"Pero pwede kaming magbigay ng pabor sa lahat ng mga nasa apartment building na tinitirhan mo," seryosong dugtong ni Killian sa sinabi ng kapatid.
"Hindi magbebenta si Tita Ava," matigas kong sabi.
Sabay na gumuhit ang malamig na ngiti sa mga labi ng magkapatid. Pasimple kong iniwas ang tingin dahil hindi ko mapigilang magwapuhan pa rin sa kanila.
Dati naman ay hindi ako mahilig sa gwapo pero bakit nakilala ko lang ang magkapatid na Carson na ito ay napagtanto kong may mas gwapo pa pala kaysa mga taong nasa perang papel!
Pera lang dapat ang iisipin ko, pero ngayon ay ginugulo ng dalawang kaharap ang ultimate goal ko!
"Hindi niya mahihindian ang offer namin, katulad nang hindi mo rin kami matatanggihan," mababa ang tonong wika ni Killua.
Pumitlag bigla ang puso ko. Napakurap-kurap akong napatitig sa asul niyang mga mata na tila humihigop sa lakas ko. Normal lang ba na naramdaman ko ang tila panunuot ng boses niya sa kalamnan ko?
Hindi kaya may orasyon ang magkapatid na ito at ginagamit nila ito sa'kin ngayon?
"Madam Beverly, pumayag ka sa gusto naming mangyari at bibigyan namin ng kanya-kanyang bahay ang mga tenant ng apartment," nangungumbinsing saad ni Killua habang direktang nakatingin sa mga mata ko. "Sariling lupa at bahay para sa lahat na magkakalapit kaya mananatili pa rin kayong magkakapit-bahay."
Parang too good to be true ng offer niya. Hindi ko maiwasang isipin na may mas malaki itong kapalit. Pero ano naman ang makukuha nila sa'min?
Gano'n ba kaimportante sa kanila ang redevelopment na gagawin sa Purok Otso?
Natigilan ako bigla nang maalala ko ang trabahong gusto nilang ipagawa sa'kin. Iyong tungkol sa lola nila at sa pamana. Mukhang iyon yata ang totoong dahilan.
"Nagpapaniwala ang lola namin tungkol sa kapalaran o kung anu-ano pang kaimposiblehan," saad .ni Killua sa gitna nang patuloy kong pananahimik. "Ikaw iyong magbibigay kay Lola ng peace of mind sa kung anong kapalarang pinapaniwalaan niya."
"Peace of mind?" naguguluhan kong tanong.
Lolokohin namin ang lola niya tapos may peace of mind - peace of mind pa silang nalalaman! Mas maniniwala pa ako kung rest in peace ang gusto nilang mangyari doon sa matanda.
Mayayaman nga naman talaga, gagawin ang lahat para sa mana! Hindi ko lubos akalain na may ganitong kadramahan din pala sa loob ng pamilya Carson.
Agawan ng yaman kaya itong napasukan ng dalawang magkapatid na ito? Parang iyong teleseryeng pinapanood lang ni Violet ah! Ang kaibahan lang ay totoong buhay talaga itong sa kanila.
"May isang lumang paniniwala sa loob ng pamilya namin na hanggang ngayon ay sinusunod pa rin ng lahat," malamig na tugon ni Killian sa'kin.
Kung ano mang paniniwala iyon ay mukhang against na against siya roon kung pagbabasehan ay ang ekspresyon niya sa mukha. Pero bakit sa'kin siya nakatingin nang ganyan na para bang may kinalaman ako sa lintik na paniniwalang iyon!
May anger issue talaga ang Killian na ito!
"Wala naman sana kaming pakialam doon kung hindi lang kami apektado simula nang isinalalay sa tradisyon na iyon ang magiging full control namin sa negosyo ng pamilya," matigas na pagpapatuloy ni Killian. "Walang tiwala si Lola Niña na ang humawak sa negosyo ay Carson na hindi naniniwala sa tradisyon ng pamilya."
