ELIZA "Thank you so much, Mr. Peterson. It was great working with you." iyon lang ang narinig ko nang makalabas na sa loob ng opisina ko ang aking asawa na si David kasama ang private investigator naming si Mr. Henry Peterson. Sa dalawampu't tatlong taon na lumipas mula nang maisilang ko ang anak naming si Laine at ang pagkawala niya rin mismo nang gabing iyon, ay si Mr. Peterson na ang pinagkatiwalaan naming mag-asawa sa paghahanap sa nawawala naming anak. Kahit walang kasiguraduhan kung buhay pa nga ba ang anak namin noon ay tinanggap pa rin niya ang trabahong ito para sa amin. At sa haba ng panahon na pangangapa namin sa anak naming si Laine ay sa wakas... sa unang pagkakataon sa loob ng dalawampu't tatlong taon ay nakakuha na kami ng impormasyon na makapagtuturo sa pagkawala ng a