"What?" Nagtatakang tanong ni Juade habang nakatitig sa akin ng pansamantalang nagtraffic.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko.
"Anong what? Anong ginagawa mo doon? At....anong eksena 'yon...girlfriend?" Kunot na kunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya.
Hindi ko inasahan ang pagdating niya at paggawa ng eksena.
Close ba kami?
Ang alam ko lang naman ay naka one night stand ko siya at boyfriend siya ng bestfriend ko.
"Naggogrocery ako tapos pauwi na ako at nakita kita. Kita kong inis ang mukha mo at may kumukulit na lalaki sayo kaya naman napagpasyahan ko na umeksena." Pagpapaliwanag niya bago muling umandar dahil muling nagpatuloy ang daloy ng trapiko.
"Bakit sinabi mong girlfriend mo ko ha? Tsaka sino nagsabi na lumapit ka at umeksena?"
Nagsalubong ang kilay niya habang nakatutok ang tingin sa daan.
"I just said that so the guy....stop from chasing you. That's the first thing entered my mind and....I'm just helping my girlfriend's friend. Is that not good? Hindi pa pwedeng makatanggap ng thank you?"
Napasapo ako ng noo. "Oo nga nilayo mo ako pero naging mukhang malandi naman ako. Dalawang linggo palang kami magkahiwalay tapos may boyfriend na agad ako?"
"Hindi naman totoo. Bakit dinadamdam mo?"
"Pero gano'n ang iisipin ni James!"
"Mag-usap na lang kayo. Linawin mo na lang. Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa itong galit"
"Hiningi ko ba tulong mo? Close ba tayo? Pagkakaalam ko ay magka-one night stand lang tayo"
Nanlaki ang mata niya at biglang napalunok sa sinabi ko. "Kailangan mo ba talagang sabihin 'yan?"
"Oo bakit? 'Yon naman ang totoo ah?"
Umiling-iling si Juade na para bang hindi makapaniwala sa aking sinabi. Muli niyang nilipat ang tingin sa daan.
Ngumuso ako at tumingin na lang sa bintana. "Sumbong kita kay Cheena sa pinaggagawa mo"
Natatawa siyang suminghal. "Sabihin mo at kakampi pa iyon sa akin. Hindi selosa ang kaibigan mo kung kilala mo siya at tsaka ipapaliwanag ko naman sa kaniya na ginawa ko 'yon just to save your ass in your ex."
Ngumuso muli ako at napakamot. Totoo 'yon. Hindi selosa si Cheena. Lagi siyang may trust sa mga kaibigan niya at paniguradong kay Juade din.
Parang mas lalong bumigat ang aking pakiramdam.
Trust? Hindi kami karapat dapat ni Juade do'n dahil may nagawa kaming kasalanan.
Imbis na pangambahan ay kaagad kong inalis iyon sa aking isipan. Wala namang makakaalam. Juade and I agreed about that.
Tumahimik kami pareho. Natuon ko ang paningin sa daan at doon ko lang narealize....
"Tigil!"
Muntikan na siyang sumubsob sa harapan ng kotse sa biglang pagtigil ni Juade. Buti na lang naiharang ko agad ang mga kamay at paa sa harapan. Wala rin akong seatbelt! Jusko!
"Gago ka ba? Papatayin mo ba ako?!" Sigaw ko sa kaniya sa sobrang gulat.
"Hindi ko sinasadya. Sumigaw ka kasi bigla! Bakit ka kasi sumisigaw?"
"Edi sorry! Narealize ko lang kasi kung saan tayo papunta? Bigla mo na lang kasi akong pinapasok!"
Parehas silang nagkatinginan. Mukhang narealize iyon ni Juade na napasapo ng mukha.
"Oo nga ano?" Kinamot niya ang batok.
Hindi ko maiwasang matawa. T*ngina!
"Lutang lang" komento ko.
Umangat ang gilid ng labi niya. "Yeah"
"Tsk! Ibalik mo ako. Doon ako sa coffee shop na Cafely."
"Mamaya, iikot ko. One way lang dito eh"
"Okay. May magagawa pa ba ako?"
