako sa kaniya at dahil naguguilty ako sa nangyari. I can't face him and I don't have any reason to confront him. Matapos ko siyang makita na niloloko ako, tapos na kami.
"No. I know she's here. Bakit niyo ba siya tinatago?"
Gusto kong pumasok sa loob dahil pakiramdam ko ay gumagawa ng eksena si James pero alam ko namang mahahandle na ni Auntie ang lahat.
"Hindi ko siya tinatago James. Wala nga siya dit---"
"Fely! Come on! Talk to me. Let's fix this!" Sigaw pa din ni James na halos gusto ko na siyang labasin.
Alam kong nanggugulo na siya sa shop ko.
Naramdaman ko ang pagtungo niya sa pinanggalingan ko. Kaagad nag-panic ang sistema ko.
"Wala nga siya dit--"
"Bakit niyo ko pinipigila--"
"Wala nga sabi dyan!"
"I'm here" Wala na akong magawa kung hindi ang pumasok at magpakita.
Naabutan ko na nakayakap si Auntie kay James habang nakaharang naman si Judith sa daanan niya. Ang iilang customer ay nakatingin sa amin.
Bumuntong hininga ako.
"Fely...." James murmured.
Napatingin sa akin si James habang si Auntie at Judith ay sinenyasan ko ng bitawan siya na kaagad nilang sinunod.
Nilapitan ko siya at hinila palabas ng shop ko.
"F-Fely I kno--"
"Shut up" sinamaan ko siya ng tingin habang hinihila ko siya palayo sa shop namin. Agad naman siyang tumahimik habang nakatitig sa akin.
Nang medyo malayo na kami tsaka ko lang siya binitawan.
"Umalis ka na. Huwag ka na muling mangugulo sa shop ko kung ayaw mong mas magalit pa ako sayo" Pagalit kong sabi kahit sa loob-loob ko ay masakit.
"Fely let's talk" Kita ko ang desperasyon sa kaniyang mata. Ngayon ko lang din napagmasdan kung gaano kamiserable ang itsura niya. Kumakaway ang mga eyebags niya. Ang mga balbas at bigote niya ay unti-unti na ding lumalabas. Medyo namayat siya at isa pa mukhang amoy alak pa.
Bigla akong nakaramdam ng awa para sa kaniya. What are you doing to yourself James?
"Ano pa bang pag-uusapan natin? Nilinaw mo na naman sa akin na kaya mo ako niloko dahil hindi ko maibigay ang pangangailangan mo diba? Hindi ko maibigay ang gusto mong s*x?!" Nang dahil sayo, naibigay ko sa iba ngina!
"Sorry na. Nagkamali ako. Nagsisisi na ako" pinilit niyang abutin ang mga kamay ko pero nilalayo ko iyon. "Bumalik na tayo sa dati. Hindi ko kayang wala k--"
"Inisip mo sana 'yan bago mo ako lokohin. You cheat so face the consequences."
"No...." Malungkot at halos maiiyak na sabi ni James. "Please...Fely...give me a second chance.."
Umiling ako. I feel like crying too. Naaawa ako sa kaniya. Nanghihinayang ako sa pinagsamahan natin pero hindi ko na rin kayang bumalik sa kaniya.
After what happened that night?
It feels so wrong for a comeback. It's like we cheated each other.
Ang pinagkaiba lang, he choose to cheat while I accidentally cheat.
Kahit wala na kami no'n, pakiramdam ko cheating pa rin.
Tumalikod na ako para bumalik sa shop ngunit agad nya akong niyakap patalikod.
"Please Fely, wag ganito. Nakikiusap e ako--"
"Tama na James! Hindi na tayo magkakabalikan. Lubayan mo na ako!"
"No until you say that we are back together again!"
"Bitawan mo ko! Kahit magmakaawa ka dyan hindi na ako babalik sayo! Huli na ang pagsisisi mo! Nagawa mo na James. Sinaktan mo na ako!"
"I'm sorry!" He tried to tighten his hold but I already escape on time. Kaagad ko siyang sinampal.
"Tumigil ka na dahil wala ng magagawa ang sorry mo. Wala na tayo. That's it. Tanggapin mo na lang. Nagmomove on na ako kaya please...."
Nakita ko ang pangingilid ng luha niya sa mata kaya iniwas ko doon ang paningin.
"Hanggang dito na lang ba talaga tayo?" Aniya sa mahinang boses.
Bumuntong hininga ako bago kahit mahirap ay tinitigan ko siya sa mata. "Oo. Hanggang dito na lang simula ng lokohin mo ako kaya umalis ka na"
Malamya akong tumalikod. Pigil ang paghinga ko habang naglalakad. Akala ko hanggang doon na lang ngunit may lahing aso ata si James. Buntot ng buntot.
"Liligawan kita ulit. Give me chance. Ayokong mauwi na lang sa ganito ang lahat..."
Pinilit kong ipasok sa isa kong tainga at sa palabas naman sa isa ko pang tainga ang sinasabi niya habang naglalakad. Hindi ko siya sinasagot at hindi ko rin siya nililingon.
Ayaw kong umiyak. Ayokong masira ang mood ko ng tuluyan.
"Promise magiging mabait at loyal na ako sayo. Irerespeto kita. Hihintayin kita Fely kaya naman sige na. Bigyan mo muna ako ng chance. Wag mo ko pahirapan ng ganito. Huwag mo ko saktan ng ganito. Gawin m--"
Tumigil ako sa paglakad at masamang masama na ang timpla ko ngayon. Iritado ko siyang nilingon at ibubuka ang na sana ang bibig ko para tapunan pa ng masasakit na salita si James nang may pumaradang sasakyan sa tapat namin. Isang kulay puti na kotse at lumabas doon ang napakapamilyar na lalaki.
O great.
Bumagay dito ang kaswal na suot na kulay baby blue na round neck short at Jagger pants.
"Juade.." gulat kong ani habang nakatingin sa kaniya. Napapakurap pa ako habang tinitingnan siya.
Anong ginagawa nya dito?
"Sino siya?"
Doon nawala ang tingin ko kay Juade. Nagtungo ang tingin ko kay James na salubong na salubong ang kilay.
Bigla kong naalala kung sino nga pala si Juade. Siya nga pala 'yong kumuha ng gustong gusto mong makuha James!
Napalunok ako. Wala akong masabi. Bigla akong kinabahan.
"Fely" pagtawag sa akin ni Juade.
Nilingon ko siya. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Pasok" Ininguso niya ang sasakyan niya.
"Huh?" Nagtataka kong ani. Naramdaman ko ang papalit-palit na tingin sa amin ni James.
Bumuntong hininga si Juade at sinapo ang noo. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko. Nagtatanong akong tumingin sa kaniya pero isang supladong tingin ang nakita ko.
"Basta pumasok ka na lang" bulong niya bago ako hinila.
Nagpatinaod na lang ako at feeling ko iyon ang tamang gawin ngunit bago pa ako makapasok sa kaniyang kotse ay nahawakan ni James ang kamay ko ngunit kaagad din 'yong naalis ng tampalin ni Juade ang kamay nito. Medyo nagulat ako sa inasta niya ngunit mas nakakagulat ang sunod na sinabi nito.
"Huwag mong hawakan ang girlfriend ko."
Kita kong natigilan si James at gano'n din ako. Napanganga ako at napakurap.
What the hell?