Fely's POV...
"Sino yon?" Matalim ang titig sa akin ni Auntie pag alis ni Juade. Mukha ngang nagmamadali pa siya dahil tumatakbo paalis. May appointment 'yon? Naistorbo ko ata siya.
"Chef ko nga" sagot ko kay Auntie habang naghinimas ko ang tiyan na busog habang sinasagot siya.
Ang sarap talaga!
Mabuti at mayroon pang natira para may pagkain pa ko mamayang gabi.
Hindi ko talaga inasahan na magluluto talaga siya. Ni-try ko lang naman magsulat kasi nahihiya talaga ako magsabi.
Hehe ang bait ng boyfriend ni Cheena.
At ang cute pa!
Kung alam niyo lang kung paano ako magpigil kurutin ang pisngi niya.
"Anong chef? Hoy! Lalake mo 'yon noh?"
"Hindi nga. Ewan ko sayo Auntie. Porket sinusuka ko luto mo tapos 'yong kaniya hindi galit na gali--"
"Aba! Ikaw na bata ka!"
Humalakhak ako bago sinuot ang apron at cap ko para sana palitan muna si Auntie sa counter. Wala si Judith ngayon dahil rest day niya.
"Tsk. Ang sama ng ugali mong bata ka. Ikaw na pinagluluto tapos sinusuka mo pa. Dati pinupuri mo anng luto ko ah? Humanap ka pa ng chef na gwapo! Kabwisit ka talaga"
Halatang nagtatampo si Auntie kaya naman niyakap ko siya. "Sorry Auntie. I didn't mean that. Kaso...ayaw talaga tanggapin ng katawan ko 'yong luto--"
"Che!" Kumalas sa yakap si Auntie bago nagtungo sa loob.
Ngumuso lang ako bago nagtungo sa counter.
"Bakit? Ginusto ko ba ito?" Bulong ko sa sarili ko.
Kasalanan ko ba kung 'yong luto lang ni Juade ang kinakain ko? Hindi ko nga alam kung baket sa kaniyang luto lang ako ginaganahan.
Ano bang problema sa akin?
___
Lumipas ang isang linggo. Juade never failed to cook for me. Tuwing umaga ay may dala dala na syang container ng ulam. Iba iba kada araw.
Naging routine na 'yon. Nagkakagana lang akong kumain kapag luto niya. Kahit anong putahe basta luto niya.
"Nananaba ka ma'am ah? Ang lakas mo ata kumain" ani ni Judith pagpasok sa Cafely.
"Kasalanan to ng chef ko. Ang sarap magluto"
Totoo naman. Napapalakas ang kain ko this few days at aminadong nagdagdagan ang aking timbang.
"Chef mo lang ba talaga 'yon Ma'am? Ang gwapo gwapo kaya" Lumapit pa siya sa akin bago ako kinurot sa tagiliran.
Aray naman!
"Sabihin mo saken ma'am, nanliligaw 'yon sayo noh? Or kayo n--"
"Baliw. May girlfriend 'yong tao"
Napa 'Oh' na lang si Judith at nagpaalam para magbihis at maghanda na sa kaniyang pagpasok.
Ewan ko ba sa mga tao. Porket dinadalhan ng lunch mag on na agad? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang? Lahat isyu!!
Hala! biglang nag-init ulo ko.
Ang daming nagbago sa akin. Nagpapalit palit ako ng mood sa isang araw. Depende sa taong makikita ko. Isang araw nasigawan ko 'yong isang customer dahil napakabagal umorder. Hindi na tuloy ako pinagcounter ni Auntie. Nasa coffee maker station na lang ako ngayon.
Hindi lang 'yon ang nagbago sa akin. Everyday hinahanap ko ang presensya ni Juade sa 'di malamang dahilan.
Luto lang ni Juade ang kinakain ko wala ng iba pa. Nagtatry akong kumain ng luto ng iba or kaya bili lang sa kanto lahat ng iyon sinusuka ko. Minsan nakakain ko naman pero mabilis ako mawalan ng gana. Tapos lumakas talaga ako kumain. Ang laki na ng timbang ko.
Dahil ba ito sa broken hearted ako? Nakakapanibago. But I know something is wrong with my body.
"Isang Ice Americano Fely sa number 10" tawag ni Auntie sa akin.
"Coming up" matamlay kong ani bago nagsimula ulit magtrabaho.
Iyon ang nasa isip ko kahit pag-uwi. Nararamdaman ko ang titig ni Auntie sa akin. Siguro naninibago sa aking katahimikan.