Muli niyang binuksan ang makina at muling bumalik sa daan.
"Okay ka lang?" Bigla niyang tanong habang nasa daan kami.
Iniwas ko ang tingin bago ko naramdaman ang paglalamya ng aking pakiramdam. Bakit kailangan pang itanong 'yan? Magic word 'yan para maglabasan ang tinatago kong emosyon.
"Malamang hindi. Dalawang linggo pa lang." Pigil na naman ang luha ko.
And Juade quickly handed me his handkerchief.
Hindi ko na mapigilan at kinuha ko iyon para umiyak. Bigla kong naalala si James. Bakit kailangan niya pang magpakita?
I'm in the process of moving on.
"Gago talaga siya. Maganda naman relasyon namin noon. Sa totoo lang, James is a good man. Nirerespeto niya ako at napakabait. Hindi ko akalaing magagawa niyang magloko dahil sa takaw ng katawan..."
Hindi ko alam bakit ako nagkwekwento pero kusang lumalabas sa bibig ko. I admit na komportable siyang kasama kahit pa may kasalanan kaming dalawa that night.
He sighed. "I have a place where I usually visit when I'm feeling down and so frustated. Wanna come?"
Inangat ko ang tingin sa kaniya. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kaniyang panyo.
Gusto ko siyang kausapin. Gusto ko rin kumalma and on the second thought, ayaw ko muna palang bumalik sa Cefely. Baka naando'n pa 'yong gagong ex ko.
"Sige. Basta 'wag sa bar"
He chuckled. "Yeah"
____
Juade's POV...
"Grabe talaga. Ilang beses ko bang sasabihing gago siya?"
Saglit kong sinilip si Fely at napangiwi ako dahil sinisingahan niya ang panyong bigay ko.
Magaling na magaling.
Napailing ako at itinuon ang mata sa daan.
Bakit ko nga ba ginawa iyon?
Hindi ako 'yong tipo ng tao na nangingielam sa problema ng iba pero kanina, anong ginawa ko? Umeksena?
Bumuntong hininga ako bago umiling-iling. Ano nga bang sumapi sa akin para gawin 'yon?
Muli kong sinulyapan si Fely na todo iyak pa rin. I tsked.
Hanggang kailan ba to iiyak? Makangawa pa naman sobra-sobra.
Parang no'ng nasa bar kami. Pasalamat lang siya at malakas ang music that time pero 'yong ngawa niya nakakabingi talaga.
Maya maya ay natanaw ko na ang bay side kung saan ko siya dadalhin. Humanap muna ako ng mapagpaparkingan tsaka bumaba.
"Sa bayside?" Tanong niya na sumisinghot pa.
"Yup"
Makulimlim ang kalangitan ngunit palagay ko naman ay hindi uulan. Sadyang makulimlim lang ngayon. Medyo mahangin rin kaya nagugulo ang buhok ni Fely.
"Wait." Bumaba ako bago pumunta sa likod para kumuha ng ilang chichirya at maiinom. Buti na lang at nakapaggrocery ako.
Pagsarado ko ng compartment ko ay naniningkit ang mata ni Fely habang nakatingin sa akin.
"What?" Takang tanong ko.
"Pinaghandaan mo ito?" Naniningkit pa din ang mga mata niya.
"Hindi. Nagkataon lang na naggrocery ako" sagot ko at tumango lang siya.
Napakakapal naman ng mukha nito.
Walang masiyadong tao ngayong araw. May mga nakita akong ilang bata na naglalaro. Umupo kami sa sementong batong upuan na may silong bago ko nilapag ang chichirya at mga inumin na pwedeng kainin habang nagmumuni.
"Bakit mo ito ginagawa? Close ba tayo?" Muli niyang pagbubukas ng topic habang walang hiya hiya na kumuha ng isang malaking piattos at nilantakan agad iyon.
Ngumiwi muli ako.
Hindi pa ba close tawag dyan?
Mas feeling close ka pa sa akin. .
