Sana panaginip na lang lahat ng ito. Pero totoo eh. Totoo! Lintik na 'yan. Todo ayos ako ng damit ko. Hindi ko alam kung presentable ba akong tingnan. Nakasuot ako ng white halter neck dress na hanggang itaas ng tuhod at pinaresan iyon ng puting sandals. Nakaladlad ang aking buhok at kahit papaano ay naglagay ng polbo at lipstick sa aking mukha upang 'di halatang maputla. Ngayon na kasi mamamanhikan ang pamilya ni Juade. Sa totoo lang, labag parin sa loob ko ang magpakasal kahit iyon ang nararapat. Dapat lang naman niya akong panagutan pero iba kasi ang sitwasyon namin pero may magagawa pa ba ako? Nagkamali kami kaya kailangan ko itong tanggapin at kailangang pagbayaran. Namimilit din si Auntie at hindi siya papayag na hindi ako pakasalan ni Juade. "Huwag ka ngang kabahan. Para