Pero tahimik naman talaga ako eh.
"Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ni Auntie sa akin, pagpasok sa bahay.
"Feeling ko Auntie" mahina kong saad.
"Buti naman at napansin mo ang pagbabago sa katawan mo at pakiramdam mo. Akala mo ba di ko nahahalata?"
Bumuntong hininga ako bago umupo sa aming maliit na sofa sa living room.
"Ang weird ng panlasa ko Auntie. Ang laki na ng na-gain kong weight kasi ang lakas ko kumain. Naging bipolar din ako. Pabago bago ako ng mood sa isang araw at 'di lang 'yon Auntie! Parang gusto kong pisilin ang pisngi ni Juade lagi at cute na cute ako sa kaniya at naging antukin at tamad ako this past few weeks. Ito ba ang nagagawa ng pagiging broken heart--"
"Broken hearted ka dyan!"
Halos tumiklop ang buo kong katawan sa biglang pagsigaw ni Auntie sa loob ng bahay. Feeling ko nga rinig kami ng kapit bahay sa sigaw.
"Ano ba Auntie bakit ka biglang sumiga--"
May binato siya sa akin. Tumama iyon sa aking tuhod at nahulog sa sahig. Tiningnan ko kung ano 'yong ibinato niya sa aking bagay pero nang makita ko iyon ay para akong napaso.
"Auntie? Bakit may PT test kang dala dala? Buntis ka b--Aw!"
Nahila ni Auntie ang aking buhok. "Ikaw na bata ka! Tingin mo ay magkakaanak pa ako sa aking edad?"
Ngumuso ako, kamot kamot ko ang anit kung saan hinila ni Auntie ang buhok ko bago pinulot yung PT box.
"Edi kanino ito kung ganoo--" napatigil ako sa pagsasalita. Kaming lang dalawa ni Auntie sa bahay. Imposibleng siya ang mabuntis edi...
Nanigas ang buo kong katawan.
"Iyan napapala ng nakikipag one night stand. Tumayo ka na at i-try na yan. Huwag mong idadahilan na broken hearted ka dahil sigurado akong buntis ka Fely!"
_____
Juade's POV...
"Hey baby.." Cheena said in the line.
"Hey" tipid kong sagot sa tawag niya.
"What's up? Kamusta ang araw mo ngayon?"
It almost 12 midnight. Ngangayon lang siya tumawag. Ang weird lang dahil 'di ako nakaramdam ng tampo ngayon. Tutulog na nga sana ako pero bigla siyang tumawag. It's not like the other day that I'm waiting her text and calls.
Ipinailalim ko ang sarili sa comforter. Tumagilid ng higa.
"It's fine" Tipid ko muling sagot.
"Were you busy? I notice that you didn't have any message for me today"
Nanigas ang aking katawan.
I forgot to message her too?
"Sorry. I'm just tired and stress from work..." I cleared my throat. "Alam mo naman na malapit na akong magtake sa company namin"
"I understand. Ako din pagod. Kakatapos lang namin magshoot. Pagod na pagod ako dahil inabot na kami ng gabi dahil nagkaroon ng problema sa set. Gusto ko ng umuwi diyan. I miss you"
She's in the Cebu for their shooting. Magtatagal sya ng isang buwan at kalahati. Okay lang naman sakin at nagpaalam naman siya.
Kung pwede nga lang sya puntahan doon pero hindi pwede.
Secret lovers nga diba?
"I miss you too. You should take a rest baby. Don't stress yourself. Take care okay hm?"
"Thank you. I love you"
Binasa ko ang labi. "I...love you...too"
Ako na ang unang nag end ng call bago pinatay na ang cellphone para matulog. Maaga pa ako bukas. Aagahan ko para makapagluto ng lunch ni Fely.
Adobo naman bukas.
____
Katulad ng nakasanayan, maaga ako gumising para magluto ng adobo. It's been a week. Naging routine ko na siya sa umaga. Sa umaga na ako nagluluto para ibigay iyon kay Fely dahil hindi kaya kapag lunch break pa ako nagluto. Napagalitan nga ako ni Jasmin dahil sa pagkalate ko eh.
Lagi akong sumasabay ng lunch kay Fely. Marami kaming napagkakwentuhan. Katulad ng mga unforgettable moments nila ni Cheena nong mga bata pa sila. May pinakita pa nga siyang ilang pictures nila. Tapos nakakatuwa 'yong mga jokes pero minsan corny. Kailangan ko pa ngang tumawa kasi biglang sasama 'yong mood niya.
Ang sama talaga ng tingin niya tapos bigla pang maiiyak kapag 'di ko ni-praise 'yong joke niya. Tapos minsan ang weird ng ngiti niya. Nahuhuli ko pa siyang natingin sa akin minsan.
Kung 'di ko lang alam na baliw siya baka isipin ko ng malisya ang mga ginagawa niya.
At nasanay na rin ako na gano'n si Fely.
It's not bothering me.
I actually....enjoy her company and her attention she gives to me.
Maybe because.....I can't feel that towards Cheena.
Napailing ako at sinampal ang sarili.
No Juade.
What are you f*****g thinking?
I love Cheena. I love Cheena.
Pilit ko 'yang pinasok sa aking isipan.
1 message received.
Napatingin ako sa cellphone ko. It's a text coming from Fely.
Fely:
Stop cook lunch for me. Okay na pakiramdam ko. Thank you sa pagluluto saken ng one week. Nakakain na ako ng maayos.
Napatitig ako ng saglit sa cellphone ko bago napatingin sa mga ingridients na nakalatag sa aking kusina.
Looks like I don't need to wake up early anymore.
Ako:
Got it!
Okay lang sakin yun. Edi mas better at wala na akong baliw na pinapakain. Tsaka 'di ko naman talaga obligasyon na ipagluto siya.
Pero bakit ko nga ba ginagawa?
Psh!
Niluto ko parin 'yong adobo at binigay ko na lang 'yon sa kaofficemate ko.
"Oh hindi ka aalis?" Nakataas ang kilay ni Jasmin habang sinasabi iyon sa akin.
"Wala ng nagpapaluto" Sagot ko sa kaniya.
"Then why are you not eating?" Sungit ng boses niya.
"I don't have appetite today."
Wala akong gana. Nakakatamad.
"Kumain ka. Kailangan mo 'yan dahil may trabaho ka. Bilin sa akin ni Mrs. Corpuz na icheck kung inaalagaan mo ang sarili mo."
Tumango na lang ako at sinunod ang payo niya. I still have work. I need energy later so I don't have a choice but to eat.
Naging ganoon ang lunch time ko lagi. Minsan nakikisabay ako sa iilang nakaclose ko dito sa office pero minsan ako din lumalayo lalo na sa ibang babae na halatang may interes sa akin.
Nagtext muna ako kay Cheena ng lahat ng nangyari sa akin ngayong araw. As usual, sa dami ng text ko wala parin syang reply.
She's busy.
Maaga akong nakauwi ngayong araw dahil maaga kong natapos ang gawain ko ngayong araw.
Pagod na pagod akong pumasok sa kotse at pinaandar na yon papauwi. At first, plano ko naman talagang umuwi pero nang makita ko ang sign na 'CAFELY', wala sa sarili akong nagpark ng kotse at nagtungo sa shop niya.
I need a coffee.
Narinig ko na pagtunog ng chimes pagpasok ko. Kaagad akong napatingin sa counter. Sinilip ko pa nga 'yong loob kahit imposibleng masilip ko.
"Juade hijo! Jusko!"
Si Auntie Shiela ang lumapit sa akin. Bigla niya akong niyakap. Hindii agad ako nakapagreact.
"Buti at nagawi ka. Kailangan kita ngayon!"
Mas lalo akong naguluhan.
"Bakit po?"
Bumitaw na sa pagkakayakap si Auntie Shiela sa akin. "Ipagluto mo si Fely. Nag-aalala na ako sa batang yon"
Bumilis ang t***k ng puso ko. "A-ano pong nangyari sa kaniya?"
"Ayaw kumain! Kapag kumain naman, suka ng suka. Nagkukulong lang siya sa kwarto niya ngayon."
"Akala ko ho ba okay na daw ang pagkain niya?"
"Hindi pa pero ayaw na niyang magpaluto sa'yo kahit 'yong mga luto ang pinaglilihian niya"
Mas lalo atang bumilis ang t***k ng puso ko at parang nabingi ang tenga ko. "Pinaglilihian?"
Tumango si Auntie. "Paano 'yong batang 'yon, nakipagone night stand kaya ayan, dahil sa kapabayaan, nagbunga" hinawakan niya ang mga kamay ko. "Halika sa bahay. Ipagluto mo si Fely"
Umawang ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin. Pinoproseso ko lahat ng sinabi niya.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sitwasyon na ito but one thing for sure...
I'm the father of Fely's child.