Sa tono niya ay halatang parang may gusto siyang sakalin pero dahil ako ang kausap niya ay pakiramdam ko ako iyon.
"At dahil halatang hindi kayo naniniwala ay hindi niya kayo pamamanahan, gano'n?" tanong ko.
"We don't care about the inheritance," aroganteng sagot ni Killua. "We're more concerned about our grandmother's health condition. Ayaw rin naman naming makiuso sa paniniwalang iyon para lang pagbigyan siya. That's total bullshit!"
So, hindi lang si Killian iyong kontra sa tinutukoy nilang paniniwala kundi maging itong si Killua. Bigla tuloy ay naging interesado ako tungkol sa tinutukoy nilang tradisyon. May gano'n pala sa pamilya Carson?
Oo nga naman, sa yaman nila ay hindi malabong may isa sa pamilya nila no'ng unang mga panahon ang nakipagkasundo sa demonyo kapalit ang kayamanan!
Imposible naman kasing mayaman na nga sila tapos perfect pa ang face value! Sigurado may nagaganap na hocus-pocus!
At itong dalawang magkapatid na ito ay hindi na naniniwala sa lumang tradisyon ng pamilya nila. Hindi papayag iyong matandang lola dahil maghihirap ang pamilya nila.
"What are you thinking?"
Napapitlag ako dahil sa malamig na tanong ni Killian. Naputol tuloy ang pagtagni-tagni ko sa mga posibleng pangyayari.
"I have a feeling that I wouldn't like what's on your mind right now," umiigting ang pangang dugtong ni Killian sa naunang sinabi.
"Wala akong iniisip!" mabilis kong pagsisinungaling.
Hindi naman siguro kasama sa kung anong swerte na binigay ng demonyo sa pamilya nila ang pagiging mind-reader. Kailangan kong mag-iingat dahil baka bigla ay ako pa ang gagawing alay ng pamilya nila.
Mukhang dilekado talaga ako lalo na at virgin pa ako! Mga virgin pa naman ang kalimitang inialay! Gano'n iyong napapanood ko sa mga pelikula.
Sa isiping iyon ay bigla akong napatayo. Awtomatiko namang nakasunod sa'kin ang tingin ng magkapatid. Mabuti na lang at nanatili silang nakaupo kaya medyo napanatag ang puso kong parang tatalon na mula sa dibdib ko dahil sa nararamdamang kaba.
Karma na ba sa panloloko ko itong nangyayari ngayon sa'kin?
"P-pwede naman siguro kayo makahanap ng ibang gagawa sa kung anong gusto ni'yong mangyari," kabado kong sabi.
"Ikaw ang gusto namin," magaang sabi ni Killua.
Hindi man siya matalim kung makatingin na katulad ni Killian ay para naman niya akong tinutunaw gamit ang titig niya. Pakiramdam ko nga ay bibigay ang mga tuhod ko.
Naniniwala na talaga akong may black magic ang mga Carson. Walang ibang explanation kung bakit ko nararamdaman ang hindi ko maipaliwanag na mga damdamin habang pilit na nilalabanan ang titig nilang magkapatid.
Napaatras ako nang walang babalang tumayo si Killua mula sa pagkakaupo at humakbang palapit sa'kin.
Bahagyang nagsalubong ang kilay nito indikasyon na hindi nagustuhan ang ginawa kong pag-atras. Para akong nahipnotismo nang mapansin ko ang bahagyang pagdilim ng asul niyang mga mata kaya hindi ko na magawang humakbang pa ulit paatras. Tuluyan na akong napako sa kinatatayuan ko.
Paulit-ulit namang sinisigaw ng isip ko na tumakbo ako bago pa ako maging vigin sacrifice!
Nahigit ko ang paghinga nang makita ang pagtaas ng kamay ni Killua. Nakasunod ang nanlalaki kong mga mata rito hanggang sa maramdaman ko ang magaan nitong pagdampi sa noo ko.
