CHAPTER 8

2101 Words
Juade's POV "Hay nako Corpuz! Bakit ka late?" Nakahanda ang mataas na arko ng kilay ni Jasmin pagkasalubong sa akin. Hindi na ako nagulat dahil inasahan ko na. I just smile apogetically. "Sorry. May inisikaso lang" "Nako Corpuz, hindi porket ang pamilya niyo ang may ari ng kompanya na ito ay hindi ibig sabihin ay malalate ka sa trabaho. Ang dami mo pang kailangang pag-aralan at hindi ba't kailangan na kita ilipat ng departamento? Umayos ka ah!" Ngumiwi ako sa sermon niya. Naiintindihan ko naman ang kaniyang sinabi. Ako din naman ang may kasalanan. Kailangan din niyang maging istrikto dahil siya ang malalagot sa parents ko kapag nagkataon. Bilang peace offering, inilahad ko sa kaniya yung dala kong paperbag na bigay sa akin ni Fely. "Eto papeace offering" Dalawang slice kasi 'yon ng cake. Isang chocolate flavor at isang strawberry. Nagkataon na 'di ako mahilig sa strawberry flavor kaya maganda na itong peace offering. Phew! Fely save the day. "Sorry. I won't do it again." Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang effective naman ang peace offering ko. Nawala na ang kunot sa noo ni Jasmin at kinuha sa akin 'yong paperbag. "Dapat lang Corpuz. Punctuality is a policy Juade. Mahalaga ang oras sa pagtatrabaho. Naiintindihan mo ba?" I nodded and stand straight. "Yes ma'am" "Aish! Halika na. Sa marketing department ka ngayon. Magsisimula ka sa mababang position. Make sure to take notes and observe okay?" Nauna siyang maglakad at sumunod lang ako. Nagsimula ang training ko. First day ko ay mayroon na agad sa aking inatas. Kilala nila ako bilang anak ng may-ari but I'm amaze that they didn't treat like a boss. They are harsh and strict too. Siguro natakot din sila. Kahit strikto sila ay tinulungan naman nila ako pero nakakapagod talaga mag-adjust kaya naman sa lunch time ay gutom na gutom ako. "Corpuz!" Napatayo ako mula sa aking cubicle. Akala ko lunch time na? Tumingin ako kay Jasmin na dali-daling pumunta sa akin at may inabot na sulat with one thousand on it. "What is this?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Kaya ka pala nalalate! Hmp!" Hindi na ako nakapagsalita pa dahil mabilis at matunog ang mga pag-apak nito paalis. Napamasahe na lang ako ng batok bago tiningnan ang binigay sa akin ni Jasmin. Bakit may one thousand? Tiningnan ko naman ang kapirasong papel. Nakafold 'yon kaya kinailangan ko pang buklatin at hindi ko inasahan na may sulat iyon. And I didn't expect that it's from Fely. Hi! Alam kong nakakahiya pero pwede mo ba akong ipagluto? Kahit anong putahe okay lang. Lately kasi naging maselang ang panglasa ko. Tsaka lang ako nagkagana kumain 'nong kumain ako ng chicken wings na luto mo. So if pwede, pagluto mo ako at baka ganahan ako ulit. Thank you in advance!!!! Ipagpapray ko ang relasyon niyo ni Cheena hehe. Hintayin kita sa Cafely -Felynamaganda Nanatili ang tingin ko sa sulat ng ilang segundo bago muling napatingin sa isang libo. Talaga bang sineryoso niya 'yong biro ko kagabi? At anong kinalaman ng luto ko sa panlasa niya? Wala naman akong nilalagay na secret na pampalasa, Kailangan luto ko ang kainin niya para lang ganahan siya? Tsk! Ganoon ba ako kagaling magluto? Ni hindi nga ako nag-aral ng culinary arts. I only know the basic when it comes to cooking. Tsk. Bigla pa tuloy lumaki ang ulo ko kay Fely. Tumayo na ako. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Rev. Si Rev ang bestfriend ko at malapit lang ang kaniyang restaurant dito. Doon na lang ako magluluto. Sakto at lunch time na. Hindi na rin ako makakapaggrocery dahil iisang oras lang naman ang nakalaan para sa lunch time. "Oh bro bakit?" Ani ni Rev pagkasagot ng tawag. "Can I use your kitchen? I wanna cook something" "Kailangan mo pa ba magtanong? Just come here bro, I'll ready the kitchen in the office for you" "And also, can you prepare my ingridients? Babayaran ko na lang lahat ng nakuha ko" "I don't believe you. May bayad talaga?" Rinig talaga sa himig niya ang pagdududa. Tumawa ako. "Why not. Marami akong pera" "Marami ngang pera 'di naman nagbabayad. By the way, just