ELLY Tahimik ang kabuuan ng bahay nang makababa ako sa sala, alas dose na ng tanghali kaya wala na si Liam dito sa bahay. Limang araw na ang nakalilipas mula nang makilala ko si Tita Liza, mula nang gabing makausap ko siya tungkol sa lahat na nangyari sa buhay ko ay tila ba may kakaibang kalakasan ang naidulot nito sa akin. Maging ang lahat ng sinabi sa akin ni Tita Liza ay may malakas na epekto sa loob ko, kaya parang nagising na lamang ako sa kahibangan ng aking sarili. Mula nang araw na iyon ay wala na akong ganang manglimos ng atensyon kay Liam, parang naging hangin na lamang kami sa isa't isa. Kahit ramdam ko na gusto niya muli akong kausapin ay ako na ang kusang lumalayo. Ayoko nang makaramdam ng anumang sakit na mula sa pagmamahal ko sa kaniya. Pagod na akong masaktan sa paulit