"Are you okay?" Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya pero hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil sa lakas ng t***k ng puso ko.
Para akong mabingi habang naramdaman ko ang tila paglobo ng sarili kong ulo dahil sa halo-halo ko nang nararamdaman.
Narinig ko ang marahas na pagmumura mula kay Killian, tsaka ko lang napansing nakalapit na rin pala siya at ngayon ay nasa tabi na ni Killua.
"Bakit ka namumutla?" matigas na tanong sa'kin ni Killian.
Bahagyang nahawi ang kung anong nakaharang sa pandinig ko kaya naririnig at naiintindihan ko na siya. Naramdaman ko rin ang pamumuo ng malamig na pawis sa noo ko. Pero kakatwang ramdam na ramdam ko rin ang init ng palad ni Killua na nanatiling nadadampi sa bahaging iyon.
Pinaghalong init at lamig ang nararamdaman ko, talo ko pa ang natatae habang nahahanginan.
"H-hindi ako masarap!" bigla kong bulalas.
Pumiyok man ang boses ko, at least nagawa ko nang magsalita.
"W-what?" patdang tanong ni Killua.
Hindi ko maipaliwanag iyong ekspresyong nakalarawan sa mukha niya pero alam kong nagulat siya. Mukhang hindi niya yata inaasahan na hindi masarap ang alay na natagpuan nila.
"Kung balak ni'yo akong ialay dahil virgin ako, ay ngayon pa lang sinasabi ko sa inyo na hindi ako masarap!" dire-diretso kong pahayag. "Maiimpatso ang demonyo!"
Sa pagkakataong ito ay silang dalawa na ni Killua at Killian ang napamulagat at gulat na gulat habang napamaang sa'kin.
"Kahit peke akong manghuhula ay hindi naman ako tanga upang hindi maintindihan na ang tradisyon ng pamilya ninyo ay may kinalaman sa kasunduan sa demonyo," pagpapatuloy ko.
Speechless ang dalawa kaya tinuloy-tuloy ko na ang litaniya ko!
"At ngayon ay nagpapanggap kayong hindi naniniwala sa tradisyon pero balak ni'yo akong gawing alay!" matapang kong bintang sa kanila. "K-kaya pinipilit ni'yong ako ang gusto ni'yo dahil virgin pa ako." Medyo pumiyok pa ang boses ko sa bandang dulo.
"You're a virgin?" napakurap-kurap na usal ni Killua. Sa dinami-rami ng mga sinabi ko ay iyon lang ba ang naintindihan niya?
May kung ano sa tono nito na umani nang panibagong pagkabog mula sa puso ko. Pero mukhang hindi iyon dahil sa takot, pero hindi ko rin matukoy kung ano ang dahilan.
"Huwag ka nang magmaang-maangan pa," nandidilat kong sabi kay Killua.
Bumalik na iyong tapang ko kaya magagawa ko nang makalabas nang ligtas mula sa lugar na ito.
"Siguradong alam mo ang tungkol doon kaya na-target lock ni'yo na ako," dugtong ko pa.
Nang sulyapan ko si Killian ay hindi pa rin ito nakabawi sa kung anong natuklasan. Naglaho na iyong galit sa mga mata niya at pansin ko ang bahagyang pag-iba ng shade ng asul niyang mga mata. Ibang emosyon na ang naroon sa mga mata niya at bigla akong napalunok nang tumuon sa'kin ang mga ito.
"You really have a wild imagination, Madam Fortune Teller," pumalatak na usal ni Killian.
Wala na iyong galit sa mga mata niya habang nakatingin ngayon sa'kin pero pakiramdam ko ay mas lalo akong nababahala dahil sa pumalit na emosyon doon.
"A virgin sacrifice ha," naiiling niya pang pagpapatuloy. "Why don't we test your claim?" Isang ngisi ang binigay niya sa'kin.
Hindi ko maintindihan kung ano ang pinagsasabi ni Killian, pero malinaw na pinagtatawanan niya ang mga bintang ko sa kanila.