"Ang lakas mong ipagtabuyan ako tapos may iba ka na rin pala?!"
Hindi ako makaimik. Gusto kong masahihin ang ulo ko sa inis. Kaharap ko ngayon si James at pinaunlakan ko ang huli naming pag-uusap.
Kakaclose lang ng shop at ngayon lang ako nagkaroon ng time para kausapin siya at ito na ang huli dahil hindi ko na talaga siya kakausapin pa!
"Bakit ka tahimik? Kailan pa? Matagal na ba kayo magkarelasyon? Kailan mo pa ako niloloko—"
"WOW JAMES!" Sarkisto kong sabi bago ko siya sininghalan. "Talaga ba? Ako ba talaga ang nagloko?"
Kaagad niyang naiatras ang dila pero saglit lang dahil kaagad din siyang rumebat.
"Parehas tayo!" Sagot niya pa.
Huminga ako ng malalim. I was planning to tell him the truth about me and Juade but suspecting me that I cheat?
Aba! Kahit kailan hindi ko nagawang magloko. Loyal na loyal ako sa kaniya!
Dahil diyan wala na akong sasabihin.
"Huwag mo akong igagaya sayo James!" Padabog akong tumayo at hinampas ang mesa habang nakatutok ang mata ko sa kaniya. "Ikaw ang nagloko. Ikaw ang nakipagsex sa iba kaya huwag mong ibalik sa akin na ako ang nagloko. And about Juade, so what kung magkarelasyon nga kami? Break na tayo hindi ba?"
"Fely..." may pagsisisi sa mata niya. "S-sorry na.."
Umiling ako. "Ito na ang huling araw na makakausap mo ako. Huwag ka na ulit pupunta dito ah?"
"Please..." he desperately pleaded. "Let's be together.."
Tumayo siya para lapitan ako pero mabilis kong nakuha ang bangko.
"Sige! Lapit! Nang mabangasan ko ng bangko 'yang mukha mo!"
Hinawakan ko ng mahigpit ang bangkuan at hindi talaga ako nagbibiro. Ibabato ko talaga sa kaniya ito!
Bagsak balikat na huminga ng malalim si James, admitting his defeat. Tahimik siyang umalis at hindi na ako muling nilapitan pa.
Binebelatan at sinasamaan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Doon lang ako naging kalmado at binaba na muli ang bangkong nangangalay na akong buhatin.
Sinarado ko ang shop at kaagad na umuwi.
"Hindi ka ba kakain?" Salubong sa akin ni Auntie na nagluto ng masarap na pritong bangus.
Nakakatakam makita pero wala akong ganang kumain.
"Hindi na Auntie. Inaantok na ako eh.."
Ilang araw na rin akong ganito. Mahina ang appetite ko at masama ang mood ko araw-araw. Parang may gusto akong hanapin na hindi ko mahanap.
Ganito ba talaga kapag galing sa break up?
Nag-goodnight kiss muna ako kay Auntie bago pumanik sa itaas. Naghalf bath muna ako bago nagpatuyo ng buhok.
Pakiramdam ko pagod na pagod na ang aking katawan at panay ang hikab.
Hindi naman ako ganito dati. Kaya ko ngang hindi matulog buong magdamag.
Matapos kong magpatuyo ng buhok ay ready na ako matulog kaso biglang nagring ang phone ko.
Nakita ko ang pangalan ni Cheena sa screen kaya kaagad kong sinagot.
"Hello..." medyo garalgal ang boses ko dahil patulog na talaga ako.
"Goodevening Fe! I just want to know if kumain ka na?"
Umiling ako kahit wala naman siya dito bago ako sumagot. "Hindi pa. Wala akong ganan—"
"Great! May niluto kasi si Juade na chicken sweet garlic chicken wings kaso on a strict diet ako ngayon. Mayroon kasi akong dadaluhang fashion show. Hindi naman namin ito mauubos kaya kung gusto—"
"GUSTO KO!" Putol ko kay Cheena.
My eyes sparkle in joy. Nanuyot ang lalamunan ko ng marinig ang sweet garlic chicken wings made by Juade. It's like iyon ang hinahanap kong kainin this past few days.
Cheena chuckled on the line. "Okay. Come here at Juade's condo. I'll send you the address and before I forgot, behave sissy"
Ngumuso ako. Behave naman ako eh.
Nakapanjama na ako at tutal gabi naman ay hindi na ako nagpalit. Nagpatong na lang ako ng makapal na jacket.
At sinong walang hiyang nakapantulog na pumara ng taxi? Malamang ako 'yon.
Buong minutong nangunguyakoy ako sa loob ng taxi dahil sa excitement. Naglalaway ata ako dahil lang naiisip ko kaagad 'yong masarap na putahe.
Wala na ang antok sa sistema ko.
