chapter 13

1700 Words
Hindi sapat iyong salitang gulat upang ilarawan ang nararamdaman ko. Ayaw nga mag-register sa utak ko ang kasalukuyang nangyayari. Parang biglang tumalsik ang kaluluwa ko at napadpad ako sa ibang dimension kung saan ay posible ang mga nangyayari ngayon. Hinahalikan ako ni Killua Carson!!! Matapos nakawin ni Killian ang first kiss ko na dahilan nang pagkahimatay ko ay ngayon si Killua naman ang kumuha ng second kiss ko! Tama pa ba ang nangyayari ngayon? Hindi ibig sabihin na ordinaryong pagbati lang sa pinanggalingan nilang bansa ang ganitong paghalik ay pwede na nila itong gawin sa'kin! Pero lahat ng mga pagtutol ko ay hanggang isip ko lang talaga dahil ayaw kumilos ng katawan ko. Paanong kikilos gayong talo ko pa ang natuod sa kinauupuan ko. Pilit ko mang pinapaniwala ang sarili ko na walang malisya ang halik pero iba pa rin talaga ang sinasabi ng malisyoso kong utak. Hindi naman kasi normal na paglalapat lang ng mga labi ang nangyayari kundi ay literal na minukbang ni Killua ang kawawa kong mga labi. Mas agresibo ang bawat hagod ng mga labi niya kumpara kay Killian. Pwede bang himatayin ulit the second time around? Pero bago pa mangyari ang iniisip ko ay pinakawalan na ni Killua ang mga labi ko. Parang tanga akong napakurap-kurap sa mukha niya habang pinagmasdan ang eratikong paglandas ng dila niya sa ibabang bahagi ng kanyang labi. Tila na-magnet napasunod sa ginagawa niya ang mga mata ko. Halos hindi pa rin ako makapaniwala na kani-kanina lang ay hinahalikan ako ng mga labing iyon. At sa eratikong paglandas doon ng dila niya ay pakiramdam ko tinitikman niya ang lasa ng sarili kong mga labi roon. "I'll keep in touch while the contract is being prepared," maya-maya ay paanas na pahayag ni Killua na gumising sa'kin mula sa pagkatulala. Biglang tumino sa'kin kung ano ang hinayaan kong mangyari. Hindi lang isang beses kundi ay dalawang beses akong nanakawan ng halik! Bago ko pa ma-realize kung ano ang ginagawa ko ay lumapat na sa pisngi ni Killua ang palad ko. Rinig na rinig sa buong silid ang tunog ng sampal na binigay ko kay Killua. Maging ang sarili kong palad ay nasaktan dahil sa matigas niyang mukha, pero binalewala ko iyon at itinuon ang buong atensiyon sa reaksiyon ni Killua dahil sa ginawa ko. Bahagyang nabiling ang mukha niya sa kabilang direksiyon dahil sa lakas ng sampal ko. Hindi niya inaasahan ang ginawa ko kaya sumalpak talaga sa mukha niya ang palad ko dahilan nang pamumula ng bahaging iyon. Humulma talaga ang kamay ko, 'di na kailangan ang finger print para kumpirmahing palad ko nga iyon. Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Killua habang mabagal na ibinaling pabalik ang mukha sa direksiyon ko. Kung dati ay wala akong ekspresyong nakikita sa mukha niya, mas lalo na ngayon. Maging ang mga mata niya ay walang emosyon habang matamang tumuon sa mukha ko. Inaasahan kong magagalit siya sa ginawa ko, pero mas nakakabahala ang kawalan niya ng reaksiyon. "H-hindi ni'yo ako pwedeng halikan na lang nang basta-basta!" nagtapang-tapangan kong pahayag. Habang may natitira pa akong tapang ay inunahan ko na siya. Sinalubong ko ang asul niyang mga mata upang ipakita sa kanyang seryoso ako. "And why?" malamig na tanong ni Killian. "You're ours!" paangil nitong dugtong kaya hindi ko gaanong malinaw na narinig ang huli niyang sinabi. Sinabayan pa niya nang paghakbang palapit sa'kin ang huling sinabi kaya mas lalong hindi ko ito naintindihan