bc

The Brothers' Madam Baby

book_age18+
254
FOLLOW
2.1K
READ
billionaire
HE
arrogant
dominant
heir/heiress
bxg
polygamy
like
intro-logo
Blurb

Sa pamilya Carson, tila may sumpa: ang mga lalaki magkakapamilya ay nahuhulog at iibig sa iisang babae! Habang masaya at matagumpay ang ganitong tradisyon, hindi papayag sina Killua at Killian na makontrol ng paniniwalang ito.

Kaya't nagpasya silang lokohin ang kanilang lola gamit ang pekeng manghuhula—si Beverly. Pero sa likod ng kanyang mga ngiti at pekeng hula, nakatago ang isang mas malaking planong parehong hindi nila kontrolado: si Beverly ang nakatakdang maging puso ng kanilang kakaibang kwento.

Ngunit paano mangyayari iyon kung ang magkapatid ay kilala bilang mga “walang puso”? Mahuhulaan kaya ni Beverly ang sarili niyang kapalaran sa kamay nina Killua at Killian? Syempre hindi dahil peke siya, at wala siyang kamalay-malay sa epekto niya sa dalawang lalaking tila pinaglalaruan ng kapalarang gusto nilang takasan.

Subaybayan ang kanilang kwento na puno ng tawanan, gulo, at maiinit na mga tagpo. Sino kaya ang unang titiklop sa tatlong tinadhana at pinagtagpo pero parehong may matitigas ang ulo?