go here. Text mo lahat ng ingridients na kailangan mo para maiprepare ko na rin. Bayaran mo na lang ako ng barbeque at beer." "Salamat bro." Ngumiti ako ng tagumpay bago ni-text ang mga ingridients para sa lulutuin ko at hindi lang yun, nagfavor na rin ako na hiwain na niya. Isang malutong na CAPSLOCK na mura ang natanggap ko pero may kasunod naman na 'got it' Rev, Rev, Rev, Talaga namang maaasahan. Nagpaalam muna ako kay Jasmin. Sabi ko ay kakain ako ng lunch sa malapit na restaurant dito. Pumayag siya pero binilin niya ang oras. Kailangan daw dumating ako sa tamang oras. Tumango lang ako sa kaniya at dali-daling umalis ng building. Nakarating ako sa restaurant ilang minuto lang. Malapit lang kasi talaga tapos nagkotse pa ako. Sumalubong sa akin si Rev pagbaba ko ng kotse. Nagsignature hand shake pa kami bago niya ako akbayan. "Okay na ba lahat?" "Oo. Nagpatulong ako sa iilan kong tiga luto dito. Naabala ko pa breaktime nila" "Pasensya. Kailangan ko lang kasi magluto ngayon" Nakapasok na kami ng office niya. Malaki ang kaniyang office kaya may kusina din. "Why? Anong pagdiriwang? Bakit kailangan magluto?" Tanong ni Rev. Nagtungo ako sa kusina niya. At katulad ng sabi ko ay nakahanda na lahat ng lulutuin ko para sa pininyahang manok na lulutuin ko. "Bakit kailangan may selebrasyon?" "Tsk. Bigla ka kayang tumawag. Sabihin mo na kung para saan yan" Binuksan ko na ang stove para simulan na ang pagluluto bago sinagot si Rev. Kukulitin lang ako niyan kapag 'di ko sinagot. "May nagpaluto lang sa akin" "Sino 'yan? Ganyan ba siya kaimportante para magpaluto sa'yo ng biglaan? Si Cheena ba?" Isa siya sa may alam ng relasyon namin ni Cheena. I mean, sila lang palang dalawa ni Fely ang may alam. Even my parents doesn't know her but they know I have a girlfriend. "Just a friend" sagot ko. "Girl or boy?" Kumunot ang noo ko bago sinimulan ng ilagay ang mga dapat ilagay sa kawali. "Girl" diretsyong sagot. Biglang lumapit sa akin si Rev at may binulong. "Are you cheating?" Kaagad ko siyang nilayo sa akin."What? no!" Ano bang sinasabi ng gagong 'to? I will never cheat. I know how bad cheating is. Isa pa, may dalawa akong kapatid na babae. Hindi ko gagawin 'yon. But you already cheat. Bulong ng inner mind ko. Nanigas ako sa kinatatayuan at namali ng interpretation si Rev na kaagad na binigyan ng kahulugan ang ginawa ko. "Sino tong babaeng nilulutuan mo? Bakit mo nilulutuan? Ikaw Juade...wala akong update sa buhay mo ah?" "She's Cheena bestfriend" tipid ko muling sagot at nilagay na ang manok sa kawali. What happened between me and Fely is nothing. It is a mistake. It is not cheating. Iyon na lang ang pinasok sa isip ko. We agreed on that kaya dapat kalimutan ko na. "Nako bestfriend pa" bulong pa ni Rev kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ngayon sa usapan namin. Sinuntok ko ang braso niya. "Huwag kang magisip ng masama. Upakan kita" Humalakhak lang ito papalabas ng opisina niya at ako'y nagpatuloy lang sa pagluluto. I'd make sure that it will be delicious because I wanted to see that kind of reaction again from Fely. Para akong tangang ngumiti habang nagluluto. Nakakainis! ngayon lang ako nakakita ng gano'ng reaksyon habang kumakain ng luto ko. She totally enjoy it. As in naubos na niya ang ulam. Pati kanin... Ano klaseng halimaw sa tiyan kaya ang meron sa kaniya? I almost forgot that she's weird. Natapos ako mag 11:40 na ng tanghali. Pupunta pa ako sa cafely mga 20 minutes din. Alam kong malalate ako pero siguro kaya ko namang humabol. Nanghiram ako ng container kay Rev at nagpaalam bago dali-daling lumabas at sumakay ng kotse para agad na makaalis. Actually, I didn't know why I'm doing this? Talaga bang pinagluto ko siya? Mas mabilis akong nakarating sa Cafely. Mukhang umayon ang araw na wala masyadong traffic. Sinalubong ako ng tunog ng chimes pagpasok ko sa Cafely. Ngangayon lang ako nakapasok dito. The ambiance and design inside is refreshing in the eyes. Green and brown ang color theme sa loob. It's like you are in the forest. May nakita rin akong mga fake na halaman na nagpaganda lalo ng