dahil sa tensiyong nararamdaman. Malaki siyang tao tapos nakaangil pa na parang mabangis na hayop kaya una ko talagang maisip ay ang lumayo sa kanya at baka nauulol na siya, magka- rabies pa ako! Mabuti na lang at hindi ko na pala kailangang tumayo mula sa kinauupuan at tumakbo paalis dahil mabilis na hinarang ni Killua ang sariling braso upang hindi tuluyang makalapit sa'kin ang galit niyang kapatid. May binulong si Killua kay Killian na hindi ko na narinig na nagpatigil sa huli. Mukhang hindi na nito ako sasakmalin pero nanatili namang masama ang tingin sa'kin. Umaariba na naman ang katauhan ni anger kay Killian. Hindi na ako magtataka kung darating ang araw na may mapatay ito dahil sa malala nitong temper, iyon ay kung wala pa nga ba. Kung may sakit lang ako sa puso ay tiyak inaatake na ako tuwing tumututok sa'kin ang galit nitong mga mata. Si Killua naman ang sinampal ko pero itong si Killian ang galit na galit. "Bakit ikaw pa itong galit gayong magnanakaw ka rin ng halik?" hindi napigilang tanong kay Killian. Kailangan kong maging matapang upang hindi nito iisipin na pwede lang nila akong kaya-kayanin. Simula nang makilala ko ang magkapatid na Carson ay sinusubok talaga ang tapang ko! Akala ko noon ay walang sinuman ang pwedeng yumanig sa pagiging kalmado ko sa anumang sitwasyon, pero isang tingin lang mula sa kanila ay nagkanda-letse-letse na ang lahat. "You're calling me a thief?" mahina pero mariing tanong ni Killian. Nakaturo pa ito sa sarili. "Hindi nga ba?" buweltang tanong ko. "First kiss ko iyon! T-tapos napunta lang sa'yo!" Kung galit siya ay syempre kailangan kong maging mas galit dahil ako iyong biktima rito! Nakita kong umaawang ang mga labi niya na tila ba may nakakagulat na narinig. "That was your first kiss," tila windang nitong bulalas. Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto o ano dahil masyadong eksaherada para sa'kin ang reaksiyon ni Killian. Pakiramdam ko ay makakarinig ako ng pang-uuyam mula sa kanya dahil binibigyan ko ng importansya ang siguro ay tinuturing niyang walang kwentang bagay. Paano nga ba maintindihan ng tulad nilang lumaki sa liberated na bansa ang halaga ng first kiss para sa isang katulad ko? "Kalimutan mo na iyon," paingos kong pahayag kapagkuwan bago pa siya makabuo nang pang-iinsulto sa'kin. "Hindi na iyon mahalaga." "Anong hindi mahalaga?" matalim na tanong ni Killian. Napapiksi pa ako dahil sa muli ay full blast na naman ang galit niya. "It's your first kiss!" mariin pa niyang dugtong sa naunang pahayag. "It should be important!" Kailangan niya pa talagang ipagdiinan! Kinukumbinsi ko na nga ang sarili ko huwag nang isipin iyon, dahil hindi ko naman iyon maibabalik. Pero nakakagulat lang na parang importante rin para sa kanya iyong first kiss ko. Iyon nga lang, siya naman ang nagnakaw niyon kaya wala ring saysay ang simpatiya niya. "Hindi naman importante ang first, second, third, o kahit pang-ilang halik pa," nakasimangot kong saad. Labag na labag sa loob ko ang mga pinagsasabi ko, pero dahil silang magkapatid ang kaharap ko ay kailangan kong umastang taliwas sa totoo kong paniniwala. "Mas importante iyong magiging last kiss ko," dugtong ko pa. Pakiramdam ko ay mas tamang iyon din ang iisipin ko. Syempre iyong last kiss ko ay iyong taong makakasama ko habambuhay. "Do you have a death wish?" malamig na tanong ni Killua sa'kin. Natigilan naman ako. Ngayon lang niya ako kinsusap simula no'ng nasampal ko siya