"Hindi tayo close." Paninimula ko. "Pero pwede naman. Nilalantakan mo na nga 'yong chichirya eh"
"Dinala mo ito para kainin diba? Ano bang gusto mo? Display lang 'to? Hindi mo naman agad sinabi eh"
Napasapo ako ng noo. Paano sila naging magkaibigan ni Cheena?
They are really different. Mahinhin si Cheena at sweet hindi katulad ni Fely na medyo kalog at minsan weird.
"Sinabi ko bang para sa'yo yan?" Tinaas ko ang kilay.
Pinanlakihan niya ako ng mata bago sumalok ng sitsirya sa kamay. "Sino ba sa atin ang broken hearted? Hindi ba't ako?" Binuka niya ang bibig at isahang sinubo ang nasa kamay niya. Nginuya niya pa iyon ng sobrang ingay.
Napaawang na lang ang bibig ko at hindi umimik.
God.
She's....crazy.
"Kaya ka siguro iniwan ng boyfriend mo..."
Tumingin siya sa akin na puno pa rin ang bibig. "Hmm?" Nakataas ang kilay niya.
"Baliw ka kasi"
"Hindwi acho bwaaliw!" 'hindi ako baliw. Sabi ni Fely na halos lumabas ang mga sitsirya sa bibig niya.
I only shook my head. "Yeah right..."
Nagpatuloy siya sa pagnguya habang nakatingin sa dagat. Hindi naman nakatakas sa aking mata ang pamumugto ng kaniyang mga mata at kaunting sinok dahil sa pag-iyak.
Bumuntong hininga ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nagagawang saktan ng mga lalaki ang mga mahal nila sa buhay tapos pagkatapos saktan tsaka babalikan.
Anong trip nila?
Gaguhan?
"I hope you feel better.." I inhaled the fresh air. "Dito ako tumatambay kapag malungkot ako o kaya naiinis. The calmness of the sea takes away my frustations and pain. It made me relax for a bit."
Tumingin ako sa dagat. Naramdaman kong tumingin siya sa akin kaya naman sumalubong ako sa kaniya. "Gano'n din ba ang nararamdaman mo?" Tanong ko.
I really hope that I made her feel better.
Nilunok ni Fely ang lahat ng sinubo niya kanina bago nagsalita.
"Ewan ko. Nakikita ko lang naman ay asul na dagat. Nakakakalma ba ito?"
I give up. Dapat talaga tinikom ko na lang ang bibig ko.
Hindi 'to matinong kausap.
"Joke lang. Seryoso mo uy" Nagpeace sign siya bago may kaunting ngiting nagpakita sa kaniyang labi. "Syempre nakakarelax."
"Tss" suplado kong sabi bago ko siya pagmasdan. Ngayon ko lang napagmasdan ng maigi ang mukha ni Fely. Kumpara kay Cheena, mas simple lang si Fely. Filipina beauty look. Morena, itim at mahaba ang buhok, bilugan ang mga mata, manipis at mapula ang labi at may matangos na ilong.
Maganda siya. 'Yong simpleng ganda.
Komento ko sa isipan ko.
Mabilis kong winaglit ang komplimento ko sa babaeng kasama ko ngayon. Why I observe and compliment her anyway?
But looking at her, I realize that she is the first person I bring here with me. This is like my secret place. Mas malimit akong tumambay dito lalo na kapag nalulungkot or kaya nasasaktan ako dahil sa relasyon namin ni Cheena.
Two years of hiding our relationship is not a joke.
Naputol lang lahat ng iniisip ko ng may ilahad sya sa harapan ko.
At nang makita kong panyo ko iyon, agad kong iniwas ang sarili.
"Sayo na" iniwasan kong mapangiwi.
"Ang arte mo naman." Nginusuan niya ako.
Napailing na lang ako sa kaniyang tinuran. Kapal!
I handed my handkerchief to wipe her tears hindi para singahan.
Napatingin ulit ako kay Fely. Mabibigat pa din ang paghinga niya pero hindi na umiiyak.
Good.
I think that bring her here would make her relax.
Natahimik ulit ang paligid na ikinarelax ko naman. Kumain lang kami habang nakatanaw sa dagat.
"Kayo ni Cheena? Kamusta na kayo?" Paninimula na naman ni Fely.
Bumigat ang pakiramdam ko habang nakatingin sa malawak na dagat.
"Okay kami..." Okay naman kami. Mapait akong ngumiti. "Bakit mo natanong?"
Naubos na niya yung kaniyang hawak na sitsirya kaya naman kumuha na siya sa sitsiryang hawak ko.
"Wala lang. Napaisip ako kung paano kayo natagal sa patago tago lang"
I also agree with her. Paano nga kami nagtagal? Hindi ko rin akalain na sobra na rin pala ang pasensiya ko.
But I really question myself if I can keep going?
I mean..kakayanin ko pa bang magtiis?
"Don't get me wrong. Ako? Hindi ako...tatagal sa secret relationship." binasa niya ang labi bago minasahe ang kanyang batok. "Paano niyo nagagawa 'yon?"
Mapait akong ngumiti. Maging ako ay hindi gusto ang secret relationship.
"Hindi ko din alam. Siguro pag mahal mo ang isang tao may mga bagay na makakaya mong gawin"
"Boto ako sa'yo"
"Hmm?" I shifted my gaze at her.
"Boto ako sa'yo para sa kaibigan ko." She smiled at me. Hindi ko alam bakit kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.
"You are a nice person. At kung pinili ka ng kaibigan ko, alam kong mabait ka"
I nodded and smiled. I'm flattered.
"Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko ah?"
Kaagad ding nalusaw ang ngiti ko pero tumango ako.
I will try my best to not hurt her.
But my patience is also getting thin. Our relationship is not so steady right now because....I think I'm not happy anymore...
But maybe I can stay longer. Maybe I can endure more. Maybe I will give it a try again.
Lalo na ngayong sinabi ni Fely na huwag kong saktan ang kaibigan niya.
"Haist. Sana ikaw na lang si James....."
Lumungkot na naman ang mukha ni Fely. Bakit kasi pinapasok pa sa usapan?
Hindi ko maiwasang lumapit sa kanya at pinitik ko sya sa noo.
"What the? Bakit mo ako pinitik sa noo?" Sinapo niya ang noo habang masama ang titig sa akin.
I smirked. Kahit papaano ay nakabawi ako sa kaniya.
"Relax your brain. Forget about him for a while. Huwag kang umemote dahil wala ka sa music video."
Ngumuso siya. "Binabawi ko na ang pagiging mabait mo!"
I shrugged and decided not to talk. Masakit sa ulo siyang kausapin.
We remain silent until we finish our foods before going back to the car and heading her to the Coffee Shop.
Hindi siya agad bumaba dahil inoobserbahan pa niya kung naandon pa ang ex niya. Nang makumpirma ay binuksan na nito ang pinto.
"Huwag ka munang umalis. Hintayin mo ako" Aniya pagkatapos lumabas ng kotse.
Naguguluhan man ay hinintay ko siya.
Ano na namang gagawin no'n?
Mga ilang minuto din bago ko siya nakita na lumabas. May hawak hawak siyang kape.
Binuksan ko agad ang binatana ng kotse. Inilahad niya ang kape sa akin.
I frowned. "Why are you giving me a coffee?"
"Pasasalamat ko para sa araw na 'to. Thank you Juade. Kahit papaano napagaan mo ang loob ko."
Tingnan mo nga naman. Marunong rin palang mag thank you.
"Welcome then"
Hindi ko na sana kukunin ang coffee pero mukhang genuine ang kaniyang pagpapasalamat kaya kinuha ko na rin.
At pagkaabot ko ng kape ay hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa.
She just mess my hair!
"Visit my shop kapag may kailangan ka! Naandito lang ako."
Hindi na ako nakapagsalita habang tinatanaw siyang tumalikod at pumasok sa kaniyang shop.
Napatingin ako sa kape bago ko naisipang isarado ang tinted kong bintana. Napahawak ako sa aking uluhan.
Ano ako bata?
I scoffed but a eventually a smile appeared on my lips.
What a crazy woman.