Fely's POV... "Baby ko, sorry kung gutom tayo ngayon. Bakit kasi ang selang mo sa pagkain..." nakahawak ako sa aking tiyan at bahagya pa iyong hinihimas. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinipilit ko namang kumain kaso sinusuka ko lang talaga. Prutas na lang ang laman ng tiyan ko. Hindi naman pwedeng prutas lang ng prutas. Sisikmurain naman ako no'n. Bakit kasi ang hirap ng sitwasyon ko ngayon? Bakit kailangan fertile ako ng mga panahon na 'yon? Bakit kailangan may magbunga? Isang beses lang naman may nangyari sa amin! At ang nakakainis pa dito, boyfriend ni Cheena ang ama. Ang laking problema 'to! Noong nakita ko na nagdalawang linya ang PT, 'di ako naging handa. Talagang nagulat ako at umiyak talaga ako. Natatakot ako.Wala pa sa plano ko ang magkaanak pero naandito na eh. At w