kanina. Mukhang masyadong late na ang reaksiyon niya. Malinaw kasi ang panganib na nakaambang sa malamig niyang mga mata habang nakatingin sa'kin. "Talking about your last kiss as if we're not here," nagtatagis ang bagang niyang dugtong. Nalilito naman akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Killian. Dapat ba ay hindi ko babanggitin ang tungkol doon kapag kaharap sila? Mga magnanakaw na nga ng halik tapos pala- desisyon pa! Masyadong spoiled at entitled ang magkapatid na ito. Kesyo mga Carson sila ay kailangan na kagustuhan nila ang masusunod? Malas lang nila dahil matigas ang ulo ko at hindi ako padidikta sa kung anong kapritso nila. "Sorry naman," sarkastiko kong saad. "You're both excuse. Nakakahiya naman sa inyo at kailangan ni'yong pakinggan ang pagkukwento ko—" Biglang naputol ang pagsasalita ko dahil iglap lang ay nasa harapan ko na si Killua. Ang laki ng katawan niya pero ang liksi niyang kumilos, kumurap lang ako ay buong tangkad na siyang nakatunghay sa'kin. "I don't like your tone, Madam Fortune Teller," mahinahon niyang wika pero malinaw naman ang tila pagbabanta sa kanyang tono. "At hindi ako natatakot sa'yo, Mr. Kapre Number Two!" matapang kong sagot. Para kunwari ay wala talaga akong naramdamang kilabot kahit slight. Buti na lang nakaupo pa rin ako sa couch kaya okay lang manginig ang mga tuhod ko. Muntik nang bumuway ang pagiging determinado kong makipagsabayan sa kanya nang unti-unting sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Para akong naengkanto habang pinapanood na lumaki ang pagkakangiti niya hanggang sa naging mahinang tawa ito. Parang nagkaroon siya ng sariling ring light sa paningin ko dahil literal na nagliwanag ang buo niyang mukha habang tumatawa. Kung gwapo na siya kahit emotionless ang mukha niya ay may mas ikagugwapo pa pala siya kapag ganitong tila ang saya niya. "Anong tawag mo sa'kin?" aliw na aliw niyang tanong habang nagpipigil ng tawa. Kailangan ko pang alalaahanin ang huli kong sinabi dahil muntikan ko na itong nakalimutan matapos niya akong gulatin sa masaya niyang pagtawa. "If I'm Number Two, who is Number One?" dagdag-tanong niya bago ko pa masagot ang una niyang katanungan. Wala sa sariling lumipat ang tingin ko sa direksiyon nang nakahalukipkip na si Killian. Magkasalubong ang paningin namin ni Killian at tinaasan ako nito ng kilay. "So, he's Mr. Kapre Number One," pumapalatak na usal ni Killua na nagpabalik ng atensiyon ko sa kanya. Wala naman akong sinabi pero agad na nahulaan ni Killua ang sagot sa tanong niya. Mukhang mas matalino rin siya kumpara kay Killian na sa sulok ng mga mata ko ay nakikita kong kumunot ang noo. Iniisip siguro nito kung paano siya naging Kapre Number One. At least may isang kapintasan akong natuklasan ngayon kay Killian, medyo slow siya! "Why Kapre?" muli ay untag sa'kin ni Killua. "Kasi malalaking tao kayo?" patanong kong sagot. "Hindi iyong estado ang tinutukoy ko kundi iyong physical appearance ninyo," dugtong ko pa. Tuluyan nang umalingawngaw sa paligid ang malakas na tawa ni Killua habang tumaas naman ang sulok ng mga labi ni Killian. Hindi ko alam kung alin ang nakakatawa sa sinabi ko. Hindi ko rin alam kung paano kami napunta sa ganitong usapan. Hindi na nga sila mukhang galit, at tuluyan nang nakalimutan ang tungkol sa pananampal ko kay Killua. Pero may pakiramdam ako na dahil iyon sa inside joke na sila lang ang nakakaalam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD