Ang lambot at ang bango...
'Yan agad ang nasa isip ko bago unti-unting nagmulat ang aking mata.
Mabilis kong nilibot ang tingin dahil alam kong istrangherong kwarto ang aking tinulugan.
Kailan pa naging black and white ang theme ng kwarto ko?
Ininat ko ang braso at dahan-dahang bumangon. Kinusot ko ang dalawang mata bago tumutok ang mata ko sa isang malaking picture frame sa harapan.
It was the picture of Cheena and Juade.
Doon ko lang naalala kung bakit ako nakatulog dito.
Pucha! Mabilis kong pinunasan ang gilid ng bibig ko dahil baka naglaway ako.
Ngayon ko lang talaga naconfirm na wala akong hiya.
Ang lakas ko matulog sa ibang bahay!
Mabilis akong napabangon at inayos ang mabango at malinis na kama. Inamoy ko ang mga unan at kinapa kung may basa ba.
Grabe! Nakakahiya talaga.
Inayos ko ang damit ko at ipinuyod ang buhok bago lumabas ng kwarto para hanapin ang gamit ko at para na rin magpaalam kay Cheena o kay Juade pero paglabas na paglabas ko ay nakasalubong ko si Juade na may hawak na damit.
"Buti gising ka na. Nakatulog ka kagabi" aniya.
Napaawang ang bibig ko sa itsura niya ngayon. He's wearing a black dress shirt and a black slack. Magulo pa ang kaniyang buhok at basa pa ito. Alam kong formal ang suot niya. Alam kong ilang beses ko na siyang nakita at napagmasdan ang mukha niya pero bakit parang may kakaiba sa kaniya ngayon?
Bakit ang cute nya sa paningin ko? Damn it! Parang may sumapi sa akin na gustohin kong kurutin ang pisngi niya. Hindi naman iyon chubby pero sa paningin ko ay para iyong squishy na gustong pisilin at panggigilan!
"Earth to Fely" Nakaramdam na lang ako ng pitik sa noo na nagpabalik ng senses ko.
Napakurap ako ng dalawang beses habang nakatingin kay Juade na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin kaya naman mas malapit sa akin ang pisngi niya kaya bago ko pa mapisil ang kaniyang pisngi, mabilis akong lumayo.
Kumunot ang noo niya. "Problema mo?"
Umiling ako bago itinago ko ang kamay sa likod ko.
Magpigil ka!
Ano bang nangyayari sa akin?
"By the way, nauna na si Cheena na umalis dahil may mga gagawin pa siya. Hindi ka namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo." May inabot siya sa akin na damit na alam kong kay Cheena galing dahil medyo girly. "Maligo at magbihis ka na. Damit iyan ni Cheena. Isa pa, napagpaalam ka ni Cheena sa auntie mo kaya wala ka na dapat ikabahala. Another one, I cooked breakfast. Kumain ka na rin bago kita ihatid sa inyo."
Tango na lang ang naisagot ko. Tipid namang ngumiti si Juade bago siya naman ang pumasok sa kwarto niya. Kaagad naman akong nagtungo sa cr para pakalmahin ang sarili ko.
"Ano yon Fely?" Tanong ko sa sarili ko.
Bakit ang cuteb ni Juade sa paningin ko? Bakit all of the sudden ay parang gusto kong kurutin ang pisngi niya?
Napailing ako sa naisip ko. Baliw talaga ako!
Imbis na mag-isip ng mag-isip ay naligo na ako. Good thing at nakakita ako ng pambabaeng body wash at shampoo. Siguradong kay Cheena 'yon.
Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang damit ni Cheena. Mabuti na lang at hindi sleeveless iyon pero hindi ako komportable sa fitted na palda na maong.
Haist. Nakakahiya talaga! Ano kayang itsura ko? Nakakahiya tuloy. Nakita ba ni Juade kung gaano ako kalikot matulog.
Kinuhanan ba ako ni Cheena ng epic pictures? Jusko!
Pero.....
Bakit ako nasa kama? Naaalala kong nakahiga ako sa sofa ah?
At naalala kong may bumuhat sa akin kagabi.
Sure akong hindi si Cheena ang bumuhat sa akin. Paniguradong si.....Juade 'yon.
Biglang nag-init ang pisngi ko. Naalala ko bigla na sumiksik ako sa kaniya at pinulupot ko pa ang braso ko sa kaniyang leeg.
Mabilis kong iniling ang ulo ko.
Tangna!!
Auto limot na yon. Tulog ako eh! Wala lang 'yon.