design. Dumiretsyo ako sa counter. Isang medyo mid 40's ang nasa counter. Mabilis na lumapad ang ngiti nito sa akin. "Good afternoon. Welcome to Cafely. Ano pong order nila?" "Uhmm...'di ako oorder. I will ask if Fely is he—" "Juade!" Napatingin kaming parehas kay Fely na kakapasok lang ng shop. She's smiling brightly habang kumakaway sa akin. Lumibot ang tingin ko sa ilang customer na naandito. Nakuha namin atensyon nila pero saglit lang naman. Nang makalapit siya sa akin ay imbis na batiin ako ay nagtungo siya sa dala dala kong container. Great. "Anong niluto mo?" Masayang masayang ani niya habang excited na binubuksan ang dala kong pagkain. I showed a contented smile. Damn it. Gan'yan s'ya ka-excited? I'm flattered. "Pininyahang mano—" "Amoy palang nakakatakam" putol niya ulit sa sasabihin ko. Nabuksan na kasi niya 'yong container na dala ko. Tumingin siya sa akin bago sinara ulit ang container. Nang mapansing nakaharang kami sa counter ay sinarado niya ang container at nilagay ulit sa bag bago ako hinawakan sa braso. "Hey I will just coming by" kaagad na pigil ko pero she's persistent. "Halika sa opisina kong maliit sa loob--" "Hoy Fely. Sino yang lalaking 'yan?" Lumingon ako sa babaeng nasa mid 40's na nakataas ang kilay kay Fely. "Ay oo nga pala Auntie. Hindi ko naipakilala" inakbayan ako ni Fely. Hindi na ako nakawala pa at napayuko ng kaunti dahil maliit siya sa akin. Saglit na napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Bakit ba lagi akong nagugulat sa mga unexpected action niya? Manhid ba siya? O feeling close lang talaga siya. "Siya si Juade Alexander Corpuz, chef ko!" Chef? Napailing na lang ako bago tumango at ngumiti sa Auntie nya para magbigay ng galang. "Hello po" bati ko. Tinaasan lang niya ulit ng kilay si Fely. Ngumuso lang itong katabi ko bago ako hinila papasok sa kaniyang sinasabing maliit na opisina. Tingin ko ay magtatagal pa talaga ako. Pink ang kulay ng kaniyang maliit na opisina. May maliit na table at visitor chair at sofa na maliit sa gilid. May iilang drawers for files. "Akala ko hindi mo na nabasa yung letter. Nahihiya kasi ako kung personal kong sasabihin." May hiya pa pala. Bumalik ang tingin ko kay Fely. Nakaupo na ito sa kaniyang swivel chair, inilapag ang container sa table niya at may kinuha pa sya sa ilalim ng table niya. Pinggan, kutsara at container ng kanin at isang thumbler. Pinagkiskis niya ang mga palad bago umangat ang tingin sa akin. "Thank you talaga kanina pa ako hindi kumakain. Sinusuka ko lang kinakain ko kanina eh" Umupo ako sa may sofa. So she's not lying about having weird taste buds. Weird naman talaga siya. "At yung luto ko hindi mo sinusuka?" Tumango siya sa akin. "I don't know why but...yeah kinda." Tumahimik na lang ako at hindi na siya sinagot. Ang weird. Anong kinalaman ng luto ko sa taste buds niya? "Here, kumain ka din" Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Doon sa visitor seat sa harapan ng table niya. At dahil hindi pa ako naglulunch at nakaramdam ng gutom, lumapit ako sa kanuya at umupo sa visitor chair. May kinuha siya muli sa ibaba. Another set of plate and spoon and fork. Inilatag niya ito sa harapan ko at nilagyan ng kanin ang aking plato. Inilipat niya sa gitna ng table ang ulam. "Oh ayan. Kumain ka ng marami" ngumiti siya sa akin bago sumandok na din sya ng kanin. Napatingin ako sa kanya. Himala, akala ko magiging possessive siya sa pagkain haha. Nagkibit balikat ako bago kumuha ng sapat na ulam sa aking plato at susubo na sana nang magvibrate ang cellphone ko. Unang pumasok kaagad sa isip ko... Jasmin! Lintik! I forgot that I have a work today. "Wow! Ang sarap talaga Juade!! Ang sarap mo magluto. Sana ol talaga!" Fely cheerfully said. But.... I look at Fely. Her eyes are sparkling and her lips are smiling widely while moaning how delicious my cook was. Paano ako aalis nito? Namalayan ko na lang ang sarili kong pinatay ang cellphone at nagpatuloy lang kumain kasabay siya. I know that later I will regret it but it's okay. Staying here is f*****g worth it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD