ELLY "Why are you dressed? I already told you last night that I don't want you to go back working on Pioneer, right? Did you see what happened to you yesterday at work? And now you want to go back?" bakas sa boses niya ang inis nang itanong niya sa akin iyon pagkababa ko sa sala ng bahay namin. Nakabihis na ito ngayon at handa nang pumasok sa kumpanya na kahapon ko lang nalaman na pagmamay-ari pala niya. Mula pagka-uwi namin dito sa bahay kahapon, mga bandang alas singko ng hapon ay ramdam ko nang hindi maayos ang pakiramdam ni Liam. Hindi ko matukoy kung dahil ba sa akin at sa nangyari o may iba pa siyang dahilan kaya tila nagbalik ang walang buhay na Liam na nakasanayan ko na. Kagabi bago ako matulog ay pinuntahan niya ako sa kuwarto ko para sabihin na ayaw niya nang magtrabaho ako