Sinalubong ako ni Cheena sa labas ng condo. As always, she wears her baseball cap and a mask that cover her whole face except for her eyes.
Kaagad kong ipunulupot ang braso sa kaniya at hinila siya papasok.
Oo. Alam kong welcome ako dito sa building na ito.
"Siguraduhin mo lang masarap yung niluto ng boyfriend mo ah? Gusto ko matikman!"
Pakiramdam ko may star na ang dalawang mata ko sa sobrang excitement.
Cheena chuckled. "What's wrong with you? Ngayon ka lang ba makakatikim ng gano'ng luto?"
Umiling ako. Nakakain naman ako noon pero ewan ko ba. Natatakam ako.
"Baka dahil libre 'yong pagkain" sagot ko na lang.
Tinawanan naman ako ni Cheena.
Ngumuso na lang ako habang tangay tangay ni Chee ang aking braso papasok ng elevator.
"Hindi ba ako nakakaistorbo sa inyong bebe time?" Tanong ko muli. Ngayon ko lang naalala na bebe time nga pala nila tapos ang alam ko ay minsan lang sila magkatime tapos sisirain ko pa.
Ang kapal naman talaga ng mukha ko.
"Hindi ah! Understanding naman yon."
"Pero hindi ba nakakahiya?"
"Fe, 'wag mong sabihing may hiya ka sa katawan?"
Napatahimik ako. Guilty!
Sabi ko nga makapal mukha ko.
Pagbukas na pagbukas ng elevator ay hinila na ako ni Cheena papalabas. Para itong excited na bata na dinala sa pinakadulo ng hallway. Sa pinakadulo kami tumigil. The door is a password lock. May pinindot siyang passcode bago bumukas ang pintuan at bumungad sa akin ang napakagandang condo.
Modern ang design. Ang theme sa loob ay black and white. Nagbleblend naman ang kulay kaya sobrang ganda.
"Baby! Fely is here!" Sigaw ni Chee.
Biglang lumabas ang isa sa mga gwapong lalaking kilala ko mula sa kusina. He's wearing a black sweater and a pair of black short.
I saw Juade cleared his throat. "Hey, welcome at my condo"
Ngumiti ako sa kaniya. The tension between us is disappeared. Pakiramdam ko naging close kami after no'ng nangyari noong isang araw.
And about our mistake?
Hindi ko na masiyadong iniisip.
"Thank you. Sabi ni Chee nagluto ka daw? Pahingi ah? Nagugutom na ako"
Wala sa sarili siyang tumango. "It's in the kitchen"
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Great! Pwedeng pakielaman ang kusina mo diba?"
Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Juade pero mabilis na tumango. "Okay."
Napalakpak ako sa sobrang excitement. 'Yon naman talaga ang habol ko eh. Ang sweet garlic chicken wings ala Juade.
Iniwan ko si Cheena sa living room at kaagad na nagtungo sa kusina. I've heard na nag-uusap ang dalawa pero wala akong pake doon.
Agad akong kumuha ng pinggan at kanin. Tiningnan ko ang ulam at agad akong naglaway sa naamoy.
Damn it! Amoy pa lang!
Akmang sasandok na ako ng ulam nang makarinig ako ng pagtikhim. Tumingin ako sa kanila. Si Cheena na mahinang tumatawa habang salubong naman ang kilay ni Juade.
"Why? Hindi ba't ito naman talaga ang ipinunta ko? Ang libreng pagkain?" Takang tanong ko na nakatingin sa mata ni Juade.
Umawang ang bibig niya tila ba hindi siya makapaniwala sa bawat sinasabi ko.
"I told you, walang hiya siya baby" narinig ko pang bulong ni Chee na tumatawa pa.
Ngumuso ako bago sinamaan ng tingin si Chee. "Chee slight lang naman ah?"
Napailing na lang si Cheena at hinila ang boyfie niya paupo sa hindi kalakihang dining table na kakasya lang ay apat na katao.
Bale kaharap ko ang magjowa. Kung hindi lang sa pagkain hindi talaga ako pupunta.
Punyemas. Gagawin pa kong bitter ng dalawang ito.
Don't you worry Fely. Food is life. Single is life. Hindi mo kailangan ng malibog na jowa na naghanap ng babae para sa s*x.
Vegetable salad lang daw ang kakainin ni Chee kaya naman mas tutok ang mata ko kay Juade. Kumuha siya ng dalawang chicken wings. Akmang kukuha pa siya nang pigilan ko na siya.
Nasasaktan ako kapag kinukuha niya 'yong chicken wings. Paano ba naman, nakikita kong umiiyak ang mga chicken wings kapag hinihiwalay sila sa dapat na kumain sa kanila.
"Two is enough. This is mine" possessive kong sabi at talagang nilayo ko na 'yong container sa kaniya.