chap-preview
Free preview
chapter 1
"Suswertihin ka," nakangiti kong sabi sa babaeng kaharap. Agad nagliwanag ang buo niyang mukha habang napuno ng pag-asa ang ekspresyon niyang bumaling sa kasamang babae. Ganitong mga customer ang gustong-gusto ko sa field of business na meron ako. Iyong madaling mapaniwala sa kahit na anong sasabihin ko. Oo, aminado akong isa akong manloloko, fake future teller at con-artist pero wala pa naman akong pinapahamak sa mga hula ko at mga binebentang love potion at anting-anting na pangontra sa mga lamang lupa at kapitbahay na tsismosa. Naghahanapbuhay lang naman ako nang kahit 'di gano'n karangal, pero hindi rin naman gano'n kasama. Iyong mga hula ko ay parang inspirasyon din iyon. Kasi hangga't sinasabi kong may swerteng darating ay patuloy na aasa at lalaban sa buhay ang mga hinuhulaan ko. Umasa nga sila sa pangakong sampong libo ng isang pulitiko, sa hula ko pa kaya na pwede naman nilang gawan nang paraan upang maisakatuparan. Tiyaga at pagsisikap lang ang kailangan at matutupad ang swerteng sinasabi ko. Tungkol naman sa mga love potion ay inaangkat ko lang iyon kay Madam Loraine, effective naman daw sabi ng mga bumili sa'kin kaya tuloy ang business! Tutal ay nakasanayan naman nilang magpakatanga sa maling tao, eh 'di itodo na nila gamit ang gayumang tinda ko! Iyong iba kong mga paninda ay may mga puhunan iyon kahit hindi original. Mas mababa ang presyo nito pero maganda ang quality at sales talk ko kaya aprobado ng mga suki ko. Iyong sideline ko naman na pagpapanggap na kung sino-sino para gampanan ang kung anu-anong katauhan ay pagtulong ko na rin iyon sa mga lumalapit sa'kin. Isang tulong na may katumbas nga lang na konting halaga. Panloloko mang matatawag iyon ay trabaho ko lang iyon, walang personalan. Minsan na akong naging attorney kahit sinaulo ko lang iyong mga article at batas-batas na sinasabi ko. Magaling lang talaga ako sa intimidation kaya ayon nakalusot. Naranasan ko na ring manggulo sa isang kasal, binyag, birthday at kahit sa isang lamay. Pinapatos ko kahit anong raket, hindi dahil marami akong binubuhay o may nanay o kamag-anak na may sakit. Masyadong madrama ang gano'ng mga dahilan. Kaya ako nagsumikap ay dahil mag-isa lang ako sa buhay. Maaga akong naulila at lumaki sa biyuda kong tiyahin na walang anak. Hindi naman gano'n kahirap ang pamumuhay ng Tita ko dahil may maliit siyang sari-sari store na masasabing pinakamalaki na rin sa lugar namin. May natatanggap din siyang buwanang pension galing sa namayapang asawa kaya magaan talaga ang buhay ng tita ko. Hindi rin siya iyong tipong mapang-api na tiyahing nakaluwag-luwag sa buhay dahil okay naman siya kahit hindi kami gano'n kalapit sa isa't isa. Ayaw ko ring samantalahin ang kabaitan niya kaya nang tumuntong na ako sa edad na labing walo ay bumukod na ako. Sumali na agad ako sa kapisanan ng mga strong independent women, pero medyo lumiko lang nang konti dahil mas magaling ako sa paraket-raket kaysa magkaroon ng permanenteng trabaho. "Naniniwala ka riyan?" Nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa narinig mula sa kasama ng customer na binabasahan ko ngayon ng kapalaran. Bumulong na nga pero dinig ko naman. Halatang gusto talagang iparinig sa'kin. Pero sanay akong nakarinig nang ganitong paninira sa trabaho ko at isa pa ay tama namang huwag nila akong paniwalaan dahil hindi naman talaga ako legit na manghuhula. "Pero nagkatotoo iyong hula niya sa yaya namin," ganting bulong naman ng customer ko sa kasama. Recommended pala ang hula business ko! Hindi rin naman kasi karaniwan na may nagpupunta rito sa shop ko na katulad nitong mga kaharap ko ngayon. Sa ayos nila ay masasabi agad na nagmula sila sa may kayang pamilya. Hindi na rin masama kung mamahalan ko iyong singil tutal ay kaya naman nilang magbayad. "Sige na," tila napipilitang saad ng kasama ng customer ko. "Bilisan mo na riyan para makauwi na tayo." "Oo, sandali na lang 'to." Nagkunwari akong hindi naririnig ang pag-uusap nila. Kahit bagot na bagot na ako ay pinanatili ko pa rin ang nonchalant kong ekspresyon. Halos kalahating oras ko na rin kasing kausap itong kaharap ko ngayon. Malapit nang maging buong nobela ang pinaparating ko sa kanyang na kunwari ay nakikita ko sa hinaharap niya. "Madam, may nakikita po ba kayo tungkol sa love life ko?" tanong sa'kin ng customer. Hindi pa kami tapos, may bago na naman siyang gustong malaman. Inilahad ko ang palad sa kanya upang hingin ang kamay niya. Dahil may ideya na siya na mga guhit sa palad ang binabasa ko ay mabilis naman niyang inabot ang sariling palad sa'kin. Itinuon ko ang mga mata sa bawat guhit ng palad niya for dramatic effect. Kunwari ay may totoong nababasa talaga ako roon. Ang malinaw lang naman sa'kin ay walang kakalyo-kalyo ang malambot nitong palad, palad ng anak-mayaman. "Madam, may nakikita po ba kayo?" maya-maya ay untag niya sa'kin. Napatagal yata ang konsentrasyon ko. Kung maka-madam naman 'to, parang ang tanda-tanda ko na sa edad na twenty-three gayong mukhang magkaedad lang naman kami. Tumikhim muna ako bago nagsalita gamit ang mababa kong tono, para medyo may pa-suspense effect. "May isang lalaki kang nagugustuhan..." panimula ko habang pailalim na pinagmasdan ang magiging reaksiyon niya. Nakita ko ang bahagyang pamumula ng pisngi niya. Hindi ko na kailangan pang maging manghuhula upang tumama sa parte na iyon dahil hindi naman siya magtatanong nang tungkol sa love life kung wala siyang nagugustuhan. "Pero may isa ring binata na nangungulit sa'yo." Bahagya ko pang pinagsalubong ang mga kilay ko upang ipakita kung gaano katindi ang konsentrasyon ko. "P-paano mo nalaman?" gulat niyang singhap. Paano nga ba? Sa ganda ba naman niya ay imposibleng walang umaali-aligid sa kanya. Isa nga lang ang sinabi ko, pero sigurado akong higit pa roon ang may pagtingin sa kanya. "Ang isa ay may malinis na intensiyon at ang isa'y mapanlinlang," matalinghaga kong pagpapatuloy at hindi sinagot ang tanong niya. "Ikaw lang ang makapagsabi kung sino ang nararapat at sino ang hindi." Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa palad niya at direkta siyang tinitigan sa mga mata. "Binabasa ko ang mga nakaguhit sa palad mo, pero ikaw pa rin ang gagawa ng sarili mong kapalaran," mataman kong pagpapatuloy. "Magiging gabay mo ang mga salita ko sa gagawin mong desisyon. Minsan, ay makakatulog din ang pakikinig sa mga taong malalapit sa'yo." Hindi man legit ang mga hula ko ay marunong akong bumasa ng mga tao at masasabi kong isang mabuting kaibigan itong kasama ng customer ko ngayon. Marahan kong pinakawalan ang palad niya at sumandal na sa kinauupuan ko. Iyon ang hudyat ko sa assistant kong si Violet upang pumasok. "Limang libo po para sa hula ni Madam Beverly," pormal na pahayag ni Violet. "That's all?" tanong ng babaeng kasama ng customer namin. "May karagdagan ba kayong katanungan?" hindi natitinag na tanong ni Violet. "May dagdag-bayad po, depende sa bigat ng tanong." Akmang aapila pa ang huli nang pigilan ng babaeng hinulaan ko. "Maraming salamat po," magalang na baling sa'kin ng customer ko. Naglagay na ito ng bayad sa antigong maliit na kahon na nagsisilbing p*****t collection tray. "Thank you, Ma'am," nakangiting pasasalamat ni Violet sa dalawa nang tumayo na ang mga ito. "Bumalik lang po kayo kung may iba kayong kailangan." Napansin ko ang disgusto sa ekspresyon na kasama ng babaeng hinulaan ko, pero hindi na ito nagbigay ng komento. Tahimik nang lumabas ang dalawa. Nang sumara ang pintuan ay pabuntonghininga kong inalis ang makulay na bandana sa ulo ko. "Kumota na tayo sa araw na 'to. Maaga tayong magsara," sabi ko kay Violet. Pareho kami ni Violet na maagang naulila sa mga magulang kaya no'ng elementary days namin ay agad kaming naging mag-best friends. At ngayon nga ay business partner kami sa munting negosyo namin. "K-drama na this!" excited na bulalas ni Violet. Binilang niya ang kabuuang laman ng kahon na kita namin sa araw na ito. "Sana ay babalik iyong huli nating customer," saad pa niya. "Nagbigay ng tip, limang daan." Pinakita niya sa'kin iyong sobrang bayad nang nasabing customer. "Magluluto ako ng pancit mamaya, mamimigay tayo sa mga kapitbahay," saad ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga katulad naming nangungupahan sa apartment building ng landlady namin na siya ring may-ari nitong maliit naming puwesto. Halos limang taon na kaming tenant ni Tita Ava at gano'n na rin katagal naming kapitbahay iyong iba pa. Iyong mga nasa first floor ang mga pinakamatagal nang tenant, nasa second floor kami at meron pang third floor kung saan ay naroon din ang unit ni Tita Ava at ng pamilya nito. Hindi man namin ito kadugo, pero pamilya ang turing ng lahat sa pamilya nito. Akmang tatayo na ako mula sa kinauupuan nang biglang bumukas nang malakas ang pintuan ng shop. "Bad news, mga baklaaaa!" humahangos na anunsiyo nang bumungad na si Kenny. Kaibigan namin ito ni Violet at nangungupahan din sa kaparehong apartment building na tinutuluyan namin. "Ano iyon, Condrado?" kunot-noong tanong ni Violet dito. "Confirmed na mapapasama sa renovation ang apartment building natin," natitilian nitong pagbabalita. Sa part pa lang na hindi nito pinuna ang pagtawag sa kanya ni Violet sa totoo niyang pangalan ay seryoso nga talaga ang sitwasyon. Nagkatinginan kami ni Violet. Ilang buwan na no'ng simulan ng isang malaking development company na bilhin ang mga katabing property ng apartment building na pagmamay-ari ni Tita Ava. Tanging si Tita Ava ang nanatiling nagmatigas na ayaw magbenta dahil maliban sa may sentimental value ang lupain niya ay naroon din ang apartment building at maging itong mga puwesto ng maliliit na negosyo na katulad sa'min. Maganda ang puwesto ng lugar na ito mula sa sentro ng siyudad kaya hindi nakapagtataka kung bakit napag-interesan itong tayuan ng isang high-end condominium. Pero 'pag mangyari iyon ay mawawalan ng tirahan kaming mga nangungupahan kay Tita Ava. Wala namang problema sa'min ni Violet, pero ibang usapan na roon sa iba at dito sa kaibigan naming si Kenny. Si Kenny na ang tumatayong ama't ina para sa kanyang mga kapatid. Kumpara sa ibang apartment ay mas mura ang kay Tita Ava at masasabi namin na mas may puso iyong landlady. Malapit ang apartment sa pinapasukang paaralan ng mga kapatid ni Kenny at malapit din ito sa kanyang trabaho. Naging katuwang na niya sa pagbabantay sa mga kapatid ang lahat ng mga mangupahan. Para na kaming isang malaking pamilya sa totoo lang. "Hindi naman magbebenta si Tita Ava, 'di ba?" may pag-alalang tanong ni Violet. "Dinoble na iyong offer," mahinang saad ni Kenny. "Ilang milyon din iyon..." Nanghihina akong napasapo sa noo. Kahit sino siguro ay matutukso kung malaking halaga na iyong usapan.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook