ELLY "How's your feeling, sweetheart? May energy ka na ba ulit, Laine?" nakangiting bungad ni Tita— ni Mama sa akin. Alas nuebe na ng gabi. ilang oras na ang lumipas mula nang tuluyan akong makaalis sa bahay namin ni Liam, ngunit tila ba’y ilang linggo na ang lumipas mula nang mangyari iyon sa akin. Sa dami at halo-halong nangyari sa buhay ko ngayong araw ay hindi ko na ramdam ang oras, para sa akin ay sobrang tagal na nito. Nang magising ako kanina ay nandito na ko sa kuwartong ito. Maganda, malaki, at ramdam na ramdam ko ang kaligtasan ko rito sa kuwartong kinaruruonan ko ngayon. Kanina ko lang din nalaman kung sino sila Tita Liza at Tito David sa buhay ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin magawang rumihestro sa sistema ko ang lahat ng rebelasyon nalaman ko. Parang noong kamakailan