Don't worry mga bebe chicken wings. Ako lang ang kakain sa inyo.
Umawang na naman ang bibig ni Juade bago ilang segundo din ay tumikhim.
"Okay. If you want those then...it's all yours.." sabi niya.
Mawalak naman akong ngumiti. "Wow. Salamat ah? Ang bait mo naman!"
"Hoy Fe, mahiya ka naman" sita sa akin ni Chee.
"It's okay baby. Mukhang takam na takam siya doon sa pagkain" Pigil ni Juade kay Cheena.
Pinandilatan ako ng mata ni Chee pero isang masayang ngisi lang ang sinagot ko.
Siguro nagtataka siya sa pagiging possessive ko sa pagkain ko. Hindi naman ako ganito pero kasi isang linggo na akong walang masyadong kain. Naging choosy kasi panlasa ko kaya naman nang makita ko 'yong luto ni Juade, kqagad akong natakam. Ngangayon na lang ulit bumalik ang pagkagana ko kaya lulubusin ko na.
Nagsimula na akong kumain at ang sarap ng luto ni Juade! 'Yong feeling na napapaungol ako sa sarap.
"Masarap ano?" Tanong ni Chee na natatawa akong pinapanood.
Malapad akong ngumiti kahit marami pang laman ang bibig ko bago tumingin kay Juade. He's smiling but secretly.
"Super!" Masayang sagot ko bago ngumuya muna at nilunok ang kinakain ko bago muling bumaling sa binata. "Pwede ba kitang ihire na chef ko? Sarap mo magluto kasi!"
Mukhang aliw na aliw ang binata sa binibigay kong atensyon sa luto niya. "'Wag na. Paluto ka na lang sa akin tapos bayaran mo na lang ako"
"Deal!" Agad kong sagot.
Natatawang bumaling sa akin si Juade. "Joke lang. Pwede kang magpaluto sa akin tutal bestfriend ka naman ng girlfriend ko. Sayo nga lang ingridients"
"Sige. Deal yan. Araw araw ah?"
Hindi ako sineryoso ni Juade pero ang totoo seryoso ako. Wala lang sa itsura ko.
"Wow Fe, nasimot mo ang kanin pati 'yong ulam"
Kahit ako hindi ako makapaniwala na mauubos ko yung ulam pati yung kanin. Ano bang nangyayare sa akin? Parang ang lakas ko naman atang kumain?
"Hindi ko din akalain Chee. Siguro dahil wala akong ganang kumain noong mga nakaraang araw"
"Why? Dahil ba sa break up niyo?" Nag-aalang humarap si Cheena sa akin at hinawakan ang aking katawan. "Huwag mo pabayaan ang sarili mo! Glow up dapat tayo, hindi glow down"
Ngumuso ako. "Inaalagaan ko naman. Nawalan lang ako ng gana kaya eto napalakas ang kain ko"
Ngumiti si Cheena. "Buti na lang pala inaya kita."
"Buti na la—" dumighay ako sa sobrang kabusugan.
Ang dami kong nakain. Ang yummy!
"Halika at samahan mo ako sa baba para matunawan ka Fe"
Hindi na ako nakaangal pa. Nagpaalam siya kay Juade na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan bago niya ako hinila papalabas.
"Thank you sa pagpunta ah?" Ani ni Cheena pagkababa namin sa pinakaground floor. Palabas na kami ngayon ng building.
"No problem Chee."
Dahil 'yon sa chicken wings.
Pumulupot ang braso niya sa akin bago isinandal ang pisngi sa aking balikat. "Buti na lang talaga at pumunta ka. Buti na lang at gumanda na din ang mood niya pagkatapos mong maubos ang niluto niya. I feel bad pa naman since hindi ko pwedeng kainin ang niluto niya. I'm on a diet na kasi sis. Niluto niya para sa akin 'yon kaya thank you dahil kahit papaano ay nag-lighten ang mood niya dahil sa enjoy mong pagkain"
Ramdam ko kung paano nasaktan si Juade. Kahit siguro ako mawawala sa mood after mong ipagluto ang mahal mo tapos hindi rin pala kakainin?
"Well....masarap siya magluto" pagdadahilan ko habang naglalakad kami. Madilim ang paligid ngunit lumiliwanag dahil sa street lights na nagkalat at sa ilaw ng mga establishimentong bukas pa hanggang ngayon. Marami pa ring taong nasa labas sapagkat medyo maaga pa.
"Hayst buti na lang naandyan ka. Minsan naguguilty na rin ako sa sobrang understanding niya. I mean do I deserve him? He always understand me until he can. Minsan feeling ko ang unfair ko na sa kaniya Fe"
"Isipin mo na lang na swerte ka at may boyfriend kang katulad ni Juade" napangiti ako. "Gwapo na understanding pa. Isa pa, he loves you kaya 'wag mo papakawalan ha? Baka agawin ko charot!"