Lumabas ako ng banyo at kaagad akong dinala ng mga paa ko sa kusina. Nagugutom na rin kasi ako eh. Ang dami ko ngang nakain kahapon pero nakakapagtatakang gutom na naman ako ngayon. Agad naglaway ang aking bagang sa naamoy. Simpleng itlog at bacon lang naman ang nasa harapan ko pero bakit natatakam ako?
"Kumain ka na"
Muntikan na akong atakihin sa biglang pagsasalita ni Juade sa aking likuran.
Kaagad kong tinakpan ang mata ko nang makitang lumampas siya sa akin.
No. Labanan mo ang tukso Fely! Hindi mo pwede pisilin ang pisngi niya.
"What is your problem?" Hindii ko man siya nakikita pero nai-imagine ko 'yong cute niyang kunot na noo look.
Aish!!!! Bakit ang cute!
"Wala!" kaagad kong depensa habang nakatakip pa din ang aking kamay sa aking mata. "Trip ko lang maging bulag ngayong araw"
Ibinuka ko ng kaunti ang daliri ko para lang makakita at nakita ko si Juade na umupo na sa mesa.
Aissh! Sasabat pa siya sa pagkain?!
Akin lang ang mga itlog at bacon!
"Ang lakas naman pala ng trip mo" rinig kong sambit niya at tiningnan niya ako ng seryoso.
"Walang basagan ng trip" sagot ko at pinili kong umupo sa harapan kalihis ng pwesto ni Juade. 'Yong hindi ko siya makikita dahil nangangati ang kamay kong pumisil sa pisngi niya talaga!
"Hindi pa ako baliw katulad mo" He snorted.
Ngumuso lang ako at tinuon na lang ang atensyon sa pagkaing masarap.
"May kanin ka?"
"Wala. Mahilig ka ba sa heavy breakfast?"
Umiling kaagad ako. "Hindi pero feeling ko mabibitin ako dito sa niluto mo?"
"Really? Dalawang bacon at dalawang sunny side up na 'yan ah?"
Napilitan na din akong tumingin sa kaniya. "Natatakam kasi ako"
Napailing ito. "Ang lakas mo palang kumain"
"Hindi naman. Slight lang"
"Slight ba 'yong kagabi?"
"Ikaw may kasalanan no'n. Ang sarap ng luto mo eh"
Kitang kita ko kung paano siya ngumuso para magpigil ng ngiti at kingina!
Ang cuteeeeeeeeee!
"Just e-eat. Nasa living room lang ako if you need something."
Lumabas ito ng kusina na siyang ikinaluwag ng aking pakiramdam. Kingina ang cute niya!!!
I cannot!!!
Ano ba itong nangyayari sa akin?
Cheena I'm sorry pero ang cute talaga ng boyfriend mo. Huhuhuhu
Tinapos ko ang pagkain at talagang nabitin ako. Bakit ang sarap ng luto ng pritong itlog at process food na bacon?
Nababaliw na talaga ako!
Hinugasan ko ang pinagkainan ko bago ako umalis ng kusina. Nakita ko si Juade na nagcecellphone nangingiti pa habang nagbo-browse.
Hala! Ang cute.
Bago ko pa talaga siya masugod at parang gusto kong kagatin yung braso niya ganon din 'yong pisngi niya ay tumikhim na ako.
"Tara na?" Ani ko sa kaniya.
Pinatay niya lang ang kaniyang cellphone at tinago bago sumunod sa akin papalabas.
_____
Juade's POV...
"Saan kita ibababa?" Bumaling ako kay Fely at nakita ko ang mabilisan nitong pagtakip sa kaniyang mukha.
Kumunot ang noo ko.
Hanep ang trip nito.
Talaga bang trip niyang maging bulag ngayon?
"Baka masagasaan tayo. Sa daan ka tumingin!" aniya na ilap pa rin sa akin.
Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Nakastop naman ang light ah? Bakit tayo mababangga?"
"Ay basta safety first" Naramdaman ko na lang ang isa niyang kamay na lumapat sa pisngi ko na may kaunting pisil pa at pilit akong pinatingin sa daan.
"Ang weird mo" naguguluhan kong sambit. Kahapon, kahit papaano ay normal pa siya pero paweird siya ng paweird.
"Saan nga kita ibababa?"
"Sa Cafely na lang"
"Okay" nagkibit balikat na lang ako at muling tumingin sa daan.
Hahayaan ko na lang sya sa trip niya.
Habang tinatahak namin ang daan papuntang Cafely ay naweweirdohan ako kay Fely. She keeps on glancing at me. Kapag naman titingin ako mabilis niyang iniiwas ang kaniyang paningin sa akin.
Damn it. She is hard to read.
Nakarating kami sa Cafely ng sobrang tahimik niya. Ang daldal niya kahapon tapos ang tahimik niya ngayon.