Tumawa si Chee bago nagkunwaring sumama ang tingin sa akin. "'Yan ang 'wag mong gagawin Fe! F.O talaga tayo!"
"By the way kamusta ang pagaartista?" Pagshift ko ng usapan.
"Busy! Daming schedules pero masaya. Lalo na kapag nakikita mo 'yong fans na sumusuporta sa'yo. I feel love"
"Pero tanong lang, kung papipiliin ka, is it your career or your lovelife?"
"Honestly I don't know. Parehas ko kasing gusto"
Nagkibit balikat ako. "Pero Chee, kaunting payo lang. May hangganan ang pag-intindi ng tao. Juade is very understanding but I can see that he's hurting"
Bigla kong naalala kung gaano kalungkot si Juade nang magkita kami sa bar. I could see his love from her but I could see his pain.
Bahagyang binaba niya ang kaniyang shades at kita ko ang lungkot sa mata nya. "I know. That's why I'm trying my best to give him the reason to hold on in our relationship"
Napanguso ako at naguilty ng sobra dahil nalungkot si Chee. "I'm sorry" agad kong pagpapaumanhin.
Agad namang nawala ang lungkot sa kanya at ngumiti sa akin. "It's okay Fe. Thank you dahil naandito ka. Dati kasi wala akong mapaglabasan ng problema"
"Bakit mo kasi tinago sa akin"
Ngumuso siya. "Takot lang kasi talaga ako na kumalat ang relasyon namin. Gusto ko sana if possible ay kami lang nakakaalam. Kapag kasi maraming nakakaalam, mas may tendency na kumalat. I'm just being safe"
Umiling na lang ako. Minsan hindi ako boto sa mga desisyon ni Cheena pero kung iyon ang tingin niya, wala akong magagawa.
Support lang ang kaya ko.
Niyaya ako ni Cheena sa isang convenience store para bumili ng snacks para daw sa movie marathon.
"Tingin mo anong magandang panoorin?"
"Kahit ano basta animated movie" sagot ko habang pabalik kami sa condo unit ni Juade.
"Hays I want action pa naman Fe"
"May animated movie naman na may action. Sige na! Animated movie na" pamimilit ko.
"Okay sis. You won!"
Ngingisi lang ako habang pinipindot na ni Cheena ang passcode sa unit ni Juade.
Pagpasok namin ay nakita namin si Juade na nasa living room. Nakaupo doon at nakabukas na ang malaking flat screen tv.
"Baby we are here na!" Inilapag ni Chee ang pinamili namin at kaagad na umupo sa hita ni Juade. Yumakap si Chee at hinalikan si Juade sa harap ko mismo.
I showed my digust face.
Yuck!
Iw!
"Anong pinamili nyo?" Tanong ni Juade na binuklat ang mga plastic bags habang nakaupo sa hita niya ang bestfriend ko.
Kaloka! Miyembro rin pala ng PDA 'to.
"Snacks and drinks. Movie marathon tayo"
Kita ko ang pagsulyap sa akin si Juade. "Bakit nakatayo ka pa dyan?"
"Uupo na nga" nakanguso kong sabi bago umupo sa sahig.
"Anong movie?" Tanong ni Juade na hawak hawak na ang remote at naghahanap na ng movie sa netflix.
"Animated. Kahit ano basta animated" sagot ko.
Wala namang reklamo at kaagad siyang naghanap ng animated movie. At the half of the movie ay nasa sahig pa ako. Kumakain ng snacks habang nanonood. Wala akong pake sa landian ng dalawa sa sofa kaso nga lang nakaramdam ako ng antok.
Isa din ito sa mga kakaibang nararamdaman ko noong mga nakaraang araw. Napapadalas ang pagkaantok ko pero sa totoo lang, isa ako sa mga laging puyat.
"Nangangalay ka na ba dyan Fe? Umakyat ka dito"
Agad akong sumunod kay Chee. Kinuha ko pa nga 'yong pillow sa sofa at inilagay 'yon sa hita ni Chee para humiga.
Wala na akong pake sa bebe time nila. Inaantok na ako!
Cheena doesn't care at all. Nanonood pa rin siya at minsan kinakausap si Juade habang ako naman ay unti-unti ng bumababa ang talukap at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Namalayan ko na lang na umangat ako mula sa aking kinahihigaan. Gusto kong imulat ang aking mata ngunit pilit akong hinihila ng halimuyak ng amoy ng taong bumubuhat sa akin na matulog na lang. Naramdaman ko na lang ang sarili na sumiksik at ipinulupot ang aking braso sa matipunong leeg ng kung sino mang bumubuhat sa akin.