But why I am bothered? Ano naman kung tahimik siya? Okay lang naman kung hindi niya ako kausapin. Fely quietly remove her seatbelt. Akala ko hindi na niya ako kakausapin pa pero nagulat ako ng magsalita siya.
"Hintayin mo ako" she said.
Katulad nung una ko syang hinatid, hindi na ako nakasagot kasi dali-dali siyang bumaba ng kotse.
Bakit kaya pinaghihintay na naman ako noon? Bibigyan ba ako ng kape ulit? Kumapara noong una ay mas matagal siya. I look at my watch. Bumuntong hininga ako. I'm already late. Lagot na naman ako nito kay Jasmin.
Ang aking mataray na trainer.
Siya kasi ang nagtatrain sa akin dahil ako ang magiging susunod na CEO ng kumpanya kapag nagretire na si Dad. I have two sisters pero dahil ako ang panganay, I will take the responsibility to be the next CEO of the company. Kakasimula ko lang pumasok sa kumpanya last year. Bago kasi ako pumasok sa kompanya, hinayaan muna ng magulang ko ang magpakasaya. They allowed me to travel, having fun with my friends and enter the job that I really wanted and once na pumasok na ako sa kompanya, kailangan maging seryoso at dedicated na ako bilang kabayaran sa ilang taong binigay nila sa akin.
At tama nga ang hinala ko. Tadtad na ko ng text ni Jasmin at miss call na rin.
Honestly, I can go without waiting Fely anymore but I didnt because I want to wait.
Pinatay ko na ng tuluyan ang aking cellphone bagp ko natanaw si Fely na may hawak na paperbag at coffee cup.
Napangiti ako ng wala sa oras.
Hindi ko din alam bakit ako ngumiti.
Agad akong nagseryoso nang kumatok siya sa bintana ng kotse. Kaagad ko iyong binuksan and as expected, nilahad niya sa akin ang kaniyang dalahin.
"Thank you sa pagbigay ng libreng pagkain at pag-asikaso sa akin" tumingin ako sa kaniya pero iniwas niya ang kaniyang tingin katulad ng ginagawa niya simula pa ng umaga.
Hindi ko na napigilan. Pagkaabot ko ng kaniyang binigay ng paper bag at coffee, ay pinitik ko ang noo niya.
"Aww!" Daing ni Fely at napahawak siya sa kanyang noo at automatikong sinamaan ako ng tingin. "Ano ba?"
"May problema ba sa akin? Kanina ka pa. Bakit ayaw mong tumitig sa akin? " nagtataka kong tanong.
"Tae naman eh! Kailangan ba titigan kita?" Iniwas niya ulit ang tingin pero nang bumalik ay napanguso na siya.
"May nagawa ba akong mali sayo?" Nag-aalala kong tanong.
It seems odd but I don't want her to be mad at me.
Bumuntong hininga siya bago sumenyas na ilapit ko ang mukha ko sa kaniya and I'm curious that's why I follow her.
At hindi ko inaasahan ang ginawa nya.
Kinurot niya ng matindi ang pisngi ko.
"f**k!" Napahawak ako sa pisngi ko at agad na napalayo sa kaniya. "What the heck is your problem?!"
"Ewan ko. Bigla kasing nangati ang kamay ko at gustong panggigilan ang pisngi mo" sagot niya bago ngumiti.
Fucking reason.
Ang sakit kaya!
Hawak hawak ko parin ang pisngi ko at bahagyang minasahe 'yon bago tumingin sa kaniya. Ngayon ay diretsyo na siya nakatingin. Akala ko aalis na siya pero ipinasok niya ang ulo sa car window.
Iiwas pa sana ako kaso naabot na niya ang buhok ko at bahagyang ginulo 'yon. Katulad dati nanigas ako sa kinatatayuan.
Damn it!
Tuwing ihahatid ko ba siya kailangang guluhin ang buhok ko?
"Salamat ulit. Salamat sa pagbuhat sa iyong kama ah? Palitan mo na lang ng unan baka kasi naglaway ako eh"
Nanatili akong nanigas habang siya naman ay tuluyan ng umalis.
Tiningnan ko sa aking rear mirrror ang aking itsura. Dahil f**k! Namumula ako mula leeg hanggang tainga.
Paano naman kasi! Tangina! Pinaalala niya pa 'yong pagbubuhat ko sa kaniya sa kama.
Kung alam niya lang sana kung anong ginawa niya. Damn it!
Bago pa ako mabaliw ng tuluyan ay kinuha ko ang coffee na bigay ni Fely at ininom iyon bago ko naisipang paandarin ang kotse ko.
Fuck! She's weird!